Impluwensya NG Mga Pelikula Sa Pagpapaunlad NG Bukabularyo NG Mga Piling Mag

You might also like

You are on page 1of 8

IMPLUWENSYA NG MGA PELIKULA SA

PAGPAPAUNLAD NG BOKABULARYO NG MGA


PILING MAG-AARAL NG BSIT SA ARELLANO
UNIVERSITY - ANDRES BONIFACIO CAMPUS

Kabanata 1
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula
Malamang hindi mo batid ngunit Malaki din ang
ginagampanan ng panonood ng mga pelikula sa pagpapaunlad at
pagpapalawak ng bokabularyo ng isang tao, at hindi lamang sa
pagbabasa ng mga libro. Dahil ang panonood ng mga pelikula ay
nagbibigay din sa atin ng mga kaalaman na makakatulong sa atin sa
pang araw-araw na buhay. Ngunit dapat alamin din ang mga
magaganda at masasamang aral na makukuha dito upang maiwasan
ang mga hindi magagandang dulot ng mga pelikula.
Sa pag-unlad ng teknolohiya at pagiging bahagi ng digital na
panahon, ang mga pelikula ay naglalarawan ng masalimuot na
kwento na may sariwang perspektiba, nagdudulot ng malalim na
emosyon, at nagbibigay inspirasyon sa mga manonood. Sa piling
mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology
(BSIT) sa Arellano University - Andres Bonifacio Campus, ang pag-
eksplika sa impluwensya ng mga pelikula sa pagpapaunlad ng
kanilang bokabularyo ay isang interesanteng pag-aaral. Ang mga
pelikula ay hindi lamang nagbibigay aliw, kundi nagbubukas din ng
mga pinto ng kaalaman at nag-aambag sa pagpapaunlad ng
kakayahang komunikasyon at bokabularyo ng mga mag-aaral, na
siyang pundasyon ng kanilang tagumpay sa larangan ng
teknolohiya.
Anumang wika ay maaaring matutunan sa tulong ng isang
bokabularyo. Ang isang tao ay maaaring mapabuti ang kanyang pag
unawa sa mga nakasulat at pakikinig na input na kanilang nakukuha
sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang malakas na bokabularyo.
Ang bokabularyo ay tinukoy bilang "Ang kaalaman ng mga salita at
ang kanilang mga kahulugan"(Nash & Snowling bilang isinangguni
ni Hansen, 2009. Ang pagbabasa at pakikinig ay kinakailangan para
sa pag aaral ng salita, ngunit ang mga gawaing ito ay imposible
kung hindi nauunawaan ang kahulugan ng mga salita. Ang
bokabularyo ay tumutulong din sa pagpaparating ng mga ideya,
kaisipan, at damdamin kung ito ay ipinapahayag sa pamamagitan ng
pasalita o sa pamamagitan ng pagsulat, tulad ng nakasaad ni
Hazzlitt(1993) sa pahina 51. Dahil dito, ang bokabularyo ay isang
napakahalagang kasangkapan para sa anumang wika, – ayon kina
Lanoy et al. (2023).
Sa pag-unlad ng teknolohiya at pagiging bahagi ng digital
na panahon, ang mga pelikula ay naglalarawan ng masalimuot
na kwento na may sariwang perspektiba, nagdudulot ng
malalim na emosyon, at nagbibigay inspirasyon sa mga
manonood. Sa piling mag-aaral ng Bachelor of Science in
Information Technology (BSIT) sa Arellano University - Andres
Bonifacio Campus, ang pag-eksplika sa impluwensya ng mga
pelikula sa pagpapaunlad ng kanilang bokabularyo ay isang
interesanteng pag-aaral. Ang mga pelikula ay hindi lamang
nagbibigay aliw, kundi nagbubukas din ng mga pinto ng
kaalaman at nag-aambag sa pagpapaunlad ng kakayahang
komunikasyon at bokabularyo ng mga mag-aaral, na siyang
pundasyon ng kanilang tagumpay sa larangan ng teknolohiya.
Sa pag-unlad ng teknolohiya at pagiging bahagi ng digital
na panahon, ang mga pelikula ay naglalarawan ng masalimuot
na kwento na may sariwang perspektiba, nagdudulot ng
malalim na emosyon, at nagbibigay inspirasyon sa mga
manonood. Sa piling mag-aaral ng Bachelor of Science in
Information Technology (BSIT) sa Arellano University - Andres
Bonifacio Campus, ang pag-eksplika sa impluwensya ng mga
pelikula sa pagpapaunlad ng kanilang bokabularyo ay isang
interesanteng pag-aaral. Ang mga pelikula ay hindi lamang
nagbibigay aliw, kundi nagbubukas din ng mga pinto ng
kaalaman at nag-aambag sa pagpapaunlad ng kakayahang
komunikasyon at bokabularyo ng mga mag-aaral, na siyang
pundasyon ng kanilang tagumpay sa larangan ng teknolohiya.
Saligan ng Pag-aaral
Ang mananaliksik ay napagpiliang pag-aralan ang paksang
impluwensya ng mga pelikula sa pagpapalawak ng bokabularyo sa
piling mag-aaral ay:
Ang unang aspeto ng saligan ng pag-aaral ay ang pagsibol ng
teknolohiya at paglago ng industriya ng pelikula mas mapapalawak
nito ang bokabularyo ng mga mag-aaral na tumatangkilik ng
kanilang inilalabas na pelikula. Sa pamamagitan ng makabagong
teknolohiya mas madali na lamang makapanood ang mga mag-aaral
ng kanilang gustong pelikula, at habang tumatagal silang nanonood
ay nagkakaroon sila ng mga makabagong kaalaman patungkol sa
mga bokabularyong magagamit nila sa mga susunod pang mga taon.
Ang pangalawang aspeto ng saligan ng pag-aaral ay ang
pagtukoy sa mga uri ng mga pelikula at mga elemento sa loob nito
na maaaring magkaroon ng positibong o negatibong epekto sa pag-
unlad ng bokabularyo ng mga mag-aaral ng BSIT. Sa pamamagitan
ng pagsusuri sa iba't ibang tema, genre, at estilo ng mga pelikula,
maaaring matukoy kung aling mga uri ng pelikula ang mas epektibo
sa pagpapalawak ng bokabularyo ng mga mag-aaral.
Ang pangatlong aspetong saligan ng pag-aaral ay naglalayong
magbigay ng mga impormasyon at rekomendasyon para sa mas
mahusay na paggamit ng mga pelikula bilang isang kapaki-
pakinabang na kasangkapan sa pagpapaunlad ng bokabularyo sa
larangan ng BSIT. Sa pamamagitan ng ganitong pag-aaral,
naglalayon ang mananaliksik na makatulong sa mas malalim na pag-
unawa at pagpapabuti ng mga estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto
sa nasabing larangan.

