You are on page 1of 8

KAGAWARAN NG EDUKASYON

REHIYON V
Sangay ng Camarines Sur
Pambansang Mataas na Paaralan ng Lupi-Iligan
Lupi, Camarines Sur

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 8


I. Layunin:
Sa pagtatapos ng anim napung minutong talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahan na:
a. Nabibigyan ng kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting,
b. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at
personal na interpretasyon,
c. Napapahalagahan ang kontemporaryong programang panradyo.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Kontemporaryong Programang Panradyo
b. Sangunian: CO_Q3_Filipino 8_ Modyul 3
c. Kagamitan: bidyo clips, manila paper, pentel pen, colored paper
d. Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang kontemporaryong programang
panradyo.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
• Panalangin
Tumayo ang lahat at ihanda ang (Tayo’y yumuko at manalangin)
sarili para sa Panalangin.
(Julius pangunahan mo ang
pagdarasal.)

• Pagbati
Mapagpalang umaga sainyong Magandang umaga po
lahat.

• Pagsasaayos ng mga upuan (Magsisikilos ang mga mag-aaral sa para


Bago maupo ang lahat maari bang ayusin ang mga upuan at pupulutin ang
ayusin ang mga upuan at pakipulot mga nakikitang dumi.)
ng kalat.
• Pagtala ng liban
Kalihim ng pangkat maaari bang (Tatayo ang kalihim at i-uulat ang bilang
tumayo ay iulat ang liban at nag ng mga mag-aaral.)
paliban sa araw na ito.

• Pagtalaga ng alituntunin
Bago natin simulan ang bagong
aralin may mga alituntunin ako na
dapat sundin sa loob ng silid.
Mga alituntunin:
1. Irespeto ang nag sasalita
2. Huwag mag-iingay sa oras ng
talakayan.
3. Itago ang mga bagay na hindi
angkop o kailangan sa ating
asignatura.
4. Inaasahan ang Kooperasyon.
Nauunawaan po ba?
Opo.

• Balik-aral
Noong nakaraan, kung inyong
natatandaan ay tinalakay natin ang
patungkol sa mga salitang
ginagamit sa impormal na
komunikasyon.
Ano-ano nga ang mga uri nito? Ang mga uri ng impormal na salita ay;
Lalawiganin
Balbal
Kolokyal
Jargon
Mahusay! Talaga ngang
naunawaan ng lahat ang ating
pinag aralan.
Bigyan natin ang bawat isa ng
tatlong bagsak! (Ang mga mag-aaral ay mag
papalakpakan).

B. Pagganyak

May mga larawan akong inihanda at


nais ko na tukuyin ninyo ang
hinihinging stasyon ng radio.

Sainyong palagay, anong paksa kaya


ang ating pag uusapan ngayon.

Maraming salamat saiyong Ito po ay patungol sa isang balita.


kasagutan!
1. Paglalahad
Ang paksanag ating tatalakayin
ngayon ay patungkol sa Maari po na ito ay tungkol sa programang
kontemporaryong panradyo. panradyo.
Mapag uusapan natin dito kung bakit
nakikinig ang mga tao sa radio.
Mga uri ng radio broadcasting at iba
pa.

2. Pagtatalakay

Pagnaririnig mo ang salitang radyo,


ano agad ang pumapasok sainyong
isipan? Pagnaririnig ko po ang radio agad pong
napasok saaking isipan ang balita, at
mga musika.

Maraming salamat saiyong


kasagutan!
Ayon sa Philippine Statistics Authority,
Pakibasa Edgar! radyo ang ikalawa sa pinakaginagamit at
pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan
ng impormasyon sa Pilipinas

Saaking palagay po nakikinig ang mga


tao ng radyo para makakuha ng mga
impormasyon o makinig ng balita.

Bakit kaya nakikinig ang mga tao ng May mga tau naman po na nakikinig
radyo? lamang ng mga musika sa radyo.

Maraming salamat sa iyong


kasagutan! Mga dahilan ng mga tao sa pakikinig sa
radyo.
Pakiba sa nga Ryan ang mga  Una, ang makasagap ng balita lalo na
kadahilanan kung bakit nakikinig ng sa mga taong nakatira sa liblib na
radyo ang mga tao. lugar.
 Pangalawa, panawagan.
 Pangatlo, makinig ng musika.
 Mag subaybay ng drama sa radyo.
 Panglima, ang mga talakayan ng mga
radio anchors

May 4 na uri ang Radio Broadcasting Ang Public Radio o Radyong Pampubliko
Pakiba at mag bigay ng iyong opinion kung saan purong pagbabalita lamang at
Quincy! walang halong patalastas.

Ibigsabihin ang public radio ay hindi nag


lalagay ng mga patalastas sa kanilang
pagbabalita.
Karamihan pamahalaan ang nag mamay-
ari nito para maghatid ng mga
impormasyon o balita sakanyang
nasasakupan.

