You are on page 1of 6

Aralin 9:

MGA ISYUNG PANGWIKA SA UNIVERSITY OF MAKATI


HIGHER SCHOOL NG UMAK
PILIPINAS
Oras na nagsimula : ___________
Oras na natapos : ___________

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahang:

1. natutukoy ang mga isyung pangwika sa Pilipinas at


2. nabibigyang-linaw ang mga isyung pangwika sa Pilipinas.

PANIMULA
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon
na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ito rin ay ang
interaksyon ng mga tao sa isa’t isa. Kailanman ay hindi naging neutral o inosenteng larangan ang
wika. Ang komunikasyon, ayon sa mga pilosopo ng Frankfurt School, ay isang larangan ng
dominasyon. Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga
makapangyarihan, at instrumento naman ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga
biktima ng kapangyarihan. Hindi nakapagtataka, kung ganoon, na pagkatapos na pagkatapos ng
tagisang militar, ang laging kasunod ay ang tagisan ng mga wika. Katunayan, ang mas mahabang
proseso ng pagpapaamo ay nagaganap sa larangan ng wika.

PANGUNAHING NILALAMAN
WIKA AT KOMUNIKASYON

Ang wika ay isang bahagi ng


pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat. Isa rin itong likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng
isang kaparaanang lumilikha ng tunog at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas.
Sa pamamagitan nito, nag-uugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.

This study source was downloaded by 100000851253078 from CourseHero.com on 09-21-2022 23:55:58 GMT -05:00
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/file/71453236/ARALIN-9-Mga-Isyung-Pangwika-sa-Pilipinaspdf/
KWKP: MGA ISYUNG PANGWIKA SA PILIPINAS

Ayon sa Diksyunaryong Webster, “ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapabatid o


pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan”. Dagdag pa sa Barnhart (American College Dictionary), “ang komunikasyon ay
pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita,
pagsulat, o pagsenyas.”

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbulo.

POLITIKA NG WIKA

Isa sa mga pangunahing pagkakaiba ng tao sa hayop ang kakayahan niyang makapagsalita.
Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipapahayag niya ang kanyang mga ideya at saloobin. Subalit
pwede ring maging makapangyarihang sandata ang wika upang wasakin ang kanyang kapwa

Sa isang seminar, “Politika ng Wika: Dekonstruksyon, Ilusyon, Imahinasyon,” noong Agosto


19, 2008 sa St. Raymund’s Building, tinalakay ni Dr. Pamela Constantino, isang tanyag na
lingguwista at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, ang halaga ng wika sa lipunan.

Binigyang-diin ni Constantino na hindi maikakailang hindi ginagamit na midyum ang Filipino


sa pagtuturo at mga transaksyon sa negosyo bagaman ito
ang pambansang wika. Ayon kay Constantino, “Sagisag
ang pagturing sa wikang pambansa habang lisensiya
naman ang turing sa wikang dayuhan.” Ipinaliwanag ni
Constantino na mas madalas gamitin ang pambansang
wika sa mga usaping politikal gaya ng pangangampanya
tuwing eleksyon at talumpati ng pangulo sa mga
mahahalagang okasyon. Sa mga ganitong sitwasyon, mas
kinakailangan ng mga pulitiko na maunawaan ng masang
Pilipino ang kanilang mga sinasabi, “Nasa wika ang mga
konsepto o kaisipan na bumubuo sa lawak ng gawaing politikal kaya naman ginagamit ito para
magkaroon ng political control,” ani Constantino. Dahil sa wikang ginagamit ng mga pulitiko,
nagkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa mga nagaganap sa gobyerno. Maririnig sa anomang
lugar ang mga nagbabagang isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga pulitiko. Sa radyo,
telebisyon at kahit na sa mga mumunting tindahan, iisa ang bukambibig ng mga tao—
politika.“Talamak ang politika sa ating bansa. Tila nasa dugo na ng mga Pilipino ang pag-usapan
ang mga isyung may kinalaman sa ating gobyerno,” sabi ni Constantino. Taglay ng wika ang
This study source was downloaded by 100000851253078 from CourseHero.com on 09-21-2022 23:55:58 GMT -05:00
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/file/71453236/ARALIN-9-Mga-Isyung-Pangwika-sa-Pilipinaspdf/
KWKP: MGA ISYUNG PANGWIKA SA PILIPINAS

kakayahang baguhin ang paniniwala ng isang indibidwal. Sa pakikipag-ugnayan gamit ang wika,
maraming bagay ang maaaring magbago. Maaari ding magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ang
mga salita depende sa pagkakagamit nito. “Ang anomang kapangyarihan o puwersa ng wika ay
itinalaga ng institusyong sosyal,” ani Constantino. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong
kahulugan sa isang salita o pag-uugnay nito sa isang isyu, nagkakaroon ito ng kabuluhan sa lipunan.
“Natatago ang katotohanan sa salita,” ani Constantino. “Nagagawang kutyain ng mga Pilipino ang
mga politiko sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pangalang akma sa kanilang
pagkatao.”

Isang halimbawang binigay ni Constantino ang “Philippines 2000”. Nang tinanong niya ang
mga Tomasino hinggil dito, maraming mga mag-aaral na agad ikinabit ang terminolohiya kay dating
Pangulong Ramos dahil sa naging programa niya ito noong panahon ng kanyang panunungkulan.
Ngunit, lingid sa kaalaman ng nakararami, industrialization ang tunay na kahulugan ng “Philippines
2000” ayon kay Constantino. Pagpapatunay lamang ito na mas matindi pa sa tunay na sandata ang
wika. Kaya nitong sumugat ng damdamin, bumago ng mga paniniwala at itago ang katotohanan.

