You are on page 1of 4

Filipino Bilang Larangan Filipino sa Iba’t Ibang Larangan

Larangan - Sa salitang Ingles, ang laarangan ay field, field of knowledge, area of sphere.
- Ito ay ang partikular na sangay ng pag-aaral o karera ng isang aktibidad o interes.

Tatlong Uri ng Larangan ng Wika (3 Types of Language Domain)

 Di Mahalagang Larangan ng Wika


Non-Controlling Domain of Language (NCD)
 Medyo Mahalagang Laranga ng Wika
Semi-Controlling Domain of Language (SCD)
 Mahalagang Larangan ng Wika
Controlling Domain of Language (CD)

DI MAHALAGANG LARANGAN NG WIKA


Non-Controlling Domain of Language
- Maaring makasulat at maaring gamitin sa kahit anong wika.
- Halimbawa: Ang larangan ng Tahanan at ang Larangan ng Lingua Franca
MEDYO MAHALAGANG LARANGAN NG WIKA
Semi-Controlling Domain of Language
- Ang mga larangan kung saan ang pagsusulat ay hindi sapilitan.
- Halimbawa: Relehiyon at Libangan (Entertainment)
MAHALAGANG LARANGAN NG WIKA
Controlling Domain of Language
- Ay ang larangan na nangangailangan ng mabuti at wastong pagbasa at pagsulat. Ang wika na
kailangan gamitin sa mahalagang larangan ay ang tinatawag sa Ingles na learned language.
Ito ang mga larangan ng wika na dapat bigyan ng pansin ng mga taga pagpataguyod ng
wikang Filipino. Nangangailangan ng Intelektwalisasyon
ILAN SA MGA IMPORTANTE / MAHAHALAGANG LARANGAN
1. Edukasyon (Lalo na ang Hayskul at ang Pamantasan)
2. Pamahalaan
3. Pagbabatas
4. Hukuman
5. Agham at Teknolohiya
6. Negosyo, Pangkalakalan at Industriya
7. Mga Propesyon na may bahaging larangan (subdomain) tulad ng medisina, abogasya atb.
8. Mass Media (Broadcast and Print)
9. Literatura

KATANGIAN NG MAHAHALAGANG LARANGAN NG WIKA


1. Kailangan Pag-aralan at Gamitin
2. Ang wikang ginagamit ay specialized at learned. Kinakailangan ng kaalaman na tiyak.
3. Kailangan ito ay precise language o tiyak, tumpak, at ganap na salita
4. Ito ay naiipon (cumulative). Kinakailangan malaman ang karunungan ng nakalipas (past knowledge) at
kasalukuyan
5. Ang pagdami ng kaalaman sa mahalagang larangan ng wika ay mabilis. Ang kasalukuyang karunungan
ay nasa bagong mga aklat at journals at pananaliksik na papel.

Ang wika ay kasama sa pagsulong ng teknolohiya at komunikasyon. Ang lahat ng mga


bagong imbensiyon na nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t ibang parte ng mundo. Marami
sa mga ito ay isinasaaklat, iniialagay sa mga dyornal at report (maging siyentipiko o
teknikal) upang mabasa at maging bahagi ng tinatawag na technology transfer.
Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad. Maging sa pagsulong ng kultura,
edukasyon, agham, sining, at humanidades, kinakailangan ng isang wikang ginagamit at
nauunawaan ng sambayanan.

WIKANG FILIPINO SA AGHAM PANLIPUNAN (Batas at Politika)


Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan ng namamahala (ang
pamahalaan) at ng pinamamahalaan (ang mga mamamayan). Dahil dito, dapat gamitin
ang wika sa komunikasyon ng bayan para magkaunawaan.  
Kung gayon, dapat gamitin ang wikang Filipino sa batas at politika. Dapat ding maging
lengguwahe ng hukuman ang wikang ito. Tandaan nating habang mangmang ang bayan
sa batas, hindi mangingimi ang mga tao sa paggawa ng kabuktutan at katiwalian—mga
bagay na hadlang sa ninanais nating kaunlaran.
Samakatwid, susi ang wikang Filipino sa politika ng batas, sa pagpapalaganap ng
katarungan, at pagsugpo sa krimen na lumalaganap sa administrasyon ng batas at
politika. Ang layuning magkaisa ang ating lahi sa ilalim ng katarungan at karangalang
mahango ang mga nabubuhay sa karalitaan, kawalang-muwang, at kawalan ng
pagkakataon upang sila man ay maging sangkap ng isang pamayanang pampolitika ay
magaganap lamang kung ang ating mga batas ay maisasalin sa wikang Filipino at ang
wikang ito ay gagamiting wika sa mga hukuman at sa mga batasan kung saan ginagawa
ang batas.

WIKANG FILIPINO SA HUMANIDADES


Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at saloobin na
nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay.
Kung susuriing mabuti, wika ang may pinakamalaking papel na ginagampanan sa
larangang ito—ang Humanidades. Sa ngayon, higit nang malawak ang saklaw nito
sapagkat maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika, estruktura, at iba pang
makataong sining at ang mabuti at wastong pagtugon dito.

Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang ito, pati na ang ating sarili at
higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha ito at gawi ng ibang
tao.

“Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang larangang Humanidades, pati na
ang ating sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwalang likha
ito at gawa ng ibang tao.”

WIKANG FILIPINO SA AGHAM AT TEKNOLIHIYA


Sa pagbabago ng panahon at lipunan, natural lamang na sumabay ang wika sa mga
pagbabago’t modernisasyon ng lipunang gumagamit nito.
lto ang hamon ng pagpasok ng bagong siglo sa mga edukador at tagapagpalaganap ng
wikang Filipino. Kailangang magamit ang Filipino sa pagtuturo at pagsusulat sa larangan
ng Agham, Matematika, at Teknolohiya. Ayon sa kanila, ang paggamit ng ay nagdudulot
ng mahusay, mabilis, at mabisang pag-unawa sa mga asignaturang siyentipiko at
teknikal.

WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA


Tayo ay pumapasok na sa bagong siglo. Ito ang daigdig ng cyberworld. Nasa paligid natin at
kaniig ang mga web site, Internet, e-mail, fax machine, at iba pang kagamitan tungo sa mabilis
na daluyan ng komunikasyon.
Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at industriya. Ito rin ang
lengguwahe sa cyberspace. Ingles din ang wikang ginagamit ng mga mangangalakal sa
pakikipag-ugnayan sa mga banyaga at malalaking negosyante.

“Mahalaga talaga ang wikang Filipino sa Negosyo at Industriya. Kahit na sa daigdig ng


cyberspace, ng mga babasahin tungkol sa larangang pangkabuhayan, at iba pang may
kinalaman sa negosyo at kalakal. Filipino pa rin ang iiral at mangungunang wika ngayon
at sa darating pang panahon.”

– Bro. Andrew Gonzales


WIKANG FILIPINO SA SOCIAL MEDIA
Ang social media ay gumagawa upang mapadali ang lahat sa kasaysayan lalong lalo na sa aspeto
ng pagbabago ng wika.

Ang social media ay tumutukoy sa sistemang pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila
ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya saisang
virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng
mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyonng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa
p a g l i k h a a t pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.

Ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga
komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuong gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isangmatibay at malaganap na
pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.

“Ang wikang Filipino ang ginagamit natin upang mapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan.
Ang wikang Filipino ay sadyang napakahalaga sa pamamagitan ng pambansang wika kaya
nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa
karatig nito.”

“Ang pambansang Wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan, sagisag ng


pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang Pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod buklod ng
damdamin at diwa ng mga mamamayan.”

You might also like