You are on page 1of 30

FILIPINO 8 - KWARTER 3

IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO

DOKUMENTARYONG
PANRADYO: SA
MAKABAGONG PANAHON
Mga Kasanayang Pampagkatuto
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting
F8PT-IIId-e-30
2. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan
F8PD-IIId-e-30
3. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon
at personal na interpretasyon ng kausap F8PN-IIId-e-29
4. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto at pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa)
F8WG-IIId-e-31
5. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo
F8PU-IIId-e-3
Layunin
Pagkatapos pag-aralan ng mag-aaral ang
modyul na ito sa loob ng isang linggo,
inaasahan na natuto siya ng mga
kompetensi na dapat linangin at naisapuso
ang mga saloobin na dapat niyang
maisabuhay.
Talaan ng Nilalaman

PAGSULAT NG ISKRIP NG
01 MASS MEDIA 03 PROGRAMANG
PANRADYO

RADYO,
MGA EKSPRESYONG GINAGAMIT SA
02 KOMENTARYONG
04 PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO AT
PANRADYO
(BAHAGI AT URI) PANANAW
MASS MEDIA
MASS MEDIA
Tumutukoy sa iba’t ibang paraan ng Mga Midyum ng Mass Media
komunikasyon kung saan naaabot
nito ang maraming tao sa ✅BROADCAST MEDIA (RADYO
mundong tinatawag na audience o AT TELEBISYON)
receiver na wala namang personal ✅PRINT MEDIA (PAHAYAGAN,
na relasyon sa mga sender nito. LIMBAGAN, MAGAZINE)
✅ADVERTIZING (COMMERCIAL
ADS, PATALASTAS)
MIDYUM NG MASS MEDIA ✅POSTERS, BILLBOARDS,
-nagsisilbing instrumento o lakas ng STEAMERS
humihigop sa utak ng mga ✅PELIKULA
tagatanggap (receiver) ng mensahe ✅VIDEO TECHNOLOGY
mula sa tagapagsalita (source o
sender).
Itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino
sapagkat may kakayahan itong baguhin ang paniniwala at
pagpapahalaga ng isang tao sa mabilis na paraan. Kaya
napakahalagang sinusuri ng bawat isa ng nilalaman o
mensaheng ipinahahatid ng kanilang pinanonood, binabasa,
nakikita o maging ang kanilang pinakikinggan.

MASS MEDIA
RADYO
Itinuturing na “go-anywhere medium” ng
pamamahayag sapagkat ito ay naririnig ng mga tao
kahit saan---habang sila ay naglalakad, nagbibiyahe,
nagmamaneho, nagtatrabaho o namimili.
KOMENTARYONG PANRADYO
Ang komentaryong panradyo ay maaaring
maglaman ng paninindigan ng istasyon o
pansariling pananaw lamang ng komentarista.
Ayon sa kanya:
● ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan
na maipahayag ang kanilang mga opinyon
at saloobin kaugnay sa isang napapanahong
isyu, o sa isang isyung kanilang napiling
talakayin at pagtuunan ng pansin
● ang pagbibigay opinyon ay makatutulong
nang malaki upang ang kabataan ay higit
na maging epektibong tagapagsalita
● ang unang hakbang upang makagawa ng
isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak
na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay
na naglalahad ng opinyon o pananaw
Elena Botkin – Levy
Koordineytor, ZUMIX Radio
Mga Bahagi ng Komentaryo
SIMULA KATAWAN WAKAS
-Nagpapahayag ito ng sariling
opinyon ng komentarista o kaya -Naglalagom ito at
-Bumabanggit ang paninindigan ng istasyon ng radyo. nagbibigay-diin sa
bahaging ito ng -Naglalaman ito ng mahahalagang kaisipang tinalakay.
impormasyong nakabatay sa
isyung tatalakayin. katotohanan at bunga ng
-Ipinapahayag dito
-Karaniwang pananaliksik. ang panghihikayat at
napapanahon at -Bumabanggit din ito ng pahayag pagpapakilos sa mga
at pananaw ng awtoridad sa
mainit na isyu tagapakinig tungo sa
paksang tinatalakay.
ito ng lipunan. -Naglalahad ito ng panig o isang pagwawastong
pagsalungat sa isyu at magbibigay lipunan.
ng mga halimbawa upang
patunayan ang puntong nais
biyang-diin.
Ilang Uri ng Komentaryo
NAGPAPABATID NANGHIHIKAYAT NAGPAPAKAHULUGAN
-Nananawagan ito sa -Ipinapaliwanag nito
Nagpapaliwanag at
mga tagapakinig na ang kahulugan ng
nililinaw nito ang mga
suportahan ang isang balita at ang
bagay na may
programa, balak, o kaugnayan nito sa iba
kaugnayan sa isyu
kilos. pang pangyayari.
upang matulungan
-Ipinapaliwanag nito -Karaniwang inilalahad
ang mga tagapakinig
ang mga dahilan kung ang mga posibleng
na magkaroon ng buo
bakit dapat panigan epekto nito sa lipunan.
at sapat na kaalaman.
ang isang gawain.
NAMUMUNA NAGPAPAHALAGA
-Binibigyang-papuri nito ang
Nagbibigay ito ng mga isang tao at kalagayan ng
puna at mungkahi isang institusyon o gawain.
tungkol sa isang isyu. -Nagpaparangal din ito sa
isang dakilang gawain.
Mga salitang ginamit sa Radio Broadcasting
AUDIO - VISUAL SFX (sound effects)
BROADCAST MEDIA
MATERIAL at MSC (music)

