You are on page 1of 6

1

Aralin Filipino 8-Q3-W3


Pagpapahayag ng Konsepto at Pananaw
sa Pamamagitan ng Radio Broadcasting
3
Paunang Pagsubok
Itapat ang aytem na inilalarawan sa Hanay A sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Radio A. Tagapagpahayag ng balita o iba pang


programang panradyo.
_____ 2. Pananaw B. Tunog o musikang inilalapat sa
programang panradyo upang maging
kahali-halina ito.
_____3. Iskrip C. Ito ang taguring sa manuskritong g
ginagamit sa broadcasting.
_____ 4. Sound Effects D. Ito ay pahayag na maaring batay sa sariling
damdamin.
_____ 5. Announcer E. Remote Audio Discrete Integrated
Oscillations

Balik-tanaw
Lagyan ng Tsek (✓) ang patlang kung ang pahayag ay katotohanan at Ekis
(X) kung opinion.

_______ 1. Ang Pilipinas ay kasama sa Pacific Ring of Fire ayon sa National


Geographic
Website.
_______ 2. Para sa akin, hindi pa makabubuti ang bakuna laban sa Covid-19 hanggat
hindi nagkaroon ng magandang resulta.
_______ 3. Ang pambansang awit na Lupang Hinirang isinulat ay nilapatan ng musika
ni Julian Felipe noong 1898.
_______ 4. Ang Hawaii ang bukod tanging estado ng Amerika na nasa Pasipiko.
_______ 5. Sa ganang akin mahalaga ang pagtutulungan ng bawat miyembro ng
pamilya
sa anumang pagsubok na kanilang haharapin.

A. Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo


Iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang \na ginagamit sa broadcasting.
Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin.
2

Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Ito ay naglalaman ng mga mensahe


ng programang dapat ipabatid sa mga tagaganap, direktor, tagaayos ng musika
(musical scorer), editor, at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad
ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip. Bilang iskrip, ito ay ginagamit muna ng
print medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing pasalita at
gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang iskrip ay isang transisyon lamang sa
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radyo. Maririnig lamang ng mga
tagapakinig sa pamamagitan ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama, halimbawa,
dapat palaging ipakilala ng manunulat ang mga tauhan sa pamamagitan ng
kanilang mga pangalan o katawagan. Ito ay upang bigyangkabatiran ang mga
nakikinig kung sino ang mga tauhang nagsasalita. Sa programang panradyo,
kailangang sabihin ng mga tauhan ang lahat ng pangyayari sa eksena dahil
hindi naman ito nakikita ng nakikinig.

Pormat ng Iskrip

May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang mga tuntuning
dapat ninyong sundin kapag kayo ay susulat ng iskrip na panradyo.

1. Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.


2. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal
na ekspresyonal na reaksiyon ng mga tauhan.
3. Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
4. Hindi lamang ipinapakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog
kundi kailangan ding ipakita kung paano gagamitin ang mga ito.
Halimbawa: Kailangan bang naka-FADE UNDER ang musika habang
nagsasalita ang isang tauhan?
5. Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya
sa iskrip kapag minakinilya o kinompyuter.
6. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi
bago ang unang salita ng linya upang maging madali ang pagwawasto kapag
nagre-recording.
7. Ang mga emosyonal na reaksiyon o tagubilin ay kailangang isulat sa
malaking titik. Gagamitin lamang ang mga ito upang ipabatid kung paano
sa sabihin ang mga linya o diyalogo ng mga tauhan. Ilagay ang mga ito sa
loob ng parentesis o panaklong at isulat sa malalaking titik.
8. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng
indikasyon kung sino ang nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.
Halimbawa: Boses 1, 2; Lalaki, Babae 1, 2 Talent 1, 2. Madaling
maintindihan ng tagapakinig at ng mga taong gagamitin tulad ng
Announcer.
9. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay
ito sa parentesis.
10.Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang
magsasalitang o pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
11.Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa
bawat bilang.

