You are on page 1of 16

1

Filipino 8
Florante at Laura
Ikaapat na Markahan
Modyul 8:
Pangwakas na Gawain
Radio Broadcasting

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI
PANIMULA

Para sa Pasiliteytor

Ang modyul na ito ay inihanda upang linangin ang kasanayan ng mag-aaral sa:

 pagtukoy sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-


wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon
tungkol dito (F8PN-IVa-b-38)
 mabigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa
isang radio broadcast (F8PB-Iva-b-38) at
 maisulat at maisagawa ang isang makatotohanang radio-
broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa Panahong
naisulat ang Florante at Laura at sa kasalukuyan.(F8PS-IV-a-b-
40).

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mag-aaral:

 matukoy sa mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling


radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito
(F8PN-IVa-b-38)
 mabigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang
radio broadcast (F8PB-Iva-b-38)
 nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa
telebisyon na programang nagbabalita (F8PB-Iva-b-38); at
 maisulat at maisagawa ang isang makatotohanang radio-broadcast na
naghahambing sa lipunang Pilipino sa Panahong naisulat ang Florante
at Laura at sa kasalukuyan.(F8PS-IV-a-b-40).

Para sa Mag-aaral
Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagatukoy sa mga hakbang sa
pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na
impormasyon tungkol dito (F8PN-IVa-b-38); pagbibigay-pansin ang mga angkop na
salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast (F8PB-Iva-b-38); paglalapat sa isang
radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa telebisyon na programang
nagbabalita (F8PB-Iva-b-38); at pagsulat at pagsagawa ng isang makatotohanang
radio-broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa Panahong naisulat ang
Florante at Laura at sa kasalukuyan.(F8PS-IV-a-b-40).
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang matukoy sa mga hakbang sa


pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na
impormasyon tungkol dito (F8PN-IVa-b-38); mabigyang pansin ang mga angkop na
salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast (F8PB-Iva-b-38); nailalapat sa isang
radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa telebisyon na programang
nagbabalita (F8PB-Iva-b-38); at maisulat at maisagawa ang isang makatotohanang
radio-broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa Panahong naisulat ang
Florante at Laura at sa kasalukuyan.(F8PS-IV-a-b-40).

Ngayong alam mo na ang inaasahan sa iyo pagkatapos ng


aralin, alamin muna natin ang iyong kaalaman sa magiging aralin.
Makatutulong ito sa iyo sa paghahanda ng kaisipan sa mga
gawaing inilaan para sa iyong pag-unlad. Basahin at sundin mo
lamang ang mga panuto ay tiyak na maisasagawa mo ito.
Subukin

Ang radyo ay parte na ng ating araw-araw na buhay. Ito ay


nagiging daluyan ng impormasyon sa loob at labas ng bansa.
Marahil ay pamilyar ka sa mga salitang ginagamit nila sa
responsableng pagbabalita.
I. Panuto: Piliin ang mga salita na kalimitang naririnig mo
sa iyong napakikinggang balita sa radyo.

Magandang
umaga Limang
Ihahatid ang mga minute
maiinit na balita makalipas ang
alas-9

Hoy! Oras
Hindi
na
masyadong
keri

sumasahimpapawid
Ito ang inyong
kabalitaan

Ngayong natuklasan mo ang iyong kaalaman sa


mga salita sa radio broadcasting makabubuting alamin din
natin ang mga hakbang sa pagsulat ng isang radio
broadcasting.
II. Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon bawat pahayag kung sa tingin mo ay isa
ito sa hakbang sa pagsasagawa ng radio broadcasting.

 Gumawa ng balangkas.

 Sumulat ng burador.

 Alamin ang iyong tagapakinig.

 Gumawa ng pananaliksik tungkol sa paksa.

 Basahin ng mahina orasan.


