You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

PHILIPPINE STATE COLLEGE OF AERONAUTICS


INSTITUTE OF LIBERAL ARTS AND SCIENCES
Piccio Garden, Villamor, Pasay City

KULTURANG
POPULAR NG
PILIPINAS
MODYUL NG PAGKATUTO

Larawan: https://www.pngitem.com/middle/TRTwTTb_clipart-
philippines-vector-png-transparent-png/

Inihanda ni:

LUIGI REGINALD B. RESOLES


Guro ng Agham Panlipunan
MODYUL 7
MEDYA AT TEKNOLOHIYA
Itinakdang Oras: Anim (6) na Oras
Ikalabing-anim hanggang Ikalabimpitong Linggo

Layunin ng Pagkatuto:

• Magpakita ng kakayahan at abilidad na mapamalas ang mga natatagong


talento at potensyal na makapagdalubsang sa larangan ng teknikalidad ng
mga teknolohiyang gagamitin sa hinaharap na prospesyon o karera.
• Gumamit ng mga kaalamang tektnikal sa pagpapaunlad ng kararunungan,
kasanayan at talento sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa mabilis na
pag-unlad ng modernong teknolohiya .
• Mailapat ang kanilang karunungan kasanayan at talento para sa kanilang mga
sariling kapakinabangan upang maabot ang mga ninanais na propesyon o
karera sa hinaharap.

Layunin sa Paksa ng Pagkatuto:

• Malaman ang iba’t ibang makabago at modernong teknolohiya na ginagamit


sa pag-iral ng Popular na Kultura ng Pilipinas
• Matukoy ang iba’t ibang kapakinabangan at benepisyo ng media at
teknolohiya sa kultura at lipunang ginagagalawan
• Matukoy ang mga hindi magagandang epekto at dulot nito sa atin.

