You are on page 1of 4

Ang Sitwasyon ng Wikang

Filipino sa Broadcast Media


Broadcast Media ayon sa Encyclopedia, ay ang paghahatid ng impormasyon sa mga
mamamayan gamit ang radyo at telebisyon? Ito ay karaniwang gumagamit ng radio waves
upang maihatid ang mga impormasyon.
Ang Radio / TV Broadcasting ay ang pagsasahimpapawid ng serbisyong naipadadala sa
pamamagitan ng dagibalniing-liboy (electromagnetic wave) mula sa isang transmitter sa isang
tumatanggap ng antenna at inilaan upang maabot ang isang malawak na madla. Narito ang
pagkakaiba ng radyo sa telebisyon.
1. Radyo – Ito ay isang teknolohiyang pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat
(signals) sa pamamagitan ng modulation ng dagibalniing-liboy (electromagnetic wave) na may
dalas (frequency) na mas mababa kaysa liwanag. Ito ay may dalawang uri ng modulation – ang
Amplitude Modulation (AM) na karaniwang balita ang nilalaman at ang Frequency
Modulation (FM) na may balita ngunit madalas ay musika at panlibangan.
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Radyo:
➢Ang nangungunang wikang ginagamit sa radyo ay ang Wikang Filipino subalit may mga ilan
ding FM stations ang gumagamit ng wikang Ingles at mayroon ding mga estasyon sa radyo sa
mga probinsiya na gumagamit ng rehiyonal o bernakular na wika ngunit kapag may
kinapapanayam sila, karaniwang ginagamit ay wikang Filipino pa rin.
2. Telebisyon o tanlap (tanaw + diglap) – Isa itong pamamaraang telekomunikasyong ginagamit
upang makapaghatid ng tunog at gumagalaw na imaheng may iisang kutis ng kulay, may iba’t
ibang kulay, o may tatlong sukat (3D). Puwede itong tumukoy sa set ng telebisyon, isang
programa sa telebisyon o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang telebisyon ay
pangmasang panghatid ng libangan, edukasyon, balita o pang-alok.
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Telebisyon:
➢Ito ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mga mamamayang naabot nito.
➢Sa kabila ng paglakas ng internet at social media, hindi pa rin maikakailang marami pa rin
ang hindi nakapag-a-access nito lalo na sa liblib na mga lugar o ‘di naman kaya’y kawalan ng
mga gadyet. Kaya, umaasa pa rin ang mga mamamayan sa serbisyong dala ng telebisyon.
➢Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga
lokal na channels gaya ng GMA-7, TV5, GTV, A2Z, Kapamilya Channel, HOA (Heart of Asia)
Channel at iba pa.
➢Ang halimbawa ng mga programang pantelebisyong gumagamit ng wikang Filipino ay ang
mga teleserye, mga pantanghaling mga palabas (noontime shows), mga magazine show, news
and public affairs at reality shows.
➢Maging sa mga patalastas, wikang Filipino pa rin ang malawakang ginagamit.
➢Ang pagdami ng mga palabas, partikular sa telebisyon ng mga teleseryeng panghapon at
panggabi o pantanghaliang programa ay ang sinusubaybayan ng halos lahat ng milyong-milyong
manonood na dahilan kung bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino.
➢Walang subtitle o dubbing ang mga palabas sa mga wikang rehiyonal at maging sa
karamihan ng pambansang palabas.
➢Ang mga palabas naman mula sa ibang bansa gaya ng mga Kdrama, mga Asian Drama mula
sa China, Thailand, Japan, Taiwan, Turkey, Mexico atbp, mga animé, cartoons, foreign movies at
iba pang palabas ay naka-dub na rin sa wikang Filipino.
➢Ang madalas na eksposyur sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng
mga mamamayan sa Pilipinas ang nakapagsasalita ng Filipino at maraming kabataan ang
namulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa mga lugar na ‘di Katagalugan.
Panayam – ang tawag sa sistema ng komunikasyong nagtatanong para makakuha ng
impormasyon, tulad ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang
nakatatawag ng kawilihan sa madla, karaniwang nagmumula sa tanyag na tao o kilalang
awtoridad? Maituturing itong isang kasanayan sa makrong pagsasalita. Pinaghahandaan ito lalo
ng magpapanayam. Kailangang ang bawat tanong at sasabihin niya ay komprehensibong
maipahahayag.
Mga Uri ng Pakikipanayam
1. Pakikipanayam na Pagkuha ng Impormasyon – Ito ay isinasagawa upang makakuha ng
impormasyon mula sa taong kinapapanayam. Ito ay pakikipanayam na ginagawa ng
mamamahayag, pulis, reporter, doktor, abogado, negosyante at mag-aaral.
2. Pakikipanayam para sa Trabaho / Pag-aaral – Ito ay isinasagawa para sa naghahanap ng
trabaho, sa mga mag-aaral sa unang taong nais na matanggap sa kolehiyo o pamantasan o sa
mga mag-aaral na gustong makapasok sa mga programa sa paaralang gradwado.
3. Pakikipanayam upang Magbigay ng Payo – Ito ay sinasagawa upang patnubayan at
suportahan ang taong kinapapanayam lalong-lalo na sa gitna ng kaniyang mga suliraning
personal. Ginagamit ng mga Guidance Counselor, Psychiatrist, mga kaibigan o miyembro ng
pamilya.
4. Mapanghikayat na Pakikipanayam – Ito ay naglalayong baguhin ang paniniwala, pananaw
o pag-uugali ng taong kinapapanayam. Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam na ginagawa
ng mga volunteer agency sa mga taong gustong magtrabaho sa kanilang ahensiya.
5. Pakikipanayam sa Pagbebenta – Ito ay naglalayong humikayat sa mga mamimili upang
bumili ng mga ibinebentang produkto, tulad ng ginagawa ng mga ahente ng seguro, gamot,
alahas, bahay atbp.
6. Pakikipanayam na Tumataya o Nag-eebalweyt – Ito ay nakatutulong sa pagtataya ng
nagawa ng isang indibidwal kaugnay ng kaniyang trabaho na nagiging basehan sa pagbibigay sa
kaniya ng promosyon o gantimpala o pagtanggal sa kaniya sa kaniyang katungkulan o
pagtulong sa kaniya na makilala ang kaniyang kalakasan at kahinaan.
7. Pakikipanayam na Nag-iimbestiga – Ito ay dinesenyo upang makakuha ng impormasyon
mula sa taong kinapapanayam sa pamamagitan ng malayang pagsisiyasat. Ginagamit ng mga
abogado sa korte, pulis na nag-iimbestiga, mga opisyal ng bangko, o ng NBI.
8. Pakikipanayam sa Media – Ito ay nagaganap kapag ang tagapanayam ay nagtatanong sa
isang panauhin sa radyo o telebisyon. Ginagawa sa isang talk show o balita.
Mga Tanong na Ginagamit sa Pakikipanayam
1. Saradong Tanong – Ito ay sumasagot lamang sa tanong na Oo o Hindi o may pamimilian o
tiyak ang kasagutan. Sa ganitong uri ng tanong, ang tagapanayam ay nakakukuha ng maraming
impormasyon sa maikling panahon. Ngunit hindi ito nagbibigay ng pagkakataon sa
kinapapanayam na makapagbigay ng mga karagdagang impormasyon.

