You are on page 1of 3

Aralin 1:

Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas


Sitwasyong Pangwika: Larangan ng Midya
Kasanayan 1.1: Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag
mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon

MGA SITWASYONG PANGWIKA: LARANGAN NG MIDYA

Ang iba’t ibang espisipikong larangang pangmidya ay may malaking papel na


gampanin sa pagpapaunlad ng ating wikang pambansa. Ang mga pahayagan,
telebisyon, radyo at maging ang kompyuter ay naging katuwang sa pang araw-araw na
gawain ng mga tao. Dati rati’y ay pahayagan, telebisyon at radyo lamang ang
pinagkukunan ng mga balita ng mamamayan. Sa pag-usbong ng internet na bahagi na
ng teknolohiyang kompyuter, naging mas impluwensyal ito mapalokal man o global.

Malakas ang impact ng midya dahil sa lawak ng naaabot nito at mahalaga ang papel
ng midya sa pagpapaunlad ng ating wika. Kaya may barayti ng wika itong naikikintal sa
tagatanggap. Mahalagang bigyang pansin ang pag –unlad ng larangang ito upang
maunawaan kung bakit mahalaga ang usaping pangwika.
Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon
1. Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.

2. Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang


malalayong pulo at ibang bansa.

3. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga


lokal na channel.

4. Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na  gumagamit ng


wikang Filipino ay mga teleserye, mga  pantanghaliang palabas, mga magazine show,
news and public affairs, reality show at iba pang programang  pantelebisyon.

5. Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang  mga teleserye


o pantanghaling programa na  sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong 
manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng  mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at  nakakapagsalita ng wikang Filipino.
Dulot ng Wika sa Telebisyon
 Kinahihiligang pampalipas oras ang panonod ng telebisyon (teleserye, paligsahan
 Maituturing na impluwensyal na behikulo sa paghahatid ng impormasyon.
 Nakakatulong sa pagpapalaganap ng wikang ginagamit sa palabas man o patalastas.
 MTRCB- Movie and Television Review and Classification Board ang nagmomonitor
sa bawat palabas. Mayroong patnubay na General Patronage (GP), Parental Guidance
(PG) o Strict Parental Guidance (SPG) upang maihanda ang manonood sa kanilang
matutunghayan.
 May malakas na hatak at impluwensya sa paghubog ng wikang Filipino ng mga
estudyante sa larangan ng mga programang Telenobela, Patalastas, Balita at iba pa
 Siyentipikong nagpapakita ng preperensiya sa mga salitang gagamit ng mga
nagsusulat ng balita, entertainment show at mga telenobela.

Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo


1. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.

2. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.

3. Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Wikang Filipino naman sa


tabloid.

4. Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila ang
wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:

· Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit agad ang


mambabasa.

· Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad

· Hindi pormal ang mga salita.


Wika sa Pamamahayag sa Radyo
 Ang pamamahayag sa radyo ay isang one-way wireless transmission sa
pamamagitan ng radio waves na naglalayong maabot ang mga tagapakinig.
 Ang brodkast sa radio ay nagsimula sa taong 1922 nang subukan ng isang
Amerikanong magbrodkast mula sa Nichols Air base.
 Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas- kilalang organisasyon na
nangangasiwa sa regulasyon ng mga istyasyon sa buong bansa.
 ABS-CBN at GMA- malalaking kumpanya na may malawakang coverage na umaabot
sa buong bansa
 Wika Sa Pahayagan



LIMANG KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY AT
MAKABULUHANG BALITA
 1. Balanse at walang pagkiling- laging tandaan na may dalawang panig
na sangkot. Sa pagbabalita iwasan na makabuo ng ibang pagpapakahulugan ang
mambabasa o tagapakinig sa iyong ibinabalita.
 - Iwasan ang mga salitang mayroong dalawang pagpapakahulugan at maging
pantay lalo na kung may mga taong sangkot.
 2. Kawastuhan - tiyakin na nakuha ang lahat ng wastong detalye ng balita, mula sa
ngalan ng mga taong sangkot, petsa ng kaganapan, pook at lahat ng detalye na
makatutulong sa mambabasa o tagapakinig na maunawaan ang buong balita.
 -tiyakin na wasto ang pagbabaybay, eksakto ang mga siniping salita at walang
dagdag o bawas sa mga salita.
 3. Atribusyon - mahalagang itala ang tiyak na pinaghanguan ng
impormasyon. Bukod sa pangalan ay ilakip ang katungkulan upang magkaroon ng
timbang ang balita. Itala ang organisasyon o designasyon kung nakapanayam ay
ang taong kumakatawan lamang.
 -Kung mismong ikaw ang nakasaksi sa pangyayari hindi na kinakailangan itala ang
pinagkunan.
 4. Kaiklian - bagaman kailangang kumpleto ang mga detalye, hindi naman
ito nangangahulugan na kailangang mahaba ang balita. Mahalagang itala ang
impormasyon sa paraang maikli ngunit malaman at mapagkakatiwalaan.
 5. Kalinawan - tandaan: Ang pagbabalita ay may layong makapagbigay
ng karagdagang impormasyon sa mambabasa o tagapakinig. Hindi
nangangahulugang ito ay mahaba. Ang panimula ay nararapat na nakakatawag
pansin, katawang bahagi ay naglalaman ng mga talatang nakatuon sa isang
detalye sa bawat talata. Dapat kumpleto sa mahahalagang impormasyon.

You might also like