Professional Documents
Culture Documents
11
DIVISION OF CITY OF BOGO
Buac, Cayang, Bogo City, Cebu
FILIPINO
QUARTER 2 – WEEK 1
ALAMIN MO
Ang modyul na ito ay binuo upang lalong malinang ang iyong kaalaman sa
iba’t – ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radio at telebisyon at nasusuri at naisa-alang –alang ang
mga linggwistiko at kultural na pakakaiba –iba sa lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dulang napanood.
I. ANONG NANGYARI?
KRUSIGRIMA
Subukin Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA.
Gamitin ang letra na nasa krusigrima bilang karagdagang palatandaan
upang matukoy ang salita.
V
P
S A
H
M S M D
L
O
G
R D O
N
PAHALANG
1. Pangmadlang media
5. Media ng masa
PABABA
2. Pinanonood
3. Print Media
4. Pinakikinggan
1
II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?
2
Bukod sa radyo, isa ring pangunahing pinagkukunan ng impormasyon
ang telebisyon. Ang panonood ng telebisyon o panonood ay isang mahabang
proseso ng pagbabasa, pagkuha at pag-unawa ng mensahe mula sa isang
programa o palabas. Ang panonood ay isang uri ng pag babasa sapagkat imbes
na mga letra o teksto ang nakalagay, mga tekstong biswal at awdyo ang iniintindi
at binibigyang interpretasyon ng mga manonood.
Ang mga palabas ay may apat na uri, ang tanghalan o teatro, mga
pelikula, telebisyon at youtube. Ang tanghalan o teatro ay isang palabas kung
saan aktwal na umaarte ang tauhan ayon sa isang script. Ito ay may iskoring ng
musika, may tunggalian, may tagpuan at wakas. Samantala, ang pelikula naman
ay ang palabas na kung saan nauna na ang pag-arte at inirekord na lamang
gamit ang kamera. Samakatuwid, ang pelikula ay mga palabas na hindi aktwal
na napapanood ang pagtatanghal. Tulad ng tanghalan, ang palabas rin ay may
iskoring ng musika at tagpuan. Sine ang tawag sa mga imaheng gumagalaw
o motion pictures.
3
Telebisyon, midyum ng mga programa upang maipalabas ito. Mraming uri ng
palabas sa telebisyon kabilang ang mga teleserye, komedya o komedi-serye,
telenovela, pelikula, mga balitang panglokal at pangdaigdig, mga
dokumetaryo, variety show at reality tv shows at game shows. Ang Youtube ay
isang popular na site kung saan maaaring mag-upload ng mga videos ang
mga netizens o mga taong gumagamit ng internet
Pagyamanin
3
Media at Pambansang Wika
Ni Roland Tolentino
Bulatlat.com
4
pagpapahalaga ay maglilikhang hindi nakikita at natutunghayan ang
materialidad ng abang uri.
Tanging ang aspirasyon ng gitnang uri ang tumitingkad. Kaya ang
ordinaryong assistant sa isang advertising company na babae ay mai-inlove sa
kanyang masungit na boss, at mai-inlove gamit ang wikang Taglish.
Sa internet, sinasabing ang sites na sa Filipino at bernakular ay mas maraming
trafiko at hits kaysa sa sites sa ingles. Umaariba na ang kolokyal na pambansang
wika, at ang panuntunan ng gatekeepers ng ofisyal na wikang pambansa ay, sa
pangunahin, nakasentro sa usaping standardisasyon (baybay, panunumbas na
kahulugan, gamit sa pangungusap, at iba pa).
Sa kabilang banda, sa mas pragmatikong usapin, ang pagpapalaganap ng
media ng kolokyal na pambansang wika ay hindi naman dahil sa pagmamahal ng
una sa huli. Mas atas pa ng pangangailangan ng higit na kita ng media—isa sa
mga huling negosyong nilinaw ng Konstitusyon na para sa mga Filipino lamang—
ang motibasyon ng pagtangkilik ng negosyong media sa wikang pambansa.
Narinig kong magsalita ang mga artista sa “The Buzz,” isang showbiz talk
show. Si Shaina Magdayao ay nagpapaliwanag kay Boy Abunda hinggil sa pang-
aalipustang siya ang dahilan ng pagka-setback sa career ni John Llyod Cruz.
Ewan ko kung tipong inaabot ni Shaina o Gerard Anderson—na nagpapaliwanag
naman sa korte ng popular na publikong opinyon hinggil sa paghihiwalay nila ni
Kim Chu–ang manonood na kalakhan ay galing sa mababang uri, pero hindi sila
makapagsalita ng tuwid na Filipino o ingles.
Ang kanyang rekurso ay paghaluin ito, at ito ang tagumpay ng pag-inhinyero
ng media conglomorates sa artista at wika: wala nang nasa labas ng kolokyal na
wika, at ang pagpaminta ng ingles sa Filipino ay ang pagsasanib ng higit na
aspirasyonal na halaga ng wikang ingles sa Filipino. Hindi rin kakatwa na wikang
ingles ang inaakalang literal na magpapayaman sa nagsasanib nito sa wikang
Filipino.