Isang paraan ng paghahatid Ginagamit na props ng Mga ginagamit na


ng impormasyon sa mga guro o ng mga
nakararami. Ang
instrumento o
taong nagdidiskusyon
pagpapakalat ng effects upang
impormasyon sa telebisyon, para madaling
maging mas
radyo at pahayagan ay isang maintindihan ng mga
halimbawa ng broadcast tao. Ito ay nababasa at
maganda,
media. Ito ay karaniwang naririnig ng mga taong makabuluhan at
gumagamit ng radio waves epektibo ang
binabahagian ng
upang maghatid ng
impormasyon sa telebisyon at
diskusyon. presentasyon.
radyo. Ang internet ay
matatawag na ring bahagi ng
broadcast media.
PAGSULAT NG ISKRIP NG PROGRAMANG PANRADYO
Iskrip
✅Taguri sa manuskrito ng isang audio- visual material
na ginagamit sa broadcasting.
✅Nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin
o sabihin.
✅Ginagamit sa produksyon ng programa Naglalaman
ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid sa
mga tagapakinig.
✅Nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director,
taga-ayos ng musika (musical scorer), editor at mga
technician.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ISKRIP
🔸Gumagamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.
🔸Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal na reaksyon ng mga
tauhan.
🔸Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music)
🔸Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding
ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
🔸Kailangan may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag makinilya o
kinompyuter.
🔸Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kabilang bahagi bago ang unang salita ng
linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerecording.
🔸Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malaking titik. Ginagamitan
lamang ang ito upang ipabatid kung papaano sasabihin ang mga linya o dayalogo ng mga tauhan.
🔸Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang
nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.
🔸Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parenthesis.
🔸Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
🔸Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang.
HALIMBAWA NG ISKRIP
HALIMBAWA NG ISKRIP
PATULOY ANG BUHAY SA GITNA NG COVID-19
Announcer: Mula sa pambalitaan ng 139.09 - radyo pangmasa, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang mga broadcaster na sina Amy Manlapig at Lloyd
Magpantay, ito ang Bangon Pilipinas!

Amy: Magandang umaga po sa inyong lahat! Narito na naman po tayo sa ating


paboritong programang “Bangon Pilipinas.” Gising!

Lloyd: Magandang umaga, partner! Magandang umaga po sa ating mga


tagapakinig.

Amy: Pards, pansin mo ba ang mga kaganapan ngayon? Pataas nang pataas na
ang bilang ng mga Pinoy na may Coronavirus o Covid-19.

Lloyd: Oo nga, Mars, araw-araw ay nadadagdagan ang bilang ng


kumpirmadong Covid-19 cases sa Pilipinas. Ayon nga sa DOH, asahang mas
aakyat pa ang bilang ng kaso sa mga darating pang buwan bago matapos ang
taon.
Resources
PATULOY ANG BUHAY SA GITNA NG COVID-19
Amy: Nakababahala na talaga ito, Pards, hindi na biro ang kinakalaban nating pandemya
ngayon. Grabe!

Lloyd: Sang-ayon ako sa’yo, Mars. Batay sa mga eksperto, matatagalan pa bago talaga
mawala ang Covid-19. Pero ang pahayag ng World Health Organization (WHO), maaaring
hindi na umano umalis o mawala sa paligid ng tao ang sakit na ito. Mananatili na umano ito
na walang pinagkaiba sa sakit na tuberculosis (TB) at Acquired-Immune Deficiency Syndrome
(AIDS).

