You are on page 1of 50

1

ANG BISA NG PATALASTAS SA T.V.

SA PAGKATUTO SA FILIPINO

Auggene John D.A. De Vega

Tagapag-ugnay, Sangay ng Filipino

University of the East-Caloocan

Elementary and High School Department


2

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KAUGNAY NA LITERATURA

Panimula

Pahayagan, pelikula, radyo, telebisyon at internet – dahil sa maunlad na

teknolohiya gaya ng mga ito, mas mabilis na nalalaman ng mga mamamayan ang mga

bagay na nangyayari sa ating paligid. Ang mga pangyayaring ito ay mahalaga at

tuwirang nakaaapekto sa buhay ng mga tao. Layunin ng mga nabanggit na uri ng

“media” na maiparating sa malaking bilang ng tao ang mga bagay patungkol sa mga

napapanahong isyu, palakasan, edukasyon at kultura.

Ayon kay Marollano (2005), sa pagkatuto ng wikang pinag-aaralan, mahalaga

ang papel na ginagampanan ng istratehiya sa ikabubuti ng uri ng pagkatuto. Dahil sa

pamamagitan ng mahusay na istratehiya at pagsasanay, naaakay ang mga mag-aaral sa

wastong paraan ng pag-aaral. Ito ay magandang pamamaraan ng pagpaparating ng

paksa sa mga mag-aaral. Aanhin ang maraming paksa kung salat sa pamamaraan at

istratehiya ang guro?

Layunin ng bawat guro na maging makahulugan at epektibo ang bawat

karanasang pampagtuturo at pampagkatuto sa silid-aralan sa pamamagitan ng ilang

subok na istratehiyang magagamit sa alinmang asignatura.

Hindi maikakaila na maraming pagbabago sa buhay ng gurp. Paunlad nang

paunlad ang kaalaman sa agham at teknolohiya at maunlad na rin ang sining ng


3

pagtuturo. Sa kabila nito, bakit lumalabas na mahihina ang mga bagong produkto ng

mga paaralan kung ang pag-uusapan ay ang mga inaasahang bunga ng pagtuturo?

Makikita rin ang katotohanang nahuhuli na tayo sa mga bansang kalapit natin kung pag-

uusapan ang edukasyon kaya nararapat bigyan ng masusing pagsusuri ang katotohanang

humihina na ang pagkatuto ng mga mag-aaral maging sa asignaturang Filipino.

Higit na kailangan ditto ng pagmamalasakit ng mga guro upang makalikha ng

mga magsisipagtapos na may mataas na antas ng pagkatuto. Kinakailangang isapuso ng

mga guro ang kanilang pagtuturo at nakasalalay ito sa mabuting kagamitan tungo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ang magsisilbing susi ng tagumpay sa loob ng silid-

aralan. Walang mahusay na pamamaraan sa isang gurong hindi lubos na nakauunawa sa

kagamitang pampagtuturo gagamitin. Kailangan ng pananagutan ng guro sa mga bagay

na ito.

Mabilis na nakukuha ng mga mag-aaral ang iba’t ibang bagay na dapat nilang

malaman sa pamamagitan ng “media” tulad ng panonood sa telebisyon at pelikula,

pakikinig sa radyo, pagbasa ng mga pahayagan at magasin at maging pag-o-“online” sa

mga “website” sa pamamagitan ng internet. Sa loob lamang ng ilang segundo ay maaari

nang magaya ng mag-aaral ang isang tauhan sa telebisyon at mailapat sa tunay na buhay

ang mga natutuhan dito.

Mula sa Media Awareness Network (2010), kinahihiligan ang panonood ng

telebisyon lalo na sa pagpasok ng pagiging isang “teenager” tulad ng paglalaaan nila ng


4

oras sa pakikihalubilo sa ibang tao, paggawa ng mga gawaing pampaaralan at paggamit

ng iba pang uri ng “media” gaya ng musika, “video games”, kompyuter at internet.

Dahil ang panonood ng telebisyon ay gawaing nakarerelaks, kinakailangan

lamang ng kaunting antas ng konsentrasyon, mas ninanais ng mga kabataan na manood

ng T.V. kung sila ay nag-iisa o nababagot. Sa kabila ng pagkahumaling dito ng mga

kabataan, mahalaga pa ring malaman ng mga magulang kung ano ang pinanonood ng

kanilang mga anak. Kung kaya ang mananaliksik ay nagnais na tuklasin ang posibleng

bisa ng mga patalastas sa pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Kaugnay na mga Literatura

Ang mga kagamitang pang-elektroniko na ginagamit sa bagong henerasyon ay

epektibong pantulong tungo sa ibayong pagkatuto ng mga mag-aaral. Pinakahulugan ni

Adeyanju (2003), ang mga pantulong sa pagkatuto ay mga kagamitang pampagtuturo at

mga dibisyon kung saan ang pagtuturo at pagkatuto ay nagaganap sa mga paaralan.

Nabibilang sa mga halimbawa ng mga pantulong sa pagkatuto ang mga “visual aids”,

“audio-visual aids”, mga tunay na bagay at marami pang iba. Ang mga “visual aids” ay

mga kagamitang dinisenyo na maaaring gawang lokal o komersyal tulad ng mga tsart,

iginuhit na larawan, larawang kinuhaan at ibang bagay na may dalawang dimensyon.

Mayroon ding mga “audio-visual aids” o mga makinang panturo gaya ng radyo,

telebisyon at lahat ng uri ng “projectors” na may kaugnay na mga tunog. Sumasabay na

sa pagbabago ng panahon ang mga kagamitang pampagtuturo. Nagsimula ito sa


5

paggamit lamang ng pisara at tsok o yeso na sinundan ng mga makukulay na papel at

ngayon ay mga kagamitang elektroniko.

Winika ni Ambrose (2011), ang epektibong paggamit ng “video” sa silid-aralan

ay nangangailangan ng isang istruktura ng aralin na isinasama ang mga gawaing

“previewing” at “postviewing”. Mahalagang maipakilala ang mga tagpo sa mga mag-

aaral sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na lumikha ng iskima bago manood at

mapalalim ito sa pamamagitan ng mga malikhaing gawain na magbibigay ng

pagkakataon sa mga mag-aaral na gumamit ng mga bagong bokabularyo sa

makabuluhang pamamaraan. Nakikita rin niya na ang mga “videotape” ng mga

patalastas sa telebisyon ay akmang-akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Halos

bawat patalastas ay nagtataglay ng mga bagong talasalitaan, kasama na ang ilang linya

ng mga dayalogong kolokyal at ilang isyung pangkultura upang matalakay.

Ang mga patalastas sa telebisyon ay maaaring magsilbing “audio-visual aids”.

Dahil araw-araw na makikita ang mga patalastas sa telebisyon, madali at libreng

makukuha ang mga ito. Patuloy ang pagbuo ng mga patalastas ng mga “advertiser”

habang tinatangkilik ng mga manonood ang mga programa sa telebisyon dahil ang mga

ito ang bumubuhay sa mga palabas. Makakukuha rin ng mga nirekord na patalastas sa

mga “video-sharing website’ tulad ng Youtube.com.

Alinsunod sa naman sa Republic Act No. 8370 o Children’s Television Act of

1997, ang National Council for Children’s Television (NCCT) ang nagmomonitor,

nagrerebyu at nagkaklasipika ng mga pambatang programa sa telebisyon at mga


6

patalastas na ipinalalabas sa mga oras na maraming bata ang nanonood. Sa katuturan

nito, ang salitang “children” ay tumutukoy sa lahat ng tao na wala pang labingwalong

(18) taong gulang. Mababasa sa seksyon 2 ng Declaration of Policy na kinikilala ng

estado ang kahalagahan ng “broadcast media” partikular ang mga programa sa

telebisyon kaugnay sa pagpapalaganap ng pagpapahalaga at pag-unlad ng mga kabataan

bilang bahagi na rin ng paggabay at pangangalaga sa kanilang interes. Sa kadahilanang

ito, masasabi ng mananaliksik na hindi ikapapahamak ng mga mag-aaral ang paggamit

sa mga ito sa paaralan bilang kagamitang pampagtuturo.

Maraming benepisyo ang inilalaan ng telebisyon sa mga kabataan tulad ng

pagbabahagi ng mga karanasang pangkultura sa iba dahil sa kakayahan nitong lumikha

ng makapangyarihang tanikala. Maaring gamiting gabay ang telebisyon sa pagbabasa

ng mga kabataan – sa pamamagitan ng mga programa sa telebisyon ay magkakaroon

sila ng pag-uugnay sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang mga aralin. Ang

telebisyon ay nagtuturo sa kabataan ng mga mahahalagang aral sa buhay. Kalimitang

nagpapakita ng mga kotrobersya at mga sensitibong isyu na magiging madali para

talakayin sa mga kabataan ang mga programa sa telebisyon. Ang mga programang

pang-edukasyon ay makapagpapaunlad sa mga kabataan na makihalubilo at matuto.

