You are on page 1of 42

FILIPINO 11

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKANG FILIPINO
Ikalawang Markahan
Aralin 1-8

(DO_Q2_ FILIPINO _GRADE11_MODYUL1-8)


Filipino – Ikalabing Isa
Alternative Delivery Mode
Pangalawang Markahan – Una-Ikawalong Linggo
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: ALFRED S MENDOZA, Dalandanan National High School, MT1; RIA LORAINE F.
LUNARIA, Polo National High School SHS, T2; SUSANA F. PASCO, Dalandanan National High School
SHS, MT2; MARICEL D. REYES, Bignay National High School SHS, MT1; HANNAH J. PEREZ, Arkong
Bato National High School, T1
Editor: Rosarie R. Carlos, Education Program Supervisor Tagasuri:
Rosarie R. Carlos, Education Program Supervisor Tagaguhit: LR
Illustrator
Tagalapat: Raycille P. Libres, Raphael A. Lopez
Tagapamahala:
MELITON P. ZURBANO, Assistant Schools Division Superintendent (OIC-SDS) FILMORE A.
CABALLERO, CID Chief
JEAN A. TROPEL, Division EPS In-Charge of LRMS ROSARIE
R. CARLOS, EPS-Filipino

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region National Capital Region – SDO VALENZUELA


Office Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City
Telefax: (02) 292 – 3247
E-mail Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na mauunawaan mo ang kasaysayan ng
wikang pambansa at kung paano ito umunlad hanggang sa kasalukuyan. Upang
ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang sumusunod na
pinakamahahalagang kasanayan:
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag
mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon
F11PN-IIa-88
 Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa
mga blog, social media posts at iba pa F11PB-IIa-96
 Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t
ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media,
Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
terminong ginamit sa mga larangang ito F11WG – IIc – 87

Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Sagutin ang mga kaugnay na
tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nagpost ang iyong kapatid sa Facebook patungkol sa kanyang nabasang
artikulo sa social media.
"Nakakaloka na talaga ang gobyerno, parang wala silang maayos na plano."
Ano ang nangingibabaw na gamit ng wika sa pahayag?
A. Heuristiko B. Imahinatibo C. Personal D. Regulatoryo
2. “Akala ko ba ay okay na? Nagdadrama ka na naman. ‘Di ba nga pagdating sa
kapakanan ng pamilya walang panga-panganay, walang ate-ate, walang
bunso-bunso? Ang mayroon lang… kapit-bisig!”
Anong gamit ng wika ang nangibabaw sa pahayag ni Maya mula sa palabas
na Be Careful with My Heart?
A. Instrumental B. Interaksyonal C. Personal D. Regulatoryo
3. Sa kasalukuyan, mas marami ang gumagamit ng social media upang
maghanap ng balita kumpara sa nakikinig o nanonood sa ibang media. Alin
sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng matalinong paghahanap ng balita sa
social media?
A. Nagtungo ka sa page ng isang kilalang estasyon at mula roon nagbasa
ka ng mga isyu sa kasalukuyan.
B. Nagtweet ang isang artistang finollow ni Luz patungkol sa mainit na
usapin, marami itong retweets at comments.
C. May nakitang shared post si Michelle mula sa kanyang kaibigan,
ngunit walang link na nakalagay kung ano ang kanyang pinagbatayan.
D. Mula sa comment section mayroong nakitang balita si Robert tungkol
sa nakaraang administrasyon, ngunit nang tignan mo ang profile ng
nagcomment ay poser pala ito.
4. Ikaw ay nagkomento sa post ng iyong kaibigan patungkol sa pagtatanggal ng
prangkisa ng ABS-CBN network. Anong gamit ng wika ang makikita sa
sitwasyon?
A. nagbibigay kaalaman
B. sumasalamin sa kultura

1 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
C. nagpapakita ng sitwasyon ng buhay
D. makapagpahayag ng sariling pananaw
5. Saang social media platform nabibilang ang sumusunod na register: POV,
epilogue, prologue at chapter?
A. Facebook B. Instagram C. Twitter D. Wattpad

Aralin Unang Linggo:


1 SITWASYONG PANGWIKA 1

Tuklasin
Panuto: Basahin ang mga pahayag mula sa social media posts at balita mula
sa radyo at telebisyon. Tukuyin kung saang larangan o disiplina
nabibilang ang mga register ng wika na may salungguhit.
 Walang Kahig, Kailangang Tumuka! Ito ang nararanasan ng mga tsuper ng
dyip na hanggang ngayo’y tigil-pasada. Nakalulungkot isipin na mayroong
mga kababayan natin na dumadaing sa gutom at namamalimos sa kalsada
mapunan lamang ang kumakalam na sikmura. “Mapapa-hays!” ka na lang
talaga! Pero laban lang ika nga nila ang lahat ng problema ay may solusyon.
‘Wag tayong tumigil na pumuna sa nakikita nating mali sa ating kapaligiran,
at ang pinakamahalaga ay padayon tayong makiisa sa (1)“Heal as One Act”,
magbigay tabang sa kapwa at sumunod sa (2)social distancing protocol
upang mabilis na bumalik ang lahat sa normal. (3) #wehealasone (Maricel
Dela Cruz Reyes-Facebook)
 Egul ang mga (4) isko at iska na nasa probinsiya ‘pag ipinatupad ang (5) Flex-
Tel (Flexible Technology Learning) sa PUP. Tatlo ang kailangan nilang sugpuin,
‘yung (6) virus, mahinang signal at incompetence ng gobyerno. Ay! ambot na
lang talaga hahahahaha. (Josh-Tweeter)

Suriin
Sa paglipas ng panahon ay nagbabago ang ilan sa kaanyuan at gamit ng
wikang Filipino sa iba’t ibang kasanayang pinaglalaanan nito. Bunsod ito ng
pagsabay sa mabilis na pag-unlad ng pamumuhay dulot ng teknolohiya at estado ng
lipunang ginagalawan sa isang bansa.
Nagdudulot ito ng malaking pagbabago sa paggamit ng wika sa mass media.
Ang mass media o midyang pangmasa ay paraan ng pakikipagkomunikasyon na
gumagamit ng teknolohiya sa paghahatid ng mensahe sa mas nakararaming tao.
Ang midyang pangmasa ang pangunahing napagkukunan ng impormasyon ng
mamamayan. Saklaw nito ang radyo, dyaryo, telebisyon at social media na
itinuturing na pinakamaimpluwensiyang sitwasyong pangwika. Ang sitwasyong
pangwika ay tumutukoy sa sitwasyon sa paggamit ng wika sa iba’t ibang larangan
tulad ng mass media bilang daluyan ng komunikasyon. Nagpapakita ito ng
kalagayang pangwika sa panitikan, kultura, lipunan at pamumuhay ng mga Pilipino.
May iba’t ibang sitwasyong pangwika ang bawat larangan sa ating bansa. Ang
mga sitwasyong pangwika sa mass media ay nagbigay ng baryasyon sa paraan ng

2 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
pakikipagkomunikasyon sa isang partikular na gawain. Dito masasalamin ang iba’t
ibang gamit ng wika sa bawat sitwasyon.
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
Larangan Katangian at Sitwasyong Halimbawang Iba’t Ibang
Pangwika Pahayag Paggamit ng
Wika
Radyo  Filipino ang pangunahing 1. Bagama’t may mga 1.
wikang gamit sa AM o kuwestyon pa aniya at Impormatibo
FM argumento sa tamang
 Amplitude interpretasyon at
Modulation(AM)- na aplikasyon ng batas
pormal ang paggamit ng sinabi ni Atty. Cayosa
wika na sa ilalim ng
 Frequency Modulatio(FM)- cybercrime law na
pormal at di pormal ang dapat na magkaroon
paggamit ng wika, may dito ng desisyon ang
istasyon na bernakular o court of appeals para
panrehiyonal ang maging malinaw sa
paggamit ng wika ngunit naging desisyon ng
gumagamit ng wikang Manila RTC. Ito ang
Filipino maliban kung Radyo Patrol 46,
may taong Jonhson Manabat
kinakapanayam ABS-CBN 2.
 May mga programang News(Teleradyo) Impormatibo
gumagamit ng wikang
Ingles subalit 2. Ka-milyon nga mga
nangingibabaw pa rin Mamumugon,
ang paggamit ng wikang ginalantaw sang DOLE
Filipino nga Madulaan sang
 Mas mahirap unawain Trabaho Subong nga
ang mensahe kaysa sa Tuig 2020-
telebisyon (Bomboradyo)
-(Dayag at del
Rosario,2016)
*Ang mga numero ay
katumbas ng iba’t
ibang paggamit ng
wika ayon sa bilang
Telebisyon  Ang mga salita o kataga 1. Samantala 1.
ay bahagi na ng lipunan dumepensa naman Impormatibo
 Abot sa malayong lugar ang Malacañ ang sa
ang mga palabas at mga patuloy na
impormasyon pagkakatengga ng mga
 Wikang Filipino at jeepney drivers. Sinabi
barayti nito ang rin ni Roque na
pangunahing midyum papayagan lang ang
 Pangunahing dahilan sa mga lumang jeep kung
pagkatuto ng pagsasalita kulang ang mga
ng Filipino ng mga modernized jeepney at
Pilipino sa ibang rehiyon bus. -Noli De
ng bansa Castro(Radyo Patrol 2. Personal
 Ginagaya ng mga tao ang Balita-Alas Siyete)
estilo ng pananalita ng

3 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
mga sikat na 2. ”Hindi ko naman po
personalidad kailangang makita ang
 Nagkakaroon ng mga isang bagay para
bagong salita na paniwalaan kasi ang
natututuhan ng mga tao importante ramdam
at ginagamit ito upang ko rito (points at 3.
tumaas ang rating heart).” Instrumental
-(Dayag at del -Mira sa Huwag kang
Rosario,2016) Mangamba

3. Sa Jollibee, Bida
ang saya!

*Ang mga numero ay


katumbas ng ibat
ibang paggamit ng
wika ayon sa bilang
Dyaryo  May dalawang uri, 1. Kahit may banta pa 1.
Tabloid-maliit at Filipino rin ng corona virus Impormatibo
ang wika habang ang disease (COVID-19) sa
Broadsheet-malaki at Pilipinas, gumagawa
Ingles ang wika na raw ng
 Impormasyon at balita panuntunan ang
ay nakalimbag Commission on Higher
 Nagbibigay ng detalyado Education (CHED)
at masusing pagsusuri kung paano
 Sa tabloid ay malayang makapaglulunsad ng
gumamit ng iba’t ibang harapang klase sa
salita upang maihatid mga kolehiyo at
ang mensahe sa unibersidad sa
mambabasa karaniwang susunod na buwan.
ginagamitan ng hindi ‘Yan ang inilahad ni
pormal na wika. CHED chairperson
Prospero de Vera,
Martes, sa panayam
ng CNN Philippines.
Aniya, plano nilang
igulong ang “test-run”
sa kalagitnaan ng
Hulyo sa mga Modified 2.
General Community Regulatoryo/
Quarantine (MGCQ) Impormatibo
areas-ang
pinakamaluwag at
low-risk na mga lugar
sa virus.
(Phil. Star.com)
2. DOH: Manatili sa
bahay, sundin ang
Health Protocols

4 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Hinikayat ng
Department of Health
(DOH) ang publiko na
iwasan muna ang non-
essential travel at
mahigpit na sundin
ang health protocols sa
gitna ng patuloy na
pagtaas ng bilang ng
kaso ng coronavirus
disease (COVID-19)
cases.
*Ang mga numero ay
katumbas ng ibat
ibang paggamit ng
wika ayon sa bilang

Social  Kilala bilang “virtual 1. Hi mga friendship! 1.


