You are on page 1of 57

Magandang Hapon!

Week 4
RADIO BROADCASTING
Layunin:
Nakasusulat ng isang komentaryong
panradyo gamit ang mga angkop na
ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto ng pananaw (ayon, batay,
sang-ayon sa, sa akala, iba pa)
Layunin:
Nagagamit ang mga angkop na
ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto ng pananaw (ayon,
batay, sang-ayon sa, sa akala, at
iba pa)
Radio Broadcasting
Isang midyum ang radyo upang makapaghatid
ng balita at mga impormasyon sa mga
mamamayan. Ginagamit din ito sa
pagpapalaganap ng mga babala at panawagan.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
tagapagbalita at komentarista sa radyo.
Nakaiimpluwensya sila nang malaki at malawakan sa
kabuuan ng lipunan, katulad na lamang ng panawagan
nila sa pagliligtas sa kalikasan.
Iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang audio-
visual material na ginagamit sa broadcasting. Ito ay
nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o
sabihin. Ginagamit ito sa produksyon ng programa. Ito
ay naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat
ipabatid sa mga nakikinig. Napakahalaga nito sapagkat
ito ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director,
tagaayos ng musika (musical scorer), editor at mga
technician
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na
gagamitin sa midya tulad ng radyo ay ilalagay muna sa
iskrip. Bilang iskrip, ito ay gagamit muna ng print
medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay gagawing
pasalita at gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang
iskrip ay isang transisyon lamang sa
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radyo.
Maririnig lamang ng mga tagapakinig sa pamamagitan
ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip
Mga Salitang Ginagamit sa
Radio Broadcasting
Paulyn M. Morano
Acoustics - kalidad ng tunog sa isang lugar
Airwaves - midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o
telebisyon na kilala ring spectrum
AM - nangangahulugang Amplitude Modulation;
tumutukoy sa standard radio band
Amplifier - kakayahang baguhin ang lakas ng tunog
Analog - isang uri ng waveform signal na diretcho o
tuwid
Announcer - ang taong naririnig sa radyo na may
trabahong magbasa ng script o mga anunsyo
Backtiming - ito ang pagkalkula ng oras bago marinig
ang boses sa isang kanta upang kapag dinugtungan ito
ng kanta

Band - lawak ng naaabot ng pagbobroadcast

Clutter - lubhang maraming bilang ng patalastas o iba


pang elemento na hindi kasama sa mismong programa
na sunod sunod na pinapatugtog
Mixing - ito ang pagtitimpla at pagtiyak ng tamang
balanse ng tunog
Open mic - isang mikroponong nakabukas sa partikular
na oras
Playlist - opisyal na talaan ng mga kantang
patutugtugin ng isang estasyon sa
isang takdang araw o linggo
Queue - hanay ng mga patalastas na pinagsunodsunod
Feedback - isang nakaiiritang tunog na nililikha ng
pagtatangkang palakasin ang ispiker sa paglalapit dito
ng mikropono
FM - isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang
alternating current
Frequency - ang teknikal na kahulugan nito ay ang
electromagnetic wave frequency
Interference - tunog na tila may naggigisa dahil sa
pagbobroadcast ng dalawang estasyon ng radyo sa
iisang band
Ratings - tantiya ng dami ng tagapakinig sa isang
programa ng ipinakikita sa anyo ng porsiyento ng mga
taong isinarbey
Share - bilang ng taong nakinig sa isang istasyon sa
takdang panahon
Sign-on - ang oras na ang estasyon ng radyo ay
nagsisimula sa pagbobroadcast nito.
Simulcast - ang pagbobroadcast ng iisang programa sa
dalawa o higit pang magkakaibang istasyon
Sound byte - kapirasong boses ng isang tao na kinuha
mula sa isang interbyu na isinasama sa isang balita
Streaming - ang paglilipat ng audio patungong digital
data at pagsasalin nito sa internet
Voiceover - isang teknik pamproduksiyon na
pinagsasalita ang isang tao na maaaring live o inirekord
Transmitter - ang pinanggalingan o tagalikha ng signal
sa isang transmission medium
KOMENTARYONG PANRADYO
Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang
malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kanya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
PANUORIN ANG HALIMBAWA NG
KOMENTARYONG PANRADYO
● PAMAGAT: PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN SA PILIPINAS
Pangkatang Gawain

Sumulat ng komentaryong Panradyo ang


bawat pangkat tungkol sa napapanahong isyu
gamit ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng
konsepto pananaw, pagkatapos makapagsulat ay
iulat ito.
Rubrik sa
Pagmamarka
A. Nilalaman at
Kaugnayan sa Paksa

40% 50%
B. Kasiningan at
Kaisahan
10%

C. Pagsunod sa oras
Kabuuan 100%
S
A Ano ang kahalagahan ng
G pagkilala sa konsepto ng
U pananaw sa ating pang-araw-
T araw na pakikipagtalastasan?
I
N
a p a t n a
i n a k a t a y
a p n g
"Isa s ng paggala a
p a r a a n k i n ig s
an g m a b a . "
i n n g i
sa sa b i h i ll
. M c G
y a n t H
- B r
Maraming sa Salamat
sa Pakikinig!
CREDITS: This presentation template was created
by Slidesgo, including icons by Flaticon,
infographics & images by Freepik

You might also like