Ang mga balita, napapanahong pangyayari at mga makasaysayang programa ay

makatutulong sa mga kabataan upang mabigyang-pansin ang ibang tao at ang kanilang

mga kultura. Nakatutulong ang mga dokumentaryo na mapaunlad ang kritikal na pag-

iisip tungkol sa lipunan at sa mundo. Ang telebisyon ay nakatutulong sa mga kabataan


7

na mapanood ang mga lumang programa o mga pelikulang hindi na kalimitang

napapanood sa kasalukuyang panahon. Makapagbubukas sa mundo ng musika at sining

para sa mga kabataan ang mga programang pangkultura. Ang mga nabanggit ay patunay

lamang na ang telebisyon ay nakatutulong nang malaki sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ayon kay Arora (2010), ang mga patalastas ay tulad ng mga natatagong tula na

maaring suriin mula sa iba’t ibang paraan. Gaya ng matalinhagang tula na nagtataglay

ng iba’t ibang elemento, maraming natatagong talinghaga ang isang patalastas sa

telebisyon na kung susuriin natin ay mababatid ng mga manonood ang mga aral na

nakapaloob dito.

Ang mga patalastas sa telebisyon ay maituturing na bahagi ng ating panitikan

dahil mababakas sa mga ito ang mga karanasan sa buhay ng manunulat na bumuo rito at

mga nangyayari sa ating lipunan. Nakaiimpluwensya ang mga ito sa pag-iisip,

humuhubog sa kamalayan at nagdadala ng pagbabago sa lipunan upang ganap na

maunawaan ang mga nangyayari sa kapaligiran.

Sa tahanan, mga magulang ang gumagabay sa mga anak sa panonood ng

telebisyon. Bilang mga gabay, maari nilang bigyang-diin ang mga mensahe ng mga

patalastas upang mabatid ng mga bata at maibahagi sa paaralan kung kaugnay ng

araling tinatalakay ang nilalaman nito. Kaugnay nito ang inilahad ni Wagaman (2008),

kahit nakayayamot na bahagi ang mga patalastas sa panonood ng telebisyon, sa

pamamagitan ng panonood sa mga patalastas na ito sa pagitan ng mga paboritong


8

palabas sa telebisyon ay nagkakaroon ng tagpo upang maturuan ng mga magulang ang

kanilang mga anak kung maglalaan lamang ng atensyon.

Bahagi ng mga napapanood sa telebisyon ang mga patalastas na nagtataglay ng

iba’t ibang mensahe na naglalayong ganyakin ang mga manonood upang bumili ng

produktong nakapaloob dito. Ayon kay Arcilla (2007), Pilipinas ang nagtataglay ng

pinakamahabang “advertisement load” sa bawat oras ng pagpapalabas sa telebisyon sa

buong mundo na umaabot sa dalawampung (20) minuto samantalang labing-anim (16)

na minuto lamang sa Estados Unidos at labindalawang (12) minuto naman sa Asya at

Europa.

Araw-araw simula umaga hanggang gabi ay makikita sa telebisyon ang mga

patalastas na likha ng mga Pilipino. Nagpapahayag ang mga ito ng iba’t ibang kaisipan

na maaring gamitin sa asignaturang Filipino sa mataas na paaralan bilang kagamitang

pampagtuturo. Malaki ang maitutulong nito sa mabilis na pagkatuto at pagkaunawa ng

mga mag-aaral lalo na ngayon sa panahong namamayagpag ang makabagong

teknolohiya. Ang mga kaisipang ipinahahayag ng mga patalastas sa telebisyon ay

nakapag-aambag sa pagpapahalaga ng mga kabataan sa buhay at nililinang nito ang

pagiging maparaan at malikhain ng guro sa pamamagitan ng paggamit sa mga ito sa

talakayan.

Maaari ring gamiting sa oras ng talakayan sa paaralan ang mga patalastas lalo na

sa mga asignaturang may kaugnayan sa wika gaya ng asignaturang Filipino.

Pinatunayan ito ng isinaad ni McCasland (2009), ang mga patalastas sa telebisyon ay


9

naglalaan ng mga makabuluhang gawaing pampagkatuto sa alinmang aralin sa wika.

Ang isang patalastas na nagtataglay ng habang 30 segundo ay nagbibigay ng tunay na

nilalamang panlinggwistika at pangkultura na maaaring isanib sa iba’t ibang gawaing

pampakikipagtalastasan. Hindi lamang palabas sa loob ng 30 segundo ang isang

patalastas; ito ay isang kwento, isang tagpo, binubuo ng iba’t ibang tauhan, isang

dayalogo, mga nahahanay na damdamin at may taglang na pang-aliw – mga tunay na

daynamiko ng pakikipagtalastasan.

Ayon kay Mori (2008), isang paraan upang simulan ang pagkalap ng mga

patalastas ay sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga layunin. Kailangang alamin ng guro

ang mga layuning pangkultura, panglinggwistika at lohikal na binibigyang-pokus sa

pangangalap ng mga angkop na patalastas sa T.V. Sa ibang guro, uunahin muna ang

pagtukoy sa mga pangkaraniwang layunin at isusunod ang pagkalap ng angkop na

patalastas sa TV – ngunit ang pamamaraang ito ay mas mahirap; mas ninanais nila ang

magkaroon ng pangkalahatang layunin habang naghahanap ng mga patalastas upang

mas maparami ang kanilang mga pagpipiliian. Ang ilan naman ay hindi na nagtataglay

ng mga pangkaraniwang layunin; nangangalap na agad sila ng mga patalastas na

masasabing maaaring gamitin sa pagtuturo. Matapos kalapin ay bumubuo ng mga

layunin at kalaunan ay ginagamit na sa pagtuturo. Anumang pamamaraan ang piliin,

kinakailangan ng guro ang patalastas sa T.V. at ang mga layunin sa pagtuturo.

Ang mga patalastas sa T.V. ay nagkapaglalaan ng mayayamang kalipunan ng

mga gawaing pangwika. Ang mga kagamitan ay madaling makita at maaaring gamitin
10

sa mga klase sa maraming pagkakataon. Hindi lamang naglalaan ang mga ito ng iba’t

ibang kaalaman sa wika at mga elementong leksikal ngunit naglaaan din ng

pagkakataon upang mabatid ang mga pagpapahalaga at kultura.

Winika naman ni Papaseit (2010) na ang mga patalastas sa TV ay

makapangyarihang kagamitan para sa pagtalakay ng wika. Ang isang mabuting

patalastas ay mapanubok sa paraang biswal at linggwistikal, ginagamitan ng mga

islogan, mga awit at mga larawang biswal upang mapukaw ang atensyon ng mga

manonood. Mabibigyang-buhay ang mga ito sa mga silid-aralan sa pamamagitan ng

paggamit ng mga patalastas sa T.V. sa pagtuturo ng mga kakayahan sa pakikinig at

kritikal na pag-iisip.

Ang paggamit ng mga patalastas sa silid-aralan ay naging katanggap-tanggap sa

pagtuturo ng pakikinig sa maraming kadahilanan. Una, ang mga mensahe ng patalastas

ay maikli at nakapupukaw sa pamamagitan ng mga “keywords” at inuulit ng mga

pahayag. Ang redandansi ng mga patalastas ay nakatutulong upang maging accessible

ang paggamit ng wika ng mga mag-aaral. Ikalawang benepisyo ng mga ito ang

pagkakadisenyo nito upang magkaroon ng pagpukaw. Natatandaan ng mga manonood

ang kanilang mga narinig kahit minsan ay hindi nila naunawaan ang mensahe dahil

matatag at tumatagal ang mga ginamit na biswal at musika.

Binigyang-pansin naman ng Learning Fundamentals (2011) na kung gagamit ng

mga biswal na representasyon ng mga bagong kaalaman sa eksaheradong pamamaraan


11

sa pamamagitan ng mga patalastas sa T.V., magdudulot ito ng pagpapanitili sa isip ng

mga impormasyon at mabilisang nababalik-tanawan ang ito.

Ang mga patalastas sa T.V. ay punung-puno ng emosyon. Nagdudulot ang mga

ito ng kasiyahan at kapanabikan o kalungkutan. Nabatid sa mga pananaliksik na pang-

akademiko na ang nakababagot at abstrak na kaalaman ay hindi nananatili – di gaya ng

mga makapangyarihang emosyon. Laging naaalala ang mga bagay na pumupukaw sa

ating damdamin.

Sinipi mula sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the

Philippines, ipinagbabawal ang pagpapalabas ng isang orihinal na gawa o kopya ng mga

patalastas sa telebisyon maliban kung gagamitin sa pagtuturo. Kinakailangan lang na

banggitin ang “source” at pangalan ng nagmamay-ari nito.

Sa pagkakalahad ni Gaerlan (2000), ang Social Learning Theory ni Albert

Bandura ay nagbubuklod sa pangkaasalan at pangkaisipang pananaw sa pamamagitan

ng pagbibigay-pansin sa pagkatuto ng tao bilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa

pagitan ng indibidwal at tanging panlipunang kapaligiran kung saan siya naninirahan.

Maaaring tularan ng mga kabataan ang kanilang nakikita at naririnig sa panonood ng

telebisyon tulad ng mga patalastas na may mga positibo at negatibong mensahe.

Magiging makabuluhan ang mga maiikli subalit maiimpluwensyang patalastas sa

telebisyon sa patnubay ng guro at paggamit sa mga ito sa pagtuturo.

Ayon naman sa Informational Social Influence Theory ni Caldini (Gaerlan,

2000), kung hindi alam ng isang tao kung paano kikilos nang tama, kinokopya niya ang
12

mga bagay na ginagawa ng iba. Ginagawa ito ng tao ayon sa mga nakuhang

impormasyon sa pagpapalagay na tama ang kanilang ginagawa. Dahil dito, nangyayari

ang pagtanggap na tuluyang bumabago sa kanyang paniniwala, ugali at maging sa

gawa. Nangyayari ang panggagayang ito dahil sa takot ng tao na tuyain o hindi

tanggapin ng ibang tao.

