You are on page 1of 3

KABANATA II - Review ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-

aaral
Library ng graduate school ng Ateneo de Naga University at University of Nueva Caceres, at ang
Internet ang pinaggalingan ng mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang
pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Sa pagtuturo, ayon kay Adeyanju (2003), mahalaga ang visual aids sa lubusang pagkatuto ng
mga bata. Ang mga ito ay designed materials na maaaring locally made o commercially
produced. Para sa kanya:

“They come in form of wall-charts illustrated pictures, pictorial materials and other two
dimensional objects. There are also audio-visual aids. These are teaching machines like radio,
television, and all sorts of projectors with sound attributes.”

Maaari ring magsilbing audio-visual aids ang mga pantelebisyong advertisement. Madali at libre
itong makukuha dahil araw-araw itong makikita sa telebisyon. Dahil advertisement ang
bumubuhay sa mga palabas, habang tinatangkilik ng tao ang mga programa sa telebisyon ay
patuloy ang pagbuo ng mga ito ng mga advertizer. Makukuha rin ang mga nirecord na
advertisement sa mga video-sharing website tulad ng Youtube.com.

Ayon sa Republic Act No. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, ipinagbabawal
ang pagdisplay ng isang original na gawa o kopya nito tulad ng mga pantelebisyong
advertisement maliban kung gagamitin sa pagtuturo. Kinakailangan lang na banggitin ang
source at pangalan ng may-ari kung makikita o binabanggit ito rito.

Ang kagamitan sa pagtuturo, ayon kay Liwanag (1995), ay isa sa mga factor sa mabisang
pagkatuto ng mga estudyante. Nakabase ang mga paghahanda ng mga kagamitan sa pagtuturo
sa iba’t ibang batayan sa pananaw na sosyo-kultural. Sa paghahanda ng kagamitang
pampagtuturo dapat isaalang-alang ang mga gamit nito gayundin ang objective, panahon at
istilo ng mga wikang gagamitin. Dapat ding ikonsider ang pangkaisipan pananaw na binibigyang
pansin ang pagkakaiba ng estudyante sa paraan ng pagkatuto at humanistikong pananaw na ang
objective ay lubusang malinang ang buong katauhan ng mga mag-aaral. Sa pagbubuo ng mga
kagamitang pampagtuturo sa pag-aaral na ito, isinaalang-alang ng risertser ang mga nabanggit.

Payo ni Gabuyo (1998) sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo, alamin ang characteristics


at pangangailangan ng estudyante, tiyakin ang objective, balangkasin ang nilalaman, at
planuhin ang suportang kakailanganin. Isaalang-alang ang mga materyal na paghahanguan. Sa
pagsusulat, ihanay nang maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin ang mga gawain
at feedback, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga graphics. Naaangkop ang paggamit
ng audio-visual materials sa napiling lugar ng pag-aaral ng risertser. Bilang isang laboratory
elementary school, ang University of Nueva Caceres ay inaasahang may pasilidad para sa
pagtuturong ginagamitan ng teknolohiya samantalang ang mga estudyante sanay iba’t ibang
pamamaraan ng pagtuturo kabilang na ang makabagong pamamaraan.
Ayon kay Transona (2002), walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting titser
ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting titser ay gumagamit ng mga
kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante. Sa pamamagitan
ng pag-aaral na ito, marerealize ng mga titser na maraming mapagkukunan ng mga kagamitan
sa pagtuturo. Kilangan lang na maging observant at creative.

Tinalakay ni Aquino at Razon (1998) sa kanilang aklat ang qualification ng isang mahusay na
titser. Ayon sa kanila, matatawag na mahusay ang guro kung nagtataglay sya ng sariling
kakayahan at katalinuhan, matapat sa pakikitungo sa kanyang kapwa titser at iginagalang ang
karapatan ng bawat estudyante. Kailangan ding may alam sya sa principles ng mabuting
pagkatuto tulad ng paggamit ng angkop na pamamaraan sa pagtuturo, motivation, paggawa ng
lesson plan, kasanayan sa pagtataya at integration. Maaaring magamit sa lahat ng bahagi ng
klase ang mga advertisement simula motivation hanggang sa pagbibigay ng assignment kung
nagtataglay sya ng mga qualification na binanggit.

Ang pagkatuto para kay Panambo (1997) ay ang pinakamahalagang proseso ng pagtuturo at pag-
aaral. Ang pagkatuto ng mga estudyante ay nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ng
isang titser. Ang titser ang nagpaplano at nagdedecide sa pamaraang kaniyang gagamitin na
angkop sa bunga ng pagkatuto na nais nyang makamtan ng mga estudyante, angkop sa
sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mga estudyante at gayundin sa uri ng paksang-aralin at
subject na kanyang ituturo.

Ayon kay Espiritu sa lecture ni Francisco (2006) sa “Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng
Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino” binanggit nya na wika ang gamit ng titser sa pagpapaunawa ng nilalaman ng kurso at
wika ang gamit ng estudyante upang ipakita ang kanyang pag-unawa at ipahayag ang kanyang
iniisip at niloloob. Samaktuwid, mahalagang konsiderasyon ang wika sa pagtuturo gayundin sa
pagkatuto.

