You are on page 1of 2

1. Airwaves- midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon nak ilala rin sa tawag na spectrum.

2. AM- nangangahulugang amplitude modulation; tumutukoy sa standard radio band.


3. Announcer- Ang taong naririnig sa radyo at responsableng magbasa ng iskrip o anunsyo.
4. Billboards- Maririnig matapos ang balita. Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong produkto ang
nagsponsor sa paghatid ng balita.
5. Bumper- Ginagamit ito sa pagitan ng balita at ng patalastas.
6. Feedback- Isang nakaiiritang tunog na dulot ng ispiker at mikropono sa tuwing palalakasin ang tunog nito.
7. Mixing- Ito ang pagtitimpla at pagtitiyak ng tamang balance ng tunog na ginagamit sa programa.
8. On Air- Ito ay tanda na nagsisimula na ang pagbobroadcast ng istasyon.
9. Open Mic- Nakabukas ang mic sa isang particular na oras.
10. Playlist- Talaan ng mga awiting patutugtugin sa isang istasyon sa loob ng isang araw o panahon.
11. Queue- Ito ang hanay ng mga patalastas.
12. Radio Script- Ito ay naglalaman ng mga salitang kilos sa kung ano ang gagawin, sasabihin at kailan ito
gagawin sa isang programa.
13. Rating- Ito ang tantiya ng bilang ng tagapakinig ng isang programa. Nalalaman ito sa pamamagitang ng
sarbey.
14. Streaming- Ang paglipat ng audio patungong digital at isasalin ito sa internet.
15. Station ID- Ito ang pagkakakilanlan ng isang istasyon ng TV o radyo. Regular itong ginagamit o maririnig sa
pagsisimula at pagtatapos ng programa.
16. Simulcast- Pagbobroadcast ng iisang programa sa dalawa o higit pang istasyon.
17. Teaser- Ito ay ginagamit upang maistimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatali sila sa
pakikinig sa istasyon.
18. FM- Frequency Modulation: Ang isang broadcast na nag-iiba ang dalas ng wave ng carrier at
nangangailangan ng isang FM receiver. Ang hanay ng frequency ng FM ay 88 hanggang 108 MHz.
19. Voiceovers- Nirecord na boses o live na pinagsasalita ng isang tao.
20. PSA- Public Service Announcement: Ang isang ad na tumatakbo sa pampublikong interes sa halip na para sa
isang komersyal na produkto o serbisyo.
21. Spot- Isang komersyal sa isang programa.
22. Backtimming- Ito ang pagkalkula sa oras bago marinig ang isang kanta.
23. Band- Ang lawak na naabot ng pagbobroadcast o ang haba ng waves ng isang tunog.
24. Clutter- Lubhang maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismong programa
na sunod sunod na ipinatutugtog.
25. DJ o Disk Jockey- isang dalubhasa na nagpaparami sa mga pampublikong gawaing musical na naitala sa iba’t
ibang midya. Maaaring i-play ang mga komposisyon ng musika nang walang mga pagbabago, o maaaring
mabago gamit ang mga espesyal na panteknikal na pamamaraan.

Damhin muna natin ang pagiging artista sa ating gagawing laro na pinamagatang “ARTISTA KA NA”. Sa larong ito,
may ipapakita ako sa screen na mga sikat na linya ng mga artista at ang maswerteng mabubunot ay siyang gagaya sa
napiling linya at pagkatapos, tukuyin kung sino ang nagsambit ng linya o kataga. Ito na ang araw upang ipakita ang
inyong natatagong talento sa pag-arte. Handa na ba ang lahat?

Ayan kung handa na ang lahat, subukang gayahin ang unang linya at sabihin kung sino ang artistang sumambit nito.
Walang himala! Ang himala ay nasa PUSO ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa ng himala, tayo
ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga diyos, walang himala!

Tayo ngayon ay bubunot. (mag-aaral 1), subukin mo nga!

Sino ang nagsabi sa linyang iyong ginaya?

Mahusay. Dumako naman tayo sa susunod. Lalaki ang gusto kong gumawa nito. (mag-aaral 2) , subukin mo! Di ako
kumakain ng bigas, Major. Niluluto ko muna bago kainin.

Mahusay! Sunod naman ay ang pangatlong linya. Am I not enough? May kulang ba sa akin? Pangit ba ako?
Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako? Then why? Sino ang nais gumaya at sumagot?
Sige, (mag-aaral 3).

Magaling! Sa susunod naman, subukin mo (mag-aaral 4) Wag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin moa
ko dahil mahal mo’ko… because that is what I deserve.

Tama! Tignan naman natin ang panghuli, G. Ralph. I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!

Tumpak! Batay sa inyong mga ipinakitang galing sa pag-arte, masasabi kong mahusay na kayong lahat! Pwede na
kayong mag-audition sa kahit na anong network! Paniguradong magiging sikat din kayo at makagagawa ng inyong
mga sariling linya. Bigyan ng masigabong palakpakan ang inyong mga sarili!

You might also like