You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XIII-CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARRASCAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Nat’l. Highway, Gamuton, Carrascal, Surigao del Sur
PANGALAN: ___________________________________________ ANTAS: STEM/HUMMS/TVL 11
DESKRIPSYON: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
ASIGNATURA: FILIPINO PAKSA: Wikang Filipino at Mass Media
Markahan: Una PETSA: Enero 4-8, 2021 (Unang Linggo)

Magandang Araw! Ako ang sasama


sa iyo sa araw na ito.Handa ka na ba?

Mass Media
Ang Mass Media ay kahit na anong bagay o instrumento para sa pakikipag-ugnayan sa masa o
napakaraming tao sa isang tukoy o saglit na oras.
Mass Media. Tinatawag rin na pangmasang media o pangmadlang media. Malaki ang impluwensiya
ng Mass Media sa lipunan. Ito ay isa ring malaking industriya at
kinikilala bilang Ikaapat na Estado (Fourth Estate) kasunod ng
tatlong sangay ng pamahalaan at umiiral sa mga bansang
Demokartiko.
Dahil na rin sa makabagong teknolohiya, mas napapadali na ang
paggamit ng mass media. Kasama sa sangay ng mass media ang
pahayagan, radyo, at telebisyon. Ito rin ang ginagawang libangan,
pinagkukunan ng balita at dahilan ng pagsikat ng ilan.

Ayon kay Marshall Mcluhan,


Hinuhubog na tayo mismo ng mass media. Kailangang-kailangan na natin ang
mass media sa ating buhay. Mass media din ang dahilan kung bakit mas
napapalawak pa natin ang ating kaalaman sa makabagong teknolohiya. Sa
tulong ng mga balita, pahayagan, magazine at iba pang sangay ng mass media
ay mas updated na tayo sa kung ano ang mga bagong kagamitan o gadgets.
Isa rin sa aming mga natalakay ay tungkol sa Radyo – ang media ng masa. Radyo
ang pinakamura kumpara sa mga telebisyon o ibang media gadget. Maaari rin
itong umandar gamit lamang ang baterya. Tipikal itong ginagamit na paraan sa
mga baryo o lugar na hindi abot ng elektrisidad. Ang mga drayber ng taxi ay
madalas nakikinig dito, pati ang mga nasa pribadong sasakyan, at ang ibang nasa
tahanan, restawran, at opisina upang makinig ng balita, musika, o programang panradyo sa AM at FM.
Samakatwid, pangmadla talaga ang radyo.

Telebisyon
 ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga
larawan at tunog sa kalayuan.
 Nakakapag pauso at nakakalikha din ng mga bagong salita at mga bagong salita na pinapauso lamang.
 Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pantelebisyon ang katagang ito.
 Ito ang ilang mga pangunahing isyu ng wika sa ating telebisyon:
 Ang panunuod ng sa telebisyon ay tiyak na nakakaaliw at na kakapag palipas oras dahil sa mga palabas
nito kaya maraming mamamayan lalo na sa ating bansang Pilipinas ang nanunuod ng telebisyon dahil
doon Maraming mga tao ngayon ang hindi alam ang mga posibleng epekto ng telebisyon.
 Ang telebisyon ay nakakapag paunlad ng ating wika ang wikang Filipino na isa sa mga pinaka laganap na
wika na ginagamit sa telebisyon. Dahil sila ay nakakagamit ng sariling wika at gumagamit sila ng mga
bagong salita gaya ng mga bagong salita na nauuso ngayon. Kaso may problema tayo sa mga bagong
salita na uuso ngayon dahil itong mga salitang ito ay minsan hindi nagagamit ng ayos ng mga manunuod
ngunit nagagamit
ito bilang kasamaan para ibang tao dahil hindi pareparehas ang pagkakaintindi ng bawat isa sa ibang
salita na nalilikha dahil bawat isa sa ating mga tao ay may kanya kanyang pananaw sa ma bawat isang
salitang nauuso.
 Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa isang
komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata o “tool” ng komunikasyon. Ito ay malaki ang
papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga
mamamayan.
 Ang telebisyon, radio at internet ay mga halimbawa ng makapangyaring mass media.
- Ito ay “accessible” kahit sa maliliit na pamayanan sa ating bansa.
- Kapag may kalamidad, malaki ang ginagampanan ng mass media sa pagpapakalat ng mga advisories o
babala sa mga komunidad.
- Sa pagdating pa lang ng nagbabadyang bagyo, halimbawa, naipapaalam na agad sa mga mamamayan
ang mga dapat gawin upang makaiwas sa sakuna. Ang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ay
nabibigyan din ng mass media ng tulong upang malaman ng gobyerno ang kalagayan ng mga biktima.
Maging ang paghingi ng mga donasyon ng relief o tulong sa mga pribadong mamamayan ay dinadaan
sa mass media. Dahil dito, kahit ang mga liblib na lugar sa Pilipinas ay nagkakaroon ng pagkakataong
maabutan ng mga ayuda.
- Sa pang araw-araw na pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa o “entertainment” ang mga
tao sa isang komunidad. Katulad na lamang nang mga panooring pangtanghali o sa gabi man. Ang mga
balita sa ating bansa ay naipapalaganap din sa pamamagitan ng mga telebisyon, radio at internet.
- Sa mass media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in” o “trending” na nakakatulong sa mga
negosyo sa mga komunidad.
- Ang patalastas o mga “advertisement” tungkol sa makabagong produkto ay idinadaan din sa mass
media. Kung kaya’t ang mass media ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang panahon ng
komersyalismo.
Mga Uri ng Palabas:
A. Tanghalan/Teatro
- Ang bulwagan, dulaan, tanghalan o teatro ay ang sangay ng ginaganap na sining na may kinalaman
sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na ginagamit ang magkahalong salita,
galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahangahanga—tunay nga na isa o higit pa na sangkap ng
ibang gumaganap na sining. Karagdagan pa sa mga pamantayang istilo ng diyalogo, kinukuha ng teatro
ang iba pang anyo tulad ng opera, ballet, mime, klasikong sayaw ng mga Indiyan, opera ng mga
Tsino at pantomine.
B. Pelikula
- Ang pelikula, na kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil
naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang
letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang
pag-aaral ng pelikula.
- Isang anyo ito ng sining, at tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa
pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke)
sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.
Gawain 1

Mga Gabay na Tanong:


Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong pagkakaintidi sa nabasa. Isulat ito sa papel.
1. Sa iyong nabasa, ano ang pagkakaintindi mo sa Mass Media?
2. Magbigay ng halimbawa ng Mass Media? Alin sa mga ito ang pinakatinatangkilik mo? Ipaliwanag ang
iyong panig.
3. Bakit sinasabing ang radio ay “media ng masa”? Sinu-sino ang karaniwang tumatangkilik nito?

Gawain 2

Panuto: Magbigay ng apat na mahahalagang gamit ng Mass Media bilang isang mag-aaral gamit ang graphic
organizer. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Isang malakas na palakpak


para sa iyo! Mahusay!
Binabati kita.Natapos mo
ang mga gawain.
Hanggang sa muli.

Inihanda ni: Winasto at Sinuri ni:

GLORY ROSE P. ERAZO EMMA A. COMA


Guro sa Filipino Koordineytor

Pinagtibay ni: Sinang-ayunan ni:

FLUELLEN L. COS, PhD


External Validator Punongguro IV

You might also like