Media community” Kumusta naman ang Interaksyona
(Facebook,  Ingles ang pangunahing araw ni’yo? l
Instagram, wika
Twitter,  Dinamiko o pabago-bago 2. SKL Meron pa rin
Snapchat,Bl ang wikang ginagamit talagang matitigas na
og, Tumblr,  Iba’t iba ang paraan ng ulong Pilipino. Hanep 2. Personal
Youtube at pagpapahayag at kung magdemand sa
iba pa) pakikipagkomunikasyon government, pero hindi
(memes, emoticons, nman sumusunod sa
hashtag at iba pa) mga protocol. Mga
 Maiksi lamang ang hindi gurang ang mga
paraan ng pagpapahayag isipan, sana
 Malayang gumamit ng mapagtagni-tagni
salitang nais upang nilang disiplinahin ang
maipahayag ang sarili sa kanilang sarili.
publiko (@BrusoloaThea-
-(Delos Reyes) Twitter) 3.
3. KUMPOL NG MGA Impormatibo
PERA, TINUTUPING
PARANG MGA
BULAKLAK!
4. Pera o bulaklak? 4. Heuristiko
Ano ang mas gusto
mong matanggap? Ang
nauuso ngayon,
kumpol ng mga pera 5.
na tinuping parang Regulatoryo
mga bulaklak-- money
bouquet!
5. Watch 'til the end!
-Mula sa Kapuso Mo,
Jessica Soho Facebook
Page(https://fb.watch
/7r59QOyBwB/)

5 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
*Ang mga numero ay
katumbas ng ibat
ibang paggamit ng
wika ayon sa bilang

REGISTER AT BARAYTI NG WIKA


Ang pagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ng isang partikular na termino
ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito ay tinatawag na register. Ang mga
siyentipiko o teknikal na mga salitang nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa
magkakaibang larangan o disiplina ay tinatawag na espesyalisadong termino.
Ang salitang "kapital" na ang ibig sabihin ay "puhunan" sa larangan ng
pagnenegosyo at kalakalan samantalang may kahulugan namang "punong lungsod"
o "kabisera" sa pag-aaral ng heograpiya ay isang halimbawa ng register. May register
o espesyalisadong salitang ginagamit ang bawat propesyon. Iba ang register ng
wika ng guro sa inhinyero. Iba rin ang sa abogado, computer specialist at
negosyante.
Ang pahayag na “Patawad po, ate.” kapag ginamit sa normal na pakikipag-
usap ay maaaring mangahulugan ng paghingi ng dispensa, ngunit naiiba ang
kahulugan kapag ginamit na sa merkado o pamilihan. Ang pahayag na “Patawad po
sa kilo ng baboy, ate.”, ay hindi na mangangahulugan ng paghingi ng dispensa kundi
paghingi na ng bawas sa orihinal na presyo ng baboy.
Ang pagbabago ng kahulugang taglay ng salita kapag ginamit na sa iba't
ibang disiplina o larangan ay espesyal na katangian ng mga register.

Pagyamanin
Panuto: Panoorin at pakinggan ang panayam at tukuyin
ang gamit ng wika sa sumusunod na bilang.
Gamitin ang QR code upang mapanood ang
panayam.
Tanong:
1. Tukuyin at ipaliwanag ang gamit ng wika sa pahayag ng:

Reporter Doktor Guro Nanay Mag-aaral


2. Ang barayti ng mga wikang ginamit sa panayam ay may kaugnayan sa
propesyon ng doktor, guro at reporter. Ano-ano ang iba’t ibang barayti at
register sa ibang propesyon ng mga salitang sumusunod:

Delta Variant Strain CP Data

Isagawa
Panuto: Ilahad ang iyong komento o opinyon tungkol sa napakinggang panayam sa
taas na “Panayam Tungkol sa Delta Variant”. Ang komento ay binubuo ng
5-7 pangungusap. Tukuyin ang gamit at barayti ng wika sa iyong isinulat.
Isulat ang iyong opinyon sa bukod na papel.

6 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
7 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang halimbawang balita sa teleradyo.
Sagutan ang mga kaugnay na tanong sa bukod na papel.
Julius Babao: … So uunahin muna natin itong report, report ng ating mga
kasamahan sa radyo patrol. Si Johnson Manabat muna ang mag-uulat. (Sound
effects) (A)Ayan mga kapamilya ito ay kaugnay po sa conviction ng ating
kasamahang si Maria Ressa sa cyber libel case na dapat daw ay hindi maging dahilan
para ihinto ng midya ang paghahanap sa mga katotohanan. Hindi dapat ito maging
hadlang sa ating trabaho. Ayan alamin natin ang detalye mula kay Johnson
Manabat. Johnson…

Johnson Manabat: Julius and Phoebe, kasunod ng naging hatol na guilty ng Manila
Regional Trial Court Branch 46 sa kasong cyber libel ni Rappler CEO Maria Ressa at
ng dati nitong writer researcher na si Reynaldo Sanchez Jr., umapela sa publiko ang
Integrated Bar of the Philippines o IBP na sumentro pa rin sa facts ng kaso at iwasan
ang labelling sa press statement ng IBP. Sinabi ni Atty. Domingo Egon Cayosa na
hindi pa naman pinal ang naging verdict ng Manila RTC sa kaso nina Ressa. (B) Para
kay Atty. Cayosa, dapat na suportahan ng publiko ang timely resolution ng mga
natitira pang issue sa kaso at aniya justice bilis at hindi dapat justice tiis. (C)Hindi
aniya dapat na mapigilan ang media o ang publiko sa paghahanap sa katotohanan
at hindi rin dapat ito maging dahilan para mawala ang ating freedom of expression o
iba pa nating constitutional rights. (D)Ayon kay Atty. Cayosa dapat na maging
paalaala sana ito sa publiko na maging responsable sa paggamit ng ating mga
karapatan nang may naaayon sa pagsasaalang-alang sa karapatan din ng iba.
(E)Maging highlights aniya sana ng kasong ito ang pangangailangan sa clarity o
kalinawan ng ating mga batas para maiwasan ang misapplication at mapatatatag pa
ang ating rule of law. Naniniwala ang IBP na nabigyan naman ng pagkakataon ang
panig ng prosecution at ng depensa na ilatag ang kanilang mga ebidensya at
argumento sa isyu, nasunod din aniya ang procedural due process at agad na
nakapagbaba ng hatol ang korte at pinayagan ding makapaglagak ng piyansa ang
mga akusado habang nakapending ang kanilang mga apela. Bagama’t may mga
kuwestyon pa aniya at argumento sa tamang interpretasyon at aplikasyon ng batas,
sinabi ni Atty. Cayosa na sa ilalim ng cybercrime law ay dapat na magkaroon ng
desisyon dito ang Court of Appeals para malinawan maging malinaw sa naging
desisyon ng Manila RTC. Ito ang Radyo Patrol 46, Jonhson Manabat ABS-CBN News.
Bernadette Sembrano: Maraming Salamat kay Johnson Manabat.
TeleRadyo (2020, June 15) [Video]. Youtube. https://youtu.be/YFMXe6fpLXw

1. Tungkol saan ang nabasang balita?


2. Ibigay ang paggamit ng wika sa mga pahayag na nakasalungguhit.
3. Bakit mahalagang matukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mabisang
pahayag sa mga balita sa radyo, telebisyon at post sa social media?
4. Ano ang naging pangunahing tungkulin ng wika sa nabasa mong pahayag?
5. Paano nakatutulong ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mabisang
pagpapahayag?

8 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na mauunawaan mo ang mga sitwasyong
pangwika. Upang ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang
sumusunod na pinakamahahalagang kasanayan:
 Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang pangwika sa
kulturang Pilipino F11PU – IIc – 87
 Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
F11PD – IIb – 88
 Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
F11EP-IIf-34

Subukin
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang angkop na salita o mga
salitang bubuo sa ideya ng pahayag sa bawat bilang.
1. ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakikilig,
nakatutuwa, cheesy o minsa'y nakaiinis. OUGHT IENLS
2. Mula sa pagtatalong berbal na isinasagawa nang pa-rap ay ipinanganak ang
tinatawag ngayong . POPLITF
3. Sinasabing ipinanganak mula sa mga boladas o banat ng mga binatang
nanliligaw na gustong magpapansin sa dalagang nililigawan ang
. PU-IKCP IENL
4. Ang madalas na panonood sa ang sinasabing dahilan
kung bakit 99% ng mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino.
EETLIONSYB
5. Isang dahilan ang pagpasok ng mga streaming services sa
higit na pagpili ng mga manonood sa banyagang pelikula. IOENLN

Aralin Ikatlong Linggo:


2 SITWASYONG PANGWIKA 2

Tuklasin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng pinanood na dulang
pantanghalan sa naunang gawain.
1. Ano-anong katangian o kulturang Pilipino ang nakita mula sa napanood na dulang
pantanghalan na “Rak of Aegis?”
2. Ano-anong wika ang ginamit sa napanood na dula? Sa iyong palagay, naging epektibo
ba ang paggamit ng wikang ito?
3. May pagkakaiba ba ang ginamit na wika sa pinanood na dula kung ihahambing sa iba
pang mga napanood na dula? Ipaliwanag.

9 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Suriin

MGA SITWASYONG PANGWIKA SA KASALUKUYAN


Sadyang malaki ang epekto ng makabagong teknolohiya sa paglago, pag-
unlad at pagbabago ng ating wika. Malayo na nga ang nalakbay at narating ng
wikang Filipino kung tutuntunin ang mahabang kasaysayan nito. Alamin natin kung
ano na nga ba ang kalagayan ng wikang Filipino sa ika-21 siglo?
I. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan ang
telebisyon dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito saan mang sulok ng bansa.
Lalo pa ngang dumami ang naging tagasubaybay nito sa paglaganap ng cable o
satellite connection. Wikang Filipino ang nangungunang midyum na ginagamit sa
telebisyon sa ating bansa.
Malakas ang impluwensya ng mga programang gumagamit ng wikang
Filipino sa mga manonood. Hindi kasi palasak ang paglalagay ng subtitles o
pagdadub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas na panonood sa
telebisyon ang sinasabing dahilan kung bakit 99% ng mga Pilipino ang
nakapagsasalita ng Filipino at kung bakit marami sa bagong sibol na henerasyon
ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi
kabilang sa Kalakhang Maynila.

II. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA


Higit ang bilang ng mga banyagang pelikula ang naipalalabas sa ating bansa at
tinatangkilik ng manonood, bagaman ang lokal na mga pelikulang gumagamit ng
midyum na Filipino at barayti nito ay tinangkilik din. Isang dahilan ang pagpasok
ng mga streaming online services tulad ng Netflix, Telegram, HBO Now, Amazon
Prime Video at iba pang mga kauri nito sa higit na pagpili ng mga manonood sa
banyagang pelikula. Bagaman unti-unti na ring pumapatok sa panlasa ng mga Pinoy
ang mga pelikulang lokal na mula sa panulat at direhe ng mga bagong dugo sa
larangan ng pelikula na tumutugma at bumabagay sa kakaibang panlasa ng
kabataan sa kasalukuyan.
III. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURA
Isa sa natatanging kakanyahan ng wika ang pagiging malikhain nito. Sa patuloy
na pag-unlad ng wika, nanganganak ito ng iba't ibang malikhaing paraan sa paggamit
dito bunga na rin ng impluwensiya ng pagbabagong pinalalaganap ng media.
A. FLIPTOP
Mula sa pagtatalong berbal na isinasagawa nang pa-rap ay ipinanganak ang
tinatawag ngayong Fliptop. Nagsimula ito bilang underground rap battle ng mga makata
ng kalye. Ang mga bersong nira-rap ay magkatugma ngunit walang malinaw na
paksang pinagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok
ay siyang sasagutin ng katunggali. Walang sinusunod na iskrip. Kadalasang balbal ang
paggamit ng wika. Palasak ang pagmumura, panlalait at mga below-the-belt na mga
kataga o bars na ibinubuga para makapuntos laban sa katunggali.
B. PICK-UP LINE
Sinasabing ipinanganak mula sa mga boladas o banat ng mga binatang
nanliligaw na gustong magpapansin sa dalagang nililigawan ang Pick-up line.
Inilalarawan ang pick-up line bilang nakatutuwa, nakapagpapangiti,
nakakikiliti, cute, minsan corny ngunit madalas cheesy na mga kataga o pahayag na
madalas na sahog sa usapan ng mga kabataan. Makikita rin ang palasak na paggamit

10 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
nito sa Facebook, Twitter at iba pang social media sites. Ang wikang ginagamit sa mga
pick-up line ay karaniwang Filipino at ang mga barayati nito, subalit nagagamit din ang
Ingles, lalo na ang Taglish. Kinakailangan ang bilis at pagkamalikhain ng isip sa
paglikha ng pick-up line para sa ilang sandali ay maiugnay o maikonekta ang kanyang
tanong sa isang napakaikling sagot. Higit pa itong nauso nang itampok sa isang
segment ng sikat na sikat na programang Bubble Gang ang “Boy Pick-up” na
ginampanan ni Ogie Alcasid. Naging matunog din ito nang maging laman ng mga
talumpati ng yumaong Senadora Miriam Defensor-Santiago. Narito ang ilan sa mga
binitawang pick-up lines ng dating senadora:
BOY: Google ka ba?
GIRL: Bakit?
BOY: Kasi... nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko.
BOY: Kapuso ka ba?
GIRL: Bakit?
BOY: Pinapatanong kasi ni Mama kung... kailan ka puwedeng maging
kapamilya.
C. HUGOT LINES
Tinatawag ding love lines o love quotes ang mga hugot line. Ito ang tawag sa
mga linya ng pag-ibig na nakakikilig, nakatutuwa, cheesy o minsa'y nakaiinis.
Sa linya ng mga tauhan mula sa pelikula o telebisyon na tumatak sa puso at
isipan ng mga manonood karaniwang nagmumula ang mga hugot line. Sapagkat
likas sa mga Pilipino ang pagiging romantiko at makata, nakagagawa rin ng sariling
hugot lines ang mga pinoy batay sa damdamin o karanasang pinagdadaanan o
pinagdaanan. Minsan ang mga ito ay nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish
ang gamit na salita sa mga ito. Narito ang ilan sa mga hugot line mula sa Pelikulang
Pilipino.
“Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang
ibang mas magmamahal sa'tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at papaasahin... ‘yung
magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin” - JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY,
ONE MORE CHANCE (2007)
“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang
ang lahat... and you chose to break my heart” - JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY,
ONE MORE CHANCE (2007)

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Manood ng excerpt ng pelikulang “Thy Womb”. Pagkatapos ay suriin ang
napanood batay sa sumusunod:
a. katangian ng wika ng mga Tausug
b. kultura ng mga Tausug sa Tawi-tawi
c. lingguistikong pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino
d. kultural na pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino
e. sitwasyong pangwika sa pinanood na pelikula
Gawain 2
Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na nagpapakita at nagpapaliwanag ng mga
kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino. Gawing batayan ang mga
ibinahaging impormasyon sa Suriin at ang iyong mga personal na
obserbasyon hinggil sa kalagayang pangwika sa kulturang Pilipino.

