You are on page 1of 4

Learning Area Filipino Grade Level 8

W3 Quarter Ikatlong Markahan Date

I. LESSON TITLE Mga Salitang Ginagamit sa Radio Broadcasting


II. MOST ESSENTIAL LEARNING ➢ Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio
COMPETENCIES (MELCs) broadcasting
➢ Nakapagbibigay ng mga salitang ginamit sa radiobroadcasting
III. CONTENT/CORE CONTENT Mga Salitang Ginagamit sa Radio Broadcasting

Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

F. Introduction 10 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutan ang mga sumusunod na


Panimula minuto katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Tingnan ang mga larawan, anong ideya mo sa mga ito? Ano


ang iyong paboritong estasyon sa radyo? Bakit mo ito nagustuhan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
G. Development 40 Panuto: Hindi na bago sa iyo ang ang mga programang panradyo.
Pagpapaunlad minuto Marahil nakapakinig ka na rin ng isa sa mga ito. Maaari mong
pakinggan ang isang halimbawa nito. Tingnan mo sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=lD0RA6-7mzA ang Tanikang
Lagot.

Tanikalang Lagot
(Kontemporaryong Programang Panradyo)

Programa: Tanikalang Lagot


Station: 702 DZAS
Manunulat: Gerri Peñalosa

Leona: Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral,silang sa iyo’y


tumatanggap ng mga turo sa kautusan. Mga awit 94:12…Ako po si
Leona,kasalukuyang naninirahan dito po sa probinsiya ng Bulacan. Kung
papaano po ako hinango ng ating Panginoong Hesus sa lusak ng kasalanan
ang siya ko pong ibabahagi rito po sa Tanikang Lagot. Ganito po iyon…

Nagsimula ang lahat ng utusan ni Dionisio ang kanyang anak na si Leona na


pumuntang Agusan Del Sur upang bisitahin ang kanilang negosyo na punla ng
rubber. Kapalit nito ay binilhan ni Dionisio si Leona ng motorbike na matagal ng
hinihiling ng anak. Pero hindi sang-ayon dito ang kanyang ina na si Jovencia
dahil ito’y takaw aksidente na siya namang nangyari kay Leona. Dahil dito
ibinenta ni Jovencia ang kanyang motorbike na ikinasama ng loob ni Leona.
Hindi na nagpunta ng Agusan si Leona kundi’y dumiretso siya sa Maynila
kasama ang kaibigan na si Aya. Doon na sila nagtrabaho at doon niya na rin
nakilala ang kanyang napangasawa na si Zosimo. Sila ay nagkaroon ng
dalawang anak hanggang si Zosimo ay mamatay. Pagkatapos nito’y nakilala
niya si Rosa na siyang naghikayat sa kanya at tumulong upang magbalik loob
sa Panginoon na kanyang naging sandalan sa kanyang bagong buhay.

binuod ni Jasmin S. Ravano mula sa YouTube


https://www.youtube.com/watch?v=lD0RA6-7mzA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na impormayson.
Isang midyum ang radyo upang makapaghatid ng balita at mga
impormasyon sa mga mamamayan. Ginagamit din ito sa
pagpapalaganap ng mga babala at panawagan.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga tagapagbalita
at komenterista sa radio. Nakakaimpluwensya sila nang malaki at
malawakan sa kabuuan ng lipunan, katulad na lamang ng
panawagan nila sa pagliligtas sa kalikasan.
Iskrip ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na
ginagamit sa broadcasting. Ito ay nakatitik na bersyon ng mga salitang
dapat bigkasin o sabihin. Ginagamit ito sa produksyon ng programa.
Ito ay naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid
sa mga nakikinig. Napakahalaga nito sapagkat ito ang nagsisilbing
gabay sa mga tagaganap, director, tagaayos ng musika (musical
scorer), editor, at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa
midya tulad ng radyo ay ilalagay muna sa iskrip. Bilang iskrip, ito ay
gagamit muna ng print medium. Mula sa pormang ito, ang iskrip ay
gagawing pasalita at gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang iskrip
ay isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa
pamamagitan ng radyo. Maririnig lamang ng mga tagapakinig sa
pamamagitan ng radyo kung ano ang nakasulat sa iskrip.