 Rebisahin ang iskrip

 Ayos lang na marumi ang iskrip

Sa naging gawain, marahil ay unti-unti ka nang


nagkakaroon ng ideya sa paksa gayundin sa pagsasagawa.
Kaya, halika, basahin mo naman ang kasunod na impormasyon
upang maisagawa mo ang kasunod na mga gawain.

Modyul Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng


8 Iskrip Panradyo

Ang radio script ay isang isinulat na material na naglalaman ng salitang kilos


(pandiwa) at di-pandiwang kilos na kailangan sa programa. Sinasabi sa atin
kung ano ang gagawin, sasabihin o kalian at paano.

HALAGA NG RADIO ISKRIP


- Matiyak ang tamang teknikal at impormasyon
- Masiguro ang daloy ng programa
- Masulit ang airtime

MGA DAPAT TANDAAN SA RADIO SCRIPWRITING


 Nararapat may duplicate ang iskrip
 Gawin ang bawat pangungusap na talata
 Tapusin ang bawat pahina ng talata bago gumamit ng bagong papel
 Gawing malinis ang iskrip
 Markahan ng “x” ang mga maling salita
 Gumamit ng maikli, payak na salita sa pakikipagtalastasan o pakikipag-
usap
 Iwasan ang mga salitang sumasagitsit na tunog
 Gumamit ng paglalarawang salita kung kinakailangan at may pag-
iingat
 Gawing maikli ang pangungusap at mga ideya ay hindi maligoy

AYOS NG PANGUNGUSAP
-Gumamit ng aktibong mga salita sa pagbuo ng pangungusap.
Halimbawa:
X Ang naganap na sunod-sunod na nakawan sa mga paaralan ay
pinasisiyasat ni Tarlac City Mayor Medoza. (Kabalikang Anyo)
Pinasisiyasat ni Tarlac City Mayor Mendoza ang sunod-sunod na
naganap na nakawan sa mga paaralan. (Karaniwang Ayos)

A. Una sa lahat, ang pagsulat ng balita sa radyo ay isinusulat lamang sa


tagapakinig, HINDI SA MAMBABASAMAN O TAGAPANOOD.

Upang mas maintindihan ang pagsulat ng balita, maaring sundin ang


mga sumusunod:
a. Alalahanin na ang pagsulat ng balita ay nakatuon lamang sa
tagapakinig, kaya naman, ang pagsulat ay dapat malinaw at
madaling maintindahan.

b. Wala ni anumang salita ang mahirap bigkasin o ni nangangailangan


pang salita ipaliwanag ng diksyunaryo.

B. Pre-Writing Stage (Hakbang bago sumulat ng balita)


a. Gumawa ng outline
. Tukuyin ang mga elemento ng istorya. Tanungin ang sarili:
Sino? Ano? Saan? Kailan?Bakit? At Paano?

b. Sumulat ng teaser.
Ito ang gagamitin mo upang bigyan ng patikim ang tagapakinig
bago i-ere ang balita. Kailangang hindi hahaba kaysa sa pangungusap.

  c. Sumulat ng pangunahing pangungusap (lead sentence)


. Ito ang ginagamit upang makuha ang atensyonng tagapakinig.
Maging KLARO at MAG-INGAT sa mga salitang gagamitin sa iyong
unang talata.
NEWS VALUES:

1. Prominence
 –Popularidad
2. Proximity
 –Kalapitan
3. Currency
 –Pinakapinag-uusapan
4.Timeliness
 –Pinakabagong anggulo ng istorya
5. Consequence
 –Kahalagahan ng pangyayari
6. Oddity
– Pambihira at Di Pangkaraniwan
7. Human Interest
 – Apela sa emosyon ng tao
8. Change
–pagbabago ng kapangyarihan/posisyon sa pamamahala
9. Drama
– Misteryo, Kababalaghan, Katatawanan
10. Conflict
 – Awayan ng magkabilang panig
d. Isulat ang katawan ng istorya. Isama ang LAHAT ng
mahahalagang impormasyon, bilang at PUNTO. Sa isang balitang
pangradyo, karaniwang tumatakbo lamang trenta segundo (65 na
salita) hanggang isang minuto (130 na salita). 