11 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Isagawa

Panuto: Mag-isip ng mga napanood na pelikulang Pilipino o mga dulang


pantanghalan na nagtatampok ng mayamang kultura ng mga kapatid natin
sa ibang bahagi ng bansa. Mula rito, bumuo ng isang kritikal na sanaysay
ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong
sosyal at kultural sa Pilipinas. Isulat ito sa bukod na papel.

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga hugot line mula sa iba’t ibang pelikulang Pilipino.
Pagkatapos ay sagutin ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
bukod na papel.
“Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?
– Claudine Barretto sa pelikulang Milan
“You made me believe. You made me believe we had a chance.” – Sharon Cuneta sa
pelikulang Minsan Minahal Kita
“Oh yes kaibigan mo ‘ko. Kaibigan mo lang ako…And I’m so stupid to make the biggest
mistake of falling in love with my best friend.” – Jolina Magdangal sa pelikulang Labs
Kita… Okay Ka Lang?
Tanong:
1. Ano-anong mga wika ang ginamit sa mga binasang hugot line? Sa iyong
palagay ano ang implikasyon nito hinggil sa lingguwistikong pagkakaiba-iba
sa kulturang Pilipino?
2. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin mula sa mga binasang hugot line?
3. Sumulat ng talata na nagpapakita ng kalagayang pangwika sa pelikulang
Pilipino batay sa naging obserbasyon sa mga nabasang hugot line.

Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na mauunawaan mo ang iba’t ibang
dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon. Dapat mo
ring maunawaan ang pagbuo ng isang pag-aaral gamit ang social media sa
pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika.
Upang ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang
sumusunod na pinakamahahalagang kasanayan:
 Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon F11PS – IIb – 89
 Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat
ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika
F11EP – IId – 33

12 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Subukin

Panuto: Piliin sa kahon ang tamang salita na bubuo sa ideya ng bawat bilang. Isulat
ang letra sa iyong sagutang papel.

A – Impormatibo B – Interaktibo C – Personal at D – Regulatoryo

1. ang dahilan ng paggamit ng wika kapag nangangailangan


magbahagi ng karagdagang kaalaman o paglilinaw sa isang konsepto o
pangyayari.
2. ang gamit ng wika na may halimbawa ng anunsyo sa radyo at
telebisyon at patalastas ng pagbabawal?
3. Ang ay gamit kung kinakailangang ipahayag ang sariling pananaw,
damdamin o opinyon.
4. kapag ang tao ay nag-uudyok ng pakikipagpalitan ng impormasyon sa
kanyang kausap, ang gamit ng wikang ipinakikita nito.
5. Ang gamit ng wika sa anyong pasalita sa mga pagtatalo, panayam, mga
video call conversation, online platform conference ay tinatawag na .

Aralin Ikatlong Linggo:


3 SITWASYONG PANGWIKA 3

Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang talata sa loob ng kahon. Pagkatapos ay ibigay
ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat ito sa bukod na papel.
(1) “Winarak na ninyo kami eh, winarak na ninyo ang dangal ng DOH. Winarak
ninyo ang lahat ng mga kasama ko dito, hindi kami makaharap sa mga tao dahil
lahat ang dami-daming sinasabi, ang dami-daming paratang. Wala pa rin akong
tulog, ilang gabi na po ito.” (2) Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque
III sa ginanap na live broadcast ng House hearing hinggil sa 2020 audit report ng
COA sa
67.32 bilyong pisong alokasyon ng DOH para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
1. Tukuyin at ipaliwanag ang dahilan ng paggamit ng wika sa una at ikalawang
pangungusap.
2. Hingin ang pulso ng iyong mga kaibigan hinggil sa kinasasangkutang isyu ng
DOH, gamitin ang feature na Poll sa Messenger para sa pagkuha ng pulso.

13 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Suriin
Dahilan, Anyo at Pamamaraan sa Paggamit ng Wika sa Iba’t ibang Sitwasyon

1. Impormatibo – kapag nangangailangan magbahagi ng karagdagang kaalaman


o paglilinaw sa isang konsepto o pangyayari.
Halimbawa:
Anyong pasalita: pagbabalita sa telebisyon, mga educational na palabas, mga
vlog at iba pang kauri nito
Anyong pasulat: Balita sa pahayagan, magasin, o social media news feed, mga
lecture notes, at iba pang kauri nito
2. Regulatoryo – ginagamit ito kapag nangangailangan ng pagbabawal o
pagsupil sa anumang kilos, aksyon, pasya at iba pang kauri nito
Halimbawa:
Anyong pasalita: anunsyo sa radyo at telebisyon, patalastas ng pagbabawal
at iba pa Anyong pasulat: mga nakalimbag na poster, alituntunin at mga
batas
3. Personal – ito ang gamit kung kinakailangang ipahayag ang sariling
pananaw, damdamin o opinyon.
Halimbawa:
Anyong pasalita: Komentaryo, panalanging pansarili, mga personal na vlog,
at iba pang kagaya nito
Anyong pasulat: replektibong-sanaysay, personal na journal, mga personal
na status sa social media, at iba pang kauri nito
4. Interaktibo – kapag ang tao ay nag-uudyok ng pakikipagpalitan ng
impormasyon sa kanyang kausap.
Halimbawa:
Anyong pasalita: mga pagtatalo, panayam, mga video call conversation,
online platform conference
Anyong pasulat: iba’t ibang sagutan ng liham, mga usapan sa group chat at
iba pang social media platform.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Ipaliwanag ang iba’t ibang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng
wika sa mga tiyak na sitwasyong nakatala sa baba. Irecord ang iyong
pagpapaliwanag gamit ang iyong cell phone at ipadala ang recorded na
sagot sa iyong guro.
a. Pagdaraos ng misa sa loob ng simbahan
b. Pagtalakay ng aralin sa isang birtuwal na klase
c. Pagbili ng produkto sa palengke
Gawain 2
Panuto: Gumawa ng isang maikling pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri
at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng
paggamit sa wika. Ikunsulta sa iyong guro ang gagamiting format na
batayan sa isasagawang pag-aaral. Isulat o ilimbag ito sa bukod na papel.

14 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Isagawa

Panuto: Maghanap sa mga social media platform ng sampung pahayag mula sa


iba’t ibang indibidwal hinggil sa tagumpay na natamo ni Hidilyn Diaz sa
natapos na 2020 Tokyo Olympics. Pagkatapos ay pumili ng kapareha at
talakayin ang dahilan, anyo at pamamaraan ng paggamit ng wika sa mga
napiling pahayag. Irecord ang inyong magiging talakayan, ipadala ito sa
guro pagkatapos.

Tayahin
Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon sa bawat kahon. Isulat ang talahanayan
sa iyong sagutang papel.
Iba’t ibang Dahilan ng Anyo ng wika Pamamaraan sa
sitwasyon paggamit ng wika paggamit ng wika
1. online selling
2. birtuwal na
palihan o seminar
3. health
protocol
posters
4. vlogs
5. interbyu

Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na mauunawaan mo ang mga kakayahang
komunikatibo ng mga Pilipino sa iba’t ibang sitwasyon. Upang ganap mo itong
maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang mga sumusunod na
pinakamahahalagang kasanayan:
 Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng
paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon-
F11PN – IId – 89
 Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan-
F11PT – IIe – 87

Subukin
Panuto: Tukuyin kung anong kakayahang komunikatibo ang ipinakikita sa
bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. “Sa kakayahang ito makikita na ang gamit ng mga angkop na salita at
pangungusap ay batay sa edad, kasarian, paniniwala, lugar, antas ng
pamumuhay sa lipunan at sitwasyon.
15 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
16 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
A. Kakayahang Diskorsal
B. Kakayahang Lingguwistiko
C. Kakayahang Pragmatik
D. Kakayahang Sosyolingguwistik
2. “Nakatakdang sa puso si Ana sa darating na Sabado”, Anong
angkop na salita ang bubuo sa pangungusap?
A. gagamutan B. gagamutin C. operahan D. operahin
3. “Padabog na bumaba sa kusina si Nill dahil sa hindi siya nakadalo sa unang
subject niya sa online class”
A. Kakayahang Diskorsal
B. Kakayahang Lingguwistiko
C. Kakayahang Pragmatik
D. Kakayahang Sosyolingguwistik
4. “Malaki ang naitutulong ng mga social media platform tulad ng FB
Messenger, Zoom, at Google meet sa pagtuturo at pagkatuto sa panahon ng
new normal na sistema ng edukasyon”. Anong kakayahang komunikatibo
ang masasalamin sa pangungusap na kinakikitaan ng pagiging pormal nito?
A. Kakayahang Diskorsal
B. Kakayahang Lingguwistiko
C. Kakayahang Pragmatik
D. Kakayahang Sosyolingguwistik
5. “Nakikita ang bayanihan ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna at
pangangailangan tulad sa panahon ng pandemya”. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. disiplina B. mga bayani C. pagtutulungan D. sakripisyo

Ikaapat na Linggo:
Aralin KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG
4
MGA PILIPINO 1

Tuklasin
Panuto: Tukuyin kung anong mensahe ang nais ipahiwatig sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa bukod na papel.
1. Pagbibigay ng regalo sa kaibigang may kaarawan
2. Pagsuntok sa pader matapos makipaghiwalay sa kasintahan
3. Pagbibigay ng tsokolate at rosas sa nililigawan
4. Pagdadabog kapag inuutusan ng mga magulang
5. Pag-irap sa kaaway na kaibigan

17 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Suriin

Angkop na Salita, Pangungusap Ayon sa Konteksto ng Kakayahang


Komunikatibo
1. Pagtukoy sa konteksto ng salita batay sa kakayahang Linggwistiko
Nagbabago-bago ang kahulugan ng salita na batay sa istruktura at
gramatika kung paano ito ginamit sa pangungusap. May mga sitwasyon
na ngangailangan ng mga maiikling sagot na kakikitaan ng kanya-
kanyang kakayahang panglingwistiko.
Halimbawa: Ang salitang liwanag sa iba’t ibang konteksto
“Marami pa rin sa atin ang nakakakita ng liwanag sa mga
kabataang Pilipino sa kasalukuyan tulad ng paniniwala ni Dr. Jose
Rizal”.
- Ang salitang liwanag ay tumutukoy sa pag-asang nakikita sa
mga kabataang Pilipino
“Sa panahon ng pandemya, Nagkakaroon na ng kaliwanagan sa
pagpapatupad ng pagbabakuna laban sa sakit na COVID 19.
- Tumutukoy ang liwanag sa kontekstong medikal kung saan
nagkakaroon na ng kaliwanagan, sagot o solusyon sa
suliraning hinaharap ng bansa.

2. Pagtukoy sa konteksto ng salita batay sa kakayahang sosyolingwistik


Nagbabago-bago ang kahulugan ng salita at pangungusap ayon
sa konteksto batay sa gamit ng salita sa lipunan, edad, kasarian, lugar,
kausap, antas ng pamumuhay sa lipunan, at sitwasyon.
Halimbawa: sirena
a. “Sa pandemya, nakakaalarma ang bawat tunog ng sirena ng
ambulansya tuwing dumadaan sa kalsada”.
- Ang salitang sirena sa pangungusap na ito ay may
kaugnayan sa aspetong medikal at sitwasyon sa
kasalukuyan
b. “Masayang kasama ang mga kaibigang sirena kapag nagkakatipon-
tipon”.
- Ang sirenang tinutukoy sa pangungusap ay batay sa
kontekstong panlipunan kung saan tumutukoy sa mga nasa
ikatlong kasarian.
Halimbawa : kapangyarihan
a. “Bilib ako sa kapangyarihan ng pagdarasal ng mga Kristiyano sa
anumang sitwasyon kanilang hinaharap”- ani ni Maria
- Tumutukoy sa kontekstong paniniwala o relihiyon ang
salitang kapangyarihan sa pangungusap
b. “Iba ang nagagawa ng kapangyarihan ng mga mayayaman
pagdating sa antas ng pamumuhay sa lipunan”.
- Ang salitang kapangyarihan sa pangungusap ay
pumapatungkol sa kontekstong antas ng pamumuhay.