Balangkas Teoretikal
Ang balangkas teoretikal para sa pananaliksik na ito ay
nakatuon sa mga teoryang may kinalaman sa epekto ng media,
partikular na mga pelikula, sa paglinang ng bokabularyo ng mga
mag-aaral. Una, tatalakayin ang Teoryang Kognitibo ni Lev
Vygotsky na nagpapalagay na ang pag-unlad ng kognisyon ng isang
indibidwal ay nagaganap sa pamamagitan ng interaksyon sa
kanyang kapaligiran, kabilang na ang media. Ayon dito, ang mga
pelikula ay maaaring magdulot ng pagpapalawak ng bokabularyo sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga bagong konsepto at
terminolohiya.
Pangalawa, itatalakay ang Teoryang Pagkatuto ni Albert
Bandura na nagmumungkahi na ang pag-aaral ay maaaring maganap
sa pamamagitan ng pagmamasid at pagtutulad sa mga modelo, na
maaaring maging ang mga karakter sa pelikula. Ayon dito, ang mga
mag-aaral ay maaaring matuto ng mga bagong salita at konsepto sa
pamamagitan ng pag-internalisa ng mga ito mula sa mga karakter na
kanilang nakikita sa mga pelikula.
Panghuli, pag-uusapan ang Teoryang Pagsasalaysay na
nagpapalagay na ang paglalahad ng mga kuwento at kwento sa
pamamagitan ng media, tulad ng mga pelikula, ay mayroong
malaking epekto sa paglinang ng bokabularyo. Sa pamamagitan ng
pagpapakita ng iba't ibang konteksto at sitwasyon sa pamamagitan
ng mga kuwento, ang mga pelikula ay maaaring magdulot ng
masusing pag-unawa at paglinang ng bokabularyo ng mga
manonood, lalo na sa mga teknikal na larangan tulad ng BSIT.