Talaan ng mga Nilalaman Pahina Bilang ng Oras

Layunin 2 10 minuto

Panimula 3 30 minuto

Medya at Teknolohiya sa Modernong Pilipinas 3-8 60 minuto

Bagong Medya 8-9 60 minuto

Kapakinabangan ng Medya at Teknolohiya 10-12 45 minuto

Hindi Magandang Epekto ng Medya at Teknolohiya 13-14 45 minuto


Mga Gawain
• Gawain 1 15 50 minuto
• Gawain 2 16 60 minuto
Mga Sanggunian 17

2
Panimula
Sinipi at isinalin mula sa akda ni Ron McGivern/ British Columbia Open Education

Ilang ang iyong kaibigan? Ilang mga tao ang nakikilala at nakakausap mo sa
mga coffee shop o sa mga sinehan? Ilang ang tatawagan mo kung ibabalita mo
ang isang karamdaman o pag-iimbita sa mahahalagang okasyon ng iyong buhay?
Ngayon, gaanong karami ang iyong “friends” sa Facebook? Binago ng teknolohiya
ang pamamaraan ng ating pakikisalamuha sa isa’t isa. Naging pandiwa na ang
“friend” at naging posible ang pagbabahagi ng mga balitang walang kabuluhan
(“Nagkalat ang aso ko sa ilalim ng higaan! Ugh!”) sa daan-daan o kaya naman ay
higit isang libo mong kaibigan na maaaring hindi ka naman ganoon kakilala. Sa
pamamagitan ng mahika ng Facebook, maaari mong malaman na may bagong
trabaho na ang kaibigan mo sa elementarya bago pa ito malaman ng kanyang
ina. Maaari na rin tayong magkaroon ng patas na pagkakataon upang mapalawak
ang ating career prospects sa pamamagitan ng LinkedIn.
Kasabay nito, pinalalawak ng teknolohiya ang hangganan ng ating mga
social circles at binabago na rin ng medya ang paraan ng ating pagkilala at
pakikisalamuha sa isa’t isa. Hindi lamang tayo gumagamit ng Facebook upang
manatiling napapanahon sa anomang nangyayari sa ating mga kaibigan;
ginagamit din natin ito upang “i-like” ang mga napapanood natin sa TV,
produkto o mga artista. Kahit na mismo ang telebisyon ay hindi na lamang one-
way na medium kung hindi interaktibo na rin. Nahuhumaling tayong mag-tweet,
mag-text o tumawag para bumoto sa mga kalahok sa mga napupusuan nating
manalo sa mga patimpala-- na siya namang nagkokonekta sa ating kinaaaliwan
at mga personal nating buhay.
Paano nakatutulong ang teknolohiya sa pagpapabuti ng ating mga buhay?
O pinabubuti nga ba talaga nito? Kapag ikaw ay nag-tweet ng isang kilusang
panlipunan o nag-copy at paste ka ng status update tungkol sa cancer awareness
sa Facebook, nakatutulong ka ba upang isulong ang mga isyung panlipunang ito?
Mas maalam na ba tayo kaysa sa mga sinundan nating henerasyon dahil sa bilis
ng daloy ng impormasyon at kakayahan nating tumugon at makilahok agad dito?
O ang mga reality shows sa mga patimpalak sa telebisyon ay modernong bersyon
lamang ng sirkus sa sinaunang Roma-- paglilibang lamang upang ilayo ang mga
uring manggagawa sa iba’t ibang isyung kinahaharap ng ating lipunan? Pinalalaya
ba tayo ng medya at teknolohiya mula sa mga stereotipiko ng mga kasarian at
nagbibigay sa atin ng mas modernong pang-unawa sa isa’t isa, o nagiging
kasangkapan sila upang paigtingin ang misogyny at homophobia?
Ito ay ilan lamang sa mga tanong na umiikot sa isipan ng mga sosyolohista.
Paano natin susuriin ang mga isyung ito mula sa isang sosyolohikal na
perspektibo? Maaaring mag-pokus ang isang structural functionalist sa
pakinabang sa lipunan ng teknolohiya at medya. Halimbawa, ang internet ay
parehong uri ng teknolohiya at uri ng medya, at nag-uugnay ito sa mga
indibidwal at mga bansa sa isang network ng komunikasyon na nagiging sangkap
para sa maliit at malawakang uri ng diskusyon. Ang isang functionalist naman ay
maaaring maging interesado sa pakinabang ng medya at teknolohiya, kasama
ang kanilang mga masasamang epekto sa lipunan. Ang isang taong gumagamit ng
kritikal na perspektibo naman ay maaaring mag-pokus sa sistematikong isyu ng
hindi pagkakapantay-pantay na pinaiigting pa lalo ng hindi patas na distribusyon
ng medya sa lipuanan. Sa modyul na ito, ating tutuklasin ang epekto ng medya
at teknolohiya sa ating personal na buhay at sa lipunang ating ginagalawan.

3
Medya at Teknolohiya sa
Modernong Pilipinas
Sinipi at isinalin mula sa mga piling akda

Bago pa man nauso ang pagkakaroon ng mga smartphones, nakilala na ang


Pilipinas bilang “Texting Capital of the World” sa pagpasok ng ika-21 siglo.
Bilyon-bilyong mga mensahe ang naipadadala bawat araw. Nang mauso ang mga
smartphones at naging mas mura ang mobile data at broadband subscription,
nakasabay na rin ang mga Pilipino sa bilis ng takbo ng modernong teknolohiya sa
mundo. Pinaigting pa ng COVID-19 pandemic ang transisyon ng Pilipinas, kahit
na marami pang mga dapat pagtibayin upang siguraduhin na ang bawat Pilipino
ay may sapat at de-kalidad na access sa internet. Sa bahaging ito, tatalakayin
ang impluwensya ng medya at teknolohiya sa kontemporaryong panahon.
Nakikita sa paggamit ng medya sa Pilipinas kung paano pinapaboran ng
mga Pilipino ngayon ang media na gumagamit ng screen. Telebisyon ang
nananatiling pinakapopular na media sa bansa, sinundan ng radyo, at ng
internet. Ang mga nakaimprentang pahayagan at magasin ay nawalan ng
mambabasa dahil mas maraming Filipino ang bumabaling na sa bersyon na
online bilang kombinasyon ng tradisyonal na media at bagong teknolohiya.
Ayon sa pag-aaral ng Strategic Consumer and Media Insights Incorporated
(SCMI) kamakailan, ang nilalaman o content ay nananatiling hari - bilang
malakas na pwersa sa paggamit ng medya. Sa pag-aayos ng nilalaman o content
ayon sa iba't ibang platform, ang bawat medium ay may kapangyarihan para
palakasin ang iba. Kaya ang lahat ng mga pangunahing kumpanya ay aktibo sa
bawat sektor ng media.
 Telebisyon
Nananatiling pinakapopular at pinakapinagkakatiwalaan ang telebisyon sa
Pilipinas. Sa katunayan, 81 porsyento ng mga Pilipino ang nanonood ng
telebisyon, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Telebisyon din
ang pinakagamit (99 na porsyento) at pinakapinagkakatiwalaan (58 porsyento)
na pinagmumulan ng impormasyong politikal at sinasabing may malawak na
epekto sa opinyon ng publiko.