Maraming salamat!
(ipapanood ang isang maikling bidyo
tungkol sa Publi Radio)

Ikaw naman Katrine pakibasa ng


pangalawang uri at magbigay ng Pangalawa, ang Commercial Radio o
kunting ideya! Radyong Pangkomersiyo na naglalayong
ilahad ang mga impormasyon ukol sa
mga ineendorsong produkto.

Ang programa naman na ito ay puro


lamang pangkabuhayan ang kanilang
mga inilalahad na impormasyon para sa
isang produkto.

Maraming salamat saiyo Katrine!


(ipapanood ang maikling bidyo tungkol
sa commercial radio)

Ngayon ikaw naman nga Andrea!


Basahin mo at magbigay ng kahit Pangatlo, Community Radio o Radyong
kaunting ideya. Pangkomunidad na naglalahad ng
kasalukuyang balita o mahahalagang
pangyayari sa loob ng isang komunidad.

Ito naman po ay radio para lamang


sakanilang nasasakupan halimbawa nito
ay ang balitang para lamang sa Naga.

Maraming salamat saiyong


kasagutan!
Panghuli, ang Campus Radio o Radyong
Ang pang huli pakibasa naman Jomil! Pangkampus kung saan ang istasyon ito
ay eksklusibo lamang sa loob ng isang
pamantasan o paaralan.

Dito po sir nbinabalita ang mga


mahahalagang anunsiyo ng mga
namumuno sa paaralan.

Ayan magaling, maraming salamat!

Bilang isang tagapakinig mahalaga na


malaman natin ang katotohanan,
opinion, hinuha at personal na
interpretasyon.

Ang Katotohanan ay ang pagpapahayag


Pakibasa nga ng ibig sabihin ng ng isang ideya o pangyayaring
katotohanan Shella. napatunayan at tanggap ng lahat na totoo
at hindi mapapasubalian kahit sa ibang
lugar. Hindi ito kailanman nagbabago.
Sa pagpapahayag ng katotohanan
maaaring gumamit ng sumusunod na
pananda: batay sa resulta, pinatutunayan
ni/ng, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy
ng, mababasa sa.

Ang Opinyon naman ay isang pananaw


Sunod naman ang opinyon pakibasa ng isang tao o pangkat na maaaring totoo
at ipaliwanag. pero puwedeng pasubalian ng iba.
Ibig sabihin po ito ung mga idea na
maaaring totoo pero pweding bigyan ng
sariling pananaw.

Ayan maraming salamat.

Tingnan ang mga hudyat o mga Sapapahayag ng sariling pananaw o


pananda sa pag bibigay ng opinion. opinyon, maaaring gumamit ng pananda
gaya ng sa aking palagay, sa tingin ko, sa
nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, atbp.

Ngayon ano naman kaya ang hinuha? Ang hinuha o inference ay isang kilos o
Pakibasa nga Aljhun at paki proseso ng pagkakaroon ng kongklusyon
paliwanag! tungkol sa isang bagay mula sa mga
kilalang katotohanan o ebidensya.
Kadalasan ay ginagamitan din ito ng mga
kataga gaya ng sa hinuha ko, sa hinuha
niya, mahihinuha na, hula ko, marahil,
baka, waring, tila, maaaring at iba pa.

Ito po ay maaaring galing din sa sariling


pananaw para makapag kunklosyon sa
isang katoohanan.

Ayan maraming salamat! Ang Personal na Interpretasyon ay ang


pagkakaunawa o pagkakaintindi sa isang
Ang huli ay ang personal na bagay, lengguwahe, o iba pa, at ito ay
interpretasyon paki basa nga Ryza! ipinaliliwanag mo para sa mga ibang tao
na hindi maintidihan ito. Ito ay nakabatay
ayon sa sarili mong pananaw.

Maraming salamat saiyo Ryza!

Ngayon naman alamin naman natin


ang tungkol sa positibo at negatibong Pag sinabi na positibo ito ay pahayag na
pahayag. nag bibigay kagandahan sa isang bagay.
Sainyong palagay ano kaya ang
positibong pahayag?
Masasabi nating positibo ang pahayag
Maraming salamat! kapag nagsasabi ng kaaya-aya o may
kagandahan ang hatid sa mambabasa.
Ngayon pakibasa po Veejay! Ang mga positibong pahayag ay
karaniwang ginagamitan ng mga
panandang totoo, tunay, talaga, sadya at
iba pa.
Maraming salamat saiyo! Ang negatibong pahayag ay kabaliktaran
sa inihahatid ng positibo. Ito ay mga
Ikaw naman Razel pakibasa at pahayag na may diwang negatibo o
ipaliwanag! salungat o hindi pagkiling sa diwa ng
nakararami. Ginagamit sa negatibong
pahayag ang mga hudyat o panandang
wala, ayaw, ngunit, subalit, hindi at iba
pa.
Base saaking naintindihan ito ay
kabaliktaran ng positibong pahayag. Ito
ay nagbibigay ng mga pahayag na d
magaganda o negatibo.