Binanggit naman ni Antheton (2011), ayon sa Taxonomy of Learning Objectives

ni Bloom ay may tatlong pagdulog ang pagkatuto kung saan ang bawat isa ay isinaayos

bilang serye ng mga antas. Ito ay naglalaan ng mga isinaayos na modelo na tutukoy sa

mga paksang nakapaloob sa kurikulum at isinakategorya ayon sa mga inaasahang bunga

ng pagkatuto.

Ang Domeyn na Kognitib ay nakasasakop sa mga antas ng pagkatutong

natatandaan (knowledge), nauunawaan (comprehension) at naisasagawa (application)

ngunit naaayon din sa pag-aanalisa (analysis) kung saan inaasahan ding makapag-

eebalweyt (evaluation) at makalilikha (synthesis) ang mga mag-aaral.

Nakatatanggap naman ng mas mababang atensyon kaysa sa Kognitibo ang

Domeyn na Apektibo. Ito ay nagbibigay-tuon, nagbibigay ng persepsyon sa mga isyu at

nagmumulat sa mga kinakailangang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pag-aanalisa.

Ang Domeyn na Saykomotor naman ay naisasagawa kaakibat ang modelo o

huwaran sa pagpapaunlad ng mga kasanayan at bumubuo ng atensyon sa mga gawi na

maaring tularan upang maisagawa ang kasanayang kinakailangan. Bilang “endorser” o


13

tauhan sa mga patalastas, gumagamit ng mga artista o modelo na isinasaalang-alang at

itinuturing na mas nakaaalam ng kung ano ang tama at nagsisilbing huwaran sa mas

nakararami lalo na sa mga kabataan.

Ang paggamit ng mga patalastas sa pagtuturo sa tulong ng isang mahusay na

guro ay nagbibigay ng interes at kakaibang karanasan sa mga mag-aaral.

Bilang guro sa asignaturang Filipino, makatutulong ang pag-aaral na ito sa

lalong pagpapalawig ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa loob lamang ng tatlumpung

(30) segundo ay mababatid na nila ang mga bagay na maiuugnay sa mga araling

pangwika at pampanitikan. Lalo’t higit isang malaking tulong ito sa mga guro upang

hindi na kakailanganing magpapanood ng mga panoorin na gugugol ng mahabang oras

ngunit isa lamang ang nais ikintal. Sa maikling oras, magiging ganap na ang pagkatuto

ng mga tinaguriang “kinabukasan ng bayan” at magiging matagumpay ang pagtuturo ng

mga itinuturing na “bayani ng bansa”.

Balangkas Teoretikal/Konseptuwal

Ang Cone of Experience ay isang biswal na modelo na naglalayong lagumin ang

klasipikasyon ni Edgar Dale sa iba’t ibang uri ng mga karanasan sa pagkatuto.

Ang mga orihinal na sampung kategorya ni Dale ay: Tuwiran at Makabuluhang

Karanasan; Natutuhang Karanasan; Dramatikong Pakikilahok; Pakitang-turo; Lakbay-

aral; Eksibit; Mga Pelikula; Radyo; “Recordings”; Mga Larawan; Mga Simbolong

Biswal; at Mga Simbolong Berbal.


14

Pangkalahatang natatandaan ng Ang mga mag-aaral ay nagawang


mag-aaral ang: bunga ng pagkatuto):

10% ng kanilang nabasa Pag- Alamin Ilarawan


basa

Paki- Itala Ipaliwanag


20% ng kanilang napakinggan
kinig
Pagtingin sa
30% ng kanilang nakita mga Ipakita
Larawan
Panonood ng
"Video"
I-aplay
50% ng kanilang Pagdalo sa mga
Eksibit
napakinggan at nakita
Panonood ng mga Ensayuhin
Pakitang-Turo

70% ng kanilang Pakikilahok sa mga Palihan Suriin


nasabi at nasulat
Pagdidisenyo ng mga Dumisenyo
Kolboratibong Aralin
Lumikha
Pagmomodelo ng mga Tunay na
90% ng Karanasan I-ebalweyt
kanilang
nagawa Pagtatanghal ng mga Tunay na Bagay

Larawan Blg. 1
15

Mga
Simbolong
Berbal
Mga
Simbolong
Biswal
"Recordings", Radyo at
Mga Larawan

Mga Pelikula

Telebisyon

Eksibit

Lakbay-Aral

Pakitang-turo

Dramatikong Pakikilahok

Natutuhang Karanasan

Tuwiran at Makabuluhang Karanasan

Larawan Blg. 2

Napatutunayan lamang na ang mga patalastas sa telebisyon ay nagpapakita ng

mga karanasan, mga larawan, tagpo at mga simbolong biswal at berbal na maaaring

gamitn sa pagtuturo tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa aklat ni Dale (1957) na

“Audio Visual Methods in Teaching”, isinaad niya na ang Cone of Experience ay hindi

lamang naglalaan ng perpektong larawan na makikitaan ng mga literal na kahulugan.

Dinisenyo lamang ang mga ito bilang mga kagamitan upang makatulong sa

pagpapaliwanag ng mga kaugnayan ng iba’t ibang kagamitang tanaw-dinig kaakibat ang


16

pansariling proseso ng pagkatuto ng bawat indibidwal. Sinabi niya na ang Cone of

Experience ay isang biswal na pagwawangis o metapora ng mga karanasan sa pagkatuto

kung saan iba’t ibang uri ng kagamitang tanaw-dinig ang isinaayos upang mapataas ang

lebel ng pagkatuto mula sa mga karanasan nasaksihan”. Kabilang sa mga kagamitang

tanaw-dinig na ito ang mga patalastas sa telebisyon na nagpapakita ng mga karanasan

na maaaring paghanguan ng mga bagay na dapat matutuhan ng mga mag-aaral na

mailalapat nila sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Ayon sa kanya, natatandaan ng mga tao ang 10% ng kanilang nabasa, 20% ng

kanilang narinig, 30% ng kanilang nakita, 50% ng kanilang nakita at narinig, 70% ng

kanilang isinulat at sinabi at 90% ng kanilang sinabi at ginawa.

Ang mga patalastas sa telebisyon ay nagtataglay ng mga islogan na

makatutulong sa pagtalakay ng asignaturang Filipino – wika man o panitikan. May mga

kaakibat itong tunog na nagbibigay-buhay sa mga patalastas at mga larawan o tagpo. Sa

pamamagitan ng mga ito, maaari silang sumulat ng kanilang pagninilay o dyornal

tungkol sa kanilang napanood na kalaunan ay mailalapat nila sa kanilang buhay at

maibabahagi sa iba. Isang patunay lamang na sa paggamit ng mga patalastas ay

maisasakatuparan ang limang makrong kasanayan na nais bigyang-pansin ng

asignaturang Filipino – pakikinig, pagbasa, pagsulat, pagsasalita at panonood.

Ipinakikita sa Larawan Blg. 3 na tumutukoy sa paradaym ng pag-aaral. Ang pag-

aaral na ito ay isasagawa sa Pamantasan ng Silangan – Caloocan (Mataas na Paaralan).

Kinakailangan ang mga napapanahong patalastas na gumamit ng wikang Filipino sa


17

paglalahad at ang batayan sa pagsusuri sa mga ito ayon sa mga maaaring paglapatang

aralin sa asignaturang Filipino sa mataas na paaralan na nakalinya sa Secondary

Education Curriculum (SEC) gaya na lamang ng silabus na ginagamit sa pagtuturo ng

asignatura.

Susuriin ang mga nakalap na datos ng mananaliksik at matapos ito ay

panonoorin niya ang mga nakalap na patalastas na ikaklasipika ayon sa mga aralin sa

asignaturang Filipino na maaaring paglapatan ng mga ito. Kasunod nito ang pagbuo ng

banghay aralin kalakip ang paggamit ng mga patastas sa pagtuturo, pagtalakay sa klase

gamit ang mga nabuong banghay aralin at pagbibigay ng pagsusulit upang mabatid ang

bisa ng mga patalastas sa pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

DI MALAYANG
Mga Patalastas BARYABOL
sa T.V. Bilang Pagkatuto ng
Gamit sa mga Mag-aaral
Pagtuturo sa Filipino
MALAYANG
BARYABOL
18

Larawan Blg. 3 Paradaym ng Pag-aaral

Inaasahan ng pag-aaral na ito na isasaalang-alang ang paggamit ng mga

patalastas sa telebisyon bilang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, lubos

na magagamit tungo sa malalim at maliwanag na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na matukoy ang bisa ng mga patalastas sa telebisyon

bilang kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan

ng Pamantasan ng Silangan (University of the East) – Caloocan sa asignaturang

Filipino:

1. Ano ang antas ng pagkatuto nang hindi gumamit ng mga patalastas sa T.V. sa

pagtuturo sa Filipino?

2. Ano ang antas ng pagkatuto nang gumamit ng mga patalastas sa T.V. sa

pagtuturo sa Filipino?

3. Ano ang pagkakaiba sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral gamit at hindi

gamit ang mga patalastas sa T.V. sa pagtuturo ng Filipino?

Haypotesis

Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagkatuto na gamit at hindi

gamit ang mga patalastas sa T.V. sa pagtuturo ng Filipino.


