Professional Documents
Culture Documents
Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng
komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan
nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay
behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang
matamo ang mga pangangailangang ito. Samakatwid, ang pahayag na ito ni Constantino
ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-
araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na masatisfay ang
kanyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging
instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang
paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang
wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado.
Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago ang katawagang pagpaplanong pangwika
o language planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga maaaring pagpiliang wika
mula sa isang komunidad para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral ng PP
ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang lipunan, kung saan, ito ay
kinapapalooban ng pagkalap ng mga datos o informasyon upang bumuo ng desisyon
kaugnay sa kung anong wika ang pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan
(Eastman, 1982).
Sa kabilang banda, ang ikalawa, ang pagpili sa wika ang kadalasang nauuna sa
konsiderasyon bago pa man ito sumailalim sa formulasyon, kodifikasyon, elaborasyon at
implementasyon.
1. Norm Selection
2. Codification
3. Elaboration
4. Implementation
Tungo sa pag-iistandardays ng wika, mahalagang makapamili muna ng wika,
makodipika ito sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na preparasyon o ng mga
kagamitan (libro, ensaklopidya at iba pang mga nasusulat na materyal). Matapos nito,
kinakailangan na maging malawakan ang pagpapagamit nito sa iba’t ibang domeyn
tulad ng: simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa. Malaki ang papel ng
domain sa estandardisasyon dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika.
ATITUDES
Samantala, inilahad ni Acuna (1994) na ang mga pambansang wika sa buong mundo ay
maaaring iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider communication; confined,
independent and intellectualized national languages; and developing national
languages. Ang unang uri ay tumutukoy sa popular na mga internasyunal na wika gaya
ng: Ingles, Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay ginagamit bilang mga
kontroling na domeyn sa paggawa (work) at iba pa. Samantala, ang ikalawang uri
naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong wika na saklaw lamang ang bansang
pinaggagamitan nito. Ang wikang ito ay sapat na upang magamit sa lahat ng domeyn ng
isang bansa. Halimbawa ng mga bansang ito ay ang Korea at Japan. At ang panghuling
uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa proseso pa lamang ang
intelektwalisasyon ng wika gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa mga bansa
kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdebelop sa tinawag ni Sibayan na idyomang
pedagojikal.
Kung kaya, ani Espiritu at Catacataca (2005) mula kay Sibayan (1988), para
maisakatuparan ito, pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang
manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isang idyomang pedagojikal sa Filipino. Ang
idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian,
patnubay at iba pang mga kagamitang panturo na magagamit mula sa unang baytang sa
elementarya hanggang antas tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga
teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan
ng pagtuturo. Kung babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan, ang wika ay
kailangang NASUSULAT para masabing intelektwalisado ito.
Gayumpaman, may apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo,
marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa
pasalita. Pangalawa, ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan
kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba
pang referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba
pang intelektwalisadong wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad at
tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba’t ibang
larangan o bahaging-larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil
tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika.
Ani Sibayan, mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang
intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang
bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema, kung
kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa
intelektwalisasyon. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod:
Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng
bawat Pilipino habang patuloy na dinidibelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito
gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at
intelektwalisasyon ng ating wika – ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng
mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa.
3.0 Gawain