Amy: Naku, ang tanging magagawa na lang talaga para ito malabanan ay ang makatuklas ng
bakuna. Mananatili na ang sakit na ito sa kapaligiran o ang tinatawag na endemic.
Pahihinain lamang ito ng bakuna pero maaring makahalubilo na natin ang sakit na ito,
Pards.

Lloyd: Aba, kung totoo ang anunsyo ng WHO na magiging endemic ang COVID-19, nararapat
lamang na ipagpatuloy ng mamamayan ang nakasanayan nang pag-iingat para makaiwas sa
virus.
Resources
PATULOY ANG BUHAY SA GITNA NG COVID-19
Amy: Tumpak Pards! Huwag na tayong bumalik sa dating nakasanayan na hindi
nagsusuot ng face mask, kumpul-kumpol sa isang lugar, hindi naghuhugas ng kamay
at kung anu-ano pang hindi magandang gawain na nagdudulot ng pagkakasakit.

Lloyd: Ang kagandahan naman, Mars, Mula nang manalasa ang COVID-19, natuto ang
marami sa tamang kalinisan. Iniwasan ang hindi magandang nakagawian gaya nang
pagdura, pagdumi sa kung saan-saan at iba pa.

Amy: Korek. Karaniwan ngayon, pag-uwi ng bahay naliligo agad at nilalabhan ang
sinuot na damit. Hindi na rin ipinapasok sa loob ng bahay ang suot na sapatos para
hindi makapagdala ng virus. Ayaw nilang mahawa ng sakit ang kanilang pamilya.
Approve!

Lloyd: Tama ka diyan! Kailangan lang na ipagpatuloy natin ang mga nakasanayang
ginagawa habang wala pang natutuklasan at aprubadong lunas sa sakit na COVID-19.
Dapat aware tayo sa proper hygiene at sanayin natin ang sarili sa mga gawaing ito.
Resources
PATULOY ANG BUHAY SA GITNA NG COVID-19
Amy: Agree ako diyan, Pards! Sa kabilang banda, dapat din namang apurahin ng
mga eksperto ang pagtuklas ng bakuna laban sa COVID-19 para nakasisigurong
ligtas ang sangkatauhan.

Lloyd: Sakto ang punto mo, Mars! Subalit bahagi na ng buhay ang pag-iingat
upang hindi kumalat ang sakit. Kung maipagpapatuloy ang magandang
nakaugalian, hindi na tayo magugulat o matataranta kapag may mas matindi
pang sakit na manalasa. Masasabi nating handa tayong lahat. Kaya nating
bumangon sa anumang pandemya.

Ibinatay ang ilang bahagi at impormasyon sa:

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2020/05/16/2014326/edito
ryal-ipagpatuloy-ang-mga-nakasanayan-sa-covid
Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng
Konsepto o Pananaw
Ang mga sumusunod ay mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag
ng konsepto at pananaw:

1. Paghuhudyat ng iniisIp, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao.


Mga salitang ginagamit:
● ayon
● batay
● sang-ayon sa
● akala ko/ni
● sa paniniwala ko/ni,
● sa palagay ko/ni
● pinaniniwalaan ko/ni
● iniisip ko
● sa ganang akin
● at iba pa.
Tandaan!
-mga pahayag na may kongkretong
KATOTOHANAN
ebidensya.

-kuro-kuro o palagay batay sa


OPINYON
pananaw ng isang tao.

-pahayag na inaakalang mangyayari


HINUHA
batay sa isang sitwasyon o kondisyon.

SARILING -batay sa sariling kaisipan o pananaw


INTERPRETASYON lamang.
Tandaan!
-mga pahayag na may kongkretong
KATOTOHANAN
ebidensya.