19

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay dinisenyo upang ipakilala ang mga patalastas sa

telebisyon bilang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino. Ito ay lubhang

napakahalaga upang magkaroon ng isang kagamitang pampagtuturo na magiging gabay

upang makamit ang de kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng asignaturang Filipino.

Lubhang magiging mahalaga ang pag-aaral na ito para sa sumusunod:

Mga Mag-aaral. Mapalalalim ang kanilang pag-unawa sa mga aralin at

mailalapat sa tunay na buhay ang mga positibong aral na natutuhan sa mga leksyon

kaakibat ang paggamit ng mga patalastas sa telebisyon. Ang kalalabasan ng pag-aaral ay

makapaghuhubog sa kanilang kasanayang komunikatibo at pampanitikan sa

pamamagitan ng mga patalastas sa telebisyon.

Mga Guro. Teknolohiya ang tumutulong sa guro na mapaunlad ang tradisyunal

na pagdulog gamit ang mga modernong pamamaraan upang makapaghatid ng kaalaman

sa mas makapangyarihan, kaaya-aya at epektibong pamamaraan. Maaaring mabilis at

masusing maipabatid sa mga mag-aaral ang mga layuning nais bigyang-diin ng aralin sa

pamamagitan ng mga patalastas sa telebisyon. Hindi na kinakailangang gumamit ng


20

pelikula o isang dokumentaryo na gugugol ng mahabang oras na nakapagpapabatid

lamang ng isang kakintalan.

Administrador ng Paaralan. Ang pag-aaral na ito ay mag-uudyok sa mga

pinuno ng mga paaralan na gumawa ng mga hakbang at pamantayan sa pagpapalawig

ng paggamit ng mga patalastas sa telebisyon upang mapaunlad ang pamamaraan ng

pagtuturo. Ito rin ay makapagpapalawak sa mga adbokasiya na mapaunlad ang

edukasyon sa ating bansa.

Sa mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay magdudulot ng kapanatagan na

magpapabatid na ang kanilang mga anak ay lalong nahuhubog sa paaralan lalo na sa

asignaturang Filipino. Bilang positibong tugon, sila ay susuporta sa mga gawaing

pampaaralan.

Umaasa ang mananaliksik sa hinaharap na sa pamamagitan ng pananaliksik na

ito ay mahihikayat ang mga guro sa asignaturang Filipino na gumamit ng mga

patalastas sa telebisyon bilang kagamitang pampagtuturo.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabatid ang antas ng pagkatuto ng

mga mag-aaral gamit ang mga patalastas sa telebisyon bilang kagamitang pampagtuturo

sa asignaturang Filipino. Nagsilbing tagatugon sa pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa

ikalawang taon ng Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Silangan (University of the

East) – Caloocan. Sa pag-aaral na ito ay ginamit sa pagtuturo bilang kagamitang


21

pampagtuturo sa asignaturang Filipino ang mga patalastas sa telebisyon na hinango

mula sa website na Youtube.

Limitado lamang ang mga patalastas na ginamit na ipinalabas sa pambansang

telebisyon sa taong 2011 mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng gabi. Ang mga

patalastas ay ginamitan ng wikang Filipino at naaayon ang paksa o tema sa isinasaad ng

araling paglalapatan nito.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Upang matulungan ang mga mambabasa na makita ang tiyak na katotohanan at

ang kaangkupan ng mga salita sa pag-aaral na ito, ang sumusunod na mga katawagan ay

binigyang-kahulugan:

Bisa. Ito ay tumutukoy sa epekto ng patalastas sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

Filipino bilang gamit pampagtuturo. Nasukat ito gamit ang pagsusulit na inihanda ng

guro (teacher-made test).

Kagamitang Pampagtuturo. Ito ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro

bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, kaalaman,

palagay, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto,

tunay, daynamik at ganap ang pagkatuto. (Abad at mga kasama, 1996)

Media. Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang ugat na pangkomunikasyon tulad ng telebisyon,

radyo, magasin, pelikula, internet at iba pa. Tumutukoy din ito sa mga ahensyang nag-

uulat ng mga balita at napapanahong pangyayari saan mang panig ng daigdig.


22

Patalastas sa Telebisyon. Tinatawag din itong komersyal o “advertisment” na isang

paraan ng pagpapakilala ng produkto o paglilingkod gamit ang telebisyon. Sa pag-aaral

na ito, 29 na mga patalastas ang ginamit bilang basehan ng datos na tutugon sa mga

suliranin ng tesis na ito.

Kabanata 2

METODO AT PAMAMARAAN

Nakapaloob sa kabanatang ito ang pagtalakay sa pamamaraan ng pananaliksik,

mga kalahok at lugar ng pag-aaral, pagkukuhaan ng datos, teknik, intrumentasyon at

balidasyon, paraan ng pagsasagawa at istadistikang ginamit sa pagkuha ng datos.

Ang Pamamaraan

Naniniwala ang mananaliksik na ang quasi-eksperimental na disenyo ang

pinakaangkop na gamitin sa pag-aaral na ito sapagkat ang pamamaraang ito ang tutukoy

sa bisa ng patalastas sa T.V. sa pagkatuto.

Ang pamamaraang ito ay kapaki-pakinabang sa pagsusuri sa larangang pang-

akademiko na nauukol sa pag-unawa ng mga mag-aaral at ang kaugnayan nito sa

kanilang pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Layunin ng mananaliksik na matukoy ang bisa ng mga patalastas sa T.V. sa

pagkatuto sa Filipino.

Ginamit ang pamamaraang “quasi-experimental” kung saan hindi kontrolado ng

mga patalastas ang kundisyon ng pagkatuto ng mga mag-aaral tulad ng “maturity”,

maraming kasanayang natutuhan at kundisyon ng guro. “Time-series Design” ang


23

isinagawa ng mananaliksik. Sa pamamagitan ng “pretest-posttest” na disenyo. Ito ay

“longitudinal” kung saan ang mga pagkatuto ng mga kalahok ay susukatin sa mahabang

panahon.

Mga Kalahok at Lugar ng Pag-aaral

Ang mga mag-aaral sa ikalawang taon na nag-aaral ng asignaturang Filipino ang

nagaganap bilang mga respondent. Sila ay nagmula sa apat (4) na pangkat na nag-aaral

sa Pamantasan ng Silangan - Caloocan na may bilang na isang daan at walumpu’t isa

(181) o labingsiyam na bahagdan (19%) ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral na

kasalukuyang nag-aaral sa departamento ng elementarya at sekondarya sa taong

pampanuruan 2011-2012.

Minarapat ng mananaliksik na piliin ang mga mag-aaral sa ikalawang taon dahil

sila ang nakapailalim sa bagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon at

kasalukuyang gumagamit ng UbD Framework.

Talahanayan Blg. 1
Kabuuang Bilang ng mga Mag-aaral na Tagatugon sa Bawat Pangkat
Pangkat Bilang ng Tagatugon
II – Silver 44
II – Gold 46
II – Francium 45
II – Platinum 46
Kabuuan 254

Ang mga tagatugong nagmula sa apat (4) na pangkat ay ang sumusunod:

apatnapu’t apat (44) sa II – Silver, apatnapu’t anim (46) sa II – Gold, apatnapu’t lima

(45) sa II – Francium at apatnapu’t anim (46) sa II – Platinum.


24

Ipinakita sa unang kolumn/hanay ng talahanayan blg. 1 ang apat na pangkat ng

ikalawang taon na nag-aaral ng asignaturang Filipino at nakasaad sa ikalawang hanay

ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat pangkat na may kabuuang na naging tagatugon

sa pag-aaral na ito.

Ang Pamantasan ng Silangan, kilalala sa tawag na University of the East (UE)

ay nagsimula noong Setyembre 1946 sa pamamagitan ni Dr. Francisco T. Dalupan Sr.

at ilang guro nang sila ay magbigay ng “review” sa 110 mag-aaral na kukuha ng

pagsusulit bilang Certified Public Accountant na ginanap sa dalawang inupahang silid

sa kalye ng Dasmariñas sa Maynila. Apat sa mga mag-aaral na iyon ay naging

“topnotchers” sa CPA Board Examination noong 1947.

Dahil sa natamong tagumpay, nagkaroon ng inspirasyon si Dr. Dalupan at ang

kanyang mga kasama na buksan ang Philippine College of Commerce and Business

Administration o PCCBA para sa 350 mga mag-aaral noong taong 1947 sa kalye ng R.

Papa sa Maynila. Ang kursong sekretaryal at sekondarya ay binuksan nang lumaon.

Noong Hunyo 1948, ang PCCBA ay lumipat sa lugar kung saan naroon ngayon

ang kampus sa Maynila ng UE na matatagpuan sa C. M. Recto Avenue. Dahil sa

mabilis na pag-angat, binuksan ang College of Liberal Arts (ngayon ay College of Arts

and Sciences o Kolehiyo ng mga Sining at Agham), College of Education, ang Graduate

School of Business Administration (ngayon ay Graduate School) at ang College of

Dentistry.
25

Pagtuntong ng Hulyo 3, 1951, ang PCCBA ay pinagkalooban ng estado ng

pagiging pamantasan at nakilala sa tawag na University of the East o Pamantasan ng

Silangan, kasama si Dr. Dalupan bilang Chairman of the Board at President.

Ang taong 1950 ay nagtala sa pamantasan ng pagbubukas ng College of Law.

Noong 1963, ang College of Commerce ay naging College of Business Administration.