Sa ngayon, marami pang mga salitang maririnig na nagtataglay ng malalalim na kahulugan.


Kakabit na ng wika ang kapangyarihang kontrolin ang isipan ng mga tao kaya hindi na maiaalis ang
paggamit nito upang itago ang katotohanan at bigyan ng iba’t ibang kahulugan ang mga salita.
Hawak ng tao ang susi kung papaano mapabuti ang lipunan— ang wika.

PAGPAPLANONG PANGWIKA

Ang pagkuha ng isang asignatura o subject sa Language Planning ang magpapakilala sa


isang mag-aaral ng mga huwarang teorya at praktikal na pagkaunawa sa ilang bagay:

 pagpasya o pagpili ng wika


 paglinang at pagpapaunlad ng wika
 patakaran at pagbabalangkas ng wika
 pagsasagawa ng wika
 pagpapahalaga sa wika

Ang wikang Filipino ay isang wikang akademiko. Ang wikang Filipino bilang akademik na
wika ay isang barayti ng Filipino na ginagamit sa larangan o domeyn ng edukasyon. Ito ay ginagamit
bilang wika ng karunungan sa akademya.
This study source was downloaded by 100000851253078 from CourseHero.com on 09-21-2022 23:55:58 GMT -05:00
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/file/71453236/ARALIN-9-Mga-Isyung-Pangwika-sa-Pilipinaspdf/
KWKP: MGA ISYUNG PANGWIKA SA PILIPINAS

Elaborasyon ng wika
Proseso ng pag-unlad at pagbabago ng istraktura at gamit ng wika. Pagbabago sa ispeling
o pagbabaybay ang tuluyang paggamit ng wikang Filipino sa larangan ay unti unting nagreresulta
sa pagmodernisa at pagiintelektwalisa dito. Ayon kay Fishman (1974), “Ang pagpaplanong wika ay
nakadepende ng malaki sa elaborasyong leksikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng
intelektwalisasyon ng mga terminolohiya.”

Intelektwalisasyon
Pagpapayaman sa bokabularyo ng wikang Filipino upang magamit ito sa kasangkapan sa
talakayang intelektwal

 pagsasalin (east-silangan)
 lubusang panghihiram (xerox-xerox)
 transliterasyon (computer- kompyuter)

PANANALIKSIK PANGWIKA

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon


hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Matapos ang maingat at sistematikong paghahanap ng
mga pertinenteng impormasyon o datos hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin at matapos suriin
at lapatan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya sa
isa pang esensyal na gawain –ang paghahanda ng kanyang ulat-pampananaliksik.

GAWAIN
PANUTO: Panoorin ang isang video clip na nasa https://www.youtube.com/watch?v=Cy19L31XCfk
at suriin ang mga isyung pangwika na ipinakita rito.
Pagkatapos panoorin ang video clip, sagutan ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang naging suliranin ng mga kabataang sumagot sa interbyu?


2. Ano ang naging dahilan kung bakit hindi naging bihasa ang mga kabataan sa mga
pamilyar at di- pamilyar na salita?
3. Ano ang naging isyu nito sa lipunan?

This study source was downloaded by 100000851253078 from CourseHero.com on 09-21-2022 23:55:58 GMT -05:00
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/file/71453236/ARALIN-9-Mga-Isyung-Pangwika-sa-Pilipinaspdf/
KWKP: MGA ISYUNG PANGWIKA SA PILIPINAS

SARILING PAGTATASA/ KABATIRAN


PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang iyong napagtanto o natutuhan sa tinalakay tungkol sa kalagayan ng wika sa
Pilipinas?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano na kaya ang estado ng wikang Filipino sa kasalukuyan? Ilahad
ang iyong sagot.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

TAKDANG- ARALIN
PANUTO: Humanap ng isang artikulo tungkol sa mga isyung pangwika sa Pilipinas, dapat
ito ay bago o napapanahon. Isulat ito sa short bondpaper. Isusumite ito sa aking email
account. Huwag kalimutan ilagay ang pangalan at seksyon.

MGA BATAYAN/ SANGGUNIAN


Libro

Anastacio, T. M., Coralejo, E. F., Naval, J. C., & Talegon, V. M. (2016). Daloy ng Wika:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon: Brilliant Creations
Publishing Inc.

Balunsay, J. R., Bernales, R. A., Del Rosario, L. Z., Lopez, L. M., Martinez, E. P., Quijano, M.
R., . . . Tindugan, S. M. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Malabon: Mutya Publishing House Inc.

This study source was downloaded by 100000851253078 from CourseHero.com on 09-21-2022 23:55:58 GMT -05:00
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/file/71453236/ARALIN-9-Mga-Isyung-Pangwika-sa-Pilipinaspdf/
KWKP: MGA ISYUNG PANGWIKA SA PILIPINAS

This study source was downloaded by 100000851253078 from CourseHero.com on 09-21-2022 23:55:58 GMT -05:00
ABM & LANGUAGES DEPARTMENT
https://www.coursehero.com/file/71453236/ARALIN-9-Mga-Isyung-Pangwika-sa-Pilipinaspdf/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like