You are on page 1of 39

LINGUISTIC

ENFRANCHISEMENT:
Saligang Etika, Moral at Pulitikal na
Karapatang Pangwika
Ito ay ang pagsasa-karapatan ng
anumang etniko o bayan o
nasyonalidad sa pagpapaunlad ng
sariling wika, at dahil sa
pagpapaunlad ng sariling wika,
layunin din nito na paunlarin ang sarili.
•Ito ay isang sistemang
kinapapalooban ng
pagpapahalagang moral, sosyal
at kultural ng isang lipunan.

•Bawat desisyong ating ginagawa


ay may kaloob na etikal na
dimensyon.
SPEAK ENGLISH POLICY
• Mula sa sanaysay na aking nabasa, “isang
malaking kahangalan kung ang ganitong
patakaran– na buong katapangang naka-
displey pa sa isang karatulang may babalang
“ Speak English”– ay matatagpuan sa
anumang bansang may paggalang sa sarili.
Kung ang ganitong karatula ay ilagay sa isang
Unibersidad sa Paris o sa Mexico o Madrid,
baka maging sanhi ito ng riot—kung hindi man
maging tampulan ito ng katatawan”.
EDUKASYON:
Karapatan ng mga Pilipino na mag-aral
sa wikang Filipino, mula unang grado
hanggang matapos nila ang
pinakamataas na antas ng
karunungan—na tanging Filipino lamang
ang kanilang gamit kung ito ang
kanilang hangad. Ito ay isang
pambansang Karapatan, Karapatan ng
bawat Pilipino, Tagalog man, Bisaya o
Bangsamoro.
•Karapatan ng Pinoy na
matuto sa wikang alam niya
at karapatan niya ang
maging doktor at abogado
na ang pambansang wika
niya ang naging tulay upang
makamit ito .
•Saksi tayo na ang Karapatan ng
karaniwang mamamayan ay madalas na
yurakan sapagkat marami sa mga
mahihirap na nasasakdal ay hindi alam
ang nangyayari o hindi nila nauuwaan
ang mga pinag-uusapan sa usaping
sangkot sila.Ito ay malalang pagyurak sa
kanilang karapatang pantao, dahil sa
pagyurak sa kanilang Karapatan sa wika.
GOBYERNO
“Filipino ang dapat
gamitin sa pagkakataong
kailangan nating
kausapin ang
sambayanang Filipino”.
• May Karapatan ba ang bayan na ang mga batas
trapiko ay asahan nilang sa Filipino dapat isulat?
Hindi lamang isang karapatang legal ito, kundi
obligasyon ng gobyerno na isulat ang mga batas
trapiko sa wikang mas mauunawaan ng
nakararami--- at ito ay may praktikal na
konsiderasyon, na malinaw na may kaugnayan sa
kaligtasang-bayan o public safety. Kung
kinakailangan, mabuting samahan pa ng katumbas
sa Ingles at sa wikang katutubo---ngunit obligasyon
ang isulat ito sa pambansang wika.
PRODUKTO
• Sa negosyo, malinaw ang Karapatan ng mga
Pilipino na maunawaan ang lahat ng mga
transaksiyong kanilang pinasukan. (ATM
MACHINE)
• Karapatan din ng mga Pinoy na lahat ng
instrumento ng pangungutang, mga batas sa
pagpapautang, mga alituntunin sa credit
cards, at iba pang sensitibong financial
instruments– ay masulat sa wikang
nauunawaan ng nakararami.
MORAL
•Ang moral na karapatang
pangwika ay hindi
maaaring ipwersa sa tao na
sapilitan itong gamitin na
kailangan nito(wika)upang
lalo itong umunlad.
•Ngunit, dahil tayong mga tao
lamang ang may kapangyarihang
moral, ang karapatang gamitin ang
ating wika ay tinatawag na moral
na kilos. Dahil sa karapatang
ito,may obligasyon ang tao na
akuin at tuparin ang kanyang mga
tungkulin na ang isang katutubong
wika ang mahalin at pagyamanin.
https://www.youtube.com/watch?v=tYLFoUTJuGU
• Pinaliligiran ang Pilipinas ng mga bansang may
sariling pambansang wikang ginagamit sa edukasyon
sa pinakamataas na antas. Nilinlang tayo ng ilang
mga LANGUAGE POLICY MAKERS ng ating bansa, sa
pagtukoy sa FILIPINO bilang sanhi ng umano’y
pagbagsak ng kwalidad ng edukasyon, at sinisi sa
gayong pagbagsak ang paggamit ng Tagalog bilang
medium of instruction.Samantalang napakalinaw na
ang pagbagsak ng standards sa matematika at
agham ay maaaring dahil na rin sa midyum na
ginagamit sa pagtuturo ng matematika at agham---
ay INGLES, hindi FILIPINO, ang midyum sa pagtuturo
ng mathematics at science.
• Ikinalat din ng mga ito na “patuloy” raw ang
pagbagsak ng English competitiveness ng
Pilipinas, samantalang ang katotohanan ay
ito: walang bansa sa mundo na may
katumbas na achievement ng Pilipinas sa
pagtuturo ng wikang Ingles. Kung may
naging matagumpay man ang sistema natin
sa edukasyon, isa rito ang malawak na
paggamit ng wikang Ingles sa ating bansa,
na hindi ko nakikita na kayang pantayan
maging ng bansang Hapon at Korea.
•Sa kabila ng mga panlilinlang, may
isang bagay na dapat mabatid ang
mga Pilipinong may pagmamahal sa
sariling bayan: Kailangang harapin
natin ang mga pagsubok na darating
na mga siglo, at sa kompetisyong ito,
kailangan ng mga Pinoy na may tiwala
at respeto sa sarili.
POLITIKAL
• Ito ay karunungan sa pagtatatag ng
estado. (ARISTOTLE)

“Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng


pagkontrol sa kamay ng mga
makapangyarihan, at instrumento naman
ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa
parte ng mga biktima ng kapangyarihan”.

- Politika ng Wika, Wika ng Politika


•Mas madalas gamitin ang Pambansang
Wika sa usaping political.
( Constantino,2005)
•Ang wika ay may kakayahang
magkontrol at baguhin ang isip at
damdamin ng tao.
•Ang wika ay humahati sa mga tao.
(Randolf David)
•Ang wika ay pasaporte sa sirkulasyon
ng kapangyarihan. (De Quiros)
•Walang matayog, mahirap o
abstraktong kaisipan na hindi
maaaring ihayag sa sariling
wika.
Ayon kay Ralph Recto:
Wika ng Pagbabago;
Ang wika ay tulay sa
pamahalaan at mamamayan.
KONKLUSYON:
•Ang wikang gamit sa politika
ay Wikang Filipino
samantalang sa batas ay
Wikang Ingles.
SANGGUNIAN:
• https://www.coursehero.com/file/44240129/Linguistic-
Enfranchisementdocx/
• https://www.google.com/search?q=moralidad&source=lnms&tbm=isch&sa=
X&ved=0ahUKEwintvnsiarkAhUYxYsBHTQdDHUQ_AUIESgB#imgrc=_
• https://www.google.com/search?biw=1366&bih=625&tbm=isch&sa=1&ei=hM
5oXfz0GrPomAWgjJHoCQ&q=etika+bilang+karapatang+pangwika&oq=etik
a+bilang+karapatang+pangwika&gs_l=img.3...7051.15834..16129...0.0..0.287.
3743.0j25j2......0....1..gws-wiz-
img.......0i67j0i30j0i5i30j0i8i30.9ZP5hSh2AAE&ved=0ahUKEwj8xtHJh6rkAhUzNK
YKHSBGBJ0Q4dUDCAY&uact=5#imgrc=YNgRKMLBxhJ0IM:
• http://news.abs-cbn.com/life/08/08/17
• https://www.youtube.com/watch?v=tYLFoUTJuGU
Maraming Salamat Po!

Inihanda ni: Bb. Chona C. Maralit
MAED-Filipino

You might also like