Ang kampus ng UE sa Caloocan na matatagpuan sa Samson Road sa Lungsod ng

Caloocan ay itinatag noong 1954 bilang Vocational and Technical Training Center.

Kalaunan ay naging isang “autonomous unit” na pinamamahalaan ng isang Chancellor,

na may College of Business Administration-Caloocan, College of Arts and Sciences-

Caloocan, College of Engeneering-Caloocan at College of Fine Arts.

Noong 1988, ang Institute of Computer Studies and Systems sa UE Manila ay

naging College of Computer Studies and Systems.

Ang Elementary and High School Department o Departamento ng Elementarya

at Sekondarya ng UE ay muling binuksan noong Hunyo 28, 2006 nang may pangakong

magkakaloob ng katulad na kalidad at abot kayang matrikula gaya ng dati ngunit gamit

ang mga makabagong pasilidad.

Ang UE Caloocan Elementary and High School Department o EHSD ay unang

itinatag noong dekada ’60. Nagkaloob ito ng de kalidad na edukasyon sa libong mag-

aaral ngunit isinara noong 1982.

Ang EHSD ay isinara sa panahon kung saan ang mga extension classes sa mga

kolehiyo sa UE Manila ay binuksan sa kampus ng Caloocan. Isinara ang departamento

upang matugunan ang mga suliranin sa kakulangan ng mga pasilidad para sa tumataas
26

na bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ngayon, ang UE Caloocan ay mas marami

nang pasilidad lalo na nang itayo ang Tan Yan Kee Academic Building.

Ang dating dekana ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng UE Caloocan na si

Dr. Eleanor R. Javier ay naghain na muling buksan ang EHSD sa dalawang

kadahilanan: upang mapataas ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa UE Caloocan

at upang matugunan ang kakapusan ng mga paaaralang pang-elementarya at

pansekondarya sa Caloocan.

Upang masuportahan ang paghahain, isang pag-aaral tungkol sa pagbibigay ng

kurso ng basic education ang isinagawa ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng

Caloocan sa tulong ni G. Enrico M. Pilongo, guro sa Departamento ng Wika sa

paghahanda para sa muling pagbubukas ng EHSD at kalaunan ay naging punongguro ng

muling nabuksang EHSD.

Matapos ang ilang buwang paghahanda ng mga dokumento upang makamit ang

kapahintulutan mula sa Kagawaran ng Edukasyon, maging ang pagsasaayos sa mga

pasilidad at pagsasagawa ng pagtanggap sa mga mag-aaral, ang EHSD ay muling

nabuksan. Ang unang bilang ng mga mag-aaral ay 970 sa pinagsamang elementarya at

sekondarya.

Sa 300 liham ng aplikasyon at resume na natanggap ng Tanggapan ng Dekana

ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham at matapos ang proseso ng pagpili, 20 guro ang

natanggap. Ang lahat sa kanila ay nagtapos mula sa mga kilalang pamantasan.

Ang de kalidad na edukasyon ay abot kaya at hindi mamahalin. Ito ay

pinatutunayan ng UE sa mga kursong inihahain nito sa kolehiyo at ninanais ring


27

patunayan ng EHSD. Maliban sa mga mahuhusay na guro at pasilidad, ang matrikula

nito ay ang pinakamababa sa Lungsod ng Caloocan – kalakip ang misyon ng UE na

magkaloob ng mahusay na edukasyon para sa mga kabataan.

Sa kasalukuyan, ang EHSD ay nagtataglay ng 26 na pangkat sa sekondarya at 15

pangkat sa elementarya, may kabuuang 48 guro at may kabuuang 5,592 na mga mag-

aaral.

Kaugnay rin dito, ang mga natatangi sa kanilang antas pang-akademiko ay

inihanay bilang mga mag-aaral ng Science-Based Curriculum o SBC na isang

programang pangkurikulum. Ang mga mag-aaral ng SBC ay nag-aaral ng mas

maraming asignatura kaysa mga nasa ilalim ng programang regular.

Taglay ang matibay na determinasyong na “gawing ganap ang mga bagay sa

EHSD Caloocan,” ang mga mag-aaral at mga guro ay inilalaan ang kanilang sarili sa

pagtutulong-tulong tungo sa kaunlarang pang-akademiko.

Instrumentasyon at Balidasyon

Gumamit ng pagsusulit na binuo ng guro na tanging intrumentong ginamit na

panukat sa pagkatuto ng mga mag-aaral gabay ang talahanayan ng ispesipikasyon na

naayon sa Bloom’s Taxonomy of Learning. Matapos ang pagsusulit ay sinuri ang mga

ito gamit ang Kuder Richardson (KR20) upang malaman kung balido ang ginawang

pagsusulit.

Pamamaraan sa Pagkalap ng mga Datos

Ang pangunahing pinagkunan ng mga patalastas sa pananaliksik na ito ay

telebisyon at internet. Itinala ng mananaliksik ang mga patalastas na ipinalabas sa taong


28

2011 mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-8:00 ng gabi sa mga pangunahing istasyon

ng telebisyon sa Pilipinas tulad ng ABS-CBN 2, TV5, GMA 7, IBC 13, NBN 4 at

STUDIO 23.

Kumalap ang mananaliksik ng mga patalastas sa telebisyon na hinango sa

Youtube upang magsilbing kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino. Sinuri

ng mananaliksik na nagtuturo sa ikalawang taon sa Pamantasan ng Silangan ang mga

patalastas upang malaman kung saang aralin o paksa sa ikalawa at ikatlong markahan

ng asignaturang Filipino sa ikalawang taon maaaring gamitin ang mga nakalap na

patalastas sa telebisyon. Isinama sa ginawang banghay aralin ang mga sinuring

patalastas at ginamit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Ang mga nakalap na patalastas ay ang sumusunod:

 Bingo – “Aling Doring”

 Cornetto – “Sweater”

 Enervon – “Ferry”

 Flanax

 Fresh U – “Sana Bukas”

 Knorr All-in-One Plus Meaty

 Ligo Sardines – “Lolo”

 Lucky Me! Instant Mami – “Blind Fold”

 Lucky Me! Instant Mami – “Fan”

 Lucky Me! Pancit Canton – “Mornings”


29

 Lucky Me! Pancit Canton – “Tuli”

 Lucky Me! Nam-Nam

 McDonald’s McFloat – “Memory”

 Modess Ultra Thin

 Nestle Coffee-mate – “Dennis and Sam”

 Nestle Drumstick – “Style”

 Nestle Milo – “Ambisyon”

 Nestle Nescafe Classic – “Bangon”

 Nestle Nescafe Classic – “Nanay”

 Nestle Nestea – “214”

 Nissin Wafer – “Paano Kainin?”

 Nestle 100 years – “Pag-ibig”

 Pepsi Pinas – “Sa Akin ang Pinas”

 PSBank Debit MasterCard – “Astig”

 Rebisco Crackers – “Bigatin”

 Safeguard Tawas – “Boy and Girl”

 Seiko Wallet – “Maswerte”

 Skyflakes – “Tupad”

 Tuseran – “Ubo”
30

Upang maisakatuparan ang pagkuha ng mga datos, nagpaabot ng liham ang

mananaliksik na humihingi ng kapahintulutan mula sa punungguro ng Departamento ng

Elementarya at Sekondarya at gurong tagapag-ugnay ng kagawaran ng Filipino.

Pagkaraang makuha ang kapahintulutan, inihanda ng mananaliksik ang mga

hinangong video ng mga patalastas sa telebisyon upang suriin. Sinuri ang mga

patalastas kung aling paksang aralin para sa ikalawa at ikatlong markahan ang nararapat

na paggamitan ng mga ito. Matapos ito ay isinama ito sa ginawang banghay aralin at

ginamit sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Ginamit muna ang mananaliksik ng

nakaugaliang mga kagamitang pampagtuturo gaya ng mga tsart, LCD projector, laptop,

OHP sa loob ng limang lingo. Bawat linggo ay nagbigay ng maikling pagsusulit ang

mananaliksik gabay ang talahanayan ng ispesipikasyon. Pagkatapos ito ay sinuri ang

mga markang nakuha ng mga mag-aaral. Sa sumunod na limang linggo ay ginamit

naman ang mga patalastas sa telebisyon sa pagtuturo ang mananaliksik at gaya ng

naunang pamamaraan ay nagbigay ng maikling pagsusulit at sinuri ang mga markang

nakuha ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga nakuhang marka ay inihambing ng

mananaliksik ang kinahinatnan ng mga mag-aaral sa unang limang linggo at sa

sumunod na limang linggo kung ano ang naging bisa ng paggamit ng mga patalastas sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino sa marka ng mga mag-aaral sa pagsusulit.

O1 O2 O3 O4 O5 X O6 O7 O8 O9 O10

Istatistikal na Pagtutuos sa mga Detalye


31

Sa layuning malaman ang bisa ng mga patalastas sa T.V. sa pagkatuto sa

asignaturang Filipino, ginamit ang sumusunod na mga istadistikal na pagtutuos sa mga

detalye:

 Mean : Ito ay kadalasang ginagamit bilang panukat sa “central tendency”. Ito

ang kaisa-isang pinakakaraniwang panukat kung saan nais na tukuyin ang

bilang na nais bigyang-pansin sa pamamagitan ng mga naibigay na datos.

 “Standard Deviation” : Ito ay tinutuos bilang “square root of variance” at

pinansusukat ng “dispersion”.