4
Mayroong malaking bilang ng mga estasyon ng telebisyon sa buong bansa--
nasa 437 na estasyon, kung saan 23 sa mga ito ay nasa Kalakhang Maynila.
Gayunpaman, ang industriya ng telebisyon ay nakapokus sa apat na estasyon ng
ABS-CBN, GMA Network, TV5 Network, at Nine Media Corporation kung saan
88.77 na porsyento ng mga manonood ang naaabot nito.

Dahil sa pagiging abot-


kaya nito kumpara sa
ibang uri ng medya,
nananatili ang telebisyon
bilang pinatinatangkilik
na uri ng medya.
(Larawan mula sa CNN
Philippines)

 Radyo
Kahit na naungusan na ng telebisyon ang popularidad ng radyo, malaking
bahagi pa rin ng populasyon ng Pilipinas ang nakaantabay sa mga radyo bilang
pangunahing pinagkukunan ng impormasyon.

Maraming mga Pilipino na nakatira sa mga liblib na lugar ang umaasa sa


radyo bilang tagahatid ng mga mahahalagang impormasyon tuwing may mga
sakuna. Nananatili rin itong pinagkukunan ng libangan sa mga tumatangkilik
nito.

5
 Print
Ang Pilipinas ngayon ay isang bansa na hindi nagbabasa ng mga
pahayagan. Halos isa lamang sa bawat 10 Pilipino ang nagbabasa ng pahayagan
araw-araw, ayon sa 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey
(FLEMMS) ng Philippine Statistics Authority. Ang mga magasin ay bahagyang mas
popular, na may 30.7 porsiyentong nagbabasa kahit na minsan sa isang linggo.
Ang mga pahayagan sa Pilipinas ay may dalawang klase: ang maliit at mas
murang tabloid ay kadalasang nasa wikang Filipino at naglalaman ng mas
maraming balita tungkol sa krimen and istorya tungkol sa entertainment. Ang
broadsheet naman, sa kabilang dako, ay mas malaki at doble ang presyo
kumpara sa presyo ng tabloid. Halos lahat ng mga broadsheet ay Ingles, ang ilan
ay may kasamang seksyon sa negosyo at lifestyle bukod sa balita, tampok na
mga istorya at isports. Ang ilang broadsheet ay may mga katambal na tabloid,
tulad ng Philippine Daily Inquirer at Bandera, at Philippine Star at Pilipino Star
Ngayon.

Mas mabili at mas popular ang mga tabloid kaysa sa mga broadsheet. Sa
katunayan, tatlong broadsheet lang ang kabilang sa nangungunang 10 na
pinakabinabasang mga pahayagan, ayon sa isang Nielsen survey. Dagdag pa sa
sampung ito ay tatlo pang pahayagan. Ang dalawa ay nakatutok sa negosyo na
mga broadsheet din: BusinessMirror at BusinessWorld. Ang pangatlo ay pang-
rehiyon na diyaro, ang SunStar na iniimprenta sa anim na pangunahing lungsod
sa Pilipinas.
Wala gaanong konsentrasyon sa merkado ng mga pahayagan at magasin;
ang apat na pinakamalaking kumpanya ay may pinagsama-samang mambabasa
na 21.5 porsiyento, lahat sila ay may halos magkakapantay na bilang ng mga
mambabasa, na nakaaabot ng tig-limang porsiyentong mambabasa.