Halimbawa:
“Ano naman po ang natapos ninyong kurso?”
“Kaya mo bang magtrabaho kahit sa gabi?”
2. Bukas na Tanong – Ito ay tanong na walang restriksyon. Ang taong kinapapanayam ay
nagbibigay ng higit na kalayaang sumagot sa mga tanong. Sa ganitong uri ng tanong,
natutuklasan ng tagapanayam ang pananaw, pagpapahalaga at layunin ng kaniyang
kinapapanayam.

Halimbawa:
“Ano po ang masasabi ninyong pagpapahalaga ng pamahalaan sa ating wikang pambansa?”
“Gaano po kayo kahanda bilang Punong Komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino?”
3. Primary Questions – Ito ay mga tanong na inihanda bago pa man isagawa ang aktuwal na
pakikipanayam. Ang mga tanong na ito ay nagsisilbing pangunahing puntos sa balangkas ng
pakikipanayam.

Halimbawa:
Maari itong sarado gaya ng “Mahal mo ba ang wika mo?” o bukas gaya ng “Ano naman ang
masasabi mo tungkol sa pagkalito ng mga kabataan sa paggamit ng wikang pambansa?”
4. Secondary Questions – Ito ay mga tanong na ibinabatay sa mga sagot ng kinapapanayam.
Ang mga tanong na ito ay binubuo ng tagapanayam habang nagpapatuloy siya sa
pakikipanayam.

Halimbawa:
“Pagkatapos noong 1935, ano ang nangyari sa wikang pambansa?
“Ano pa ang masasabi ninyo tungkol sa patakarang bilingguwal?”
Mayroon namang secondary questions na sumusuri sa sinasabi ng kinakapanayam, gaya ng
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?” “Maari po bang pakiulit ang sinabi ninyo?” Mga Dapat
Tandaan sa Pakikipanayam
1. Tawagan nang maayos ang taong kapapanayamin upang maitakda ang pakikipanayam.
2. Magsaliksik tungkol sa paksang pag-uusapan bago isagawa ang pakikipanayam.
3. Ihanda nang maaga ang balangkas ng mga tanong.
4. Hangga’t maari, irekord ang pakikipanayam.
5. Maging magalang sa pakikipanayam.
6. Tapusin ang pakikipanayam sa loob ng itinakdang oras.
7. Iwasan ang pagtatanong ng hindi inaasahan upang hindi mapahiya ang tao.
8. Huwag kalimutang magpasalamat.
Balita ang tawag sa isang uri ng sulating tumatalakay sa mga nagdaan o kasalukuyang
kaganapan sa loob at labas ng isang bansang nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga
mamamayan?
➢Maari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, internet o galing sa
bibig at ikatlong partido o sa maramihang mambabasa, nakikinig o nanonood.
➢Para masabing balita, dapat na isinusulat kaagad ang mga talang nakuha kaugnay ng isang
pangyayari.
➢Pinagtutuonan ng pansin ang mga mahahalagang punto. Siguraduhing wasto ang mga
pangalan ng tao.
➢Kailangan din ang kawastuhan sa petsa at mga pangyayari.
➢Iwasan ang paglalagay ng kuro-kuro.

