You are on page 1of 3

Aralin 2:

Sitwasyong Pangwika sa Pelikula, Kalakalan,


Edukasyon, at Pamahalaan
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula

Kasanayan 2.1: Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na


pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
Ayon sa Wikipedia, ang PELIKULA, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay
isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan,
kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang
pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na
pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.
Sitwasyong Pangwika sa Pelikula
1. Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.

2. Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.

3. Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang sa


kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.

4. Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan ng bansa
ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

5. Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan ng


propesyonalismo.
Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

1. Ingles ang pangunahing ginagamit sa pakikipag komunikasyon maging sa mga dokumentong


ginagamit

2. Gumamit rin ng Filipino kapag nag-iindorso ng produkto sa mga mamayang Pilipino.


Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o pareho. Tinatawag
din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay
tinatawag na pamilihan. Ang pinagmulan ng kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng
mga produkto at mga serbisyo. Ang mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo
nang pangkalahatan sa halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng salapi. Ang
bunga nito ay ang paghihiwalay ng pamimili sa pagtitinda, o pag-iipon. Ang pag-imbento
ng salapi (at sumunod ang salaping pautang, salaping papel at di-pisikal na salapi) ay
nagpapagaan sa takbo ng kalakalan. Ang kalakalan na may pagitan ng dalawang
mangangalakal ay tinatawag na kalakalang bilateral, samantala ang kalakalan na may higit
sa dalawang mangangalakal ay tinatawag na kalakalang multilateral.

Ang pag-iiral ng kalakalan ay may maraming dahilan. Nang dahil sa pagpapakadalubhasa at


pagkakahati ng paggawa, karamihan sa mga tao ay nakatutok sa maliit na aspekto ng
produksiyon, pangangalakal para sa ibang mga produkto. Umiiral ang kalakalan sa pagitan
ng mga rehiyon dahil ang iba't ibang rehiyon ay may mga pahambing na kainaman sa
produksiyon ng ibang kalakal, o dahil sa lawak ng iba't ibang rehiyon na pinapahintulutan
para sa benepisyo ng maramihang produksiyong tulad ng mga presyo sa pamilihan sa
pagitan ng mga kinaroroonan ay napapakinabangan ng parehong lunan.

Ang pangangalakal ay tumutukoy rin sa mga aksiyon na ginagampanan ng


mga mangangalakal at ang mga ibang ahenteng pangkalakalan sa mga kalakalang
pampananalapi.
Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan

1. Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang SONA bilang
pagpapakita ng pagpapahalaga rito.

2. Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad nahahanapan
ng katumbas sa wikang Filipino.
 

Ang pamahalaan o gobyerno ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at


magpatupad ng batas sa isang nasasakupang teritoryo. Ito rin ay may kapangyarihan na
magbigay ng mga pangangailangan ng mga mamamayan ng nasasakupang teritoryo.
Maraming kahulugan kung ano ang binubuo ng isang pamahalaan.

Nag-ugat ang terminong "pamahalaan" mula sa salitang bahala na may kahulugang pag-


aako o responsabilidad, na dinagdagan ng mga panlaping pang- at -an.

Nabigyan ng kahulugan ang pamahalaan bilang ang makapangyarihang braso na


gumagawa ng pasya sa estado. Nabigyan ng kahulugan ang huli (ni Max Weber, isang
ekonomistang pampolitika at sa bandang huli pilosopiyang pampolitika) bilang isang
organisasyon na hinahawak ang monopolyo sa lehitimong paggamit ng dahas sa loob ng
kanyang nasasakupan. Kung titignan sa maka-etikang termino, bukas sa usapin ang
kahulugan ng "lehitimo", at nangangahulugan na kinukunsidera na isang estado para sa
mga tagataguyod ang organisasyon ngunit di sa mga nagpapababa ng dangal nito.
Binibigyan ng kahulugan ng ilan ang "lehitimo" bilang pagsangkot sa aktibo at walang
kibong suporta ng nakakarami sa populasyon, i.e., ang kawalan ng digmaang sibil. (Hindi
isang estado ang isang entidad na binabahagi ang kapangyarihan ng militar/pulis kasama
ang malayang milisya at mandarambong. Maaaring "di nagtagumpay na estado.")
Pinapalakas ng maka-demokratikong pagkontrol sa pamahalaan - at sa ganitong paraan
ang estado - ang pagiging lehitimo nito.

Maaari din na ang kahulugan ng pamahalaan bilang isang pampolitika na pamamaraan ng


paglikha at pagpapatupad ng batas; kadalasan sa pamamagitan
ng burukrasyang herarkiya. Sa ganitong kahulugan, hindi inaayunan bilang isang
pamahalaan ang isang purong despotikong organisasyon na kinokontrol ang isang
nasasakupan na walang sinasaad na batas.
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon

1. DepEd Order No. 74 of 2009


 K hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo.
 Sa mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles)
Ang edukasyon o pagtuturo ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang
kasanayan, at ang pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Isa sa mga
pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na salinlahi.
Ang edukasyon ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa
upang maging produktibo ang bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

You might also like