You are on page 1of 3

Panglan:__________________________________ Baitang/Sek:____________________________

Ikalawang Markahan Unang Semestri Petsa:__________________________________

GAWAING PAGKATUTO
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
Baitang II
I. PANIMULA/SUSING KONSEPTO

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Ang wikang Filipino ay may malaking kaugnayan sa Mass Media sa kasalukuyang panahon sa
ating pang-araw-araw na pakikisalamuha sa mga taong nasa ating paligid, sa pagkakabatid natin sa lahat
ng mga pangyayari sa ating paligid, ang pakikipag-usap natin sa mga taong may kabuluhan sa ating
buhay malayo man o malapit. Ang Mass Media ay masasabi nating naging daan upang maiparating natin
sa kinauukulan ang lahat ng ating mga mungkahi o mga hinaing, mass media rin ang nagpaparating sa
atin ng kung ano ang mga pagbabago na nangyayari sa ating bansa, o maging sa mga taong kilala natin.
Bagamat mas maraming banyaga kaysa local na pelikula ang naipapalabas sa ating bansa taon-taon. Ang
mga local na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit ding
tinatangkilik ng mga manonood. Katulad ng telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radio. Ang
halos lahat ng mga estasyon sa radio sa AM man o sa FM ay gumagamit ng Filipino sa iba’t-ibang barayti
nito. Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mamamayang naaabot nito. Ang magandang balita, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa
telebisyon ng ating bansa

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

 Natutukoy ang iba’t-ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radio at telebisyon. (F11PN-IIa-88)

III. PANUTO

 Manood/makinig sa isang sa inyong paboritong istasyon ng radyo at TV ng isang


napapanahong balita/panayam at programa. Pagkatapos, ibigay ang katangian ng
bawat isa batay sa paggamit ng wika. Ilagay ang inyong sagot sa kahon.

RADYO TELEBISYON
IV. GABAY NA TANONG

1. Magbigay ng halimbawa ng mass media? Ano ang mas madalas tangkilikin ng mga Pilipino?

2. Ano ang naging bahagi, ambag at impluwensya ng wikang Filipino sa radyo at telebisyon?

V. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Pamantayan 1 2 3
Pahayag na naitala Walang pahayag na May 3 hanggang 4 na May 4 hanggang 5
naitala pahayag ang naitala. pahayag ang naitala
Paggamit ng salita Hindi maayos at di Katamtamang husay Napakaayos at
angkop ang salitang ang salitang ginamit napakahusay ng ginamit
ginamit na salita
Kaisipan Walang pagkakaugnay May 2 hanggang 3 diwa Napakahusay ng
ang mga diwa ng mga ng mga pangungusap pagkakaugnay ng diwa
pangungusap na ang magkakaugnay. ng pangungusap
isinulat.
Kaangkupan sa paksa Hindi angkop ang mga May 2 hanggang 3 Angkop na angkop ang
pahayag sa paksang pahayag ang may mga pahayag sa paksa
tinalakay kaangkupan sa paksa.
Katotohanan ng mga Walang katotohanan May katotohanan ang 2 Lubhang
pahayag ang mga pahayag. hanggang 3 pahayag. makatotohanan ang
lahat ng pahayag

VI. REPLEKSYON
Dugtungan ang sumusunod na pahayag.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa mass media dahil-


_____________________________________________________________________________________

VII. MGA SANGGUNIAN

Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Jocson, Magdalena O., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Batayang Aklat 1253
Gregorio Avenue,Quezon City,Vibal Group Inc. 2016

VIII. SUSI SA PAGWAWASTO

Ang sagot ay babasahin at iwawasto ng guro ayon sa ibinigay na rubric.

Inihanda ni:

Gng. JUVY P. CAYA

Nabatid:

WENCESLAO B. SANTIAGO
Punong Guro

You might also like