You are on page 1of 11

KWARTER 2

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino – Modyul 1- Week 1.
ARALIN 1 MGA SITWASYONG PANGWIKA SA

LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. natutukoy mo ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa
mgapanayam at balita sa radyo at telebisyon.

TALASALITAAN:
Wika- Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagaysa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika
Panayam- ay isang paraan ng pagkuha o pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa isang partikular na isyu at tungkol sa
pangyayari, opinyon, damdamin, gawi at kadahilanan para sa mga piling pagkilos.
https://www.scribd.com/document/112920953/Ano-Ang-Kahulugan-Ng-Panayam
Balita-ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sapamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa at nakikinig.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Balita
Radyo-ay isang teknolohiya na pinapahintulutan ang pagpapadala ng mga hudyat ( signals) sa pamamagitan ng modulation ng
electromagnetic waves na may mga frequency na mas mababa kaysa liwanag.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Radyo
Telebisyon-ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at
tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon

PANIMULANG GAWAIN!

WHO-laan mo!
Panuto: Tingnan maigi ang bawat larawan na nasa ibaba, tukuyin ang Pangalan ng mga sumusunod na mga
Tagapaghatid-balita sa Radyo at Telebisyon. At tukuyin din kung saang Programa mo sila madalas na
napapanood/naririnig.
PANGALAN PROGRAMA

1._______________________ _______________________

2.________________________ ________________________

KPWKP Q2 | 1
3.__________________________ _________________________

4. ________________________ ________________________

5. _______________________ ________________________

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO!

Pamamahayag (Print) at Broadcasting (Radyo at Telebisyon)

Ipinahahayag na isa sa pinakamaimpluwesyang sitwasyong pangwika na behikulo sa pagpapalaganap ng


wika ang pamamahayag. Sitwasyong pangwika ito na nagbibigay ng mga impormasyon ng mahahalagang
pangyayari sa lipunan.
Kapag napag-uusapan ang pamamahayag, ang naiisip kaagad ay ang paglathala ng balita. Pamamahayag
ang pag-uulat o pagbabalita na maghahatid ng mga pangyayari sa kaalaman ng mga mambabasa. Ano mang ulat,
pasalita o pasulat man, na ukol sa pangyayaring hindi karaniwan, napapanahon, nakatatawag ng pansin at
kawiwilihan ng mga mambabasa, nabatid o nabunyag sa kauna-unahang pagkakataon, napakahalaga sa mga
mambabasa, nakagaganyak at nakalilibang, makatotohanan, at nagaganap ang nilalaman ng isang balita.
Sa kabilang banda, hindi maitatangging malaki ang ginagampanang papel sa lipunan ang ginagalawan ng
radio at telebisyon. Ipinahayag sa Encyclopedia na ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa
pamamagitan ng radio at telebisyon ay maituturing na Broadcast media.
Sino ba ang hindi nakikinig ng radio upang mapakinggan at malaman ang mahahalagang anunsiyo mula sa
ilang ahensya ng pamahalaan o mga napapanahong impormasyon? Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon
upang abangan ang mga kaabang-abang na tagpo sa telenobela o kayaý malaman ang mahahalagang balita sa
nakalipas na araw? Tunay ngang bahagi na ngating buhay ang Broadcast Media.
Ang Pamamahayag (Print) at broadcasting ay mga sitwasyong pangwika na nagpapakilala ng mga tunay
na sitwasyon ng buhay ng isang lipunan kasabay ang kulturang kaugnay nito.
Jocson. Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Pilipinas. Vibal Group.

Bakit sinasabing pinakamakapangyarihan ang radyo at telebisyon?


 Ang radyo at telebisyon ang pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naabot nito.