Narito ang halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga nabanggit na tuntunin.

10 MSC : THEME INTRO UP & OUT… BIZ … BIRDS


11 DIONISIO : Leona, anak, pumunta ka ng Agusan del Sur.
12 LEONA : Pupunta po ako sa Agusan? Bakit may problema
3

13 po ba, Papang
14 ang Rubber production natin doon?

…………………………………………………………………………………………………………………………..
29 : (FADES IN) Ano ka ba naman, Jovencia, tigilan
30 : mo ang anak mo. Huwag mo nang sermunan
31 JOEVENCIA : (FADES IN) O, ayan ka na naman! Magsama nga
32 : talaga kayong mag-ama, parehong matigas ang
33 ulo!
34 MSC : BRIDGE….
…………………………………………………………………………………………………………………………..
11 LEONA : (GULAT) Ano?! Bakit ibinenta ni Mamang?
12 E motor ko iyon! Si Papang, di ba inawat si
13 Mamang!
14 AVELINO : (LAUGHS) Kailan ba umubra si Papang kay
15 Mamang? Kailan mo ba nakitang nasunod
16 sa bahay si Papang? Di ba palagi namang si
17 Mamang nasusunod. Kaya sori ka na lang,
18 Inday Leona!
19 MSC BRIDGE…SFX… PIER HARBOR IN MANILA…

B. Radio Broadcasting Glossary of Terms


Narito ang ilan sa mga terminolohiya na ginagamit sa radio broadcasting upang
makatulong sa ating isulat ang iskrip panradyo.

1. Billboard – pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng himpilan ng radyo o


telebisyon.
2. Copy – iskrip o ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na
ginagamit sa broadcasting.
3. Disk Jockey – tawag sa personalidad na nag-aanunsiyo sa radyo.
4. Headphones – ito ay tinatawag din na headsets o earphones na ginagamit ng
radio announcer para mapakinggan ang pagsasahimpapawid ng programang
panradyo.
5. Acoustics – kalinawan at kalidad ng tunog kung saan napapakinggan ang
pagsasahimpapawid ng himpilan ng radyo.
6. Copywriter- ito ang tawag sa sumusulat ng Iskrip para sa radyo at television.
7. Cue - Ito ang tawag sa hudyat para sa Announcer upang magsimulang
magsasalita bago umere sa radyo.
8. Dead Air- Ito ang pagkakataong walang naririnig na anumang tunog sa isang
programang panradyo habang umeere.
9. Call Letters - Ito ang tinatawag na Station ID o pangalan ng himpilan ng
radyo. Halimbawa DZMM 630 kHz
10. Ad-Libbing - Ito ang tawag sa pahayag na sinasalita ng Announcer ngunit
hindi kabilang sa Iskrip.
11. Microphone- Ito ang gamit na nagta-transmit ng soundwaves papuntang
electrical energy.
12. Band - Ito ang tawag sa Broadcasting range o wavelenghts ng tunog.
13. Bed- Ito ang tawag sa mga tunog o musikang nilalapat sa Radio Broadcasting.
14. Broadcasting- Ito ang pagsasahimpapawid ng electromagnetic signals sa
pamamagitan ng airwaves katulad ng programang pantelebisyon at panradyo.
4

15. Bumper - Ito ang mga pre-recorded, voice over music na ginagamit sa
transition ng isang segment papunta sa susunod.

Sa paksang ito, ating aaralin ang mga salita o ekspresyong gagamitin upang
ipahayag ang ating pananaw, maari itong makatulong sa inyo kung kayo ay
magpapahayag ng inyong saloobin o ilang mahalaga great impormasyon na nais
iparating sa ating tagapakinig.

C. Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw


Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag
batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o karanasan maging
ng ibang tao. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad
ng nagsasalita o nagsusulat. Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa
pagpapahayag ng pananaw ay ang:

Alinsunod sa… naniniwala ako na… Palibhasa’y naranasan ko kaya


masasabi kong…

Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na Para sa akin…


iyan ay…

Ayon sa… Sa bagay na iyan masasabi kong…

Batay sa… Sa ganang akin…

Kung ako ang tatanungin, nakikita Sang-ayon sa…


kong…

Lubos ang aking paniniwala sa…

Mga Gawain
Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan
Punan ang kahon ng letra upang mabuo ang mga terminolohiya sa Radio
Broadcasting. Sundan ang code number na may katumbas na letra sa ibaba.
Cryptogram

A B C D E G H I K L M N O P R S T U W Y
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20

1. Ito ang tawag sa sumusulat ng Iskrip para sa radyo at television.


C W R
3 13 14 20 19 15 8 17 5 15
5

2. Ito ang tawag sa hudyat para sa Announcer upang magsimulang


magsasalita bago umere sa radyo.
U
3 18 5

3. Ito ang pagkakataong walang naririnig na anumang tunog sa isang


programang panradyo habang umeere.
D A
4 5 1 4 1 8 15

4. Ito ang tinatawag na Station ID o pangalan ng himpilan ng radyo


A L S
3 1 10 10 10 5 17 17 5 15 16

5. Ito ang tawag sa pahayag na sinasalita ng Announcer ngunit hindi


kabilang sa Iskrip.
D B G
1 4 10 8 2 2 8 12 6

6. Ito ang gamit na nagta-transmit ng soundwaves papuntang electrical energy.


R E
11 8 3 15 13 14 7 13 12 5

7. Ito ang tawag sa Broadcasting range o wavelenghts ng tunog.


A D
2 1 12 4

8. Ito ang tawag sa mga tunog o musikang nilalapat sa Radio Broadcasting.


E
2 5 4

9. Ito ang pagsasahimpapawid ng electromagnetic signals sa pamamagitan ng


airwaves katulad ng programang pantelebisyon at panradyo.
B A G
2 15 13 1 4 3 1 16 17 8 12 6

10. Ito ang mga pre-recorded, voice over music na ginagamit sa transition ng
isang segment papunta sa susunod.
B E R
2 18 11 14 5 15

Pangwakas na Pagsusulit
6

Basahin ng mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin sa loob ng kanon ang
tamang ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw. Isulat ito sa patlang.

Para sa akin Ayon sa

Alinsunod sa Kung ako ang tatanungin, nakikita kong

Batay sa Sa ganang akin

1. Senate bill 1967 itinadhana na mabigyan ng renewal ang prangkisa ng ABS-CBN ng


panibagong 25 taon, ______________ sa Republic Act 7966.

2. ____________ balita na naisulat sa Pilipino Star Ngayon, nakatakdang magtaas ng


kontribusyon ang PhilHealth mula sa premium rate na 3% papuntang 3.5% ngayon
2021.

3. _____________ hindi pa makabubuti ang bakuna laban sa COVID-19 sapagkat nasa


3rd clinical trial pa lamang ito ayon sa balita.

4. ____________ hindi makabubuti ang pagmimina ng ginto at iba pang metal sa mga
kabundukan, sapagkat nakasisira ito ng kalikasan.

5. _______________ sa Republic Act 7610 may karampatang parusa ang anumang uri
ng pang-aabuso sa mga kabataan.

Tandaan
❖ Naging malaking tulong ang radyo sa pagpapalaganap ng mga mahahalgang
impormasyon sa madla sa mabilis na pamamaraan.
❖ Upang maging maganda ang programang panradyo, nangangailangan ito ng
mabisang Iskrip.
❖ Gumagamit ng mga sound effects at iba pang music sa paggawa ng isang
programang panradyo upang maging mas kaaya-aya ito sa pandinig.
❖ Sa pagpapahayag ng inyong pananaw maaring ibatay sa inyong damdamin,
paniniwala, kaisipan o karanasan ng ibang tao.

You might also like