e. Sumulat ng kongklusyon.
Saan papunta ang storya? Paano mo tatapusin ang kwento?.
Kinakailangangmabanggit ang mga mahahalagang punto ng
istorya.
 
f. Kailangang MABILIS NA MATINGNAN AGAD ang iskrip at
UNAWAIN ang nilalaman. Lalo na ang tamang salitang gagamitin
na ANGKOP SA PANDINIG.

g. Ipakita ang iskrip sa copy-editor na maaring tukuyin ang mga mali


sa istorya.
 
Patingnan sa Time Keeper ang bilang ng salita:
i. 10 segundo = 25 na salita
ii. 15 segundo = 35 na salita
iii. 20 segundo = 45 na salita
iv. 30 segundo = 65 na salita
v. 60 segundo =130 na salita

h. Trabaho ng Copy Editor. Panatilihing SARIWA. HUWAG ULITIN


ang nilalaman ng teaser at lead. Ito ang kadalasang pagkakamali
ng isang balita.

i. Madaliing ipasa sa encoder ang pinal na balita sa computer.

C. Pangkabuoang Babala sa Pagsulat ng Balita sa Radyo


a. Limitahan ang bilang ng isang balita. Mas maraming bilang, mas
nakakalito.
b. Gawing MAS KAUNTI ang pangungusap upang mas makahinga ang taga
ulat.
c. Gawing aktibo ang pangungusap: “Inakyat niya ang bubungan ng mga
bahay” sa halip na “Ang mgabubungan ng bahay ay inakyat ng tao.”
d.Gawing kasalukuyan ang nagaganap na balita. Sundan ang pinakahuling
kaganapan.

e. HUWAG haluan ng personal na opinyon ang balita.


f. HUWAG gayahin o kopyahin ang nilalaman ng bawat salitang nakapaloob
sa
anuman istoryangpinagmumulan ng balita.

NEWS SCRIPT WRITING-STORY TAGS


Ang huling bahagi bilang palatandaan na ang kwento o balita ay tapos na o
may iba pang impormasyon o detalye sa sumunod na pahina.
1. Lagyan ng ### sa huling pahina upang palatandaan na ang balita o
istorya ay natapos na o lagyan ng (more) sa huling bahagi ng pahina
upang ipabatid sa anchor na may kasunod sa sumunod na pahina
2. Kung kailangang paghiwalayin ang istorya o balita sa dalawang
pahina, huwag putulin ang pangungusap. Laging tapusin sa pahina
ang buong pangungusap.

BALANGKAS NG RADIO ISKRIP ( BALITA)


 Station ID
 Time Check
 News Plug
 Intro
 Headlines
 Details
 Extro

Balikan

Ngayong natuklasan mo na kung paano sumulat ng isang iskrip panradyo,


ipakita mo ang iyong naunawaan dito.

I. Panuto: Sagutin ang tanong gamit ang Y-Chart: Bago pa man


dumating ang mga makabagong teknolohiya ay mayroon na tayong
radio, masasabi bang hindi pa rin mapapalitan ng mga ito ang
radio? Magbigay ng patunay. Kung oo ang sagot, ang patunay ay
nasa ilalim nito at kung hindi naman ay sa ilalaim nito isusulat ang
patunay.

Oo Hindi

Para sa Pasiliteytor
Ang estratehiyang Y-Chart ay nakatutulong sa mag-aaral na manindigan
sa kanilang sagot ng pagsang-ayon o pagtutol tungkol sa isang
tanong/paksa/isyu.
Tuklasin

Bago natin ipagpatuloy ang aralin, hayaan mong mailahad mo muna


ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa Pokus na Tanong.

Ano ang kahalagahan ng radyo lalo na sa lipunan?