6
Karamihan ng pahayagan ay may masugid na mambabasa sa kanilang
bersyong online. Ang bersyong online ng tatlong broadsheet na nasa
nangungunang 10 babasahin— Inquirer, Star at Manila Bulletin —ay ang
pinakamadalas na binibisitang mga website sa Pilipinas.
Ang media ng mga babasahin ang pangkaraniwang iniuugnay sa mga
pamilya na nangingibabaw sa kumpanya. Ang Inquirer Holdings ay pag-aari ng
pamilya Rufino-Prieto samantalang ang pamilya Belmonte ay may Star Group.
Ang pamilya Yap ang may-ari ng Manila Bulletin Publishing Corporation. Ang
pamilya Macasaet ang may hawak ng Monica Publishing Corporation at Sison's
Publishing Corporation naman ay sa pamilya Sison.

 Online
Ngayong halos lahat ng mga mata ay nakatitig na sa kanya-kanyang mga
smartphones, hindi nakapagtatakang halos kalahati, o 73 na porsyento ng mga
Pilipino ay gumagamit ng internet.
Mula taong 2000, tuluy-tuloy na ang pagpasok ng internet sa Pilipinas.
Ngayong 2021, ang Pilipinas ay ika-12 sa mga bansa na may pinakamaraming
gumagamit ng internet (79 na milyong katao) at kabilang sa apat na mga bansa
sa buong daigdig kung saan ang social networking sites ay kumakain ng higit 3
oras ng mga tao kada araw. Ang lahat ng ito ay sa kabila ng pagiging kulelat ng
Pilipinas pagdating sa bilis ng internet.

7
Habang hindi naman talaga umuubos nang labis na oras ang mga Pilipino
online para makakuha ng balita, isinasali pa rin nila ang internet bilang isa sa
mga mahalagang pinagkukunan ng mga impormasyon pagkatapos ng telebisyon
at radyo-– ngunit bago ang mga babasahin tulad ng pahayagan at magasin. Ang
kanilang tiwala sa mga pampulitikang balita sa internet ay limitado. Ayon sa
survey ng EON Trust Index, wala pang isa sa bawat 10 ang naniniwala na
mapagkakatiwalaan internet sa impormasyon tungkol sa gobyerno.

Bagong Medya
Sinipi at isinalin mula sa akda ni Ron McGivern/ British Columbia Open Education

Ang bagong medya ay tumutukoy sa lahat ng interaktibong anyo ng


pakikipagpalitan ng impormasyon. Kasama dito ang mga social networking sites,
blogs, podcasts, wikis at mga virtual world. Ang listahang ito ay lumalago halos
araw-araw. Nagkakaroon din halos ng pagkakapantay-pantay ang mga taong nasa
internet na nakatutuklas sa bagong medya (hal. sa paglikha, paglathala,
pagpapalaganap at pagtuklas ng mga impormasyon) (Lievrouw at Livingstone,
2006), gayundin ang pagbibigay ng mga alternatibong grupo upang
makapagpalitan ng impormasyon ang mga taong hindi makakuha ng access sa
mga tradisyonal na platform, katulad ng mga grupong kabahagi ng mga protesta
sa Gitnang Silangan (van de Donk et al., 2004). Gayunpaman, walang
kasiguraduhan sa kawastuhan ng mga impormasyong nakalathala. Sa katunayan,
kaakibat ng pagiging mabilis ng bagong medya ay ang kakulangan ng tamang
pangangasiwa kaya dapat mas maging maingat upang masigurado na ang mga
balita ay nanggagaling sa mga mapagkakatiwalaang websites.

Sa mga nakalipas na
taon, naging uso na rin
ang mga dating apps na
unti-unting nagpabago sa
pamamaraan kung paano
nakahahanap ng mga
kasintahan ang mga
kabataan. (Larawan mula
sa Pinterest)

Binabago na ng bagong medya ang paraan ng pagbabahagi ng


impormasyon. Ang mga transnasyonal na mga kompanya kagaya ng Google at
Facebook ay naging kabahagi na rin sa paglikha ng mga makabagong aerial
drones na nagbibigay sa kanila ng mas malawak na potensyal upang mangolekta
at magpalaganap ng mga datos.

