You are on page 1of 9

Mga salik sa Kakulangan sa Kasanayan

sa Pagsulat ng mga
Mag-aaral

Isang Pananaliksik na iniharap


sa Departamento ng Junior High School

SAINT JUDE THADDEUS INSTITUTE OF TECHNOLOGY


Lungsod ng Surigao

Bilang Bahagi ng Katuparan


ng mga Hinihinging Pangangailangan sa
Asignaturang

Fredriech L. Jacosalem
Glemon Roed E. Sepe
Noe G. Detuya
Hulyo, 2017
Panimula

Maraming bilang ng mga mag aaral ang nagpapakita ng

pagkayamot, kawalan ng motibasyon sa pagsulat at kung minsan ay

hirap na hirap sa pagbuo ng ideya.

Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang nauukol sa

wastong gamit ng mga salita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan

at retorik. Marapat lamang na ang isang mag aaral ay maihanda at

magabayan sa pagkakamit ng mga kasanayang nabanggit upang maging

magaan at mabisa ang pagsusulat.(Badayos, 1999)

Tunay ngang ang Pilipinas ay pinagkalooban ng wika na may

makasaysayang nakaraan ngunit isang hamon sa bawat isa na

magamit at mas mapaunlad ito. Ang pagsulat ay isang kasanayan na

nararapat lamang na bigyang pansin lalo na ng mga mag aaral

sapagkat isa itong gabay sa paghahanda sa kinabukasan at

hinaharap ng bawat isa. (Aguillon, 2016)

Ang pagsulat ay pagsalin sa papel ng anumang kasangkapang

maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo

at ilustrasyon n gating kaisipan. (Liz Tsu, 2015)


Layunin

Ang pananaliksik na Pinamagatang Mga Salik sa

Kakulangan sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga mag-aaral ay

naglalayong:

A. Matukoy ang ibat ibang suliranin na nararanasan ng

mga mag-aaral pagdating sa pagsusulat ng sulatin.

B. Malaman nito ang kani-kaniyang paraan at istratehiya

ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng isang malikhaing

sulatin.

C. Makatulong upang masolusyunan ang problema at malinang

ang kakayahan pagdating sa pagsusulat ng mga mag-

aaral.

D. Matutunan ng mga mag-aaral ang tamang proseso o

hakbang sa pagsusulat ng sulatin.


Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naghahangad na masagot ang

sumusunod na katanungan:

A. Ano ang mga salik na naging dahilan sa kakulangan sa

kasanayan sa pagsulat?

B. Paano makakaapekto ang kakulangan sa kasanayan sa pagsulat

ng mga mag-aaral?

C. Ano-ano ang mga suliranin na kinakaharap sa pagsulat ng

mga mag-aaral?
Analisis
Rekomendasyong Solusyon

Batay sa pagsusuri ng resulta, ang mga sumusunod

ang rekomendasyon ng pag aaral:

A. Ang paglinang ng kasanayan sa pagsulat ay hindi lamang

nakadepende sa guro nararapat na tulungan ng bawat mag-

aaral ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbasa upang

lalong lumawak talasalitaan at magkaroon ng ideya kung

paano isinusulat ang isang komposisyon.

B. Maging aktibo sa pakikibahagi sa mga gawaing lilinang sa

kasanayan sa pagsulat upang marating ang yugto ng kamalayan

sa pagsulat.
Pagpapatibay
Konklusyon

Mahina ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng wakas ng kwento,

sanaysay, at liham. Ang pagsasagawa ng mga paghahanda sa

panimulang pagsulat at pagpapakita ng mga halimbawa ng mga

komposisyong isusulat ay para lumawak ang kaalaman ng mga mag-

aaral.
Talasanggunian

https://www.slideshare.net/analsalas923/thesis-ni-liz-tsu-

format-orig-edited

http://www.academia.edu/24227736/YUNIT_I_INTRODUKSYON_INTRODUCTI

ON

https://prezi.com/opcrdu23sj0d/mga-suliranin-na-kinakaharap-sa-

pagsulat-ng-mga-sulatin-ng-m/

You might also like