Nagsisilbi ang radyo bilang isa sa mga mabisang daluyan ng impormasyon,


saloobin, ideya at kaalaman na kinakailangang malaman at mapakinggang ng
sambyanan. Nakapagbibigay rin ito ng kalibangan sa mga taong nakikinig
dahil maari itong sa mga mga pakikinig ng musika o drama.
Dagdagan mo pa ang iyong kaalaman sa aralin. Halina’t ang kasunod
na babasahin ay iyong suriin.

Suriin

May mga terminolohiya at mga salitang ginagamit lamang sa pagbabalita sa


radyo. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

 Bumper – ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas.


Halimbawa: “Magbabalik an gating palatuntunan matapos
ng ilang paalala ating mga kaibigan…”
 Teaser – ito ay ginagamit upang mastimulate ang pag-iisip ng
mga tagapakinig upang manatili sa pinakikinggang
palatuntunan.
Halimbawa: “Waling-waling ipapalit sa sampaguita bilang
pambansang bulaklak.”
 Billboard – maririnig matapos ng balita. Ipinababatid sa mga
tagapakinig kung anong produkto ng sponsor ang naghatid ng
balita.
Halimbawa: “Ang programang ito ay inihatid sa inyo ng
Dunkin Donut, ang pasalubong ng bayan.”
TANDAAN
- Round-off figures/ numbers
- Ang 2.6123 milyon ay gawing mahigit kumulang 2 at kalahating milyon.
- Isulat ang mga simbolo o fractions
- Iwasan ang abbreviations o daglat

ENGLISH FILIPINO

Headline Ulo

National Pambansa

Local/ Provincial Probinsya

Infomercial Patalastas

Foreign Ibayong Dagat

Showbiz Showbis

sports Palakasan

Weather Lagay ng Panahon

Tunay ngang napakamalikhain ng pagsulat ng iskrip na


panradyo. Maaari mo ring mapanood ang iba pang impormasyon
sa paksa sa https://m.youtube.com/a58aY_aBUTY#. Kaya naman
upang makita natin kung naunawaan at nasuri mo ito,
sagutin/gawin mo ang kasunod na mga tanong/gawain.

Sa pagsasagawa ng radio broadcast ay hindi mapipili kung sino-sino ang mga


tagapakinig dahil kahit sino ay pwedeng making, bata man o matanda basta’t
nakabukas na ang radyo. Kung gayon, dapat lang na maging responsible sa
kanyang pananalita ang isang DJ o anchor.

Panuto: Tukuyin at lagyan ng masayang mukha (  ) ang bilog kung ito ay


angkop sa isang radio broadcast at ng malungkot na mukha (  ) kung hindi.
Kapag nagalit ka sa naging sagot ng isang tagapakinig na nakaphone
patch habang nagbo-broadcast ay makabubuting sigawan mo siya upang
malaman niyang galit ka.
Gumamit ng mga salitang simple subalit nauunawaan ng lahat ng iyong
mga tagapakinig na bata man o matanda.

Ngumiti habang nagsasalita upang kapang naririnig ka ng iba’y tila


“nakangiti” rin ang boses nanaririnig nila.

Magsalita ng malumanay at malinaw para higit kang maunawaan.

Gumamit ng mga salitang kalye o salitang balbal tulad ng mga salitang


erpat, ermat, bebot at iba pa.

Pagyamanin

Panuto: Magsaliksik at tukuyin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang


kawili-wiling radio broadcast batay sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito.

Maraming sikat na radio DJ/Anchor ang hinahangaan lalo na ng mga


kabataan kaya’t tiyak na marami ring nangangarap maging isang radio DJ at
magsagawa ng radio broadcast. Mababasa sa ibaba ang ilang hakbang na
pwede mong gawin upang masubukan mong maging radio DJ subalit
makabubuti ring dagdagan mo pa ang iyong kaalaman at magsaliksik pa
tungkol sa pagsasagawa ng radio broadcast.
1. Pumili ng pangalan para sa iyong estasyon. Pag-isipan mo kung ano
ang itatawag mo sa inyong estasyon.