3. Pagtukoy sa konteksto ng salita batay sa kakayahang Pragmatiko


Nagbabago ang kahulugan ng mga konteksto ng mga salita at
pangungusap batay sa salita at aksyon o kilos ng tao sa kanyang kausap.
Halimbawa: usapan ng magkaibigang Sarah at Lavinia

18 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Sarah: Kanina pa ako nagsasalita rito, Ayos ka lang ba?
Lavinia: Okay lang ako. (malungkot na tugon)
Sarah: May problem ba? Makikinig ako, magsabi ka lang (pagtapik sa
balikat ng kaibigan)
Lavinia: Salamat, Sarah. (sabay ngiti)
Sa usapan ng magkaibigang Sarah at Lavinia nagpapakita ng
mga kilos o aksyon na may kahulugan tulad ng pagtugon ng pahayag
na “Okay lang ako” na may malungkot na emosyon, Ang pagtapik sa
balikat ng kaibigan ay nagpapakita ng pagbibigay simpatya. At ang
pagngiti ay nagpapakita ng kagaangan ng loob.

4. Pagtukoy sa konteksto ng salita batay sa kakayahang Diskorsal


Nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng kahulugan ng mga salita at
pangungusap ayon sa konteksto batay sa pagpapahayag sa pamamaraang
pasalita o pasulat.
Halimbawa:
Pasalita: “Pinag-iingat ng gobyerno ang mga mamamayan upang
makaiwas sa kumakalat na sakit”
Pasulat: “Pinag-iingat ng gobyerno ang mga mamamayan sa pamamagitan
ng pagsunod sa health protocol sa paggamit ng face shield, face mask
at alcohol at tamang social distancing”.
- Sa kontekstong pangmedikal pinakikita sa paraang pasalita ang
wastong pag-iingat sa payak na paraan samantalang sa pasulat
ay gumagamit ng ilang terminong medikal na dapat sundin o
gawin ng mga tao.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang balita tungkol sa larangan ng pampalakasan mula sa GMA
News. Pagkatapos tukuyin ang kahulugan o kasingkahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang letra sa sagutang
papel.
Hidilyn Diaz, Ibinigay Ang Kauna-Unahang Olympic Gold Medal Ng Pilipinas
Nasungkit ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gold
medal ng Pilipinas sa Olympics matapos magwagi sa women's 55-kg weightlifting
event sa 2020 Tokyo Olympics nitong Lunes na ginanap sa Tokyo International
Forum sa Japan. Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas mula nang sumabak
sa Olympics noong 1924.
Pumuntos si Diaz ng kabuuang 224, para mahigitan si Liao Qiuyun ng
China. Walang naging problema sa una at ikalawang buhat ni Diaz sa 94 at 97
kgs, ayon sa pagkakasunod. Pero nabigo siya sa ikatlo na 99 kg. Sa clean and
jerk, tagumpay si Diaz sa pagbuhat sa 119 kg, maging sa ikalawang buhat na 124
kg at 127 sa ikatlong buhat.
Ito ang ikaapat na sunod na sabak ni Diaz sa Olympics. Sa 2016 Olympics sa
Rio de Janeiro sa Brazil, nakasungkit din si Diaz ng silver medal, at gold medal sa
2019 Southeast Asian Games. Ginagawa ang Olympics tuwing ikaapat na taon.—

19 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
FRJ, GMA News
Tags:
Hidilyn Diaz,
2020 Olympic Games
Sanggunian:
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/796886/hidilyn-
diaz-ibinigay-ang-kauna-unahang-olympic-gold-medal-ng-pilipinas/story/
1. “Nasungkit ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz ang kauna-
unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympics” . Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. Binitbit B. Nahawakan C. Nakuha D. Sinalo
2. Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas mula nang sumabak sa
Olympics noong 1924. Sa larangan ng patimpalak, ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang .
A. Kampeon C. Ikalawang gantimpala
B. Unang gantimpala D. Ikatlong gantimpala
3. Pumuntos si Diaz ng kabuuang 224, para mahigitan si Liao Qiuyun ng
China. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang .
A. Binigay B. Tumama C. Tumaya D. Umiskor
4. Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas mula nang sumabak
sa Olympics noong 1924. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang .
A. Alitan B. Lumaban C. Nakipaglaban D. Sumugod
5. Mula sa balita, si Hidilyn Diaz ang kauna-unahang nakasungkit ng
gold medal ng Pilipinas sa Olympics matapos magwagi sa women's 55-
kg weightlifting event sa 2020 Tokyo Olympics. Anong kakayahang
komunikatibo ang masasalamin sa kontekstong ito na nagpapakita
na angkop ang gamit na salita batay sa kasarian?
A. Kakayahang Diskorsal
B. Kakayahang Lingguwistiko
C. Kakakayahang Pragmatik
D. Kakayahang Sosyolingguwistik

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita sa unang hanay
batay sa iba’t ibang larangan o disiplina.
Kahulugan sa Kahulugan sa Kahulugan sa
Salita Edukasyon Agham/ teknolohiya Media/Social media
Data
Search
Text
Progra
m
Virus

20 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Isagawa

Panuto: Ipaliwanag ang gagawin kung ikaw ay nasa sitwasyon. Isulat ang sagot sa
bukod na papel.
Ikaw ang host ng isang palatuntunan sa inyong paaralan. Ika-10 ng umaga
pa lamang ay nakapagsimula na kayo dapat pero dahil ang pangunahing pandangal
ay naipit sa trapiko, ika-11 na ng umaga ay hindi pa kayo nakapagsisimula. Nakikita
mong naiinip na ang mga tao. Ang iba ay nakasimangot na at nababasa mo sa
kanilang bibig na may sinasabi silang hindi maganda dahil sa tagal nang
paghihintay. Ano ang gagawin mo upang mapayapa sila?
Gumamit ng mga angkop na salita at pangungusap batay sa kontekstong ito
at sa napag-aralang mga kakayahang komunikatibo.

Tayahin
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga salita batay sa konteksto na nasa Hanay A
sa mga kahulugan nito na makikita sa Hanay B. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Yorme (sa pulitika) A. bansag sa isang manlalaro
2. Pacman (sa isports) B. pagbabasa tuwing mahal na araw
3. Data (sa edukasyon) C. gamot na ginagamit panlaban sa sakit
4. Anti-virus (sa medisina) D. namumuno sa isang lungsod
5. Pasyon (sa relihiyon) E. impormasyong ginagamit sa pananaliksik

Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na mauunawaan mo ang angkop na mga
salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan at paghinuha sa
layunin ng isang
kausap batay sa paggamit ng wika.
Upang ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang
sumusunod na pinakamahahalagang kasanayan:
 Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan
o talakayan batay sa kausap ,pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at
grupong kinabibilangan - F11PS-lle-90
 Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita - F11WG-IIf-88

21 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Subukin

Panuto: Piliin ang letra sa kahon kung saan nakabatay ang tinutukoy sa pahayag o
usapan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A – kausap B – grupong kinabibilangan C – layunin D – lugar E – panahon

1. “Maligayang araw ng mga puso!”


2. “Erp! Musta buhay-buhay?”
3. “Sister, magsiluhod po tayo at dasalin ang Oratio Imperata kaugnay ng
COVID-19.”
4. “Tara, magpabakuna na tayo.”
5. Ria:“Nurse Joy umalis na pala ang pasyente sa room 214?”
Joy: “Oo, nurse Ria. Clear na lahat ng lab test niya.”

Aralin Ikalimang Linggo:


5 Kakayahang Pangkomunikatibo 2

Tuklasin

Panuto: Maghinuha kung ano ang layunin ng bawat pahayag batay sa


paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Sa Bibliya, mula pa lamang sa bersikulo ng pag-uumpisa nang paglikha,
naisulat na sa Genesis 1:26-28 na nilalang ng Diyos ang tao ayon sa
kanyang larawan; isang lalaki at isang babae na itinakdang magparami
at maging tagapangalaga ng buong daigdig.
Layunin ng nagsasalita:
2. Sa iyo nanay lagi kong nakikita
Salat at hirap sa buhay na dalita
Kalyo sa parte ng iyong katawan
Pagal at pawis ay aking namamasdan.
Layunin ng nagsasalita:
3. Para sa akin, hindi ako pabor sa pagsasabatas ng divorce sapagkat
naniniwala ako na ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaring
paghiwalayin ng tao.
Layunin ng nagsasalita:
4. Sa halip nagsikhay at pangarap ay binuo
Inabot ang bituin kahit ito’y malayo
Layunin kong masuklian ang hirap ng magulang
Sinabi sa Panginoon, Ama ako ay gabayan.
Layunin ng nagsasalita:
5. Huwag nang mag-atubiling magpabakuna kontra Covid-19. Ito ang
pinakamabisang paraan upang protektahan ang sarili sa malubhang
sakit na dulot nito. Hindi dapat mangamba sapagkat ang lahat ng uri

22 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
ng bakuna ay dumaan sa masusing klinikal na pagsusuri. Nasubukan
rin muna itong ibigay sa sampung libong indibidwal bago ipamahagi sa
mas malaking populasyon upang masigurong pasok sa mga
pamantayan ang mga bakuna. At kahit na ito ay kasalukuyan nang
ginagamit, patuloy na sumusubaybay ang CDC (Center for Disease
Control and Prevention) at FDA (Food and Drug Administration) sa mga
epekto at kalagayang pangkalusugan ng mga nakatanggap nito. Bukod
sa pansariling kaligtasan, sa pamamagitan ng pagbabakuna ay
maisasalba mo rin ang mga taong nakakasalamuha at nakapaligid sayo.
Layunin ng nagsasalita:

Suriin
Angkop na mga Salita at Paraan ng Paggamit sa mga Usapan
1. Sosyolingwistiko: Kailangang bigyan ng konsiderasyon ang sumusunod na
mga komponent ng komunikasyon upang mapili ang angkop na mga salita
batay sa sitwasyon:
a. Kausap – Nagbabago ang pagpili ng mga salita ng isang tao kapag
nagkakaiba-iba ito nang kausap.
Halimbawa:
Sitwasyon: pagbati sa umaga ng isang mag-aaral sa kaniyang guro,
magulang at kaibigan.
sa guro - “Maam, magandang umaga po!”
sa kaibigan – “Pre ‘musta na?”
sa magulang – “Nay, ano’ng almusal?”
b. Pinag-uusapan – Nagbabago ang pagpili ng mga salita ng isang tao
batay sa kung ano ang paksang pinag-uusapan.
Halimbawa:
pagbibigay ng pananaw sa mga sumusunod na sitwasyon:
Bagong Normal na Edukasyon – Epektibo ang paggamit ng
Blended Delivery Learning bilang dulog ng pagtuturo sa mga
mag-aaral.
Pag-ibig – “Wala nga yatang poreber. ‘Yung pinagtagpo kayo
pero hindi naman itinadhana. Peyn!”
c. Lugar – Nagbabago ang pagpili ng mga salita ng isang tao batay sa
lugar kung saan nag-uusap.
Halimbawa: Pakikipag-usap sa kakilala habang nasa simbahan,
paaralan at palengke.
sa simbahan - “Father, mano po.”
sa paaralan – “Kuya Guard, kukuhanin ko lang po iyong
modyul para sa ikalawang markahan. Salamat po!”
sa palengke – “Manong, magkano po ang kalahating kilo ng
bangus?”
sa ospital - “Dok, kumusta po ang resulta ng lab test ko?”
d. Panahon – Nagbabago ang pagpili ng mga salita ng isang tao batay sa
kaganapan o pangyayari.
Halimbawa:
Pagdalo sa mga sumusunod na pagtitipon.
Pasko – “Maligayang araw ng kapanganakan ni Hesus! Nawa’y
patuloy tayong pagpalain ng Panginoon.”

23 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Lamay – “Nakikidalamhati ako sa pagpanaw ng iyong kapatid
nasa piling na siya ng ating Poong Maykapal.”
e. Layunin – Nagbabago ang pagpili ng mga salita ng isang tao batay sa
kanyang layunin.
Halimbawa: Pakikipag-usap sa kakilala batay sa intensyon.
manakot - “Naku ‘nay delikado na talagang lumabas ngayon
ang mga walang bakuna dahil sa bagong variant ng Covid-19.”
mag-utos – “Panatilihing nakasuot ang face mask at face shield
habang nasa loob ng mall.”
manuyo – “Sorry na, patawarin mo na ako sa nagawa ko sa’yo.”
f. Grupong kinabibilangan - Nagbabago ang pagpili ng mga salita ng
isang tao batay sa grupong kanyang kinabibilangan.
Halimbawa: pakikipag-usap sa kakilala ng negosyante, abogado at
pulitiko.
negosyante - “Sa buwan ng Agosto bumaba ng 10 bahagdan
ang kita ng aming kumpanya dulot ito ng pandemya.”
abogado – “Panyero, kumusta ang hinahawakan mong kaso
tungkol sa Rape Slay Case? Umamin na ba ‘yung suspek?”
pulitiko – “Halos 80 bahagdan ng mga mamamayan sa aming
lungsod ang bakunado na.”