KPWKP Q2 | 2
Ano -anong programang pantelebisyon ang gumagamit ng wikang Filipino?
 Ang mga halimbawang programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang mga teleserye,
mga tanghaling palabas, mga magazine shows, news and public affairs, reality show at mga programang
pantelebisyon. Samantalang Wikang Filipino rin ang kadalasang gamit sa mga estasyon ng radio sa AM
man o sa FM.
Ano ang paksang tinatalakay sa araling ito?
 Ang paksa ay tungkol sa iba’t ibang paggamit ng wika na kasalukuyang ginagamit sa mga panayam at balita
sa radyo at telebisyon. Dito’y aalamin ang mga Sitwasyong Pangwikang ginagamit.
Bukod sa mga nabanggit mong halimbawa ng programang pantelebisyon, mayroon bang halimbawa na gumagamit
ng ibang wika?
 Opo, mayroon. May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng Wikang Ingles sa
pagbobroadcast subalit mas marami pa rin ang gumagamit ng Filipino.

Kaugnay ng radyo, sa wikang Filipino lang ba ito ginagamit?


 Hindi po. May mga estasyon din ng radyo sa probinsya na gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kapag
may kinakapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap.

HALIMBAWA NG RADYO KOMENTARYO NI ATE KIM AT MAMA JACK


Announcer: Magandang Hapon mga ka Usizero’t Usizera ! Ito po ang Isyu 24/7 ng 139.09
life radio! Nandito na ang tambalang talagang inaabangan tuwing hapon! Sina Ate Kim at
Mama Jack !
Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin ang mga tanong.
Ate Kim: Magandang-magandang hapon sa inyong lahat! Ako po Ate Kim hindi si Kuya Kim na nagsasabing ang life
ay panapanahon lang!
Mama Jack: Good Afternoon madlang Usizero’t Usizera! Ako po si Mama Jack! Na nagsasabing kung mayroong
Papa Jack mayroon ding Mama Jack!
Ate Kim: So... Partner anong ganap ngayon ?

KPWKP Q2 | 3
Mama Jack: Naku Pards ang daming ganap ngayon... At isa na rito ay ang issue tungkol sa reklamo laban sa
montero ng mitsubishi!
Ate Kim: Tama ka dyan pards! Andami ko ring mga narinig na balita tungkol dyan !
Mama Jack: At dahil marami ka ngang narinig ukol dyan... Bakit hindi na lamang ‘yan ang pag-usapan natin ! Ate
Kim: oo nga naman pards!
Mama Jack: so pards, anong say mo sa mga reklamo laban sa Montero ng Mitsubishi nayan? Lalo na’t montero yang
sasakyan mo?
Ate Kim: sa totoo pards nangangamba ako eh. Madami na kasi yung kaso ng SUA o sudden Unintended acceleration
laban sa Montero. Pinangangambahan kong baka mamaya mangyari pa sa akin yang SUA na yan! Eh dugo’t pawis
ko yung perang ginamit ko sa pagbili nyan eh., baka mamaya may dugo ngang dumanak pag nangyari yang SUA na
yan eh!
Mama Jack: pero pards may sinasabi nga yung mitsubishi na HUMAN ERROR lang daw yung nangyari. Malay mo
human error nga lang talaga. Baka mamaya yung driver lang talaga yung may kasalanan.
Ate Kim: may possibility rin naman , pero pards para malinawan tayo sa isyung yan e narito si Ms. Liezel Sarte, isa
sa opisyal ng Mitsubishi Motors! Magandang hapon Ms. Sarte!
Mama Jack: Good Afternoon Ms. Sarte! Ms. Sarte: Good afternoon din sa inyo Ate Kim, Mama Jack at sa mga
nakikinig dyan sa mga bahay nila. Mama Jack: Ms. Sarte, ano pong masasabi nyo ukol sa isyung kinakaharap ng
inyong Montero?
Ms. Sarte: Ang totoo eh masasabi naming Human Error lamang ang biglang pagharurot ng mga Montero.
Ate KIm: Uhmm.. Ms. Sarte ako po ay mayroong Montero at kahit ako po mismo ay natatakot ng gamitin ito dahil nga
sa isyu ukol dito, pati nga mga magulang ko takot nang sumakay rito, at kahit sila rin ay hindi naniniwalng human
error lamang ito, so ano ang maaari naming gawin ukol dito?
Ms. Sarte: Ukol riyan, kung gusto niyong makasigurong walang problema ang inyong montero, you should make it
check, may nagaganap na libreng pagtingin sa mga sasakyang montero kaya kung kayo po ay nangangamba ay
mas maigi nang ipa-check mo ang sasakyan mo.
Mama Jack: Yun naman pala pards eh ! Pa-check mo na ‘yang sasakyan mo!
Ate Kim: Sige nga dadaan ako dyan mamaya! Buti naman ay libre ‘yang check up nayan! Buong akala ko sa
panahon ngayon wala ng libre, meron pa pala! Hahhahahaha
Mama Jack: hahahahhaha. Pero kidding aside po Ms. Sarte, ngayon nga po’y maymalaking problema ang
kinakaharap ng inyong montero, tuloy pa rin po ba ang bentahan nito sa ngayon?
Ms. Sarte: sa ngayon pong under investigation po ang aming montero, pansamantala naming tinigil ang pagbebenta
nito.
Ate Kim: Tama yan.Ms. Sarte, ano pong masasabi nyo para sa mga ka- Usizero’t Usizera nating nakikinig na nag
mamay-ari ng mga Montero?
Ms. Sarte: sa mga may ari ng montero na nangangamaba, kami po ay mayroon proyekto kung saan pwede nyo po
ipa-check ang inyong montero sa amin ng walang bayad. At lagi po sana kayong mag-ingat. Yun lamang po.
Mama Jack: ok, thank you for making it here Ms. Sarte kahit na alam kong busy po kayo, thank you po! At nawa’y
malinawan na tayo ukol saisyung ito.
Ate Kim: Maraming salamt Ms. Sarte sa pagpapaunlak ng aming imbitasyon dito, nawa’y malutas na ito lalong
madaling panahon
Mama Jack: At yan po mga ka Usizero’t Usizera may bagong isyu na naman tayong nausisa, sana nga ay malutas
na ito sa lalong madaling panahon. Ito po si Mama Jack na nagsasabing “kung may Papa Jack ay meron ding Mama
Jack!
Ate Kim: At ito po si Ate Kim na nagsasabing “ang life ay panapanahon lang!
MJ & AK: Muli ito po ang Isyu 24/7 ng 139.09 life radio! Paalam!

