You are on page 1of 18

Layunin

1.Naipaliliwanag ang mga salitang


ginagamit sa radio broadcasting.
2.Nakabubuo ng radio broadcasting iskrip
na naglalaman ng makatotohanang balita.
3.Napahahalagahan ang radio broadcasting
sa pamamagitan ng isang pagtatanghal.
Letra sa hangin, iyong buohin!
Panuto: Bubunot ang isang mag-aaral ng
papel sa loob ng kahon. Ang nakalagay na
salita sa papel ay kaniyang isusulat sa
hangin gamit ang kaniyang baywang o
katawan. Ito ay huhulahan ng buong klase
sa loob ng 3 minuto.
Mga Salitang
Ginagamit sa Radio
Broadcasting
Ang Radio Broadcasting ay ang
komunikasyon ng mga tunog sa
pamamagitan ng mga alon o waves upang
maghatid ng musika, balita, at iba pang uri
ng programa ng isang istasyon sa maraming
indibiduwal na tagapakinig. (Skretvedt, R.
and Sterling, . Christopher H., 2018)
Acoustics - Ito
ay tumutukoy
sa kalidad ng
tunog sa isang
lugar.
Airwaves – Ito ay ang midyum na
dinadaanan ng signal ng radyo o
telebisyon, kilala rin bilang
spectrum.
AM – nangangahulugang amplitude
modulation; ito ay tumutukoy sa
standard radioband.
Amplifier – Ito ay ang
kakayahang baguhin ang lakas
ng tunog.
Analog – Isang uri ng waveform
signal na diretso o tuwid.
Announcer – Ito ang taong
naririnig sa radyo na may
trabahong magbasa ng script o
mga anunsyo.
Backtiming – Ito ay ang pagkalkula
ng oras bago marinig ang boses.
Band – Ito ay ang lawak ng naaabot
ng pagbobroadcast.
Clutter - Ito ay lubhang maraming
bilang ng patalastas o iba pang
elemento na hindi kasama sa
mismong programa na sunod-sunod
na pinapatugtog.
Feedback - Ito ay isang
nakakairitang tunog na nililikha ng
pagtatangkang palakasin ang ispiker
sa paglalapit dito ng mikropono.
FM - Ito ay isang paraan ng
paglalagay ng datos sa isang
alternating current.
Frequency - Teknikal na kahulugan
nito ay ang electromagnetic wave
frequency.
Interference - Ito ay tunog na tila may
naggigisa dahil sa pagbobroadcast ng
dalawang estasyon ng radyo sa iisang
band.
Mixing - Ito ay ang pagtitimpla
at pagtiyak ng tamang balanse
ng tunog.
Open Mic – Ito ay isang
mikroponong nakabukas sa
partikular na oras.
PANGKATANG GAWAIN

Panuto: Lumikha ng maikling radio


broadcasting iskrip na naglalaman ng
makatotohanang balita.
Pamantayan sa pagmamarka

Katumpakan ng iskrip............5 puntos


Katotohanan..........................5 puntos
Kalinawan ng balita...............5 puntos
Naisumite sa tamang oras....5 puntos
SALAMAT AT PAALAM.

You might also like