8
Kung aalalahanin, maraming mga popular na video games ang pumukaw sa
atensyon ng mga kabataan bago ang pagsikat ng internet. Ilan sa mga ito ay ang
Super Mario Bros., Tekken at ang marami pang mga video games na nakikita
malapit sa mga paaaralan.

Ang mga video game


machines na hinuhulugan
ng barya ay isa sa mga
naging bahagi ng buhay
ng mga kabataan bago
sumikat at lumaganap
ang internet sa Pilipinas.
(Larawan mula sa Shopee)

Sa pagsikat at paglaganap ng mga computer at paggamit ng internet, mas


lumawak pa ang maaaring pagkunan ng mga computer games ng mga kabataan
sa makabagong henerasyon.

Ang Grand Theft


Auto ang isa sa
mga pinakasikat na
computer games sa
merkado na
tinatangkilik ng
mga gamers pati
na rin ng mga
karaniwang
kabataan.(Larawan
mula sa Rockstar
Games)

Dahil sa bilis ng ebolusyon ng mga computer at video games, maraming


mga magulang ang hindi na nakakasunod sa mga ginagawa ng kanilang mga anak
online. Kasabay din ng COVID-19 pandemic nagiging mas matagal na rin ang
screen time ng mga kabataan dahil na rin sa distance learning modality at mas
pagkahumaling sa mga computer at video games.

9
Kapakinabangan ng Medya at
Teknolohiya
Sinipi at isinalin mula sa akda ni Paul Goodman/ Turbo Future

Nabago na ng medya at teknolohiya ang halos lahat ng aspeto ng


modernong pamumuhay. Ang paglalakbay, paghahanap-buhay, pamimili,
entertainment at komunikasyon ay iilan lamang sa mga aspeto ng buhay na
nabago sa mga nakaraang dekada. Bihira na ngayong makahanap ng isang
elektronikong aparato o makinarya na hindi umaangkop ng makabagong uri ng
teknolohiya.
Ang makabagong teknolohiya ay nangangahulugan na ang mga aparato ay
maaaring maging mas siksik, mas mabilis, mas magaan at mas maraming
kapasidad. Ang malalaking halaga ng impormasyon ay maaaring maimbak nang
lokal o malayuan at ilipat sa ibang lugar sa napakabilis na pamamaraan. Kahit
na ang salitang "impormasyon" ay pinalawak upang isama ang media tulad ng
mga larawan, musika at video, at hindi na lamang tumutukoy sa mga salita at
numero.
 Birtwal na Konektibidad
Ginagawang mas madali ng teknolohiya ang pakikisalamuha sa mga
kapamilya, kaibigan at mga katrabaho, kahit na nasa ibang bahagi ka ng mundo.
Maaari kang makipag-usap sa pamamagitan ng chat, video at audio, at
makipagpalitan ng iba’t ibang uri ng medya. Ang mga websites, apps at
software ay nilikha upang mas padaliin ang paraan ng pakikihalubilo ng mga
tao.

Dahil sa COVID-19
pandemic, mas nakita
ng lahat ang
kahalagahan ng
integrasyon sa mas
mataas na antas ng
teknolohiya upang
maipagpatuloy nang
ligtas ang pag-aaral.
(Larawan mula sa Inside
Higher Ed)

 Bilis ng Komunikasyon
Malaki na ang naibilis ng mga internet connection mula sa panahon ng
dial-up. Ang mabilis na broadband connection ay nakapagpapadali sa buhay ng
mga tao. Dahil dito, mabilis nang naisasalin ang malalaking files katulad ng mga
video, audio, data files pati na rin mga access data nasaan ka man sa mundo.
Ang mga tradisyonal na medya ay higit na mas mabagal.

