You are on page 1of 2

KONSEPTO NG PANANAW SA PROGRAMANG PANRADYO

WEEK 3: Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting (F8PT-IIId-e-30)


Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo (F8PU-IIId-e-31)
(IKATLONG MARKAHAN) Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw
(ayon, batay, sang-ayon sa, sa akala, iba pa). (F8WG-IIId-e-31)
SUBJECT AREA: FILIPINO
GRADE LEVEL: 8
NAME OF TEACHER: SANDY B. MAGANA | CATHYRINE A. RADAM
NAME OF STUDENT:
GRADE & SECTION:

I. PANIMULA (INTRODUCTION)
GAWAIN BILANG 1 – RADYOriffic (5 Puntos)
PANUTO: Mula sa kahon ay pumili ng limang (5) mga pahayag na may kaugnayan sa radyo. Pagkatapos ay
kopyahin at isulat ang mga ito sa Venn Diagram.
• nagpapahatid ng mga panawagan
• nagpapalabas ng pelikula
• nagpapakilala ng isang produkto
• nakikinig ng mga awit
• nagpapalabas ng variety show
• nagpapalabas ng teledrama
• naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan
• naghahatid ng napapanahong balita

D. PAGPAPAUNLAD (DEVELOPMENT)
GAWAIN BILANG 2 – PAGYAMANIN
PANUTO: Basahin ang aralin sa ibaba – “MGA SALITANG GINAGAMIT SA PAGSASAHIMPAPAWID SA RADYO
(RADIO BROADCASTING)” at “EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO NG PANANAW.”

MGA SALITANG GINAGAMIT SA PAGSASAHIMPAPAWID SA RADYO (RADIO BROADCASTING)


1. Airwaves – midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala ring spectrum
2. AM – Nangangahulugang amplitude modulation; tumutukoy sa standard radio band
3. Announcer – ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga anunsyo
4. BIZ – pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng programa
5. Chord – nangangahulugang musika na maririnig mula sa malayo o background
6. Feedback – isang nakakairitang tunog na nililikha ng pagtatangkang palakasin ang ispiker sa paglalapit dito ng
mikropono
7. FM – isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternating current
8. SFX – tumutukoy sa sound effects na inilalapat sa radyo
9. SOM – maikling musika na nag-uugnay sa putol-putol na bahagi ng iskrip sa radyo
10. Voiceovers – isang teknik pamproduksiyon na pinagsasalita ang isang tao na maaaring live o inirekord

EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO NG PANANAW


A. Mga ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na ginagamit ang ideya o pananaw sa isang pag-
aaral o kaya ay ipinahahayag ang sanggunian kung saan kinuha o hinango ang impormasyong ito. Inihuhudyat
ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao. Kabilang dito ang:
Ayon kay/sa Para kay/sa Alinsunod kay/sa Akala ko/ ni/ ng
Sang-ayon kay/sa Batay kay/sa Sa paniniwala/ pananaw

Halimbawa:
Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga
opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-
impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng
mga dayuhan.

B. Mga ekspresyong nagpapahayag ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw:


Sa isang banda Sa kabilang dako Samantala
Halimbawa:
Sa isang banda, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
sbmagana/filipino-8/activity-sheet/ika-3-linggo/IkatlongMarkahan
GAWAIN BILANG 3 – PAGTATAPAT-TAPAT (5 Puntos)
PANUTO: Piliin mula sa HANAY B ang kahulugan ng mga pahayag na nasa HANAY A.
HANAY A HANAY B
____ 1. Ang halimbawa nito ay “Lagitik ng Hagdan” • Announcer
____ 2. Ang halimbawa nito ay “Basta Radyo, Bombo!”. • Chord
____ 3. Ito ay maikling musika na mag-uugnay sa putol-putol na bahagi ng iskrip sa radyo. • BIZ
____ 4. Ito ay tumutukoy sa patalastas o komersiyal sa bawat pagitan ng programa na • SFX
nagsisilbing isponsor ng programang panradyo. • SOM
____ 5. Ito ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga anunsyo • Voiceover

GAWAIN BILANG 4 – SURIIN MO (5 Puntos)


PANUTO: Basahin at unawain ang KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION
BILL (FOI). Hanapin at itala ang mga ginamit na ekspresyon sa pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw.
Gayahin ang talahanayan sa ibaba.
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina
Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa
Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na
makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas.
Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang
itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng
ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at
matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, “Pag hindi pa naipasa ang
FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.”
Roel: Naku! Naloko na!

Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw na Ginamit sa Komentaryong Panradyo:


1.
2.
3.
4.
5.

E. PAGPAPALIHAN (ENGAGEMENT)
GAWAIN BILANG 5 – RADYOMENTARYO (8 Puntos)
PANUTO: Makinig ng napapanahong balita sa radyo sa anomang estasyon. Dugtungan ang mga pahayag
(Konsepto ng Pananaw). Pagkatapos ay gayahin ang format sa ibaba.
_____________________________________________
(Paksa ng Napakinggang Balita)
Nagpahayag ng Impormasyon at Paksa: Sang-ayon/Batay kay…
Mga Pahayag ng mga Personalidad Ayon kay…
Sariling pananaw Sa aking paniniwala/Sa tingin ko…

A. PAGLALAPAT (ASSIMILATION)
GAWAIN BILANG 6 – RADYOPINYON (5 Puntos)
PANUTO: Sagutin ang tanong na binubuo ng 2-3 pangungusap.
• Bilang isang kabataan at mag-aaral, paano mo mahihikayat ang iyong mga kamag-aaral na patuloy na tangkilikin
ang radyo sa kabila ng pag-usbong ng social media gaya ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa?
sbmagana/filipino-8/activity-sheet/ika-3-linggo/IkatlongMarkahan

You might also like