 “t – test” : Ito ay isang prosesong istatistikal na ginagamit upang malaman

ang kaibahan ng mean sa iba pang datos at upang malaman ang halaga nito.
32

Kabanata 3

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON


NG MGA NAKALAP NA DATOS

Inilahad sa kabanatang ito ang pagsusuri, ebalwasyon at interpretasyon ng mga

datos na nakuha mula sa mga tagatugon sa pamamagitan ng mga pagsusulit upang

matugunan ang mga suliraning inilahad sa simula ng pag-aaral. Ang mga datos na ito ay

ginamit upang malaman ang bisa ng patalastas sa TV sa pagkatuto sa Filipino. Ang

resulta ng mga pagsusulit ng mga mag-aaral sa mga linggong gamit at hindi gamit ang

mga patalastas sa TV ay itinanghal sa Talahanayan Blg. 1 at 2.

Ipinakikita sa Talahanayan Blg. 1 ang mga datos at impormasyong nakalap ng

mananaliksik ayon sa antas ng pagkatuto nang hindi gumamit ng mga patalastas sa TV

bilang gamit sa pagtuturo sa Filipino.


33

Talahanayan Blg. 1

Antas ng Pagkatuto nang Hindi Gumamit ng mga Patalastas sa TV


Bilang Gamit sa Pagkatuto sa Filipino

Linggo Mean Std. Deviation Pasalitang Interpretasyon


Una 71.96 6.10 Hindi Nakapasa
Ikalawa 81.12 8.92 Nakapasa
Ikatlo 73.64 9.03 Hindi Nakapasa
Ikaapat 69.61 8.54 Hindi Nakapasa
Ikalima 91.34 7.75 Nakapasa

Mula sa resulta ng pagsusulit na hindi ginamitan ng patalastas sa telebisyon ang

pagtuturo ng Filipino, mapapansing tatlo sa limang pagsusulit ang hindi naipasa ng mga

mag-aaral ayon sa mga mean na 71.96%, 73.64% at 69.61% samantalang ang mean ng

nakapasa ay may napakalaking pagkakaiba mula 81.12% at 91.34%. Ipinakikita lamang

ng mga datos na ito na magkakalayo ang agwat ng bawat isa gayundin ang “standard

deviation” na hindi konsistent. Mababa ang resulta ng pagsusulit ngunit dahil sa

ipinakitang “standard deviation” na hindi konsistent o kalat-kalat, maaring ang ilan sa

mga mag-aaral ay nakakuha nang mas mababa o mas mataas sa nakatalang “mean” ng

bawat linggo ng pagsasanay.

Pinatutunayan nito ang winika ni Papaseit (2010) na ang mga patalastas sa TV

ay makapangyarihang kagamitan para sa pagtalakay ng wika. Ang isang mabuting

patalastas ay mapanubok sa paraang biswal at linggwistikal, ginagamitan ng mga

islogan, mga awit at mga larawang biswal upang mapukaw ang atensyon ng mga
34

manonood. Mabibigyang-buhay ang mga ito sa mga silid-aralan sa pamamagitan ng

paggamit ng mga patalastas sa T.V. sa pagtuturo ng mga kakayahan sa pakikinig at

kritikal na pag-iisip.

Ang paggamit ng mga patalastas sa silid-aralan ay naging katanggap-tanggap sa

pagtuturo ng pakikinig sa maraming kadahilanan. Una, ang mga mensahe ng patalastas

ay maikli at nakapupukaw sa pamamagitan ng mga “keywords” at inuulit ng mga

pahayag. Ang redandansi ng mga patalastas ay nakatutulong upang maging accessible

ang paggamit ng wika ng mga mag-aaral. Ikalawang benepisyo ng mga ito ang

pagkakadisenyo nito upang magkaroon ng pagpukaw. Natatandaan ng mga manonood

ang kanilang mga narinig kahit minsan ay hindi nila naunawaan ang mensahe dahil

matatag at tumatagal ang mga ginamit na biswal at musika.

Dahil sa hindi lubusang paggamit ng mga patalastas sa T.V. sa aralin sa mga

linggong ito ay masasabing hindi nanatili ang ilang kaalamang nais bigyang-pansin sa

mga talakayang naganap.

Nakasalig rin dito ang binanggit ni Antheton (2011), ayon sa Taxonomy of

Learning Objectives ni Bloom ay may tatlong pagdulog ang pagkatuto kung saan ang

bawat isa ay isinaayos bilang serye ng mga antas. Ito ay naglalaan ng mga isinaayos na

modelo na tutukoy sa mga paksang nakapaloob sa kurikulum at isinakategorya ayon sa

mga inaasahang bunga ng pagkatuto.


35

Ang Domeyn na Kognitib ay nakasasakop sa mga antas ng pagkatutong

natatandaan (knowledge), nauunawaan (comprehension) at naisasagawa (application)

ngunit naaayon din sa pag-aanalisa (analysis) kung saan inaasahan ding makapag-

eebalweyt (evaluation) at makalilikha (synthesis) ang mga mag-aaral.

Nakatatanggap naman ng mas mababang atensyon kaysa sa Kognitibo ang

Domeyn na Apektibo. Ito ay nagbibigay-tuon, nagbibigay ng persepsyon sa mga isyu at

nagmumulat sa mga kinakailangang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pag-aanalisa.

Ang Domeyn na Saykomotor naman ay naisasagawa kaakibat ang modelo o

huwaran sa pagpapaunlad ng mga kasanayan at bumubuo ng atensyon sa mga gawi na

maaring tularan upang maisagawa ang kasanayang kinakailangan. Bilang “endorser” o

tauhan sa mga patalastas, gumagamit ng mga artista o modelo na isinasaalang-alang at

itinuturing na mas nakaaalam ng kung ano ang tama at nagsisilbing huwaran sa mas

nakararami lalo na sa mga kabataan.

Nanatili lamang sa mga tauhan ng panitikang tinalakay ang pokus ng mga mag-

aaral na siyang naging huwaran nila. Pinatutunayan lamang na kumpara sa tradisyonal

na pagdulog sa pagkatuto, ang paggamit ng mga patalastas sa pagtuturo sa tulong ng

isang mahusay na guro ay nagbibigay ng interes at kakaibang karanasan sa mga mag-

aaral.
36

Ipinakikita sa Talahanayan Blg. 2 ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral

nang gumamit ng mga patalastas sa TV bilang gamit sa pagtuturo sa Filipino ay mataas

at nakapasa ayon sa isinagawang mga pagsusulit.

Talahanayan Blg. 2

Antas ng Pagkatuto nang Gumamit ng mga Pataslastas sa TV


Bilang Gamit sa Pagtuturo sa Filipino

Linggo Mean Std. Deviation Pasalitang Interpretasyon


Ikaanim 84.53 8.53 Nakapasa
Ikapito 92.38 7.28 Nakapasa
Ikawalo 84.18 11.52 Nakapasa
Ikasiyam 85.24 11.41 Nakapasa
Ikasampu 94.06 7.72 Nakapasa

Ang bahaging ito ay nagpakita na lahat ng pagsusulit na isinagawa nang

gumamit ng patalastas sa TV sa pagtuturo ng Filipino ay nakapasa kumpara sa hindi

gumamit ng patalastas sa pagtuturo na dalawang sa limang pagsusulit lamang ang

naipasa ayon sa isinaad na “mean”.

Mapapansing halos magkakapareho ang puntos ng lahat ng linggo ngunit ayon

sa isinasaad ng “standard deviation”, maaaring walang koneksyon sa ilan lamang ang

paggamit ng patalastas. Dahil sa mga ipinakitang datos sa una at ikalawang talahanayan,

makikitang walang pagkasanay na naganap.

Ito ay isang patunay lamang na ang mga paggamit ng mga patalastas sa TV sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino ay nakatutulong upang mapataas ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral.


37

Mabibigyang-pansin ito sa winika ng Learning Fundamentals (2011) na kung

gagamit ng mga biswal na representasyon ng mga bagong kaalaman sa eksaheradong

pamamaraan sa pamamagitan ng mga patalastas sa T.V., magdudulot ito ng

pagpapanitili sa isip ng mga impormasyon at mabilisang nababalik-tanawan ang ito.

Isang pagpapatibay ang isinaad ni McCasland (2009) na ang mga patalastas sa

telebisyon ay naglalaan ng mga makabuluhang gawaing pampagkatuto sa alinmang

aralin sa wika dahil ang mga ito ay nagbibigay ng tunay na nilalamang panlinggwistika

at pangkultura na maaaring isanib sa iba’t ibang gawaing pampakikipagtalastasan. Ito

ay karaniwang paksa sa mga aralin ng asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan

sanib sa mga akdang pampanitikan na sasalamin sa kulturang Pilipino.

Talahanayan Blg. 3

Pagkakaiba sa Antas ng Pagkatuto Gamit

at Hindi Gamit ang Patalastas sa TV sa Filipino

Mula sa talahanayan sa ibaba, ang paggamit ng patalastas sa TV ay

nakapagdulot ng mataas na antas ng pagkatuto sa pamamagitan ng isinagawang

pagsusulit kaysa hindi paggamit ng patalastas sa TV.

Paghahambing t Df Sig. Desisyon Pasalitang


38

(2-tailed) Interpretasyon
Baseline at Gumamit -28.52 180 .000 niredyek ang may makabuluhang
ng Patalastas hipotesis pagkakaiba

Sa ipinakikita sa talahanayan, may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral gamit at hindi gamit ang mga patalastas sa TV sa pagtuturo

ng Filipino.