10
 Umaangkop sa Paghahanap-buhay
Ang kalikasan ng pagtatrabaho ay binago ng makabagong teknolohiya. Ang
pagkakaroon ng maraming kaparaanan sa teknolohiya ay nangangahulugan ng
mas maraming oportunidad sa mga tao na makapaghanap ng trabaho, kasama na
rin dito ang remote working, na mas pinaigting pa ng COVID-19 pandemic.
 Oportunidad sa Kaalaman at Pag-aaral
Ang sinomang may access sa internet ay mayroon na ring access sa
malawak na imbakan ng karunungan na matatagpuan sa internet. Ang mga
aralin ay maaari nang magawa online.
 Awtomasyon
Nagiging mas matalino na ang mga kasangkapan na ating ginagamit sa
pang-araw-araw dahil sa mga makabagong teknolohiya. Dahil dito, may mga
sitwasyon kung saan hindi na kinakailangan ang mga tao sa pagsasagawa ng mga
trabaho. Ang inobasyon na ito ay nagdudulot ng pagbababa ng presyo ng mga
produkto dahil bumababa rin ang halaga ng salik ng produksyon.

Ang mga pagawaan


ng eroplano ay
umaasa na rin sa
awtomasyon upang
mas mabilis na
maabot ang mga
demand para dito.
(Larawan mula sa Wall
Street Journal)

 Pag-iimbak ng Impormasyon
Dahil sa makabagong teknolohiya, maaari na tayong makapag-imbak ng
malalaking halaga ng impormasyon sa pamamagitan ng mga flash drive, hard
drive at maging ang cloud sa internet.
 Pag-e-edit
Isa sa mga pinakamagagandang benepisyo ng makabagong teknolohiya ay
ang pagkakaroon ng mas mabilis na paraan upang mabago ang mga datos. Ang
mga word processors ay nagpadali sa pagtitipa. Sa video editing naman,
nagiging mas matipid na ang paglikha ng mga biswal na sining dahil
nababawasan na ang paggamit sa mga mamahaling makinarya o studio.
 GPS at Pagmamapa
Bago dumating ang makabagong teknolohiya, ang mga tao ay umaasa noon
sa mga pisikal na mapa na gawa sa papel sa paglalakbay. Ngayon, ang GPS ay
nakatutulong na sa mga tao upang makarating sa kanilang mga destinasyon nang
hindi nagkakamali.

11
 Transportasyon
Maraming mga tren at eroplano na ang umaasa sa makabagong
teknolohiya. Mayroon na ring mga sasakyan at trak na kayang kumilos mag-isa sa
gabay ng makabagong teknolohiya. Ang pagbili ng mga tiket sa eroplano, bus o
tren ay maaari na ring gawing online.
 Nakatitipid
Bukod sa pagbabayad sa iyong broadband subscription o data plan,
karamihan ng mga bagay na makikita sa internet ay maaaring makuha nang
libre. Halimbawa, ang pagpapadala ng email at pagvi-video chat ay hindi na
kinakailangang bayaran. Ang mga ito ay maaaring gamiting oportunidad sa mas
abot-kayang edukasyon.
 Pagbabangko at Pananalapi
Ang mga kliyente ng mga bangko ay madaling nakabibisita sa kanilang mga
account sa pamamagitan ng mga smartphone at computer. Dahil dito, maaari na
silang maglipat ng kanilang balanse patungo sa ibang mga account at magbayad
ng mga bills nang hindi na kinakailangang pumunta pa sa bangko

Sa ating modernong
panahon, maaari nang hindi
pumunta ng personal sa
mga payment centers upang
magbayad ng ating mga bill.
Ito ay posible na dahil sa
online payment methods.
(Larawan mula sa Coins.ph)

 Paglilibang o Entertainment
Ang entertainment industry at ang pamamaraan nila upang aliwin ang
mga tao ay lubos na nagbago sa simula ng rebolusyon ng internet. Sa panahon
ngayon, internet na ang pangunahing pinagkukunan ng paglilibang ng mga tao.
Ang mga tradisyonal na medya ay nagbabago na rin dahil sa pagdi-digitize ng
telebisyon at radyo.
 Balita
Dahil sa mabilis na pag-usad ng teknolohiya, mas maraming mga tao na
ang nakikibalita online. Kahit na ang mga tradisyonal na medya gaya ng mga
telebisyon at radyo ay nagiging online na rin. Nagkakaroon na ng mas maraming
pagpipilian ang mga tao at nauuso na rin ang sariling pagbabalita dahil sa
internet.

