You are on page 1of 1

ARALIN 3.

5
Sanaysay - ay isang uri ng akdang tuluyan. Isinusulat ang sanaysay nang patalata. Karaniwang tumatalakay sa isang paksa o kaisipan na sadyang kapupulutan
ng aral o aliw sa mambabasa,gayundin, naipapahayag ang sariling pananaw, kuro-kuro, opinyon at damdamin tungkol sa isang mahalagang isyu o paksa.

Dalawang uri ang sanaysay:


Sanaysay na pormal o maanyo - ay nagtataglay o naghahatid ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng lohikal o makaagham na paglalahad ng
mga impormasyon tungo sa malinaw na pagtalakay sa paksa. Maingat ang pagpili ng mga salita tulad ng salitang nasa anyong pampanitikan-makahulugan,
matalinghaga at matayutay.
Impormal o pamilyar na sanaysay - ay karaniwang naglalahad ng kawili-wiling paksa tulad ng iba’t ibang bagay at mga karanasan ng tao. Ang pananalita ay
karaniwan ang himig o tono gayundin ang gamit ng mga salita na parang nakikipag-usap lamang ang may akda sa kaniyang mambabasa.

Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.

1. Pangunahing kaisipan - Ito ang tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Karaniwang matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng
talata.
2. Pantulong na kaisipan- Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon o mga detalye na sumusuporta sa pangunahing kaisipan. Ito rin ang gumagabay sa
mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng talata.
 Halimbawa:
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo sa paggamit nito. Maaari kang
makipagkaibigan gamit ang social media. Maaari ka ring maglaro online games. Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit ang iba’t ibang
site.
 Paliwanag:
Ang pangungusap na may salungguhit ay ang pangunahing kaisipan samantalang ang mga pangungusap na walang salungguhit ay ang mga pantulong
na kaisipan na nagpapahayag kung bakit maraming kabataan ang nahuhumaling sa internet.

Talumpati - ay buod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri itong komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang mahalagang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

 Nagmula sa pormal na sanaysay ang talumpati. Ang talumpati ay bunga ng masining na pagbigkas.

Anaporik/Anapora - Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.
Mga Halimbawa:
a. Sa pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
b. Nalulungkot ang batang babae dahil wala siyang kaibigan.
c. Hindi nahabag ang mga kamag-aaral niya dahil wala silang alam tungkol sa kaniya.

Kataporik/Katapora - Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng teksto o pahayag.
Mga Halimbawa:
a. Ipinagpalagay ng kaniyang mga kaklase na siya ay kanilang talu- talunan kaya lalong sumidhi ang panunukso sa batang babae.
b. Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklase kaya ipinagpatuloy ng mga kamag-aaral niya ang panunukso sa kaniya.
c. Ipinakita niya ang kaniyang katapangan nang sinabi ng batang babae na mayroon siyang isandaang damit.

ARALIN 3.6
Newscasting (Pagbabalita)
Ito ay isang paraang ng paghahatid ng impormasyon o balita sa pamamagitan ng telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga
pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Ito rin ay isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at iba
pang mga paksa sa buong bansa at ibayong dagat. May layuning maghatid sa madla ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pinakamadaling
paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ay ang radyo, telebisyon, at pahayagan.
Ang newscasting ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na naghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood. Ginagawa ito sa
isang lokal na lugar o di kaya ay sa isang estasyon ng telebisyon o radyo.
Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari na karaniwang tungkol sa politika, ekonomiya at mga balita sa ibang bansa, at maaaring isama rin
ang iba pang uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng panahon, kalagayan ng trapiko sa mga lansangan, mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang mga
bagay na nasa interes ng manonood.
Isa sa halimbawa ng komprehensibong pagbabalita ang radio broadcasting. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa larangang ito.
Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless transmission mula sa mga estasyon ng radyo papunta sa ating mga radio.
Inimbento ito upang ipaabot sa malalayong lugar at sa mas maraming tao ang mga napapanahong balita at impormasyon.
Ang bumubuo ng Radio Broadcasting staff:
1. Scriptwriter
- Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita sa radyo.
2. News presenter
- Tinatawag ding field reporter. Sila ang tagapagbalita at tagapanayam dahil sila ang madalas na nasa field upang mangalap ng pinakabagong
balita.
3. News anchor
- Kilala rin bilang announcer. Siya ang pinakakilala ng mga tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing mukha ng himpilan.
4. Technical director
- Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects sa kabuuan ng programa. Siya ay katuwang ng News Anchor para malaman kung hihinaan
o lalakasan na ang tunog ng sound effects.
5. Infomercial director
- Siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang mga patalastas na nagtataglay ng impormasyong makatutulong sa mamamayan. Kadalasan ay
malikhain at kakatwa ang pagsulat ng iskrip nito, na ginagawa upang mapukaw ang atensiyon ng mga tagapakinig.
6. Director
- Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa. Binibigyan niya ng senyas ang mga staff mula news anchor hanggang sa technical
director. Ipinaaalam din niya kung ilang minuto na lamang ang nalalabi sa kanilang programa.

You might also like