You are on page 1of 2

Analohiya sa Wika ng Relihiyon

 Thomas Aquinas:
 Univocal: isang salita at paulit-ulit na ginagamit at hindi nag-iiba ng kahulugan
 Analohiya: kapag hindi masabi kung ito’y univocal o equivocal
 Equivocal: isang salita na mayroong iba’t ibang kahulugan

Wika ng Relihiyon Bilang Asersiyong Di-Kognitibo


 Ang katangian ng wika ng relihiyon bilang isang wikang di-kognitibo ay maituturing na isang
asersiyong di-kognitibo
 Wikang hindi na pinag-iisipan ang kahulugan kung tama o hindi dahil ito’y wikang ginagamit
ng mga mananampalataya
 Sa pamamagitan ng pag-iiba ng mga gawain/ritwal ng bawat relihiyon, nakakabuo sila ng
kani-kanilang termino, simbolo, at senyas para sa pang-unawa ng bawat kasapi nito

Wika ng Relihiyon Bilang Larong Pangwika o Language Game


 Wittgenstein: Wika ng relihiyon bilang isang larong pangwika
o Upang makilahok sa uri ng pamumuhay sa isang relihiyon, kailangang gamitin at
sundin ang kaakibat na wika ng mga ito na nagtataglay ng sarili nitong
panloob/internal na pamantayang nagtatakda kung ano ang tama at mali
 Wika ng Pananampalataya: wikang nilalahukan na set ng magkakaugnay na konsepto na
may kinalaman sa iba’t ibang konteksto.
 Sa larong pangwika, walang pangkalahatang pamantayan sa pagiging makabuluhan nito;
bawat language game ay may kani-kaniyang criterion
 Ang wika ng isang partikular na relihiyon ay maaaring hindi maunawaan ng isang
mananampalatayang hindi kasapi ng relihiyong ito

Wika ng Relihiyon Bilang Senyas/Simbolo


 Ang senyas ang pinakakumong bahagi ng simbolikong wika
o Nakikita sa sining at arkitektura ng Kristiyanismo
o Nagagawang mapaigting ang paniniwala at pananampalataya ng tao sa simple at
hayagang paraan
o Maaaring makakontrol at makapagpasunod sa mga mananampalataya kung ang mga
ito’y ganap nilang nauunawaan o ito’y bahagi ng kanilang doktrina
 Ang mga pagpapakahulugang ito’y nagaganap dahil sa kumbensiyon o pagkakasunduan at
pagkakaunawaan
 Makakalikha at magagamit ng relihiyon ang wika bilang lohikal na senyas na nakakabuo ng
isang sign statement
 Nagkakaroon ng kapangyarihan ang senyas na sundin at paniwalaan dahil sa ipinahahayag
nito mula sa isinasaad ng mga salita ng Bibliya

Wika ng Relihiyon Bilang Kontrol


 Hindi neutral ang wika ng relihiyon
 Kapangyarihan ng wika ng relihiyon na kontrolin ang buhay ng isang mananampalataya
dahil sa mababang pagtingin nito sa sarili kumpara sa mga banay na may kapangyarihang
makipag-ugnayan sa supernatural being
 Isinasaloob ng indibidwal ang kanyang relihiyon gaya ng pagsasaloob niya sa wika nito

You might also like