You are on page 1of 1

Ang mass media ay ang uri ng media na may kapangyarihang umabot o makarating sa maraming

mga tao - na tinatawang ding masa o madla. Ito ang pinagmulan ng salitang mass media.Ang mass media
ay ginagamit upang magpakalat ng mga impormasyon sa publiko. Ang lipunan ay malaking pangkat ng
mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at
itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong
ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.Ang sinehan ay isang
lugar, na karaniwang isang gusali, para sa panonood ng mga pelikula

Ang kaugnayan ng mass media, wika at lipunang pilipino, Ang wika ay ginagamit ng media sa
pagbibigay ng impormasyon at depinisyon. Ang wika rin ay ginagamit ng media upang lumilikha ng mga
konstruksiyon ng realidad. Ang mass media ay ginagamit ng lipunang pilipino bilang isang instrumento sa
komunikasyon ng bawat tao. Ang mass media ay nakapaloob dito ang wika kung saan maipapahayag
natin ang ating mga salita sa pamamagitan ng mass media nakukunan ng impormasyon ng lipunang
pilipino.Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa
isang komunidad. Ang sine ay hindi lamang isang libangan ito rin ay eskwelahan dahil ang pelikula, na
kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na
larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing
tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan,
kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula.

Ang mass media, wika at lipunang pilipino ang magkakaugnay dahil dito mas napabilis ang
proseso ng impormasyon tungo lamang sa mass media na kung saan ginagamitan din ng mga wika. Dahil
narin moderno na ang ating panahon ngayon ang mass media na ang isa sa pinakatampok at
tinatangkilik na ginagamit para komunikasyon. Na kung saan din maiugnay rin ang sine ay ginagamitan
ng wika at mass media. Ang sine na naging skwelahan dahil sa sine pwede mapasadula ang tungkul sa
aralin. Lahat ng ito ay parte sa pagbabago ng lipunan kung saan mapabilis na ang daloy ng komunikasyon
at impormasyon.

Section: Grade11-4A Fortitude


Name:

You might also like