Maraming salamat sa iyong


kasagutan! Wala na po sir!
Nauunawaan na po ba ang pag
kakaiba? May kataungan o
karagdagan?

Kung gayon ngayon ay mag kakaroon


tayo ng pangkatang gawain.

3. Pangkatang Gawain
Hahatiin ang klase sa tatlong grupo.
 Ang unang pangkat
Bumuo ng mga pahayag na
POSITIBO AT NEGATIBO na
tumatalakay tungkol sa balitang
ibibigay sainyo.
Unang pangkat
 Ikalawang pangkat Positibong pahayag:
Basahin ang balita. Pumili ng isang Totoong malaking tulong ang rice
pahayag na nagsasaad ng mechnization equipment para mapadali
katotohanan at pagkatapos bumuo ng ang kanilang trabaho sa pag sasaka.
iyong hinuha, opinyon, at personal na
interpretasyon tungkol dito. Negatibong pahayag:
Malaking tulong ang rice mechnization
Ikatlong pangkat equipment para mapadali ang kanilang
Pumili ng isang uri ng radio broad trabaho sa pag sasaka ngunit hindi
casting, gumawa ng isang balitang naman lahat ng magsasaka ay marunong
panradyo. Tungkol sa napapanahung gumamit ng mga equipment.
pangyayari.
Ikalawang pangkat.
Pamantayan:
Batayan Puntos Katotohanan:
Ayon kay DA Caraga Regional Director
Nilalaman, 40 Abel James Montegudo, ang rice tariff
revenues ay malaking tulong upang
Presentasyon 30 maiangat ang kalagayan ng mga
Kooperasyon 15 magsasaka sa bansa.
ng pangkat.
Opinyon:
Kalinisan ng 15 Saaking palagay Malaking tulong ang rice
gawa tariff revenues upang ma-i-angat ang
Kabuuang 100 kalagayan ng mga magsasaka.
puntos
Hinuha:
Sa aking hinuha aangat ang kalagayang
pang ekonomiko ng mga magsasaka
dahil sa tariff revenues

Personal na interpretasyon:
Hindi na mag hihirap ang mga mag
sasaka kung mag papatuloy ang rice tariff
revenues sa ating bansa.

4. Paglalahat
kung talagang naintindihan ng lahat
ang ating tinalakay may mga
katanungan ako para sa lahat.
Ang apat na uri ng radio broadcasting ay
Ano ano ang apat na uri ng radio ang mga sumusunod:
broadcasting? 1. public radio
2. commercial radio
3. community radio
4. campus radio

Ang katotohanan po ay pagpapahayag


Ano naman ang pagkakaiba ng ng impormasyon na may pinagbasihan o
katotohanan at opinion? napatunayan. Ito ay hindi kailan man
mababago, samantalang ang opinion ay
base lamang sa sariling ideya ito ay
maaaringt totoo ngunit mamaring
pasubalian.

Maraming salamat sainyonyo! Talaga


ngang naunawaan na ang ating
tinalakay.

5. Paglalapat
Meron nalamang akong huling
katanungan.
Sa papaanong paraan natin Para po saakin mapapahalagahan ko ang
mapapahalagahan para mapanatili pa radyo para mapanatili pa ito sa paraang
ang radio dito sa ating bansa sa kabila pagtangkilig o pakikinig ko sa mga
ng pag-usbong ng mga makabagong balitang kanilang hinahayag. Kahit may
teknolohiya? mga bagong teknolohiya na na nag
hahatid ng balita mas mainam parin na
makinig ng mga balita at mga musika na
maaaring mag aliw sa mga taga pakinig.
IV. Pagtataya
I. Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nag sasaad ng katotohanan o opinyon.
___________1. Batay sa resulta ng botohan, si kapitan Topi Jacinto ang nanalo
sa pagkapunong barangay.
___________2. Ayon sa Philippine Statistics Authority, radyo ang ikalawa sa
pinakaginagamit at pinakapinagkakatiwalaang pagkukunan ng impormasyon sa
Pilipinas.
___________3. Sa aking palagay, bubuhos ang malakas na ulan bukas.
___________4. Tinutukoy ng testimonya ni Don Juan na ang mga tagapagmana
ng kaniyang mga ari-arian ay ang kaniyang mga anak at apo.
___________5. Si clarenz ay mahusay sa larangan ng matematika.
6-10. Ibigay ang limang kadahilan kung bakit nakikinig ng radyo ang mga tao.

V. Takdang-aralin
1. Mag tala ng limang katotohanang pahayag at limang opinion.
2. Pag-aralan ang Kontemporaryong pampelikula.

Inihanda ni:
Jan Enar L. Pateño
Mag-aaral

Nabatid ni:
Cherie B. Calayo
Guro

You might also like