Mga Layunin sa Pagpapahayag


1. Maglahad – layunin nitong magpaliwanag at magbigay ng konkretong detalye
tungkol sa isang paksa, konsepto o kaisipan.
Halimbawa: Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, mahalaga ang
pagpapabakuna, pagsunod sa mga health protocols tulad ng
pagsusuot ng face mask, face shield at panatilihin ang social
distancing upang hindi mahawahan ng virus.
2. Manghikayat – layunin nitong mangumbinsi ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon batay sa datos na nakalap na nasa
subhektibong tono.
Halimbawa: Isa sa mga pangunahing suliranin sa bansa ay ang pagbaha
dulot ng mga basurang itinapon sa kung saan-saan. Kaya
naman bago pa mahuli ang lahat, matuto na tayong magbago.
Maging disiplinado sa pagtatapon ng basura. Tapat mo, Linis
mo.

3. Mangatwiran – layunin nitong magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan


sa pamamagitan ng ebidensiya at impormasyong nakalap na nasa obhektibong
tono.
Halimbawa: Pangangatwiran hinggil sa isyu ng same sex marriage

Batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), 61% ng


populasyon ng mga Pilipino ang hindi pabor sa legalisasyon ng same sex
marriage. Isa sa pinakaitinuturing na dahilan nito ay ang pagiging kabilang ng
Pilipinas sa isa sa pinakamalalaking Kristiyanong bansa na may 80% ng mga
katolikong Pilipino. Kaugnay nito, naniniwala ang karamihan na kasalanan ang
pagkakaroon ng sekswal na ugnayan ang parehong babae, gayondin sa parehas
na lalaki. Tunay ngang ito'y mali. Ayon sa 1 Mga Taga-Corinto 6:9-11, "Huwag
ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-
diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae,
nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang
bahagi sa kaharian ng Diyos."

24 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Sa kabila ng diskriminasyon na patuloy pa ring idinaraing ng LGBTQIA+, ang
pagtanggap sa kanilang buong komunidad ay hindi kailanman ipagdadamot ng
mga nakaiintindi sa kanilang kalagayan. Ngunit pakaisipin na ang karapatan at
kalayaan ng bawat isa ay may limitasyon sa oras na may pamantayang
natapakan at lalo na kung ito'y batas ng Kataas-taasan.

4. Maglarawan – layunin nitong magbigay ng deskripsyon at lumikha ng imahe sa


kaisipan ng mambabasa o tagapakinig.
Halimbawa:
Nakita ko na naman siya. Ang kanyang maliit na hugis-pusong mukha, na
may malamlam na mga mata na binagayan ng mahahabang pilik. Ang pisngi
niyang nagkukulay-rosas kapag naaarawan, at mga labing simpula ng
mansanas at ang buhok niyang sing-itim ng gabi. Muli ko na naman siyang
nasilayan. Hindi ko na napigilang lumapit sa kanya. Subalit nang malapit na
ako sa kanya ay bigla naman akong nagising. Hays, panaginip na naman.

Pagyamanin

Panuto: Sumulat ng dayalogo o usapan batay sa mga sitwasyon. Piliin ang angkop
na salita at paraan ng paggamit nito batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar,
panahon, layunin at grupong kinabibilangan. Isulat ang dayalogo sa
sagutang papel.
1. Si Mia ay isang working student, kinakailangan niyang magtrabaho sa isang
fast food chain upang makatulong sa kaniyang magulang bilang pantustos sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Hindi niya pa nasasabi ito sa
kaniyang gurong tagapayo sapagkat biglaan ang pagkakasakit ng kaniyang
magulang.
2. Masayang namamasyal ang magkaibigang Ana at Beth sa Valenzuela People’s
Park, napagdesisyunan nilang pumunta sa Tagalag Fishing Village upang
doon ay kumain subalit hindi nila alam ang papunta roon. Magalang na
nagtanong ang magkaibigan sa isang traffic enforcer kung paano sila
makakukuha ng taxi papuntang Tagalag Fishing Village.
3. Lumabas ang balitang tatakbo bilang presidente ng Supreme Student
Government si Blythe. Nalaman ito ng kaniyang mga magulang, kaklase at
gurong tagapayo kaya ito ay ikinagalit niya. Walang nakaaalam nito kundi
ang kaniyang mga kaibigan. Ito ay plano pa lamang niya sapagkat
nagdadalawang isip pa siya na kumandidato. Minabuti niyang lapitan ang
kaniyang mga kaibigan at alamin ang katotohanan tungkol dito.
4. Bibili na sana si Rolly ng kaniyang ulam na pananghalian. Habang pumipili,
nakita niyang tila mabusising nag-oobserba sa mga nakahain ang bagong
kamag-aral niyang si Kian, isang Fil-Am. Sa kaniyang pagtatanong, nalaman
niyang naguguluhan ito sa kaniyang bibilhin sapagkat wala pa siyang
gaanong alam sa mga pagkaing Pinoy kaya't minabuti niyang ipakilala rito
ang ilang putahe na puwedeng mabili sa kantina.
5. Nasa biyahe si Anne at ang kaniyang magulang papunta sa Baguio, upang
makiisa sa pista ng Panagbenga kasama ang kanilang ibang mga kamag-
anak. Unang beses niya pa lamang masasaksihan ang ganitong pagdiriwang
kaya't sa sobrang kasabikan, napagpasiyahan niyang tanungin ang kaniyang
ina tungkol dito.

25 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon na ibinigay sa ibaba at sumulat sa sagutang


papel ng mga dayalogo batay dito. Piliing mabuti ang angkop na mga
salita at paraan ng paggamit nito.

Magkausap: Guro at mag-aaral sa Senior High School


Pinag-uusapan: Kalagayan ng edukasyon sa bansa
Lugar: Via Google Meet
Panahon: Panahon ng pandemya
Layunin: Nais malaman ng mag-aaral ang sitwasyon ng isang guro
ngayong may pandemya.
Grupong kinabibilangan: Ang guro ay matagal ng nagtuturo sa pampublikong
paaralan.

Tayahin
Panuto: Piliin ang letra sa kahon kung anong dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang komunikasyon sa bawat sitwasyon. Isulat ang
letra sa sagutang papel.
A – kausap B – grupong kinabibilangan C – layunin D – lugar E – panahon

1. Makikipag-usap ka sa kapitan ng inyong barangay.


2. Ikaw ay nasa loob ng Adoration chapel.
3. Dumalo ka sa pagdiriwang ng kaarawan.
4. Magpapabili ka ng cell phone sa iyong magulang.
5. Nag-uusap ang grupo ng mga kabataan para sa programang kanilang
isusulong

Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na magsusuri ka ng isang pananaliksik na
pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.
Upang ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang
sumusunod na pinakamahahalagang kasanayan:
 Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang
Pilipino - F11PB – IIg – 97

Subukin
Panuto: Piliin ang Letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa pagsusuri ng paksa ng pananaliksik, kinakailangang .

26 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
A. tingnan kung ang paksa ay payak o napakalawak.
B. kilalanin ang mga isyung napapanahon
C. suriin kung ang lahat ng mga salitang isinama sa pamagat ay mga
baryabol ng pananaliksik.
D. may sapat na mga babasahin na magagamit o ginamit ang mananaliksik
upang talakayin ito
2. Ang baryabol ay tumutukoy sa .
A. nagbabagong paksa sa pananaliksik
B. mga elementong nakapagpapabago sa resulta
C. nag-uudyok sa mananaliksik upang simulan ang pananaliksik
D. wala sa nabanggit
3. Ang kahalagahan sa pagsasagawa ng pananaliksik ay dapat na .
A. mahaba B. mahina C. napapanahon D. tapos
4. Alin ang hindi kabilang sa pagsusuri ng disenyo ng pag-aaral?
A. Ang pamamaraan ng pag-aaral ay angkop sa layunin
B. Makatutugon ang mga sample o respondent sa pananaliksik
C. Ang setting ng pag-aaral ay nagbibigay ng access sa mananaliksik
D. Kung bago ang paksa, may sapat na mga babasahin na magagamit o
ginamit ang mananaliksik upang talakayin ito.
5. Alin ang nagpapakita ng pagsusuri sa isang konklusyon?
A. Pinatutunayan ang paksa.
B. Pinatutunayan ang mga baryabol.
C. Pinatutunayan ang mga tala ng kinalabasan.
D. Pinatutunayan ang mga sangguniang ginamit sa pananaliksik.

Ikaanim na Linggo:
Aralin INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK
6
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 1

Tuklasin
Panuto: Basahin ang halimbawa ng isang abstrak ng pananaliksik. Sagutin
ang sumusunod na tanong at suriin ang mga pangungusap na may
salungguhit at ipaliwanag sa iyong sagutang papel ang mga tungkulin
ng mga ito sa pananaliksik.

Abstrak
(1) Isang paghahambing sa pagbabago ng balarilang Filipino ang layon
ng pag-aaral na ito. Sapagkat ang anumang wika ay karaniwan nang
nagbabago batay sa mapagpasyahan ng mga gumagamit nito mula sa iba’t
ibang norms ng lipunan, mahalagang malaman ang mga pag-unlad na
nagaganap sa balarila nito. (2) Upang maisagawa ang nasabing layunin, pumili
ang mananaliksik ng isang aklat pangwika na pumapaksa sa balarila noong
Dekada ‘40. (3) Ang napiling aklat na magiging batayan sa pagsusuri ay ang
aklat ni Antonia F. Villanueva na Pampaaralang Balarila ng Wikang Pambansa.
Upang masiyasat ang lawak ng mga pagbabago sa kasalukuyan ng balarilang
Filipino, ang mananaliksik ay pumili rin ng isang batayang aklat na siyang

27 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
gagamitin bilang hambingan ng naunang batayan. Pinili ang aklat ni Alfonso
Santiago na Makabagong Balarila sapagka’t ito ay isang aklat pangwika na
nagdedetalye sa mga tuntunin ng balarila sa kasalukuyan.
(4) Matapos ang paghahanda ng dalawang aklat, inisa-isa ng
mananaliksik ang mga tuntuning pambalarila at lumikha ng talahanayan ng
mga paksa upang lumikha ng isang hambingang magiging batayan sa
pagsusuri. Sinuri at itinala ng mananaliksik ang lahat ng pagkakatulad at mga
pagbabago sa tuntunin at mga katawagan batay sa inihandang talahanayan.
Ang talahanayan ng mga pagbabago ay ipinasuri sa (5) limang eksperto upang
maberipika ang pag-iral ng mga pag-unlad ng mga tuntunin. Ginamit sa
balidasyong ito ang (6) paradima ni Heugen hinggil sa mga x facets bilang
batayan sa paglikha, pag-unlad at pagbabago ng wika.
(7) Lumabas sa pag-aaral nito na malaki ang pagkakaiba at pagbabago
sa mga katawagan at tuntunin ng Balarilang Filipino noon (1948). (8)
Napatunayan sa pag-aaral na ito na umunlad ang balarilang Filipino batay sa
pagpapasya ng mga taong gumagamit nito sa kabila ng mahigpit na
pagbabantay sa mga tuntuning pambalarila sa mga paaralan.
Nakaimpluwensya naman nang malaki ang pagsulong ng mga tuntuning
pangwika ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pagbabago ng mga katawagan
at istandardisasyon ng mga tuntunin. (9) Dahil dito, iminumungkahi ng
mananaliksik na lumikha ng ekstensyon ng mga pag-aaral sa paggamit ng
balarilang Filipino sa mga diskursong pasulat at pasalita upang masuri kung
ang mga tuntunin sa makabagong balarila ay umiiral nga ba sa mga
gumagamit nito bilang wika ng pakikipagtalastasan.

Mga tanong:
1. Ano ang paksa ng binasang abstrak?
2. Paano pinaghambing ang dalawang baryabol sa abstrak?
3. Ano ang pakay ng paghahambing ng dalawang baryabol?
4. Paano ginamit ang teoryang binabanggit sa pagsusuri?
5. Ano ang napatunayan sa isinagawang paghahambing?