2. Pakinggan kung paano magsalita ang mga DJ sa radyo. Sila ba’y


malinaw magsalita? Angkop baa ng kanilang pagbigkas? Nakaaakit
bas a tagapakinig ang kanilang boses? Pag-isipan din ang magiging
estilo mo sa pagbo-broadcast.

3. Maging maingat sa mga salitang gagamitin mo sa pagbo-broadcast


dahil ang iba’t iba ang inaasahang tagapakinig. Tandaang hindi lang
ang ganda ng boses ang puhunan ng isang radio broadcaster kundi
ang kahusayan din sa pagpili ng alita at ang malawak na kaalaman sa
mga paksang tatalakayin.

4. Maghanda ng paksang tatalakayin kasama ang iyong co-anchor. Ang


paksa ay dapat kaugnay ng mga mensaheng taglay ng Florante at
Laura.

5. Magbigay ng ilang balita tungkol sa mga tauhan o pangyayari sa


Florante at Laura.

6. Maghanda ng mga awiting patutugtugin mo sa iyong broadcast. Ang


mga awitin ay dapat nakapagbibigay inspirasyon sa iba.

Isaisip
Isa sa pinakapaboritong libangan ng tao, bata
man o matanda, ay ang pakikinig sa radyo. Di tulad ng
panonood ng telebisyon o pagbabasa, kapag nakikinig
ka sa radyo ay nagagawa mo pa rin ang ibang Gawain.
Hindi nga ba’t ito ang libangan ng mga drayber habang
nagmamaneho, ng mga nanay habang naglalaba o
nagluluto o maging ng mga kabataang tulad mo habang
gumagawa ng iyong takdang-aralin o kaya’y nautusang
maglinis ng bahay.

Isagawa

Ikaw ay bagong DJ sa isang estasyon ng radyo. Magsasagawa kayo


ng mga kapwa mo DJ ng isang radio broadcast tungkol sa mga pangyayari sa
Florante at Laura at sa mga pangyayari rin sa kasalukuyan. Kailangang
paghandaan mo itong mabuti dahil tiyak na maraming makikinig sa gagawin
ninyong radio broadcast. Basehan din ito ng station manager kung
mabibigyan ka ng permanenteng posisyon sa estasyon kaya’t pagbutihan mo.
Pamantayan:
1. Ang binuong iskrip ay komprehensibo at nagtataglay ng lahat ng
kakailanganin sa pagbo-broadcast.
2. Ang radiobroadcast ay naisagawa nang makatotohanan at
nakasusunod sa mga wastong hakbang o paraan ng pagbo-
broadcast.
3. Ang mga salitang ginamit ay piniling mabuti, simple subalit
malaman, at mauunawaan ng lahat ng uri ng tagapakinig.

Tayain

Sa iyong palagay, mabisa baa ng radyo sa paghahatid ng impormasyon o


ideya mula noon hanggang sa kasalukuyan? Patunayan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Maaring ipost sa inyong social media o youtube account ang ginawa
ninyong radio broadcast para maibahagi rin ito sa iba pang mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto

Posiblengsagot. Posiblengsagot.
Tayahin Isagawa

II.
balita
ang mga maiinit na
kabalitaan, ihahatid
ito ang inyong
. sumasahimpapawid,
Magandang umaga,
Posiblengsagot I.
Pagyamanin Suriin Balikan Subukin

MgaSanggunian

https://www.academia.edu/3774484/Basic_Guidelines_for_Radio_News_Scriptwriti
ng
https://quizlet.com/246496132/mahahalagang-termino-sa-radio-broadcasting-flash-
cards/
https://www.youtube.com/watch?v=_CZnufgSXFE
Mga Bumuo
Sumulat:
Editor:
Reviewers:
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team:

You might also like