https://www.slideshare.net/christinejoyjubacpilapil/halimbawa-ng-radyo-komentaryo-script
KPWKP Q2 | 4
PAGSASANAY 1.

Panuto: Suriin ang salita o mga salitang may salungguhit kung angkop sa diwa ng pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang salitang TIK, kung angkop ito, at TOK naman kung hindi.
1. Sa pelikula man o telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating nababasa na tumatalakay sa iba’t
ibang paksa o isyu.
2. Masasabing mataas na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa.
3. Mayaman sa impormasyon ang anumang balita.
4. Tunay ngangbahagi na ng ating buhay ang Broadcast Media.
5. Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng
paglaganap ng teknolohiya.

PAGSASANY 2.

ILAHAD MO!
PANUTO: Gamitin sa pangungusap ang salita o mga salita sa bawat bilang upang maging angkop ang ugnayan nito
sa bubuuing pangungusap. Gawing gabay ang uri ng diskurso na nasa loob ng panaklong. Isulat sasagutang papel.
(5 PUNTOS bawat bilang)

1. Kultura at wika (nagpapaliwanag)


_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.
2. Mahalaga ang pamamahayag (nangangatwiran)
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.
3. Telebisyon (naglalarawan)
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.
4. Balita (nagpapaliwanag)
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.
5. Kahalagahan ng Broadcast Media (naglalarawan)
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________.

KPWKP Q2 | 5
PANAPOS NA PAGSUBOK! (PERFORMANCE TASK)

PANUTO: Sa 1 Short bond paper, sumulat ng isang balita tungkol sa paksang Edukasyon sa New Normal. Isaalang-
alang na gagamitin ito sa newscasting. Sundin ang mga sumusunod na pamantayan sa ibaba.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BALITA

1. Ang nilalaman ay angkop sa paksa 20 puntos


2. Magkakaugnay ang mga ginamit salita o
pangungusap. 30 puntos
3. Angkop ang ginamit na estratehiya sa pagbuo
ng balita. 30 puntos
4. Malinaw ang pagkakalahad ng balita. 20 puntos
KABUUAN 100 PUNTOS

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul


1- Week 1. ARALIN 2 Ang Lipunang Pilipino sa Pelikula at Dula

LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


 nakasusuri at nakasasaalang-alang ng mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba ng lipunang
Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood.

