You are on page 1of 1

lkatlong Markahan: REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN

Aralin 3.2 ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO AT PAGUNLAD NG KULTURANG PILIPINO
Aralin 3.2.1a. Komentaryong Panradyo

Radyo- Ito ay isang kagamitang elektroniko na kung saan ito ay:

 naghahatid ng mga talakayan / pulso ng bayan *Dagdag-Kaalaman


 naghahatid ng musika
 naghahatid ng napapanahong balita Mga tagapamahayag (announcer) o
 nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa komentarista (commentator) ang tawag sa
 nagpapakilala ng isang produkto mga nagpapahayag ng mga balita,
 nagpapahatid ng mga panawagan impormasyon at opinyon sa radyo.

MGA KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO


 Komentaryong Panradyo
Ito ay pagpapahayag ng mga opinyon at saloobin ng tagapagsalita kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa
isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ay makatutulong nang
malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita.Ang unang hakbang upang makagawa
ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
 Radio Broadcasting
Ito ay isang uri ng pagsasahimpapawid ng impormasyon o balita, lokal man o internasyonal sa pamamagitan ng
radio waves.
 Dokumentaryong Panradyo
Ito ay isang programang naglalahad ng katotohanan at impormasyon, maaaring isyu tungkol sa lipunan, politikal
o historikal.Maaaring gawin din ang paglalahad sa pamamagitan ng dulaang panradyo.
 Dulaang Panradyo
Ito ay isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang ang boses at iba’t ibang tunog katulad ng yabag ng mga
tauhan, kalansing o tunog ng mga kagamitang kanilang hinahawakan, at iba pa. Ginigising nito ang ating
panlasa, pang-amoy at pandama sapagkat nahuhubog nito ang malikhaing kamalayan sa ating naririnig.

 Ang SFX, BIZ, SOM, CHORD at Standard Chord ay mga salitang,ginagamit sa pagbuo ng isang iskrip para sa
pagsasahimpapawid sa radyo (radio broadcasting)
 Ang SFX ay tumutukoy sa sound effects na inilalapat sa radyo.
 Ang BIZ ay ang pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng programa
 Ang SOM ay ang maikling musika na nag-uugnay sa putol-putol na bahagi ng iskrip sa radyo.
 Ang Chord ay nangangahulugang musika na maririnig mula sa malayo o background

Aralin 3.2.1b. Ekspresiyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw

1.Paghuhudyat ng iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao


Ginagamit ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at
iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa:

1. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga
opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.
2. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-
impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga
dayuhan.
3. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.
4. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2.Pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa o kaya ay pagbabago ng pangkalahatang pananaw


Ginagamit ang mga ekspresiyong tulad ng sa isang banda/ sa kabilang dako/ sa kabilang panig/ samantala/
habang/ kung tutuusin/at iba pa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak
kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, ito ay nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw.

Halimbawa:

1. Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-
tulugan.
2. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang hus

You might also like