Payo ni Lumbera (2005) sa mga manunulat sa interview sa kanya ng Pinoy Weekly Online na
importanteng kilalanin ng isang writer na namumuhay sya sa ganitong lipunan at kung hindi
man sya kumilos para baguhin ang lipunan na iyon, huwag maging hadlang sa pagkilos ng ibang
tao. Lagi’t lagi, kilalanin ang kanyang kaugnayan sa buhay ng lipunang kanyang kinabibilangan.
Ayon sa kanya:

“Sa ganoong paraan, ang kanyang mga tula, kuwento, dula ay uungkat sa mga nangyayari sa
ating lipunan at ’yong kanyang audience na bumabasa sa kanyang mga tula o nanonood ng
kanyang dula ay mabigyan niya ng kamalayan na siya ay bahagi ng lipunang inilalarawan sa
akda. Sa ganoong paraan ang manunulat ay hindi magiging kuntento na lamang sa paggamit sa
wika ayon sa personal niyang kagustuhan.”

Ang nilalaman ng mga advertisement ay buhat sa karanasan ng mga sumulat at bumuo ng mga
ito kung kaya’t kababakasan ng iba’t ibang kaisipan.

Sa 192 mga Pilipinong advertisement pantelebisyong sinorvey ni Thompson (2003), ang


isandaan at walo (108) ay gumamit ng English “E”, apatnaput isa (41) ay Tagalog na may mga
English na salita at phrase “T(E)”, dalawamput dalawa (22) ay Tagalog “T”, at dalawamput isa
(21) ay English na may mga Tagalog na salita at phrase “E(T)”. Gumagamit ng wika ang
pantelebisyong advertisement. Karamihan sa mga ito ay hindi gumagamit ng purong Tagalog,
Filipino o English kung kaya’t hindi ito kasama sa delimitasyon sa pag-aaral.

May labin-limang atraksyon sa mga advertisement na tinawag ni Jif Fowles na “imbentaryo ng


motibo ng tao” ayon kay Austero (1999). Ang psychology o mga atraksyon sa mga advertisement
ay mga pangangailangan: sa sex, pagsasamahan, pagmamahal o pag-aalaga, ng patnubay,
seguridad, aesthetic sensation, curiosity, pangangailangan na biological, makapantay o
makalevel ang isang tao, makatakas, magpatnubay, mangibabaw, kumuha ng atensyon, maging
prominente at autonomous. Samantala, sa libro ng “Taking ADvantage” ni Taflinger (1996),
binanggit nyang may sampung psychological appeal na ginagamit sa advertizing upang
makapagmotivate sa mga mamimili: self-preservation, sex, acquisition of property, self-esteem,
personally enjoyment, constructiveness, destructiveness, curiosity, imitation at altruism. Bukod
sa literal, mga nakatagong at “nagtatagong” kahulugan sa mga advertisement ang sinubukang
gamitin sa pagtuturo ng Makabayan 6.

Para kina Gresko at mga kasama (1996), matagal nang ginagamit ang psychology sa advertizing
bilang effective na pamamaraan sa pagbebenta ng isang produkto o serbisyo. Ang pag-unawa sa
mga pangunahing konsepto na nakakaapekto sa sikolohiya ng tao ay makakatulong sa isang
kompanya na makabenta ng kanilang produkto o hindi kaya ay makakatulong sa isang
konsyumer upang maunawaan ang mga marketing strategy na nakakahimok sa kanilang bumili
ng mga produkto. Mahalagang makuha ang atensyon ng konsyumer at ito ay sa pamamagitan ng
pag-apela sa emosyon. Kung nagagawang mahimok ng mga advertisement ang mga manonood
ay magagawa rin ito ng mga titser sa kanyang mga estudyante upang matuto.

Alinsunod sa R.A. 8370 o Children’s Television Act of 1997, ang National Council for Children’s
Television (NCCT) ang magmomonitor, magrereview at magkaclassify ng mga pambatang
programa sa telebisyon at mga advertisement na ipinalalabas sa mga oras na maraming bata ang
nanonood. Sa katuturan nito, ang “children” ay tumutukoy sa lahat ng tao na wala pang labin-
walong (18) gulang. Mababasa sa Section 2, ang Declaration of Policy, na kinikilala ng estado
ang kahalagahan at impact ng brodcast media partikular ang mga programa sa telebisyon
kaugnay sa pagpapalaganap ng values at intelektwal na pag-unlad ng mga kabataan bilang
bahagi na rin ng suporta at pangangalaga sa kanilang interes. Sa mga dahilang ito masasabi ng
risertser na hindi ikapagpapahamak ng mga estudyante ang paggamit sa mga ito sa eskwela
bilang kagamitang pampagtuturo.
Posted by Filipinayzd at 10:02 PM 

You might also like