Ipinahahayag ng mga datos na ang paggamit ng patalastas sa TV sa pagtuturo ng

Filipino ay nagdudulot ng mataas na antas ng pagkatuto ayon sa mga ipinakitang resulta

ng mga pagsusulit at ang pagkakaiba ipinakita sa pagtutuos na istadistikal.

Dahil sa mga resultang ito ng mga pagsusulit, malinaw na naituturing na ang

mga kagamitang pang-elektroniko na tulad ng mga patalastas sa telebisyon na nasa

anyong “video” ay malaking tulong tungo sa lalong pagtaas ng antas ng pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ang kakulangan o kawalan ng mga ito ay may malaking dulot sa antas

ng pagkatuto tulad ng mga naipakita sa mga datos na inilahad sa talahanayan. Ayon nga

kay Adeyanju (2003), ang mga pantulong sa pagkatuto ay mga kagamitang

pampagtuturo at mga dibisyon kung saan ang pagtuturo at pagkatuto ay nagiging ganap.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay sinusuportahan ng “Cone of Experience” ni

Edgar Dale na nagsasaad na ang pamamaraan ng pagtuturo na ginagamitan lamang ng

kagamitang berbal at mga aklat ay natuklasang hindi epektibo. Samantalang ang

paggamit ng mga “slides”, gumagalaw na mga larawan, tunog, mga imahe gaya ng mga

patalastas sa TV ay lubhang epektibo. Binigyang-diin niya na upang mas maging


39

matagumpay at ganap ang pakatuto ng mga mag-aaral, kinakailangan itong lapatan ng

mga tunay na karanasan.

Dahil dito, nabigyang kasiguraduhan ng mananaliksik ang inilalahad sa “cone”

na natatandaan ng mga mag-aaral ang 70% ng kanilang nasabi at nasulat samantalang

ang 90% ng kanilang nagawa ay hindi tahasang nasisigurado sapagkat ang tanging mag-

aaral lamang ang makapagsasabi kung kanilang naisabuhay ang mga kaisipang

natutuhan sa bawat aralin. Sa pamamagitan ng mga dyornal na isinusulat ng mga mag-

aaral ay maisisiwalat nila ang kanilang pagsasabuhay sa kanilang natutuhan sa

pamamagitan ng pagninilay.

Winika ni Arora (2010), ang mga patalastas ay tulad ng mga natatagong tula na

maaring suriin mula sa iba’t ibang paraan. Gaya ng matalinhagang tula na nagtataglay

ng iba’t ibang elemento, maraming natatagong talinghaga ang isang patalastas sa

telebisyon na kung susuriin natin ay mababatid ng mga manonood ang mga aral na

nakapaloob dito.

Ayon kay Ambrose (2011), ang epektibong paggamit ng “video” sa silid-aralan

ay nangangailangan ng isang istruktura ng aralin na isinasama ang mga gawaing

“previewing” at “postviewing”. Mahalagang maipakilala ang mga tagpo sa mga mag-

aaral sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na lumikha ng iskima bago manood at

mapalalim ito sa pamamagitan ng mga malikhaing gawain na magbibigay ng

pagkakataon sa mga mag-aaral na gumamit ng mga bagong bokabularyo sa

makabuluhang pamamaraan. Nakikita rin niya na ang mga “videotape” ng mga

patalastas sa telebisyon ay akmang-akma sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Halos


40

bawat patalastas ay nagtataglay ng mga bagong talasalitaan, kasama na ang ilang linya

ng mga dayalogong kolokyal at ilang isyung pangkultura upang matalakay.

Matapos ang maingat na pag-aanalisa sa mga resulta ng pag-aaral, natuklasan na

ang mga patalastas sa TV ay lubhang nakaapekto sa kakayahan ng mga mag-aaral

upang mas lalong matuto.

Ayon sa mga literatura at teorya, ilan sa mga dahilan ay ang sumusunod: Ang

labis na pagkahumaling ng mga mag-aaral sa mga kagamitang tanaw-dinig o “audio-

visual”. Habang isinasagawa ang eksperimento, napuna ng mananaliksik na nasisiyahan

o naeenganyong mag-aral ang mga mag-aaral nang ginamitan ng patalastas sa TV ang

pagtuturo. Sila ay mas buhay at aktibong nakikilahok sa talakayan at mga gawain. Ang

mga patalastas na ipinakita ay nakapaghimok sa kanilang makinig, nagbukas sa

kanilang isipan at pumukaw sa kanilang atensyon. Sa isang di-pormal na

pakikipanayam sa mga mag-aaral, napag-alaman na naibigan nila ang asignatura dahil

sa kapaligirang namayani sa talakayan na naiiba sa tradisyunal na pagdulog. Nakakikita

sila ng bagong kabatiran na ang mga patalastas pala na kanilang napapanood sa

telebisyon araw-araw ay maaari ring gamitin sa talakayan. Inamin nila na nagiging mas

sabik sila sa pang-araw-araw na talakayan dahil parang nanonood lamang sila ng

telebisyon dahil sa paggamit ng guro ng mga patalastas. Mas mabilis nilang

nauunawaan ang mga paksang aralin dahil sa paggamit sa mga ito. Ang paggamit ng

mga patalastas at ng mga katulad nito ay lubhang nagpaibig sa kanila sa asignaturang

Filipino. Nagpapatunay lamang ito na ang paggamit ng patalastas sa TV sa pagtuturo ay


41

humimok sa mga mag-aaral na makinig, magbalik-tanaw, umunawa na nagbibigay daan

sa paglalapat ng mga kaalamang kanilang natutuhan.

Isa ring patunay ang isinaad ng Learning Fundamentals (2011) na ang mga

patalastas sa T.V. ay punung-puno ng emosyon. Nagududulot ang mga ito ng kasiyahan

at kapanabikan o kalungkutan. Nabatid sa mga pananaliksik na pang-akademiko na ang

nakababagot at abstrak na kaalaman ay hindi nananatili – di gaya ng mga

makapangyarihang emosyon. Laging naaalala ang mga bagay na pumupukaw sa ating

damdamin.

Sa pagsusuring ginawa, masasabing may makabuluhang pagkakaiba ang antas

ng pagkatuto na gamit at hindi gamit ang mga patalastas sa TV sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino. Dahil sa kinalabasan ng pag-aaral, napag-alaman ng

mananaliksik na malaki ang naidudulot ng paggamit ng patalastas sa TV sa pagtuturo

ng Filipino upang mapataas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Implikasyon ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral ay maglalaan ng napakalaking benepisyo sa mga

pinuno ng mga paaralan. Nagpapatunay ang resulta ng pananaliksik na ito na hahamon

sa tungo sa pag-unlad ng sistema ng edukasyon partikular sa aspektong pangwika at

pampanitikan. Sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo, ang

pananaliksik na ito ay hihimok sa mga pinuno, edukador at mga guro upang bigyang

pansin ang paggamit ng mga patalastas sa telebisyon hindi lamang sa asignaturang

Filipino kundi sa iba pang asignatura sa pampubliko at pampribadong paaralan.


42

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong bigyan ng inspirasyon ang mga edukador

na magsagawa ng pagpaplano at matibay na programa na magbubukas ng pintuan sa

mas malikhain at makabagong pamamaraan na magpapataas sa pangkasalukuyang

kalaghayan ng pagkatuto ng mga Pilipinong mag-aaral.

Magsisilbing inspirasyon rin ito sa mga lumilikha ng mga patalastas na mas pag-

ibayuhin pa ang kanilang layuning makilala ang kanilang produkto at maipalaganap ang

mga pagpapahalagang Pilipino na magagamit ng guro bilang kagamitan sa pagpapataas

ng antas ng pagkatuto.

Patatatagin din ng pag-aaral na ito ang pagkakabuklod ng mga tunguhin at

pamamahala ng sistemang pang-edukasyon. Ang layunin ay mas maging matibay ang

kakayang komunikatibo ng mga mag-aaral gamit ang Wikang Filipino.

Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng komprehensibo at kolaboratibong pagkonsulta

sa pamahalaan, administrador ng edukasyon, ang mga guro na daan tungo sa ganap na

pagkatuto ng mga mag-aaral, mga mag-aaral, pribadong sektor at maging iba pang

mananaliksik. Sa paglalaan ng mga modernong kagamitang tanaw-dinig tulad ng mga

patalastas sa telebisyon, ang kahusayan ay unti-unting makakamit, magsisimula sa

matibay na kakayahang komunikatibo bilang unang hakbang sa tagumpay.

Ang tagumpay nito ay hindi lamang nasa kamay ng mga guro kundi sa tulong na

rin ng mga pinuno ng edukasyon sa ating bansa na laging bukas ang isipan upang

maging ganap ang lahat ng bagay.


43

Kabanata IV

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


44

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng maikling pagtalakay sa sumusunod: sa

pag-aaral, sa mga balido at maaasahang resulta buhat sa mga kinalap na datos, sa mga

konklusyon at rekomendasyon na makatutulong sa babasa ng pananaliksik na ito.

Paglalagom

Ang mananaliksik ay naglayong matukoy ang gamit ng patalastas sa TV sa

pagkatuto sa Filipino. Nilalayong matuklasan ang antas ng pagkatuto nang hindi

gumamit ng mga patalastas sa TV bilang gamit sa pagtuturo sa Filipino, ang antas ng

pagkatuto nang gumamit ng mga patalastas sa TV bilang gamit sa pagtuturo sa Filipino

at ang pagkakaiba sa antas ng pagkatuto gamit at hindi gamit ang patalastas sa TV sa

Filipino.

