You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

GRADE 11

Ano ng aba ang wika?

Ayon kay( Henry Gleason)

“Ang WIKA ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog, na pinili at isinaayos sa


paraang arbitraryo, na ginagamit sa komunikasyon ng tao na kabilang sa isang kultura.”
WIKA: ( Sistema, Pinakaelaboreyt, pangunahin, tunog, pasulat na letra, arbitraryo,
simbolo,kodipikado,galaw, kilos )
Mga konseptong Pangwika
a. Wikang pambanasa
Ito ay ang natatanging wika na representasyon ng isang bansa at may koneksyon
sa lahat ng wikang umiiral sa bansa.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito dapat
ay payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang
wika ( SB 1987, Art.XIV,SEK.6 )
b. Wikang opisyal
Ito ay tinadhana ng batas para sa wikang gagamitin sa komunikasyon.
c. Wikang Panturo
Ito ay wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng paaralan

MOTHER TONGUE BASEDMULTI LINGUAL EDUCATION


- Mga rehiyunal na wika
d. Wikang Bilingguwalismo
Ito ay tungkol sa kakayahan ng isang tao na magsasalita ng dalawang wika. ( mas
malikhain, magaling sa pagplano at paglutas. )

APAT NA LAYUNIN NG BEP ( Bilingual Education Policy )


1. Maging mahusay ang mga estudyante sa dalawang wika
2. Mapaunlad ang wikang Pilipino
3. Maging wikang literasi at magamit sa elaborasyon at intelekuwalisasyon ang Filipino
4. Mapanatili ang English bilang internasyunal na wika at maging wika ng Science and
Technology.

MUTILINGGUWALISMO
Ito ay tungkol sa kakayahan ng isang tao na makaunawa at makapagsalita ng iba’t-
ibang wika
Tatlong bahagi na sumusuporta sa MTB – MLE
1. Nagpapataas ng kalidad ng edukasyon na nakabatay sa kaalaman at karanasan ng
mga estudyante at guro.
2. Promosyon sa pagkakapantay-pantay sa lipunan na iba-iba ang wika.
3. Pagpapalakas ng multicultural na edukasyon
GUIDELINES ON THE IMPLEMENTATION OF THE MTB-MLE ( DEPED ORDER 16
SERIES OF 2012 )
1. Pagpapaunlad ng wika para sa metatag na edukasyon at pagkatuto
2. Pagunlad ng Higher Order Thinking Skills
3. Akademikong pag-unlad na maghahanda sa mga estudyante na galingan ang
pagkatuto sa iba’t-ibang disiplina.
4. Pag-unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga at
pagmamalaki ng mga estudyante sa pinagmulan nila.
Ayon kay (RUBIN , 1992)
Ang pag-aaral ng wika ay pag-aaral ng kultura ng mga taong gumagamit ng wikang
iyon.

UNANG WIKA ( katutubong wika o first language )


- Ayang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao simula ng pagkapanganak
hanggang kasalukuyan, At nagagamit at nauunawaan ito ng mabisa.
Tha native speaker: an achievable model
1. Natutuhan niya ito noong bata pa siya
2. May kakayahan itong makabuo ng mga mataas diskurso
3. May puntong dayalektal sa unang wika
IKALAWANG WIKA
- Ito ay ang wikang natutuhan ng isang tao labas pa sa una niyang wika
TEORYA NG SECOND LANGUAGE ACQUISITION
Ang acquiring ay isang natural na proseso habang ang learning ay kinasasangkutan
ng malay o sadyang desisyon nap ag-aralan ang wika
ANO ANG LINGUWISTIKONG KOMUNIDAD?
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taong gumagamit sa iisang uri o homogeneous na
barayti ng mga salita at nagkakaunawan sila sa paggmit nito.
Ang mga salitang ginagamit ay napagkasunduan at nauunawaan ng mga kabilang sa
grupo
Halimbawa ng homogeneous
Sektor-union o samahan ng mga manggagawa
Grupong Pormal- mga grupo sa simbahan. Eskwelahan o gobyerno
Grupong impormal- magkakaibigan

MULTIKULTURAL NA KOMUNIDAD
Ay ang pagkaiba-iba ng kultura ng mga tao na nasa isang komunidad

MGA SALITANG GINAGAMIT


Lingua Franca (pagkaiba-iba )
HALIMBAWA NG HETEROGENEOUS

1. INTERNATIONAL
UNICEF sila ang nagbibigay ng pangunahing serbisyo sa pangangalaga sa
kalusugan, nutrisyon, edukasyon, kalinisan at sa kaunlaran sa kababaihan sa mga
umuunlad na bansa.
UNITED NATION non profit na organisasyon para paunlarainang kooperasyon sa
politika at ekonomiya

2. REHIYUNAL
Ito ay samahan ng mga demokratikong European na bansa na ang hangarin ay ang
kapayapaan at kaunlaran.

3. ORGANISASYUNAL
HAL. Microsoft, google, nestle

KATANGIAN NG WIKA:
a. Masistemang balangkas
Lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo

PONOLOHIYA---- MORPOLOHIYA---- -SINTAKS ------- SEMANTIKA


Ponolohiya- (mula salitang Griyego: phone, tunog, boses” ) o palatunugan ay sangay ng
linggwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema.
Morpolohiya ( lingguwistika )- ay ang sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng morpema (
morpheme ) o ang pinakamaliit nay unit ng tunog na may kahulugan.
Sintaks-ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap.
Semantiks – pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihinng salita, kataga, o wika
b. Sinasalitang tunog
Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga component ng bibig
Ang nalilikhang tunog sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o makabuluhang
tunog.

c. Pinipili at sinasaayos sa paraang arbitraryo


Ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang
komunidad.
Tagalog Ingles waray
Itlog egg bunay

d. Kabuhol ng kultura
Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito kabilang sa
isang lipunang may umiiral na kultura.

e. Ginagamit sa komunikasyon
Nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na paggamit ditto ng tao sa komunikasyon

You might also like