You are on page 1of 5

Kabanata I

Mga Kasanayan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga mag Aaral sa TNHS- ANNEX

PANIMULA

Ang pagsulat ng sanaysay ay isa sa mga kasanayan na dapat malinang ng isang

indibidwal. Mahalaga ang pagsulat dahil ito ay tinatawag na lundayan ng lahat ng iniisip,

nadarama, nilalayon at pinapangarap ng tao. Maaari itong gawin upang ipadama ang mga

bagay na hindi kayang sabihin. Sa pang-araw-araw na gawain sa paaralan, isa ang pagsulat

sa mabisang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral maliban sa pakikinig, pagsasalita,

pagbabasa at panunuod. Gayundin naman ang isang manunulat, sila ay nagsusulat tungkol sa

kanilang karanasan sa buhay.

Pinatunayan ng maraming pag-aaral na malaki ang naitutulong ng pagsulat sa

paghubog ng isang tao. Sa pamamagitan ng pagsulat , naipapahayag ang paniniwala,

mithiin, pangarap, nararamdaman, bungang-isip at nakikilala ng tao ang kanyang kahinaan

at kalakasan. Ang pagsulat ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa

lohikal na pag-iisip at paglutas ng mga suliranin. Napapaunlad ang ibang kasanayang

pangwika tulad ng pagbabasa, pagtatala, pakikipagtalakayan at iba pa. Isinagawa ang pag-

aaral na ito upang matukoy ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa

unang taon ng kursong Edukasyon sa Saint Louis University at matukoy ang antas ng

kalinawan ng mga pangungusap na may kamalian ayon sa pagtataya ng mga guro ng

Filipino at; masuri ang kaugnayan ng unang wika, kasarian at eksposyur sa midya ng mga
mag-aaral sa kanilang kamalian sa pagsulat. Ginamit ang modelo ni Hendrickson sa

pagsusuri ng kamalian ng mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpapasulat ng sanaysay sa mga

mag-aaral, lumabas sa pag-aaral na may mga pagkakaiba ang kamalian ng mga mag-aaral sa

aspektong morpolohikal, sintaktikal at leksikal. Ang unang wika at eksposyur sa midya ay

may kaugnayan sa kanilang kamaliang nagawa sa morpolohikal, sintaktikal at leksikal,

samantalang ang kasarian ay walang kaugnayan 0 di makabuluhan.

Sa mga araw ngayon mas dumadami pa ang mga estudyane ng Tarlac National High

School-Annex ang hindi sanay sa pagsulat ng sanaysay.

Ang pag aaral ng ito ay upang maintindihan kung paano mas mahasa pa ang mga

mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay ng Tarlac National High-School Annex.

Suliranin ng Pag Aaral

Ang pag aaral ng ito ay upang maintindihan kung paano mas mahasa pa ang mga

mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay ng Tarlac National High-School Annex.

Ang pag aaral na ito ay nag hahanap ng mga kasagutan sa mga sumusunod:

Paano inilalarawan ang Kasanayan sa Pagsulat inilalarawan ang mga ito:

1.1 Akademikal

1.2 Referensyal

1.3 Pormal na Sanaysay

1.4 Di-Pormal na Sanaysay


2. Ano ang dahilan ng hindi pagkasanay sa pagsulat ng sanaysay?

3. Ano ang senyales ng pahayag ng Kasanayan sa pagsulat ng sanaysay

4. Ano idea ang ipapahayag mo upang mas mahasa sa pagsulat ng sanaysay?

5. Ano ang implikasyon ng pag-aaral?

Significance of the Study

Para sa Tagapangasiwa. Kayang ma isolba ang problema ng mga estudyante na hindi

sanay sa pagsulat. Ito ay kung paano matukoy ng tagapangasiwa and problema ng mga

estudyante na hindi sanay sa pagsulat.

Para sa Guro. Ang impormasyon dito ay mag bibigay gabay sa mga guro kung ano ang

kaninilang gagawin. Ang mga guro na ito ay mas maiintindihan pa nila kung paano masanay

ang mga estudyante sa pagsulat.

Para sa Magulang. Gaya ng mga guro, ang mga magulang rin ay mas maiintindihan kung

bakit ang kanilang anak ay kailangan pang masanay sa pagsulat. Ang impormasyon na ito ay

tulong upang magbalangkas ng mga paraan upang mahasa ang kanilang mga anak. Ang

impormasyon na ito ay makakatulong rin sa mga aksyon ng kanilang mga anak.

Para sa Estudyante. Ang resulta ay mag bibigay kaalaman sa pagsasanay ng pagsusulat

kung paano mahasa. Mapagpanto ng mga estudyante na ang kasanayan sa pagsulat ay mas

mahalaga sa kanilang inaakala at magagamit nila ito parehas sa mga estudyante at sa mga
tao na nakapaligid sakanila. Sa huli ay malalaman na ng mga estudyante na ang pagkasanay

sa pagsulat ay kailangan sa lipunan.

Para sa susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang isang

reperensya para sa mga makakakuha ng parehas na pananaliksik.

Saklaw at Limitation ng Pag-Aaral

Ang layunin ng pag aaral na ito ay upang mas mahasa pa sa kasanayan sa pagsulat

mga mag aaral ng Tarlac National High School-Annex ng 2019-2020. Partikular na layunin

nito ay upang ilarawan ang kasanayan sa pagsulat sa mga tuntunin ng Sanaysay, Pagsulat,

Pormal na Sanaysay, Di-Pormal na Sanaysay. Ang pakay nito ay mag hanap ng mga

solusyon upang upang mas mahasa ang pagkasanay ng pagsulat ng sanaysay.

Depinisyon ng mga terminolohiyang ginamit

Ang layunin nito ay maging gabay upang maibahagi at maunawaan ang bawat salita

na makikita sa pag-aaral upang mas maintindihan nang maayos ang sinasaliksik.

Kasanayan. Ang kasanayan ay ang natutunang kapasidad o kakayahan na maipatupad ang

mga resultang nauna nang natukoy at kadalasang may mababang paggugol ng panahon,

enerhiya o pareho.

Pagsusulat. Ito ay paglalarawan ng Wika sa Tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan

ng pag gamit ng isang pangkat ng mga Tanda o Sagisag.


Sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng

nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay

ay may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng

opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

Akademikal. Ito ay maaring maging kritikal na sanysay, lab report, esperimento,

konseptong papel, term paper o pamanahong papel, pananaliksik, o disertasyon. Itunuturing

rin itong isang intelektuwal na pagsusulat dahil layuinin nitong pataasin ang antas at

kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Journalistic. Pampahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga

mamamahayag or journalist.

Pormal na Sanaysay. Ang sanaysay na pormal ay ang uri ng sanaysay na nagbibigay ng

impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan, nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng isyu.

Di-Pormal na Sanaysay. ang sanaysay na di-pormal naman ay ang uri ng sanaysay na

nagpapahiwatig ng opinyon, obserbasyon, kuro-kuro o saloobin ng may-akda.

You might also like