Suriin
Paano magsuri ng isang pananaliksik?
Bago ka magsuri ng isang saliksik, dapat mo munang alamin ang iyong pakay
kung bakit ka nagsusuri? Tiyakin mo muna kung matatamo mo ba ang iyong
layunin sa isasagawa mong pagsusuri bago ka pumili ng isang dulog sa gagawin
mong pagbabasa at pagsusuri ng isang pananaliksik. Sa modyul na ito ay
inaasahan sa iyo na suriin ang mga bahagi ng pananaliksik bilang paghahanda sa
pag-aaral mo sa pagsulat nito. Kaya’t ang dapat na maging daloy ng iyong pagsusuri
ay matuon sa kung paano tumatakbo ang daloy ng paglalahad ng mga
impormasyon sa isang pananaliksik. Ang sumusunod na gabay sa baba ay
makatutulong sa iyo upang masuri ang mga bahagi ng isang pananaliksik.
1. Suriin ang paksa ng pananaliksik
a. Tingnan kung ang paksa ay payak o napakalawak.
b. Kung paghahambing ito, tiyakin ang mga katangiang paghahambingin.
2. Suriin ang mga baryabol sa pamagat ng pananaliksik
a. Ang baryabol ba ay mababasa sa pamagat?
b. Suriin kung ang lahat ng mga salitang isinama sa pamagat ay mga
baryabol ng pananaliksik

28 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
c. Sumunod ba sa istandard na tuntunin ang pamagat?
3. Ang kahalagahan ba sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay
napapanahon?
a. Kilalanin ang mga isyung napapanahon
b. May mga paksa na hindi nawawala sa uso
c. Kung bago ang paksa, may sapat na mga babasahin ba na magagamit
o ginamit ang mananaliksik upang talakayin ito?
4. Ano-ano ang mga ginamit na batayan sa pananaliksik?
a. Natukoy ba ang mga teoryang ginamit sa pananaliksik?
b. Naisulat ba ito sa sanggunian?
c. Naipaliwanag ba ang lawak ng teorya o kaisipan?
5. Suriin ang disenyo ng pag-aaral
a. Ang pamamaraan ba ng pag-aaral ay angkop sa layunin nito?
b. Makatutugon ba ang mga sample o respondent sa pananaliksik?
c. Ang setting ba ng pag-aaral ay nagbibigay ng access sa mananaliksik?
d. Ang pamamaraan ba ng pagkuha ng mga datos ay angkop?
e. Mapananaligan ba ang mga kinalabasan ng pag-aaral?
6. Tukuyin ang mga konklusyon
a. Ang konklusyon ba ay nakabatay sa paksang pinag-aralan?
b. Napatunayan ba sa pag-aaral ang mga tala sa konklusyon?

Pagyamanin

Panuto: Basahin at suriin ang halimbawang excerpt ng pananaliksik sa baba. Itala


ang obserbasyon sa inyong sagutang papel.
Pahambing na Pagsusuri sa mga Pagbabago sa Dalawang Aklat Pambalarila
ng Wikang Filipino
Alfred Salao Mendoza
(hingin sa guro ang kabuuan ng halimbawang pananaliksik)

Isagawa
Panuto: Basahing muli ang excerpt ng pananaliksik tungkol sa Pahambing na
Pagsusuri sa mga Pagbabago sa Dalawang Aklat Pambalarila ng Wikang
Filipino. Suriin ito at ilapat ang mga inilahad na hakbang sa pagsulat ng
mga bahagi ng pananaliksik. Gumawa ng isang talahanayan ng mga
nakitang kahinaan at kalakasan sa bawat bahagi. Isulat ito sa sagutang
papel.

Bahagi Nilalaman Kahinaan Kalakasan


Panimula
Batayan
Layunin
Metodolohiya
Konklusyon

29 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Tayahin
Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang pamagat ay sumusunod sa istandard na batayan ng pananaliksik.
2. Hindi sinusuri sa paksa ang baryabol ng pananaliksik.
3. Ang mga batayan ng pag-aaral ay hinahanap sa metodolohiya.
4. Binibigyang halaga sa saklaw at limitasyon ang mga katawagan.
5. Hinahanap sa konklusyon ang mga kaugnayan ng mga kinalabasan ng mga
pagsusuri.

Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na magagamit mo ang mga angkop na salita


at pangungusap sa pag-uugnay-ugnay ng mga ideya sa isang sulatin. Iisa-isahin rin
sa modyul na ito ang mga hakbang sa pagbuo ng isang pananaliksik.
Upang ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang mga
sumusunod na pinakamahahalagang kasanayan:
 Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-
ugnay ang mga ideya sa isang sulatin - F11WG – IIh – 89
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik - F11PU – IIg – 88

Subukin
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang sumusunod na mga
hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
1. Kinakailangang bukas ang kamalayan ng mananaliksik sa lahat ng mga
hakbang na ginawa upang maihanay ang mga pagpapaliwanag sa proseso
nang maayos at madali para sa mambabasa nito.
2. Kasama rin sa mga dapat na ilarawan ay ang mga ekspertong magsasagawa
ng ebalwasyon sa kinalabasan ng iyong pag-aaral.
3. Ang mga talahanayan o figura sa iyong pananaliksik ay kinakailangang
ilarawan upang magkaroon ng kabatiran ang sinomang mambabasa nito sa
kung ano ang nilalaman ng mga ito.
4. Ang mga estadistika ng pananaliksik ay kinakailangang mailarawan nang
angkop batay sa mga pamantayang binabanggit sa iyong mga pamamaraan
at metodong ginamit.
5. Nagiging maingat sa pagbibigay ng konklusyon ang mananaliksik at tinitiyak
lamang niya na ang lahat ng ilalagay na konklusyon ng kanyang pag-aaral ay
matapat mula sa kinalabasan nito.

30 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Ikapitong Linggo:
Aralin
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK
7
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 2

Tuklasin
Panuto: Pagdugtungin ang mga pangungusap gamit ang mga salita upang
mabuo ang diwa nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang porsyento ng tumanggap ay bumaba, ang porsyento
naman ng tumanggi ay tumaas.
2. Una, ang pagbabasa ng teksto. , ang pagsasagot ng
pagsusulit. Panghuli, pagwawasto nito.
3. Ang bilang ng mga kalahok ay dumami. nahirapan ang mga
hurado.
4. Ang mga kalahok sa unang pagbabasa ay humina ang mga
kalahok sa ikalawa.
5. Nalulubos ang pagkaunawa sa wika natapos ang mga serye ng
gawain.

Suriin
Mga Hakbang sa Pagbuo ng isang Panimulang Pananaliksik
Paglalarawan sa paksa – higit na mapauunlad ang paksa ng pananaliksik kung ito
ay mabibigyan ng epektibong paglalarawan. Ang kasidhian ng pangangailangang
malutas ang isang suliranin ay makatutulong sa mananaliksik upang mabigyan siya
ng motibasyong gumawa ng isang pananaliksik. Nakatutulong sa paglalahad ng
paksa ang kasanayan sa mabisang paglalarawan sapagkat napadadali nito ang
pagpapaliwanag sa detalye.
Paglalarawan ng mga variable ng pananaliksik – ang mga variable o baryabol sa
iyong pananaliksik ay kinakailangang mailarawan lalo’t dadaan ito sa
pagdedepensa ng iyong pamagat. Sa proseso ng pagbuo ng pananaliksik,
kinakailangang matiyak muna ang mga baryabol na kikilos sa loob ng pananaliksik
upang maagang matiyak ang mga posibleng balakid na makaharap habang sinusulat
ang pananaliksik. Ang paglalarawan sa mga baryabol ng pananaliksik ay
nakatutulong din sa mananaliksik upang ganap na maunawaan ang direksyon ng
kanyang pag-aaral. Gayondin sa mga mambabasa nito, nagiging madali sa mga ito
na matukoy ang kahinaan at kaangkupan ng mga baryabol ng pananaliksik.
Pagsasalaysay ng panimula – mahalaga ang kasanayan sa pagsasalaysay. Sa
pananaliksik, ang isang nagsasaliksik ay kinakailangang kakitaan ng kahusayan sa
pagkukuwento ng mga bagay na may malaking kaugnayan sa kanyang paksang
sinasaliksik. Ang panimula ng isang pananaliksik ay kinakailangang naglalaman ng
pagsasalaysay ng kaligiran ng iyong paksa o suliranin. Kinakailangang maging
magaang sa mambabasa o sa pinaglalaanan ng pananaliksik ang panimula nito
sapagkat dito magsisimulang magproseso ng impormasyon ang mga babasa nito.
Hindi rin naman dapat lumabis ang pagsasalaysay ng isang mananaliksik. Ang

31 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
kasanayan sa pagsasalaysay ay dapat nilalahukan ng kasanayan sa paglalarawan
upang ang panimula ng pananaliksik ay maging mabisang kasangkapan upang
maunawaan ng mambabasa ang pakay ng pananaliksik.
Pagsasalaysay ng mga suliranin – ang malinaw na pagsasalaysay ng suliranin ng
pananaliksik ay nakatutulong hindi lamang sa mambabasa kundi sa mananaliksik
mismo upang mabisang maunawaan ang direksyon ng pananaliksik. Nababalangkas
ng mabisang pagsasalaysay ng suliranin ang magiging takbuhin ng pananaliksik.
Paglalahad ng batayang teoretikal – ito ang ubod ng isang pananaliksik. Ito ang
tumatalakay sa batayan ng mananaliksik sa konsepto ng kanyang pananaliksik.
Tinatalakay dito ang mga impormasyong mapagbabatayan ng mananaliksik sa
kanyang pagtatangka na hawiin ang balakid ng kanyang suliranin o gap na nais na
punuan. Ang kasanayan sa paglalahad nito ay isang mahalaga at maselang
pangangailangan sa pagbuo ng pananaliksik. Ang paghahanay ng mga detalye at
malinaw na paglalahad ng mga impormasyon ay nakatutulong hindi lamang sa
mananaliksik kundi maging sa mga mambabasa nito upang mapadali ang pag-
unawa sa konsepto ng pananaliksik.
Isa pang mahalagang katangiang dapat taglayin sa pagbuo ng batayang
teoretikal ay ang pagbanggit ng mga sanggunian. Isa sa kailangang ilahad sa
bahaging ito ang lahat ng pinagkunang awtoridad ng mananaliksik upang
mapanatili ang katapatan nito. Bukod sa pagpapaliwanag ng mga konsepto,
mahalagang magkaroon ng kasanayan sa pagsipi ng mga konsepto upang higit na
maging matibay ang batayang konseptwal.
Panghuli, ang batayang teoretikal ay kinakailangang nakatuon sa isang tiyak
o kung hindi man ay isang tipak ng konsepto na nais na patunayan o bigyang linaw
sa pananaliksik. Hindi ito dapat na lumabas na parang isang pagkaing halo-halo
upang hindi maging mahirap o mabigat sa mambabasa at mananaliksik ang
pagtukoy sa tuon ng pananaliksik. Mainam ang pananaliksik na maraming
impormasyon ngunit hindi naman mainam kung ang pananaliksik ay maraming
konseptong tinatangkang pagtuunan. Iminumungkahing magsimula sa isang tiyak
na konsepto o teorya na may sapat na access upang hindi maging mabigat sa
mananaliksik. Pinakamainam na mungkahi ang pagbabasa ng mga pananaliksik
upang magkaroon ng ganap na pagkaunawa sa batayang teoretikal.
Paglalarawan ng balangkas konseptwal – upang ganap na maunawaan ang iyong
paradigma ng balangkas konseptwal, kinakailangan ng isang malinaw, tiyak, at
payak na paglalarawan dito. Nangangailangan ng epektibong kasanayan sa
paglalarawan ng bawat bahagi nito sapagkat kinakailangang mailarawan ang
ugnayan ng mga konseptong makikita sa iyong pananaliksik at kung paano ito
kikilos sa iyong proseso.
Paglalahad ng saklaw at limitasyon – nabanggit sa unang bahagi na hindi
maganda sa isang pananaliksik ang magkaroon ng maraming tuon. Ito ay
mapatutunayan sa pamamagitan ng kahalagahan ng paglalagay ng saklaw at
limitasyon sa pananaliksik. Kung higit na mainam sa pananaliksik ang maraming
tuon, hindi na sana maglalagay ang isang mananaliksik ng kanyang limitasyon.
Ngunit dahil sa nakasasama sa pananaliksik ang pagkakaroon ng maraming
pinagtutuunang konsepto, kinakailangang banggitin ng mananaliksik ang tanging
saklaw at limitasyon ng kanyang saliksik.
Ang paglalahad ng saklaw at limitasyon ay nangangailangan ng kasanayan sa
paglalahad ng impormasyon. Ito ay kinakailangang tiyak bagaman hindi hinihingi
sa bahaging ito ng pananaliksik na maging mahaba o maikli ang bahaging ito. Ang
malimit na suliranin sa pagsulat nito ay ang kakulangan ng mananaliksik sa
pagtanaw sa hinaharap kung ano-ano ang mga bagay na maaaring hanapin ng iba
pang mga mananaliksik sa pananaliksik na isinusulat. Madaling isulat ang saklaw
dahil ikaw mismo ang nagsulat nito ngunit paano mo isusulat ang limitasyon?
Kinakailangang maging matalino ang mananaliksik sa bahaging ito at kailangang