MGA SALITANG GINAGAMIT SA RADIO BROADCASTING

Salita Kahulugan
Acoustics Kalidad ng tunog sa isang lugar
Airwaves midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o
telebisyon na kilala ring spectrum
AM Nangangahulugang amplitude modulation;
tumutukoy sa standard radio band
Amplifier Kakayahang baguhin ang lakas ng tunog
Analog isang uri ng waveform signal na diretchoo tuwid
Announcer ang taong naririnig sa radyo na may trabahong
magbasa ng script o mga anunsyo
Backtiming ito ang pagkalkula ng oras bago marinig ang boses
sa isang kanta upang kapag dinugtungan ito ng
kanta
Band lawak ng naaabot ng pagbobroadcast
clutter lubhang maraming bilang ng patalastas o iba pang
elemento na hindi kasama sa mismong programa
na sunod sunod na pinapatugtog
feedback isang nakakairitang tunog na nililikha ng
pagtatangkang palakasin ang ispiker sa paglalapit
dito ng mikropono
FM isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang
alternating current
frequency ang teknikal na kahulugan nito ay ang
electromagnetic wave frequency
interference tunog na tila may naggigisa dahil sa
pagbobroadcast ng dalawanh]g estasyon ng
radyo sa iisang band
mixing ito ang pagtitimpla at pagtiyak ng tamang
balanse ng tunog
open mic isang mikroponong nakabukas sa partikular na oras
playlist opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin ng
isang estasyon sa isang takdang araw o linggo
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
queue hanay ng mga patalastas na
pinagsunod-sunod
ratings tantiya ng dami ng tagapakinig sa
isang programa ng ipinapakita sa anyo
ng porsiyento ng mga taong isinarbey
share bilang ng taong nakinig sa isang istasyon
sa takdang panahon
sign-on ang oras na ang estasyon ng radyo ay
nagsisimula sa pagbobroadcast nito.
simulcast ang pagbobroadcast ng iisang programa
sa dalawa o higit pang magkakaibang
estasyon
sound byte kapirasong boses ng isang tao nakinuha
mula sa isang interbyu na isinasama sa
isang balita
streaming ang paglilipat ng audio patungong
digital data at pagsasalin nito sa
internet
transmitter ang pinanggagalingan o tagalikha ng
signal sa isang transmission medium
voiceovers isang teknik pamproduksiyon na
pinagsasalita ang isang tao na maaaring
live o inirekord
H. Engagement 30 Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa graphic organizer sa ibaba ay
Pakikipagpalihan minuto matutunghayan ang ilang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting. Bigyang-kahulugan angmga ito. Gayahin ang pormat
at sagutan sa sagutang papel.

Broadcast
Media
Mga Salitang announcer
Ginagamit
sa Radio
Broadcasting SFX

Audio-visual material

Gawain sa pagkatuto Bilang 3: Ibigay ang kahulugan ng mga


sumusunod. Isulat sa sagutang papel.
1. queue
2. sign-on
3. AM
4. Announcer
5. frequency
I. Assimilation 20minuto Panuto: Sagutan ang katanungan.
Paglalapat
Naglipana ngayon ang mga fake news, bilang isang kabataan,
paano mo ito susuriin ang mga impormasyon at mga balita kung ito
man ay katotohanan o hindi.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

V. ASSESSMENT 10minuto Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa bawat bilang. Sagutan sa sagutang
(Learning Activity Sheets for papel.
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6) 1. tantiya ng dami ng tagapakinig sa isang
programa ng ipinapakita sa anyo ng porsiyento
ng mga taong isinarbey
2. isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang
alternating current
3. opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin
ng isang estasyon sa isang takdang araw o
lingo
4. isang nakakairitangbtunog na nililikha ng
pagtatangkang palakasin ang ispiker
sa paglalapit dito ng mikropono
5. lawak ng naaabot ng pagbobroadcast
VI. REFLECTION 10minuto Panuto: Kompayahin at kompletuhin sa sagutang papel ang mga
sumusunod na pahayag.
Naunawaan ko na .
Napagtanto ko na .
Kailangan ko pang malaman na .

Prepared by: Analyn N. Panelo Checked by: Jasmin S. Ravano (Quezon NHS)
Joseph E. Jarasa- SDO-Quezon

Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang
deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit


na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa


nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi


ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa pagkatuto LP Gawain sa pagkatuto LP Gawain sa pagkatuto LP


1 2 3

You might also like