MGA SALITANG 📌batay sa 📌pinatunayan ni📌mula kay/sa📌sang-ayon


sa📌mababasa sa📌ayon sa/ayonkay📌pinatutunayan ni📌tinutukoy
GINAGAMIT sa/ni📌hinggil sa/kay📌resulta ng

HALIMBAWA: 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unting nababawasan


ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
3. Ayon sa bibliya, masama ang pagsisinungaling.
4. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo , “Habang may sariling
wika ang isang bayan ay taglay niya ang kalayaan.”
5. Ayon kay Santiago et al., (2000), ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga
ng katamaran ng mga Pilipino.
Tandaan!
OPINYON -kuro-kuro o palagay batay sa
pananaw ng isang tao.
📌sa ganang akin📌sa palagay ko/ni 📌akala ko/ni📌sa
MGA SALITANG paniniwala ko/ni, 📌sa aking palagay📌pinaniniwalaan ko/ni
GINAGAMIT: 📌sa tingin ko📌sa nakita ko📌sa pakiwari ko📌para sa
akin📌sinabi raw/daw ni📌sa aking opinyon📌sa aking
pananaw📌naniniwala ako

HALIMBAWA: 1. Para sa akin, si Hannah ang pinakamaganda sa lahat.


2. Sa aking palagay ay siya nga ang napangasawa ni Belen.
3. Sa tingin ko, si Meya ay nagsisinungaling.
4. Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng
lupa
5. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang
pagtitiwala sa isa’t isa.
6.Sa palagay ko, makabubuting panatilihin natin ang tamang
pangangalaga sa katawan upang makaiwas sa sakit.
Tandaan!
-pahayag na inaakalang mangyayari
HINUHA
batay sa isang sitwasyon o kondisyon.

MGA SALITANG 📌marahil📌siguro📌baka📌yata📌tila📌di malayo


GINAGAMIT 📌wari📌maaari📌posible📌kung📌kapag📌sakali

1. Tila hindi nababawasan ang mga taong nagpapasilaw sa pera at


HALIMBAWA: kapangyarihan.
2. Maaaring bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19
kung nagkakaisa ang mga mamamayan.
3. Di malayong aabuso sa kapangyarihan ang taong may mataas na
posisyon sa pamahalaan.
4. Ang tunay na pag-ibig marahil ay isang bagay na
nakapagbibigay-liwanag sa buhay.
5. Mahirap man ang buhay sa kasalukuyan, hindi yata papatalo ang
mga Pilipino sa pandemyang ito.
Tandaan!
SARILING -batay sa sariling kaisipan o pananaw
INTERPRETASYON lamang.
📌sa palagay ko📌sa tingin ko📌para sa akin📌sa nakikita ko
MGA SALITANG 📌ang masasabi ko📌ang pagkakaalam ko📌ang paniniwala
GINAGAMIT: ko📌kung ako ang tatanungin
1. Iniisip ko na ang tanging magagawa natin laban sa sakit na
HALIMBAWA: Covid-19 ay maging mas maingat tayo at malinis sa ating
pangangatawan.
2. Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na
edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
3. Para sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa
pamayanan.
4. Sa palagay ko ay si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.
5. Sa pagkakaalam ko, karamihan sa mga lalaki ay manloloko.
Ang mga sumusunod ay mga ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag
ng konsepto at pananaw:
2. Pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa o kaya ay pagbabago ng pangkalahatang pananaw.
Mga ekspresyong ginagamit:
● sa kabilang banda
● sa kabilang dako
● sa kabilang panig
● samantala
● habang
● kung tutuusin
● at iba pa
Halimbawa:
1. Tayo dapat ang manguna sa kalinisan upang malabanan ang virus ngunit sa kabilang banda, dapat din
namang apurahin ng mga eksperto ang pagtuklas ng bakuna laban sa COVID-19 para nakasisigurong ligtas
ang sangkatauhan.
2. Kung tutuusin, Malaki ang pagkukulang ng tao sa pansariling kalinisan kaya tayo dinapuan ng malubhang
sakit.
Pagsasanay
Panuto: Isulat ang K kung katotohanan, H kung hinuha, O kung opinyon at P kung
personal na interpretasyon ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa inyong papel ang
tamang sagot.

1. Naku, ‘di ba delikado pa rin ‘yong ganoon, partner.


2. Sa isang banda partner, mainam din ngang unang mabakunahan ang mga sundalo
at kapulisan dahil sila talaga ang laging naksuong sa laban kontra Covid-19
3. Ayon sa World Health Organization (WHO), wala talagang vaccine ang
magkakaroon ng 100% efficacy rate. Maging ang gawa ng U.S drugmakers na
Pfizer-Biontech at Moderna ay may efficacy rate na 95%. Ang mahalaga raw ay
umabot ito sa 50% at ito ay magiging safe na para gamitin.
4. Sabi nga ng iba hindi lang naman ang sundalo at kapulisan ang frontliners. Nariyan
ang mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno.
5. Batay sa resulta ng botohan si Ana Marie na ang bagong pangulo ng SSG.

You might also like