TALASALITAAN
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.
Basahin natin.
Wika- Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita
o pasula
Kultura- Tinatawag din itong kalinangan. Ang kalinangan ay may kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang
bayan o bansa. Binubuo ito ng mga katutubo at katangitanging kaugalian, paniniwala, at mga batas ng isang bansa.
Hinuhubog nito ang pagkakakilanlan, kaisahan, at kamalayan ng isang bayan o bansa. Dito nakikilala ang isang
bansa at ang kanyang mga mamamayan. https://brainly.ph/question/426819
Dula- ito ay hango sa “drama,” salitang Griyego na na nangangahulugang gawin o ikilos. Ito ay isang uri ng sining na
may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo
at iba pang aspekto nito.
https://www.slideshare.net/johnmichaelcepe/dula-121206051045phpapp02
Register- Isang panlipunang salik na isinasaalang-alang kaugnay ng baryasyon ayon sa gumagamit ng wika.
https://brainly.ph/question/471125
Pelikula-. Ang pelikula, kilala din bilang sine. Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang
isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang litratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula.

KPWKP Q2 | 6
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO!

MAYNILA SA KUKO NG L IWANAG, ISANG BUOD


EDGARDO M. REYES
Si Julio ay isang maralitang mangingisda na may kasintahan na ang pangalan ay Ligaya. Isang araw, umalis si
Ligaya kasama ang isang Ginang Cruz na pinangakuang makakapag-aral at makapaghanapbuhay sa Maynila si
Ligaya. Pumunta si Julio sa Maynila para makita si Ligaya. Noong nasa Maynila na ang binata, naging biktima si
Julio ng mga mapagsamantalang mga tao sa lungsod. Nakaranas si Julio ng mga pang-aabuso habang
nagtatrabaho sa isang lugar ng konstruksiyon at pagbebenta ng sariling katawan para lang kumita ng pera. Unti-
unting nawawalan ng pag-asa si Julio na matagpuan pa si Ligaya. Ngunit, nagbago ang lahat nang muli niyang
makita si Ligaya. Nalaman niyang si Ligaya ay nagging biktima ng prostitusyon. Nagbalak na tumakas ang dalawa
ngunit gaya ng sabi ni Ligaya ay kayang-kaya siyang patayin ng kinakasama kapag ito ay nahuling tumakas.
Dumaan ang gabi at sa paggising ni Julio ay patay na si Ligaya. Ipinaghiganti ni Julio si Ligaya at pinaslang ang
kinakasama nitong lalaki subalit maraming nakasaksi at pinagmalupitan si Julio hanggang sa ito ay mawalan din ng
hininga.
www.goodreads.com/book/show/2501747.Sa_Mga_Kuko_Ng_Liwanag

PAGSASANAY 1.
Knows mo!
A. Sa pamamagitan ng word association, ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat ng nobela-pelikulang
“Maynila sa Kuko ng Liwanag. Kopyahin ang kasunod na pormat.

“Maynila sa Kuko ng
Liwanag”

Simulan mo!
May partikular na gamit ang wika sa iba’t ibang sitwasyon. Tinatawag itong register na isang panlipunang salik
na isinasaalang-alang kaugnay ng baryasyon ayon sa gumagamit ng wika. Isa pang pinanggagalingan ng
baryasyon ng pananalita ng indibidwal ay depende sa mga sitwasyon ng paggamit. Hindi lang kaso ito ng kung
sino tayo kundi kung anpong mga sitwasyon ang kinapapalooban natin. Isa ang pelikula at dula na may sariling
register o mga salitang pampelikula at pandula.

PELIKULA DULA
 “Lights, camera, action…”  dulang isang yugto
 Focus  right stage
 Sinematograpiya  left stage
 Iskrip  mensahe
 direktor  galaw ng tauhan

KPWKP Q2 | 7
BASAHIN AT SURIIN! Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PAGSASANAY 2.
1. Paano ginamit ang mga salitang 2. Nabakas ba sa sinuring pelikula, napanood
pampelikula, isinaalang-alang ba ang antas na pelikula o nabasang nobela ang kultura

KPWKP Q2 | 8
ng wika (balbal, kolokyal, diyalektal, ng Pilipino?
teknikal, masining)? Patunayan.