12
Hindi Magandang Epekto ng
Medya at Teknolohiya
Sinipi at isinalin mula sa akda ni Forest Bronzan/ Digital Detox

Binago ng teknolohiya ang mundo sa nakalipas na 20 taon ngunit ang


pagbabagong ito ay hindi lahat positibo.
Kahit na maraming benepisyo ang pamumuhay sa isang mundong puno ng
teknolohiya, dapat din nating suriin ang mga negatibong epekto sa atin ng
teknolohiya.
Paano binago ng teknolohiya ang mundong ating ginagalawan? Sigurado rin
namang alam mo na talagang malaki ang ibinago ng mundo dulot ng
teknolohiya. Dahil sa paggamit ng mga smartphone at computer na konektado
sa internet, social media at marami pang iba, maaari tayong manatiling
konektado sa lahat ng pagkakataon.
Marami sa atin ang nakararanas ng negatibong epekto dahil sa labis na
paggamit ng teknolohiya. Ang mga sumusunod ay nagsasalarawan sa iilang mga
negatibong aspeto ng teknolohiya sa pang-araw-araw nating mga buhay.
 Epekto sa Tulog
Marami sa atin ang nananatiling gising hanggang madaling araw dahil sa
pakikipag-usap sa mga kaibigan at paggamit ng ating mga smartphone o
computer. Ang mga ito ay nagdudulot ng putol-putol na tulog at hindi
magandang sleeping habits. Ang ilaw mula sa mga telebisyon, smartphone, at
computer ang isa sa mga dahilan nito. Ang lagi at labis na paggamit ng mga ito
ay bumabago sa produksyon ng ating utak ng melatonin, isang hormone na
tumutulong sa atin na makatulog.

Ang mga kabataang


mayroong adiksyon
sa teknolohiya ay
kadalasang
nakararanas ng
kakulangan sa
pisikal na
kalakasan. (Larawan
mula sa
HealthCentral)

 Epekto sa Pisikal na Kalusugan


Ito na marahil ang isa sa pinakamalaking negatibong epekto ng
teknolohiya. Ang mga batang laging naglalaro ng mga video games ay hindi
nagkakaroon ng sapat na ehersisyo. Ang pag-usad ng teknolohiya ang isa sa mga
dahilan kung bakit patuloy tayong nahuhumaling sa mga ito.

13
 Epekto sa Pokus
Ang pagkakaroon ng isang gadget na naglalaman ng lahat ng kasagutan sa
mundo ay kadalasang pinagmumulan ng distraksyon. Maaari itong magdulot ng
hirap sa pananatiling pokus habang nakikipag-usap o pagmamaneho habang
gumagamit ng smartphone.
 Epekto sa Sosyalisasyon
Ang madalas na paggamit ng smartphone ay maaaring magdulot ng
pagkalumbay. Ang kakulangan sa pisikal na interaksyon sa ating kapwa ay
maaari ring humantong sa depresyon. Kapag ang malaking bahagi ng ating
pakikisalamuha ay nagaganap online, hindi rin maiiwasan ang pakiramdam ng
pagiging diskonektado sa sangkatauhan.
 Epekto sa Pakikipagkapwa-tao
Aminin na natin, mas madaling tayong maging matapang kung nakatago
tayo sa likod ng isang online na pagkakakilanlan. Ito ang isa sa mga dahilan kung
bakit laganap ang cyberbullying. Mas madaling magsabi ng mga negatibong
bagay sa internet dahil maliit ang tsansa na maparusahan mula rito.

Ayon sa ulat ng
GMA News, nasa 80
porsyento ng mga
kabataan ang
nakaranas na ng
cyberbullying.
(Larawan mula sa
GMA Newsl)

 Epekto sa Mata at Tainga


Sinoman ang umupo sa harap ng computer buong araw ay maiintindihan
kung gaano nakakapagod sa pisikal at mental na aspeto ito. Ang patuloy at
madalas na paggamit ng mga smartphone o computer ay maaaring magdulot ng
iritasyon sa mata o paghina ng pandinig.
 Access sa Maseselang Imahe
Dahil sa malawak na sakop ng internet, nagiging mas lantad na sa mga
kabataan ang karahasan at maseselang imahe. Kahit na may mga filters o
parental controls, hindi pa rin maiiwasan ang mga pagkakataon na makasaksi
nito.
 Paglaganap ng Kultura ng Droga at Kawalan ng Sexual Boundaries
Dulot ng kakulangan sa regulasyon at pagbabantay sa social media, halos
lahat ng bagay ay matatagpuan dito. Ang promosyon ng droga at ng mga
sexually-explicit content ay nagiging laganap na maaaring makita ng mga
kabataan.