Konseptuwal na Balangkas
Ang Pag-aaral na ito ng mananaliksik ay nakabatay sa
Balangkas Teoretikal na inilalarawan sa itaas.
PARADIGMA NG PAG-AARAL
Lagak Proseso Resulta
(Input) (Output)
I. Alamin ang Pagpapasagot sa Pag tanda, pag
Personal na datos ng talatanungan ng mga iintindi at pag
mga piling mag- respondente. sasapuso ng mga
aaral. bagong salitang
- Pangalan(opsyonal) natutunan sa
- Kasarian panonood ng
- Baitang pelikula upang
- Edad Pagsusuri sa mga mapalawak ang
II. Alamin ang nakalap na datos. bokabularyo na
kaalaman ng mga kinakailangan lalo
mag-aaral sa na sa teknikal na
impluwesya ng larangang tulad ng
panood ng pelikula BSIT.
sa pagpapaunlad ng
bokabularyo sa
kanilang pag-aaral.

PIGURA
IMPLUWENSYA NG MGA PELIKULA SA PAGPAPAUNLAD NG
BOKABULARYO NG MGA PILING MAG-AARAL NG BSIT SA
ARELLANO UNIVERSITY - ANDRES BONIFACIO CAMPUS
Pigura: Ito ay nagsasaad ng pagpapalawak o pagpapaunlad ng
bokabularyo ng mga piling mag-aaral ng Arellano University –
Andres Bonifacio Campus sa kursong Bachelor of Science in
Information Technology, na nagpapakita ng mga batayan na ginamit
ng mananaliksik sa pangangalap ng mga pangunahing datos.
Ang unang kahon ay ang lagak o input kung saan masusing inalam
ng mananaliksik ang personal na datos ng mga respondente gaya ng
pangalan, kasarian, baitang, at edad at inalam ng mananaliksik ang
kaalaman ng mga respondente sa impluwesya ng panood ng pelikula
sa pagpapaunlad ng bokabularyo sa kanilang pag-aaral.
Ang ikalawang kahon ay ang proseso o ang pag sasagawa ng
talatanungan at pagsusuri ng mga nakalap na datos.
Ang ikatlong kahon naman ay ang resulta o output ng nakalap na
datos ng mananaliksik sa mga respondente matapos magsagot ng
talatanungan at ang pagbibigay ng solusyon sa isinagawang pag-
aaral. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay ang pag tanda, pag intindi at
pag sapuso ng mga bagong salitang natutunan sa panood ng mga
pelikula.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay layong suriin ang impluwensya ng mga
pelikula sa pagpapaunlad ng bokabularyo ng mga mag-aaral ng
Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) sa Arellano
University - Andres Bonifacio Campus.
Layon ng pag-aaral na tugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang demograpik profayl ng mga mag-aaral batay sa:


1.1. Edad
1.2. Kasarian
1.3. Kagamitan sa panood ng pelikula
2. Anu-ano ang Impluwensya ng mga pelikula sa pagpapaunlad ng
bukabularyo ng mga piling mag-aaral ng BSIT sa Arellano
University - Andres Bonifacio Campus batay sa:
2.1. Pagbasa
2.2. Pakikinig
2.3. Panonood
3. Ano ang mga pelikulang karaniwang pinapanood ng mga mag-
aaral ng BSIT sa Arellano University - Andres Bonifacio
Campus?
3.1. Horror
3.2. Comedy
3.3. Action
3.4. Romance
3.5. Sci-fi (Science-Fiction)
4. Sumasang-ayon ka ba na may kaugnayan ang panonood ng mga
pelikula sa pagpapaunlad ng iyong kakayahan sa pagbasa at
pakikinig sa larangan ng Information Technology?

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa impluwensya ng pelikula
sa pagpapalawak o paglilinang ng bokabularyo sa mga piling mag-
aaral sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa
Arellano University – Andres Bonifacio Campus upang makatulong
sa kanilang pag-aaral larangan ng nasabing kurso.
Lubos na isasaalang alang ng mananaliksik na ang mga
personal na datos ng mga nakuhang respondente gaya ng pangalan,
baitang, edad, at kasarian ay hindi kakalat. At ang mga kukuning
respondente ay mga mag-aaral ng Arellano University – Andres
Bonifacio Campus na mayroong kursong BSIT.

You might also like