SAGOT:
1. 2.

3.KONGKLUSYONG TANONG: Nakaapekto ba ang gamit ng wika (lingguwistiko) sa paraan ng pamumuhay


ng ilan sa lipunang Pilipino (kultural) na ipinakita sa ilang bahagi o pangyayari sa pinanood na pelikula?

SAGOT:

TANDAAN!

1. Ang pagsusuri ng isang pelikula at isang dula ay maituturing na mataas at tampok na kasanayang dapat linangin
sa isang indibidwal.
2. Dito mababasa ang mga kuro-kuro, palagay, damdamin, at sariling kaisipan ng bumuo ng pelikula o sumulat ng
akda.
3. Ilan sa mga dapat tandaan sa pagsusuri ay gawing malinaw kung anong pelikula o akda ang tinutukoy. Igawa ng
buod, at higit sa lahat iwasan ang pagbibigay ng hatol.
4. Lingguwistiko ang tinatawag na kaugnay ng wikang sinasalita nang ayon sa heograpikong kalagayan ng isang
lugar. Maaring bigyan ng pansin ang antas ng gamit ng wika tulad ng balbal, kolokyal, diyalektal, teknikal at
masining.
5. Kultural ay isang katangian ng wika na nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad dahil sa mga paniniwala, tradisyon
at ugali, paraan ng paumuhay, relihiyon at wika.
1. Yup! Ang paksa ay tungkol sa lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba ng lipunang Pilipino sa mga
pelikula at dula.
https://etech511ckp20172018.wordpress.com/2017/08/15/first-blog-post/

PAGSASANAY 3.
PILI-in mo!
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat Sa sagutang papel ang salita o mga salita na nagpapahayag ng kritikal
na pagsusuri.
1. Litaw na litaw sa nobelang “Bata, bata, paano ka ginawa?” ang kahusayan ni Bautista sa pagsulat ng kathang
pampanitikan.
2. Mayroon nga lang ibang mga parte na medyo sumablay sa dulang pinanood
3. Napakabilis din ng pagpapalit ng eksena, wala pang dalawang minuto ay nagpapalit kaagad.
4. Naging magulo ang umpisa ng pelikula.
5. Nagbigay-ningning sa pelikula ang pagpapalabas muna ng katapusan bago ang simula ng istorya.

KPWKP Q2 | 9
PANAPOS NA PAGSUBOK (Perforrmance task)
I-KONEK MO! PANUTO: Suriin ang pelikulang “Dekada 70” at dulang “Moses, Moses”. Pumili ng bahagi na iyong
naibigan at ikonekta ito sa iyong buhay. Isalaysay mo ito sa isang payak na pamamaraan. Sikapin na maiugnay ito
sa iyong personal na buhay at karanasan. Ang pagsasalaysay ay kinakailangang nasa 50 salita lamang. Gawin sa
sagutang papel.

“MOSES, MOSES” “DEKADA ‘70”

Sanggunian
Aklat
Calamian, Myna, et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Pasig City: Grandwater Publishing, 2014.
Jocson. Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Pilipinas. Vibal Group.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Pasig City: Grandstream Publishing, 2014.
Internet
https://brainly.ph/question/426819
https://i.pinimg.com/originals/4d/f3/d9/4df3d9f5e02d574a58526fafeb2c8194.jpg
https://mor.abs-cbn.com
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ3rVhhfV0sAh6EGIYp
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=AwrwJQ3STxhfmS4Ab8oGIYpQ
https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search?p=mike+enriquez+photo
https://www.slideshare.net/christinejoyjubacpilapil/halimbawa-ng-radyo-komentaryomanilatoday.
net/top-15/pangungunsenysa-memes
wikasatelebisyon.wordpress.com
www.brainbetty.com2
www.palestinapedia.net/summary-of-sa-kuko-ng-liwanag

KPWKP Q2 | 10
www.pinterest.com/cmdalisay/tagalogmemes

KPWKP Q2 | 11

You might also like