32 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
ilagay niya ang kanyang sarili sa katauhan ng iba pang mananaliksik na maaaring
magtanong o maghanap ng impormasyon tungkol sa kanyang saliksik. Kailangan
niyang sagutin ang tanong na “ano-ano ang hindi mo ginawa na maaaring
inaasahan ng iba na ginawa mo?” Malalaman mo lamang ang sagot sa tanong na ito
kung ikaw ay nagbasa ng iba pang pananaliksik hinggil sa kaparehong paksa at
mapapansin mong ikaw rin ay nagtatanong kung ano ang ginawa at hindi ginawa ng
mananaliksik sa pananaliksik na iyong binabasa. Samakatwid, kinakailangan mong
maging matalino sa pag-iisip kung ano-ano ang maaasahang hanapin sa iyong
pananaliksik ng iba pang mananaliksik.
Paglalahad ng mga terminolohiya at katawagan – ang pananaliksik ay
nangangailangan ng talaan ng mga katawagan o mga terminolohiya. Ito ay
inilalagay upang matiyak ang kahulgan ng salita batay sa pagkakagamit ng
mananaliksik sa mga ito. Kinakailangan sa bahaging ito ang pagiging tiyak, malinaw
at nakabatay sa paraan ng pagkakagamit sa pananaliksik. Dalawa ang inilalagay na
kahulugan ng mga termino. Ang una ay ang pakahulugang pangnilalaman o content
na malimit na ginagamit sa pagbibigay ng depinisyon ng salita. Ang ikalawa ay ang
pakahulugang gamit o functional definition. Ito ay pagpapaliwanag sa mga salita
kung paano ito binigyan ng kahulugan at ginamit sa pananaliksik.
Ang bahaging ito ng pananaliksik ang tumutulong sa mga mambabasa nito
upang mapadali ang pag-unawa sa mga katawagan sa isang payak na
pagpapaliwanag. Ang mga terminong inilalagay sa bahaging ito ay malimit na mga
salitang teknikal o mga akronim na ginamit sa pananaliksik. Mahalagang mailahad
sa bahaging ito ang payak na pagpapakahulugan sa mga konsepto o teorya na
binabanggit sa batayang teoretikal upang makatipid sa panahon ang mambabasa ng
pananaliksik.
Paglalahad ng metodolohiya – ang kasanayan sa paglalahad ng metodong ginamit
sa pananaliksik ay nakasalalay sa pagkilala sa mga elementong ginamit sa
pagsasakatuparan nito. Kinakailangang bukas ang kamalayan ng mananaliksik sa
lahat ng mga hakbang na ginawa upang maihanay ang mga pagpapaliwanag sa
proseso nang maayos at madali para sa mambabasa nito. Ang kalinawan sa
paglalahad ng mga hakbang ay nakatutulong rin sa mananaliksik upang matanaw
nang malinaw ang kalalabasan ng kanyang pananaliksik. Nakatutulong rin itong
makita ang mga posibleng banta sa balidasyon ng mga baryabol o datos upang
maiwasan ang pagkabigo sa pagtatamo ng hindi balidong resulta.
Paglalarawan ng sample ng pananaliksik – isa sa dapat na ilarawan sa iyong
pananaliksik ay ang mga gagamiting sample o populasyon ng mga taong sangkot o
respondent. Kinakailangang mailarawan ang kanilang edad, kasarian, edukasyon, at
iba pang salik na nakaaapekto sa iyong pananaliksik. Kasama rin sa mga dapat na
ilarawan ay ang mga ekspertong magsasagawa ng ebalwasyon sa kinalabasan ng
iyong pag-aaral. Kinakailangang mapatunayan sa paglalarawang ito na ang mga
taong kasangkot ay karapat-dapat na lumahok sa iyong pananaliksik.
Paglalarawan ng mga talahanayan – ang mga talahanayan o figura sa iyong
pananaliksik ay kinakailangang ilarawan upang magkaroon ng kabatiran ang
sinumang mambabasa nito sa kung ano ang nilalaman ng mga ito. Magiging batayan
sa iyong pagbuo ng konklusyon ang paglalarawan sa mga talahanayang ito kaya’t
kinakailangang sumangguni sa pamantayang inilahad sa paglalarawan ng mga ito.
Paglalahad ng mga kinalabasan – Matapos ang prosesong isinagawa sa
pananaliksik, inilalahad ang kinalabasan ng mga ito. Iniisa-isa sa bahaging ito ng
pananaliksik ang mga resulta ng pag-aanalisa ng mananaliksik sa mga kinalabasan
ng datos. Iminumungkahi sa bahaging ito na maging payak at tuwiran ang
paglalahad ng mga kinalabasan upang maging madali sa mga mambabasa na
unawain ang resulta ng isinagawang pag-aaral.
Paglalarawan sa kinalabasan ng pag-aaral – kailangan din ang paglalarawan sa
kinalabasan ng iyong pananaliksik. Ang mga estadistika ng pananaliksik ay

33 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
kinakailangang mailarawan nang angkop batay sa mga pamantayang binabanggit
sa iyong mga pamamaraan at metodong ginamit.
Pagbuo ng konklusyon – ang kasanayan sa pagbuo ng mga argumento ay
nakapagpapatalas sa isip ng isang mananaliksik. Nagiging maingat sa pagbibigay ng
konklusyon ang mananaliksik at tinitiyak lamang niya na ang lahat ng ilalagay na
konklusyon ng kanyang pag-aaral ay matapat mula sa kinalabasan nito.
Paglalahad ng mga konklusyon at rekomendasyon – sa huling bahagi ng
pananaliksik ay inilalahad ang konklusyon at rekomendasyon ng mananaliksik
batay sa kinalabasan ng pag-aaral. Pinatutunayan sa bahaging ito ang ugnayan ng
mga “konsepto o teorya” sa “gap o puwang” ng pananaliksik. Ang konklusyon ng
pananaliksik ay maaaring sumang-ayon, sumuporta o sumalungat sa inaasahang
haypotesis ng mananaliksik. Nakabatay rin sa kinalabasan ng pag-aaral o/at
paglalarawan ng mga estadistika ang konklusyon ng pananaliksik.
Samantala, ang rekomendasyon ng pananaliksik ang nagsisilbing tinig ng
mananaliksik bilang paglalahad ng mga mungkahi sa kinauukulan upang
makatulong sa pagpupuno ng gap na binabanggit sa pag-aaral. Nagmumungkahi rin
sa mga susunod na mananaliksik ang bahaging ito ng mga karagdagang pag-aaral
hinggil sa paksang tinalakay.

Pagyamanin
Panuto: Isa-isahin sa sagutang papel ang mga hakbang sa pagbuo ng mga bahagi
ng pananaliksik. Magbigay ng tatlong mungkahi sa bawat bilang kung
paano sisusulat ang mga ito.
1. Pamagat: , ,&
2. Batayang teoretikal: , , &
3. Mga katawagan: , , &
4. Pamamaraan ng pag-aaral: , , &
5. Mga sample ng pag-aaral: , , &
6. Kinalabasan ng pag-aaral: , , &
7. Mga konklusyon: , , &
8. Mga rekomendasyon: , , &

Isagawa
Panuto: Suriin ang mga pamagat sa baba. Tukuyin ang mga kamalian sa bawat
pamagat at isulat ito sa sagutang papel.
1. Pagsusuri Sa Diskursong Pasulat Ng Mga Pahayagang Gumagamit Ng Taglish
Sa Pagbabalita
2. Isang Pag-aaral sa Kaugaliang Pagmamano ng mga Cebuano na Lumaki sa
Maynila
3. Pahambing na pagsusuri sa konstruksyon ng mga pamagat ng sampung
piling maikling kuwentong pambata
4. pagtataya sa kinalabasan ng pangwakas na pagsusulit sa mga mag-aaral ng
baitang 11

34 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
5. KRONOLOHIKAL NA PAGSASAAYOS NG SISTEMA NG ISTANDARD NA
PAGSULAT NG MGA PANG-URI SA WIKANG WARAY

Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang mga sumusunod na
pahayag tungkol sa pagsulat ng mga bahagi ng pananaliksik.
1. Ang panimula ng isang pananaliksik ay kinakailangang naglalaman ng
pagsasalaysay ng kaligiran ng iyong paksa o suliranin.
2. Ang malinaw na pagsasalaysay ng suliranin ng pananaliksik ay nakatutulong
hindi lamang sa mambabasa kundi sa mananaliksik mismo upang mabisang
maunawaan ang direksyon ng pananaliksik.
3. Ang pakahulugang gamit o functional definition ay pagpapaliwanag sa mga
salita kung paano ito binigyan ng kahulugan at ginamit sa pananaliksik.
4. Ang mga terminong inilalagay sa bahaging katawagan ay malimit na mga
salitang teknikal o mga akronim na ginamit sa pananaliksik.
5. Ang paglalahad ng saklaw at limitasyon ay nangangailangan ng kasanayan sa
paglalahad ng impormasyon. Ito ay kinakailangang tiyak.
6. Kinakailangang bukas ang kamalayan ng mananaliksik sa lahat ng mga
hakbang na ginawa upang maihanay ang mga pagpapaliwanag sa proseso
nang maayos at madali para sa mambabasa nito.
7. Kasama rin sa mga dapat na ilarawan ay ang mga ekspertong magsasagawa
ng ebalwasyon sa kinalabasan ng iyong pag-aaral.
8. Ang mga talahanayan o figura sa iyong pananaliksik ay kinakailangang
ilarawan upang magkaroon ng kabatiran ang sinumang mambabasa nito sa
kung ano ang nilalaman ng mga ito.
9. Ang mga estadistika ng pananaliksik ay kinakailangang mailarawan nang
angkop batay sa mga pamantayang binabanggit sa iyong mga pamamaraan
at metodong ginamit.
10. Nagiging maingat sa pagbibigay ng konklusyon ang mananaliksik at tinitiyak
lamang niya na ang lahat ng ilalagay na konklusyon ng kanyang pag-aaral ay
matapat mula sa kinalabasan nito.

Alamin
Sa araling ito ay inaasahan sa iyo na makasusulat ka ng isang panimulang
pananaliksik na pumapaksa sa mga penomenong kultural at panlipunan sa bansa.
Upang ganap mo itong maunawaan ay kinakailangang matamo mo ang sumusunod
na pinakamahahalagang kasanayan:
 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at
panlipunan sa bansa - F11EP – IIij – 35

Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Anong bahagi ng pananaliksik ang nangangailangan ng pagtiyak sa sulirnain
ng pag-aaral?
A. Kaligiran B. Konklusyon C. Metodo D. Rekomendasyon

35 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
2. Alin sa mga sumusunod na salita ang magagamit sa pagtiyak ng mga
literatura ng pag-aaral?
A. Index B. Kalahok C. Proponent D. Resulta
3. Anong elemento ng pamagat ang nakaaapekto sa resulta ng pag-aaral?
A. Baryabol B. Lokal C. Paksa D. Tala
4. Alin sa sumusunod na bahagi ang nagpapakita ng mga pamamaraan?
A. Balangkas B. Metodo C. Saklaw D. Sanggunian
5. Kapag ang paksa ng pananaliksik ay nakahanda na, sisimulan mo nang isulat
ang .
A. Balangkas B. Katawan C. Metodo D. Pamagat

Ikawalong Linggo:
Aralin
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK
8
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO 3

Tuklasin
Panuto: Bumuo ng isang pamagat batay sa paksang iyong ginamit sa naunang
gawain. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagbuo
ng pamagat. Isulat ang iyong pamagat sa sagutang papel.
Gabay:
1. Ang paksa ng pananaliksik na iyong susulatin ay nakabatay sa
nilalaman ng pinakamahahalagang kasanayan na dapat mong
linangin. Ito ay dapat na pumapaksa sa mga penomenang kultural
at panlipunan sa bansa. Tiyakin na ang iyong napiling paksa ay
nabibilang dito.
2. Tiyaking payak ang iyong paksa. Ito ay hindi dapat masyadong
malawak upang hindi magsanga-sanga ang mga konseptong iyong
tatalakayin.
3. Magiging tiyak ang iyong paksa kung paplanuhin mo ito at
paliliitin sa pinakaespisipiko nitong punto. Isaisip mo ang mga
elementong nasasaklaw ng paksa at suriin mo ito kung
masyadong malawak o masyadong maliit ang magiging scope nito.
4. Ang pinakapopular na gamit sa pagpapasimple ng paksa ay ang
“eliminasyon ng mga baryabol”. Magagawa mo ito sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga baryabol na makaaapekto sa
paksa at unti- unti mo itong aalisin hanggang sa maging espisipiko
ang paksa.
5. Kapag ang paksa ay nakahanda na, sisimulan mo nang isulat ang
iyong pamagat.
6. Ang wikang ginagamit sa pagsulat ng pamagat ay pormal,
limitado, naaayon sa istandard ng pananaliksik at naglalahad ng
mga baryabol.