15. Balitang Pangkabuhayan – Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa


negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
16. Balitang Panlibangan – May kinalaman sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula,
tanghalan at iba pa.
17. Balitang buhat sa talumpati – Ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng
palatuntunan, seminar, panayam o pulong.
➢Ilahad ang mga pangyayari nang walang pinapanigan at gumamit ng isang pangungusap na
talata.
➢Dapat na maikli, malinaw at payak ang mga pangungusap, at
➢Huwag kalimutang isulat ang balita ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.

Mga Uri ng Balita


1. Paunang Paglalahad – Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala
na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.
2. Tuwirang Paglalahad – Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang
impormasyon tungo sa maliliit na detalye.
3. Balitang bunga ng Pakikipanayam – Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at
napanonood ay bunga ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang
dapat isulat.
4. Kinipil na Balita – Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa
pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.
5. Madaliang Balita o Flash – Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.
6. Depth news o Balitang may lalim – Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit
na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
7. Balitang Pangsiyensiya – Ito ay tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga
bagay na makatutulong sa pagpapadali ng mga gawain.
8. Balitang Panlokal – Ito ay mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad
ng barangay.
9. Balitang Pambansa – Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa.
10. Balitang Pandaigdig – Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa:
Digmaan sa Iraq
11. Balitang Pampolitikal – Mga pangyayaring may kinalaman sa politika.
12. Balitang Pampalakasan – Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at
kompetisyong pangkalakasan
13. Balitang Pang-edukasyon – Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.
14. Balitang Pantahanan – Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.
a. Broadsheet – Ito ang pinakamalaking pormat ng pahayagan. Nailalarawan ito sa
pamamagitan ng mahabang patayong mga pahina (karaniwang 22 pulgada 0.560 mm). Ang
target readers ay mga Class A at B kung saan ang mga mambabasa nito ay halos mga
propesyonal o karaniwang maykaya sa buhay. Tinatalakay nito ang mga seryosong paksa sa
ating komunidad. Kadalasang Ingles ang gamit na wika, pormal ang estilo at seryoso.
b. Tabloid – Ito ay uri ng pahayagang may mas maliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet,
bagaman walang pamantayan ng sukat para sa tabloid. Ang target readers ay mga Class C at D
kung saan itinuturing itong pahayagan ng masa. Filipino ang pangunahing wikang gamit, hindi
pormal at pokus sa mga balitang may kaugnayan sa “sex”, showbiz, karahasan, krimen atbp.
Ngunit tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao tulad ng mga drayber ng bus at dyip,
mga tindera sa palengke, mga ordinaryong manggagawa at iba pa dahil nakasulat ito sa wikang
higit nilang nauunawaan. Nagtataglay ito ng malalaki at nagsusumigaw na headline na
naglalayong maakit kaagad ang mga mambabasa. Ang nilalaman ay karaniwan ding
senseysyonal kung saan lumalabas ang impormalidad ng mga ito.

Dalawang Uri ng Pahayagan


2. Magasin – ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento,
anunsyo, larawan at iba pa. Ito ay naghahatid ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Mas
malaki ang sukat nito kaysa sa aklat ngunit mas maliit kaysa sa pahayagan. Ito’y naglalaman
ng larawan ng mga produktong iniindorso ng sikat na tao sa bansa.

3. Komiks – ay isang halimbawa rin ng print media. Ito ay inilarawan bilang isang makulay at
popular na babasahing nagbibigay saya sa mga mambabasa, nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman
at nagsusulong ng kulturang Filipino. Ito rin ay itinuturing na grapikong midyum na kung saan
ang mga salita at larawan ay ginagamit upang maghatid ng kuwento. Ito ay naglalaman ng
kaunti o walang salita, binubuo ng isa o higit pang larawan. Sa Pilipinas sinasabing si Dr. Jose
Rizal ang kauna-unahang Pilipinong gumawa ng Komiks na may pamagat na “Pagong at
Matsing”. Ito’y inilathala sa magasing “Trubner’s Record noong 1884.
Print Media ay isang uri ng sulatin o teksto kung saan ang mga impormasyon, balita at iba pa
ay nakalimbag at malayang nahahawakan? Ang ilan sa mga halimbawa nito ay diyaryo o
pahayagan, magasin, komiks at iba pang uri ng lathalain. Sinasabi ring ang pamamahayag ang
pinakamahalagang sitwasyong pangwikang behikulo sa pagpapalaganap ng wika. Ang wikang
ginagamit ay Filipino kaya naman madaling nauunawaan ng madla. Narito ang mga halimbawa
ng Print Media.
1. Pahayagan, Diyaryo o Peryodiko – Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng mga
balita, impormasyon at patalastas na kadalasang naimprenta sa mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes at kadalasan itong inilalathala nang araw-
araw o lingguhan.

You might also like