14
MODYUL 7
MGA GAWAIN

Panunumpa ng Katapatan

“Mahigpit na ipinagbabawal ng Institusyon at ng Kolehiyo ang anumang


uri ng pandaraya tulad ng pangongopya sa kaklase o pagkuha ng sagot sa
internet. Ang sinomang mapatunayan na lumabag sa panuntunang ito ay
may karampatang parusa na igagawad, sang-ayon sa mga patakarang
ipinatutupad ng PhilSCA.”

___________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

GAWAIN 1
Panuto: Panoorin ang maiksing video na ito mula sa YouTube channel ng
Unibersidad ng Pilipinas na pinamagatang The Problem with Fake News.
Sumulat ng isang reaksyong papel tungkol sa video na napanood at ilahad ang
iyong responsibilidad bilang isang kabataang maalam sa teknolohiya upang
mapigilan ang pagkalat ng hindi makatotohanang impormasyon. Maaaring isulat
ang iyong reaksyong papel sa likod ng pahinang ito. Ang talahanayan sa ibaba
ang siyang gagamiting pamantayan sa pagmamarka.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Layunin Natamong
Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa reaksyong papel.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe
Konsepto ng reaksyong papel.
Pagkamalikhain Gumamit ng mga angkop at
makukulay na salita upang
maipahayag ang konsepto at
mensahe ng reaksyong papel.
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
Presentasyon presentasyon.
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa ng
reaksyong papel.
5- Mahusay
4- Lubhang Kasiya-siya
3- Kasiya-siya Kabuuang Puntos
2 at 1- Pagbutihin pa

15
GAWAIN 2
Panuto: Magpanukala ng limang pinakamahalagang panuntunan o patakaran sa
internet na sa palagay mo ay dapat ipatupad. Pagkatapos nito, sumulat ng isang
maiksing paliwanag kung bakit ang limang panuntunan na iyong isinulat ay dapat
maipatupad.

PANUNTUNAN SA RESPONSABLENG PAGGAMIT NG


INTERNET
1._______________________________________________
_________________________________________________

2._______________________________________________
_________________________________________________
3._______________________________________________
_________________________________________________

4._______________________________________________
_________________________________________________

5._______________________________________________
_________________________________________________

Maiksing Paliwanag

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

16
Mga Sanggunian
Bronzan, F. (2019, October 8). The 19 negative effects of technology in
2019: Digital Detox. Digital Detox®. Retrieved September 30,
2021, from https://www.digitaldetox.com/blog/the-19-negative-
effects-of-technology-in-2019.
Goodman, P. (2018, June 17). 16 advantages of digital technology.
TurboFuture. Retrieved September 30, 2021, from
https://turbofuture.com/computers/Advantages-of-Digital-
Technology.
Johnson, J. (2021, July 19). Most internet users by country. Statista.
Retrieved September 30, 2021, from
https://www.statista.com/statistics/262966/number-of-internet-
users-in-selected-countries/.
Lime Flavour, Berlin. (n.d.). Online Outlets sa Pilipinas. Media Ownership
Monitor. Retrieved September 30, 2021, from
https://philippines.mom-rsf.org/fil/media/online/.
McGivern, R. (2016, October 5). Chapter 8. media and technology. I
ntroduction to Sociology 2nd Canadian Edition. Retrieved
September 30, 2021, from
https://opentextbc.ca/introductiontosociology2ndedition/chapte
r/chapter-8-media-and-technology/.
Statista Research Department. (2021, August 12). Philippines: Internet
Penetration Rate (2016-2026). Statista. Retrieved September 30,
2021, from https://www.statista.com/statistics/975072/internet-
penetration-rate-in-the-philippines/.

17

You might also like