36 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Suriin

Pagsulat ng isang Panimulang Pananaliksik sa mga Penomenang


Kultural at Panlipunan sa Bansa
1. Bago ka sumulat ng isang pananaliksik, kinakailangan mo munang umisip
ng isang paksa na nakabatay sa isang usapin, penomenon, suliranin o
usaping nangangailangan ng malalim na pag-aaral.
A. pagbabasa ng mga saliksik
B. pagbabasa ng mga nakalimbag na literatura
C. pagmamasid sa mga nangyayari sa kapaligiran
D. pagpili ng isang paksa
2. Ang ikalawang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik ay bumuo ng isang
plano.
A. paggamit ng balangkas
B. pagbuo ng talaan ng mga konsepto
C. pagbabangko ng talasanggunian
D. pagpaplano ng pangongolekta ng datos
E. pagpaplano ng aktuwal na pagsulat
3. Pagkatapos ng pagpaplano, kailangang magbasa muli ang isang mananaliksik
ng mga nakalimbag na babasahin na may kaparehong paksa na napili.
A. Habang nagbabasa ay sumulat ng mga index entry ng mga
sangguniang binasa
B. Tukuyin ang mga impormasyong kagamit-gamit o mahalaga sa
pananaliksik. Ihiwalay ang mga impormasyong gagamitin at igawa ito
ng maikling talaan.
C. Tayahin kung sapat na ang dami ng mga binasang literatura.
4. Bigyan ng pinal na pamagat ang pananaliksik batay sa paksang napili.
A. Tiyaking ang pamagat ay nakasusunod sa istandard na pamantayan.
B. Ipinakikita dapat ng pamagat ang mga baryabol ng pananaliksik.
C. Malinaw at tiyak ang pagkakalahad ng pamagat.
D. Ikonsulta sa iyong gurong tagapayo ang kaangkupan ng pamagat.
5. Bumuo ng isang balangkas ng kaligiran, metodo, pagkalap ng datos at
pagsusuri. Gamiting batayan ng balangkas ang naunang plano ng
pananaliksik.
A. Tiyakin sa kaligiran ang suliranin, layunin, kahalagahan, at magiging
saklaw ng pananaliksik.
B. Banggitin sa balangkas na ito ang mga literaturang binasa at may
malaking kaugnayan sa isusulat na pananaliksik.
C. Isaalang-alang ang mga taong makikinabang sa isusulat na
pananaliksik.
D. Tukuyin ang magiging lawak ng pananaliksik.
E. Lumikha ng isang balangkas ng mga pamamaraang gagamitin sa
pagsasagawa ng pananaliksik.
F. Isa-isahin ang mga hakbang na isasagawa sa pagkalap ng mga datos.
G. Planuhin ang isasagawang pagsusuri at ikonsulta ito sa gurong
tagapayo kung paano dapat suriin ang mga datos na nakalap.
6. Isakatuparan ang mga planong pampananaliksik.
7. Gumamit ng isang istandard na format ng pananaliksik sa pagsulat nito. Ang
iyong gurong tagapayo ang magmumungkahi kung ano ang magiging format
ng iyong pananaliksik.

37 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Pagyamanin

Panuto: Sumulat ng isang panimulang pananaliksik batay sa pamamaraang


inilahad sa taas. Gamiting batayan ang sumusunod na anyo. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.
Pamagat:
I. Panimula: (5-10 pangungusap) paglalarawan ng kaligiran ng paksa
i. Suliranin ng pag-aaral
a. Mga tanong na sasagutin sa pag-aaral
ii. Layunin ng Pananaliksik
iii. Kahalagahan ng Pag-aaral
iv. Mga Saklaw at Limitasyon
v. Mga Katawagan
II. Literatura
i. Mga simulaing kaugnay ng paksa
ii. Mga nakalimbag na pag-aaral na magpapatibay sa konsepto ng
paksa
III. Metodo
i. Mga Hakbang sa pag-aaral
ii. Mga kalahok
iii. Pangongolekta ng Datos
iv. Pagsusuri sa Datos
v. Kinalabasan
IV. Konklusyon at Rekomendasyon

Isagawa
Panuto: Lumikha ng isang presentasyon ng kinalabasan ng iyong pananaliksik.
Gumamit ng mga makabagong application sa computer o sa mga mobile
devices at ilahad ito sa iyong guro.

Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung angkop ang nilalaman ng
pahayag at MALI kung hindi.
1. Ang ikalawang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik ay bumuo ng isang
plano.
2. Bigyan ng pinal na pamagat ang pananaliksik batay sa limitasyon.
3. Isulat sa kaligiran ang suliranin, layunin, kahalagahan, at magiging saklaw
ng pananaliksik.
4. Banggitin sa panimula ang literaturang binasa.
5. Isa-isahin ang mga hakbang na isasagawa sa pagkalap ng mga datos.

38 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
Sanggunian
Aguilar, J.L., Cañ ega,J.I., Aguilar,H.B.,Fallarcuna EG.F. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino: Batayang aklat. Jenher Publishing House
Alcaraz, C.,Basilides, G.,Pamplina J., Treyes,A., Hilario, I., Lacuesta,J., Austria, R., Dela Cruz, R.,
(2016). Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School: Batayang Aklat.
Lungsod Quezon: Educational Resources Corporation
Almario, Virgilio S. (2014). KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat(Ikalawang Edisyon).Komisyon sa
Wikang Filipino. http://wastonggamitngmgasalita.blogspot.com/2010/10/wastong-
gamit- ng-mga-salita.html
Antojado, L.P. (2020). Pag-abuso sa kababayenhan ug kabataan gi kaalarma. Reyrived from
https://www.philstar.com/banat/balita/2020/06/24/2023136/pag-abuso-sa-
kababayenhan-ug-kabataan-gikaalarma/amp/
Bade, L. (2020). 4 Ka-milyon nga mga Mamumugon, Ginalantaw sang DOLE nga madulaan sang
Trabaho Subong nga Tuig 2020. Retrieved June 24, 2020, from
https://www.bomboradyo.com%2Filoilo%2F4-ka-milyon-nga-mga-mamumugon-
ginalantaw-sang-doble-nga-madulaan-sang-trabaho-subong-nga-tuig-2020/
Bernales, R.A. (2012). Komunikasyon sa Akademikong Filipino:
Batayang aklat. Lungsod Malabon: Mutya Publishing House Inc:
Columbus State Library. (n.d.) Pokemon go!: A cultural phenomenon. Mababasa sa:
https://library.cscc.edu/pokemongo/phenom
Dayag, A. M., & del Rosario, M. G. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Lungsod Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
Dayag, Alma M. Mary & Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma. Phoenix Publishing House, n.d.
Del Rosario, K. (2020, June, 18). DOH: ‘Dexamethasone’ hindi pa kumpirmadong gamut sa COVID-19.
Retrieved from https://rmn.ph/doh-dexamethasone-hindi-pa-kumpirmadong-gamot-sa -
covid-19/
Dela Cruz, Maricel Reyes. (2020, June, 24). Retrieved from
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3246501918722645&id=10000088606617
2&sfnsn=mo
Delos Reyes, A. M. (n.d). Gamit ng Wika sa Internet at Social Media. Retrieved June 25, 2020, from
https://www.scribd.com/presentation/393479799/Gamit-Ng-Wika-Sa-Internet--ar-Sicial-
MediA
Garcia, Lakandupil C.et.al. 2008. TINIG: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. JIMCY Publishing
House. Cabanatuan City.
Jocson, M.O. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino: Batayang aklat.
Lungsod Quezon: Vibal Group, Inc.
Josh. (2020, June, 24). Retrieved from
https://twitter.com/77SEAURCHINS/status/1275747832507428867
Lapatha, L. (n.d). Antas ng Wika. Retrieved July 24, 2020, from
https://www.academia.edu/6001666/Antas_ng_Wika
Layson, M. (2020, June, 25). 15 pulis, sibak sa pagpuga ng 6 na presong Chinese. Retrived from
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2020/06/25/2023347/15-pulis-
sibak-sa-pagpuga-ng-6-na-presong-chinese/amp/
Mayon, V. (2014). Uppat a Katao, Natiliw iti Buy Bust Operation. Retrieved June 24, 2020, from
https://m.youtube.com/watch?feature=share&v=3-Aam-Uul8Y
Psychology Today. (2017). The bandwagon effect: Are we going to think for ourselves?. Mababasa sa:
https://www.psychologytoday.com/us/blog/ stronger-the-broken-places/201708/the-
bandwagon-effect

Relativo, J. (2020, June, 23). ‘Try lang’: CHED plano ang pisikal na klase sa MGCQ areas sa Hulyo.
Retrieved from https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/06/23/2023006/try-lang-ched-plano-ang-pisikal-na-klase-sa-mgcq-
areas-sa-hulyo/amp/
Tayla, Dolores R. Jayson D. Petras,Jonathan V. Geronimo. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino. Rex Book Store,n.d.
TeleRadyo (2020, June 15). Audio Stream. [Video]. Youtube. Retrieved from https://youtu.be/-
YFMXe6fpLXw
TeleRadyo (2020, June 25). Radyo Patrol Balita-Alas Siyete. [Video]. Youtube. Retrieved from
https://www.facebook.com/abscbnNEWS/videos/2412456732390707/
Thea Brusola. (2020, June, 24). Retrieved from
https://twitter.com/BrusolaThea/Status/1275731740913516545?s=19

39 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2
MGA LINK NG PINAGHANGUAN:

https://www.google.com.ph/search?q=OLD%20THINGS&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved=0CAI
QpwVqFwoTCOCEs8yR3OoCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=1226&bih=524#imgrc=mhjwEUicWs
N5V
https://www.google.com.ph/search?q=LED+LIGHT&tbm=isch&ved=2ahUKEwjgnrXMkdzqAhXOCaYK
HVU2AmoQ2-
cCegQIABAA&oq=LED+LIGHT&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIE
CAAQQzIHCAAQsQMQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxAnOgUIABCxA1C-
vQNYz8wDYK_QA2gAcAB4AIAB5gGIAaIIkgEFNC40LjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABA
Q&sclient=img&ei=ILcVX-
COJc6TmAXV7IjQBg&bih=524&biw=1226&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=WH37QtP1jxL-2M
https://www.google.com.ph/search?q=cell+phone&tbm=isch&ved=2ahUKEwia5fzpkdzqAhVDGKYKH
UepAeYQ2-
cCegQIABAA&oq=CE&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxB
DMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDOggIABCxAxCDATo
FCAAQsQNQh6wCWPqtAmCTuQJoAHAAeACAAWqIAcABkgEDMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXd
pei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=XrcVX5q-
JMOwmAXH0oawDg&bih=524&biw=1226&tbs=sur%3Afc&hl=en#imgrc=38xgfnGyzNYD1M
https://www.slideshare.net/NicoleAngeliquePangilinan/mga-sitwasyong-pangwika-sa-pilipinas-
grade-1 https://www.google.com.ph/search?q=medicine&tbm=isch&tbs=sur
%3Afc&hl=en&ved=0CAIQpwVqF
woTCPDx4c693OoCFQAAAAAdAAAAABAC&biw=439&bih=493#imgrc=M4HTXhsVLxbV3M

https://www.google.com.ph/search?q=law&tbm=isch&hl=en&tbs=sur:fc&chips=q:law,g_1:symbol:7ib
RQvhUPqw%3D&hl=en&ved=2ahUKEwj2z57fvtzqAhUHvZQKHfwUCSYQ4lYoBHoECAEQHg&b
iw=1449&bih=1677#imgrc=7Rrb2zyAX5dU1M
https://www.google.com.ph/search?q=law&tbm=isch&hl=en&tbs=sur:fc&chips=q:law,g_1:symbol:7ib
RQvhUPqw%3D&hl=en&ved=2ahUKEwj2z57fvtzqAhUHvZQKHfwUCSYQ4lYoBHoECAEQHg&b
iw=1449&bih=1677#imgrc=7Rrb2zyAX5dU1M
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Social_media_icon.png https://www.google.com.ph/search?
q=news&tbm=isch&ved=2ahUKEwilpe6Sv9zqAhVUAKYKHSNyAA
EQ2-
cCegQIABAA&oq=news&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIHCAAQs
QMQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIFCAAQsQMyBAgAEEMyBAgAEEM6BAgjECc6BwgjEO
oCECdQ8iZY0Ddg3DloAnAAeAGAAaUBiAHNBJIBAzEuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nsA
EKwAEB&sclient=img&ei=4-YVX- WnOdSAmAWj5IEI&bih=1677&biw=1449&tbs=sur
%3Afc&hl=en&hl=en#imgrc=3A9- 3Efjf36bTM
https://www.google.com.ph/search?q=engr+hat&tbm=isch&hl=en&chips=q:engineer+cap,g_1:civil:j5
WpzBkGBqI%3D,g_1:clip+art:c1Zi5-5I-i4%3D&tbs=sur:fc&hl=en&ved=2ahUKEwisrtL-
v9zqAhWHSJQKHcgRD64Q4lYoAXoECAEQGg&biw=1449&bih=1677#imgrc=Nl4_D8byd5e5N
M
https://www.google.com.ph/search?q=business&tbm=isch&ved=2ahUKEwjwucCBwNzqAhXQy4sBHa
D0AmQQ2-
cCegQIABAA&oq=business&gs_lcp=CgNpbWcQAzIHCAAQsQMQQzIECAAQQzIECAAQQzIFCAA
QsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgIIADIFCAAQsQM6BAgjECc6BggA
EAgQHjoECAAQGDoHCCMQ6gIQJ1CKmA5Y-
7UOYKW3DmgBcAB4BIABqQGIAbMLkgEDNy42mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQ
E&sclient=img&ei=y- cVX7CoO9CXr7wPoOmLoAY&bih=1677&biw=1449&tbs=sur
%3Afc&hl=en&hl=en#imgrc=Fqfv A8iPrR2dNM

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – NCR, SDO Valenzuela City


Office Address: Pio, Valenzuela St., Marulas Valenzuela City
Telefax: 02-292-3247
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph

40 DO_Q2_Filipino_12_Modyul 2

You might also like