You are on page 1of 1

KUWALITATIBONG PANANALIKSIK

 Ito ay anyo ng pag-aaral na itinuturing na "nonnumerical" o "hindi nabibilang". Ang mga


datos ay itinatala at binibigyang-interpretasyon gamit ang "nonnumerical" na
pamamaraan gaya ng open-ended surveys, panayam, at mga detalyadong deskripsiyon
na kalimitang ginagawa sa iba't ibang disiplinang nabibilang sa Agham Panlipunan
(Trochim, Donnelly, at Arora (2014).
 Ito ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang
pag-uugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay
pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging naka batay sa mas malawak na
kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon,
at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

Sanggunian:

https://quizlet.com/250088137/disenyo-metodo-at-uri-ng-pananaliksik-flash-cards/

https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-ng-pananliksik.html

You might also like