Nahirang ang 181 mag-aaral ng Pamantasan ng Silangan – Caloocan sa taong

pampanuruan 2011-2012 mula sa apat na pangkat ng ikalawang taon sa Mataas na

Paaralan ang upang subukin ang inilahad na hipotesis. Sampung linggong nagturo ang

guro – unang limang linggo na hindi ginamitan ng patalastas sa TV sa pagtuturo at

huling limang linggo na ginamitan ng patalastas sa TV sa pagtuturo ng Filipino. Sa

bawat linggo ay nagbigay ng pagsusulit na binuo gamit ang talahanayan ng

ispesipikasyon bilang instrument upang makalap ang mga datos na gagamitin sa pag-

aaral na ito. Ang ginamit na istadistikal na pagtutuos sa mga detalye ay t-test.

Ang hipotesis na “walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagkatuto na

gamit at hindi gamit ang mga patalastas sa T.V. sa pagtuturo ng asignaturang Filipino”

ay sinubok.
45

Pag-aanalisang istadistikal ang isinagawa sa mga nakalap na datos na

nagpatunay na ang paggamit ng patalastas sa TV ay positibong nakaapekto sa mga

puntos ng mga mag-aaral sa isinagawang pagsusulit.

Mga Natuklasan

Batay sa mga datos, natuklasan ang sumusunod na mga kasagutan sa mga

suliranin:

Ang antas ng pagkatuto nang hindi gumamit ng mga patalastas sa TV bilang

gamit sa pagtuturo sa Filipino ay LUBHANG MABABA.

Ayon sa resulta ng limang pagsusulit, natuklasan ang mga mean na 71.96%,

81.12%, 73.64%, 69.61% at 91.34% kung saan tatlo sa limang pagsusulit ang hindi

naipasa ng mga mag-aaral ngunit sa mga isinaad na “standard deviation”, hindi lubhang

marami ang bilang ng mga mag-aaral na hindi nakapasa.

Samantala, antas ng pagkatuto nang gumamit ng mga patalastas sa TV bilang

gamit sa pagtuturo sa Filipino ay MATAAS.

Ayon sa resulta ng limang pagsusulit, natuklasan ang mga mean na 84.53%,

92.38%, 84.18%, 85.24% at 94.06% kung saan lahat ng pagsusulit ay naipasa ng mga

mag-aaral ngunit sa mga isinaad na “standard deviation”, hindi lubhang marami ang

bilang ng mga mag-aaral na nakapasa.


46

May makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagkatuto gamit at hindi gamit ang

patalastas sa TV sa Filipino

Pinatunayan ng mga datos na ang paggamit ng patalastas sa T.V. sa pagtuturo ay

nakapagpapaunlad ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Nang gumamit ng patalastas sa

T.V., naging mataas ang mga puntos na nakuha ng mga mag-aaral kumpara sa hindi

gumamit nito.

Ang makabuluhang pag-unlad ay naihambing mula sa “average” na 77.53%

nang hindi gumamit ng patalastas sa T.V. sa 88.98% nang gumamit ng patalastas sa

T.V. kung saan tumaas ng 11.45% ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang resulta ng pag-aaral ay pinatibay ng teorya na ang impormasyon o

kaalaman ay matagal na nananatili sa isip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga

kagamitang tanaw-dinig sa pagtuturo kumpara sa berbal na pagkatuto.

Konklusyon

Batay sa mga natuklasan, nabuo ng mananaliksik na ang pagkatuto sa

asignaturang Filipino ay tumaas nang ginamitan ng patalastas sa T.V. ang pagtuturo

kumpara sa hindi ginamitan nito.

Napaunlad ng patalastas sa telebisyon ang kasanayan sa pagkatuto ng mga mag-

aaral na ipinakita sa 11.45% na pagtaas ng “average” na puntos mula sa hindi paggamit

ng patalastas sa T.V. hanggang sa paggamit nito sa pagtuturo.


47

Pinaunlad ng patalastas sa T.V. ang limang makrong kasanayan sa Filipino

(pagbasa, pagsulat, pakikinig, pagsasalita at panonood) ng mga mag-aaral sa ikalawang

taon ng Pamantasan ng Silangan – Caloocan (Departamento ng Elementarya at

Sekondarya).

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at konklusyon, nagbigay ang mananaliksik ng mga

rekomendasyon para sa administrasyon ng paaralan, sikapin na isama sa silabus ng

pagtuturo ang mga patalastas sa T.V. upang magamit bilang kagamitang pampagtuturo

hindi lamang sa asignaturang Filipino kundi pati na rin sa iba pang asignatura, para sa

mga guro, suriin ang mga patalastas sa T.V. at gamitin sa pagtuturo upang mapaunlad

ang mga kasanayan ng mga mag-aaral, para sa mga mag-aaral, tuklasin ang mga

natatagong kaisipang nakapaloob sa mga patalastas sa T.V. at iugnay ito sa nilalaman

ng mga aralin. Magkaroon ng isang panayam o seminar para sa mga guro patungkol sa

gamit ng patalastas sa T.V. sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Para sa mga direktor at

manunulat ng mga patalastas sa T.V., pag-ibayuhin pa ang kanilang pagsisikap na

maghandog ng mga patalastas na magpapakita at masasalaminan ng mga kulturang

Pilipino na magagamit sa pagtuturo sa paaralan. Gayundin para sa susunod na

mananaliksik, kumuha ng mga datos tungkol sa panonood ng telebisyon ng mga mag-

aaral upang mas masuri ang pagiging mulat nila sa mga patalastas na pinapalabas.
48

TALASANGGUNIAN

Adeyanju, L. (2003). Teachers perception of the effects and use of learning aids in
teaching: A case study of Winneba Basic and Secondary Schools. Retrieved Hunyo
19, 2011. from:http://ultibase.rmit.edu.au/Articles/nov03/adeyanju1.htm.
49

AGB Nielsen Media Research 2006 Mega Manila tv viewing habits


http://agbnielsen.net/whereweare/localnews.asp?
id=238&country=Philippines&newstype=L&mode=full&language=english. Retrieved
Hunyo 19, 2011.

Alonzo, Marilou S. (2010). Ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pagbasa ng


mga akdang nasa blog at ang mga kaugnayan nito sa kanilang pagkatuto sa
Filipino. Di Nailathalang Tesis

Ambrose, D. (2011). Finding new messages in television commercials. Retrieved


Hunyo 19, 2011. from: http://eca.state.gov/forum/vols/vol40/no2/p44.htm.

Arcilla, W. E. (2007). Philippines has world’s heaviest ad loads. Retrieved Hunyo 19,
2011. from:
http://services.inquirer.net/mobile/07/12/11/html_output/xmlhtml/20071130-103944-
xml.html.

Arora, S.(2010). Teaching tropes and schemes through TV ads. Retrieved Hunyo 19,
2011. from: http://www.articlesbase.com/printing-articles/teaching-tropes-and-
schemes-through-tv-ads-2856966.html.

Belvez, P. M. (2000). Ang sining at agham ng pagtuturo: Aklat sa pamamaraan ng


pagtuturo sa Filipino at sa Filipino. Maynila: Rex Bookstore, Inc.

Catacataca, P. D. & Belvez, P. M. (2010). Kalinangan: Workteks sa Filipino (wika at


panitikan)para sa kayskul. Maynila: Rex Bookstore, Inc.

Children’s television act of 1997 Republic Act No. 8370. Retrieved Hunyo 19, 2011.
from:http://www.aeforum.org/aeforum.nsf/
b6f532dc08e2a32e80256c5100355eab/
bc051b934a27ef6380256df60050e792/$FILE/PH1997.pdf.

Dallo-Antonio, E. M. & Oriondo, L. L. (2003). Evaluating educational outcomes (Tests,


measurements and evaluation). Maynila: Rex Bookstore, Inc.

Gaerlan J. E., Limpingco, D. A. & Tria, G. E. (2000). General psychology (5th editon).
Lungsod ng Quezon: Ken Incorporated.

Intellectual property code of the Philippines[Republic Act No. 8293]. Retrieved Hunyo
19, 2011. from:
http://www.aijc.com.ph/pccf/observatory/pfd%20files/policies/IPR/ipr.pdf.

Magat, Gracely A. (2011). The effectiveness of audio-visual media on grade six pupils’
50

grammatical competence. Di Nailathalang Tesis

McCasland, P. (2009). Using TV commercials as language teaching tools. Retrieved


Hunyo 19, 2011. from: http://jalt.org/events/iwate-chapter/09-12-13.

Ochave, J. A., Punsalan, T. G., Regala, B. P., Sevilla, C. G. & Uriarte, C. G. (2001).
Research methods. Maynila: Rex Bookstore, Inc.

Salmorin, M. E. (2006). Methods of research. Maynila: Mindshapers Co., Inc.

Santos, R. D. (2007). Assessment of learning 2:Advanced methods in educational


assessment and evaluation. Lungsod ng Quezon: Lorimar Publishing Inc.

Wagaman, J (2008). Teaching persuasion through commercials (Teachable moments


while watching television). Retrieved Hunyo 19, 2011. from:
http://www.suite101.com/content/teaching-persuasion-through-commercials-
a70025.

You might also like