Hindi ba’t ingles ang siyang kolonyal na wika, at kasalukuyang tampok na
global na wika sa ating insular na mundo?
Kahit pa sa boom economies ng India at China at ang pangangailangan ng
maraming Filipinong marunong ng wika ng mga ito para sa engagement sa mga
bagong global na economic powers, patuloy lamang ang pinupuntirya ng mga
Filipino ay ang circuitous na pakikisalumuha via ingles?
Sa madaling salita, pambansang aspirasyon ang kolokyal na pambansang
wika. Ang sentral na impetus ay nanggagaling sa pambansang motibasyong
makaalinsabay sa globalisasyon, o ang paghahanap ng lokal na idioma sa global
na kapitalismo. Hindi ito dumidiretso sa kalakarang global, ang pagpasok sa
ekonomiya ng India, China at iba pang umuunlad at mas mauunlad na bansa.
Ang trajektori ng aspirasyon ay tungo sa katagumpayan ng globalisasyon sa
pambansang kondisyon: ang higit pang penetrasyon ng global sa lokal. Ang
kultural nitong pagsasalin ay nangangahulugan ng mobilisasyon sa
pamamagitan ng overseas contract work sa labas ng bansa at call center work sa
loob ng bansa. At media ang nagpako ng kasalukuyang estado ng pangarap ng
mamamayan.
Ang kahulugan ng paglaganap ng isang kolokyal na wikang pambansa sa
media ay nagsaad rin ng nasyonal na agenda: sa pamamagitan ng kolokyal na
wikang pambansa makakalahok ang bansa sa kolokyal na globalisasyon.
Nananatiling nasa laylayan ang bansa at ang wika nito tungo sa internalisasyon
5
ng globalisasyon. At dahil magpakaganito, tumitingkad ang materialidad ng di-
pantay na penetrasyon ng globalisasyon sa buong mundo.
Kung titignan ang diyaryo, malinaw na ang broadsheets—ang lehitimong
peryodismo—ay nakasulat sa ingles. Sa mga tabloid, na higit na tinutunghayan
ng mas maraming bilang ng ordinaryong mamamayan, ay sadlak sa
sensationalismo, ang bulgar at bawal, sexual at bastos, at iba pa. Hindi ba’t ang
isinasaad nito ay ang di-opisyal at popular na motibasyon sa kaalaman-kultural
na dulot ng tabloid ay tungo sa mismong hindi aangkop sa kinikilalang ofisyal na
peryodismo sa bansa?
Kaya ito ang debacle sa wikang pambansa at media na nagpapalaganap ng
kolokyal na variasyon nito: ang pinapatingkad ay ang kabalintuan ng di
makapantay at makaagapay sa ofisyal na globalisasyon, at ang kasalukuyang
tereyn ng kolokyal na wikang pambansa ay nananatiling nasa bulgar,
ipinagbabawal, sexual at bastos. (Bulatlat.com)
Pagyamanin
A. Youtube F. Media
B. Radyo G. Internet
C. Mass Media H. Patalastas
D. Marshall Mcluhan I. Visual
E. Rating Survey J. Advertising Agency
6
____________1. Nagsabing Kailangang-kailangan na natin ang mass media sa
ating buhay.”
____________2. Ginagamit upang malaman ang mga patok na programa at
palabas sa telebisyon at radyo
____________3. Gumagawa ng mga patalastas
____________4. Pinakamalawak at may pinakamaraming naabot na mamamayan;
pinakamura.
____________5. Pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas.
____________6. Pinagmamasdan o pinapanood.
____________7. Kumikita ang media sa tulong at sa pamamagitan ng mga.
____________8. Kung saan in-uupload ang mga personal na video.
____________9. Pinakamaimpluwensiyal at pinakamakapangyarihang institusyon
sa ating lipunan.
____________10. Institusyong panlipunan na ang tungkulin ay maging
tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat ng mga pangyayari sa lipunan, maging tinig
ng mamamayan at tagapaghatid ng mensahe sa kinauukulan.
7
SUSI SA PAGWAWASTO
https://www.google.com/search?q=Radyo&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7u9v_mLjrA
hXUIaYKHSgpA1kQ2-cCegQIABAA
https://umtcshsabm1.wordpress.com/2016/09/22/aralin-1-wikang-filipino-at-
mass-media/
http://iklikfilipino.blogspot.com/2016/10/ang-mass-media.html
media.htmlhttps://www.bulatlat.com/2010/09/06/media-at-pambansang-wika/
Inihanda ni:
EMMA R. BERCERO
8
9
Curriculum and Learning Management Division(CLMD)
Learning Resource Management and Development
Center(LRMDC)
Department of Education Region VII
10
11