You are on page 1of 3

1)

Ang Malayuning Komunikasyon ay tungkol sa pagsulat,pagsasalita,at


pagsasagawa ng presentasyo sa iba-ibang audience at iba’t-ibang layunin.

Ang malayunin Komunikasyon ay isang kursong may tatlong yunit na


naghahasa sa kahusayan sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag- aaral at
nagpapataas sa kanilang kamalayang kultural at intercultural sa pamamagitan ng mga
gawaing multimodal na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mabisa at wastong
pakikipagkomunikasyon sa isang multicultural na audience sa local at global na
konteksto .Inihahanda nito ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga kagamitan sa
pagsasagawa ng mapanuring ebalwasyon sa iba’t-ibang teksto at tumutuon sa
kapangyarihan ng wika at impak ng mga imahen upang mabigyan ng diin ang
kahalagahan ng maingat na pagpaparating ng mensahe.Ang matatamong kaalaman
,kasanayan,at kamalayan ng mga mag-aaral mula sa kurso ay maaring magamit sa
kanilang pagsisikap sa akademiya sa kanilang napiling disiplina, at sa kanilang mga
propesyon sa hinaharap sa pamamagitan ng paggawa ng mahahalagang
komposisyong pasasalita,pasulat,audio- visual at web based para sa iba’t-ibang
layunin.

2)Bakit Mahalaga ang Malayuning Komunikasyon?

Mahalaga ang Malayuning Komunikasyon dahil dito mo malalaman ang


nangyayari sa mga taong wala sa iyong tabi o malayo sa iyo.Malalaman mo rin ang
mga bagay na nangyayari sa iyong paligid.Ang Kakayahan ng taong gumamit ng wika
at makipag-talastasan ang mahalagang salik upang siya’y makapamuhay nang maayos
at maiagpang ang kanyang sarili sa kanyang kapaligiran.kung walang komunikasyon ay
walang pag-unlad.Ang mensaheng dala ng bawat aklat,pahayagan,magasin,telebisyon
at teatro ay nagbibigay ng ideya sa tao at naghahamon na kayang piliin ang landas na
tatahakin.
3)Bakit kailangang gumamit ng Malayuning Komunikasyon sa pakikipag- usap o
pakikipagugnayan sa kapwa?

Ang komunikasyon ay ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa


ibang tao,para tayo magkaintindihan.Natutugunan at nagagampanan ang mga pang-
araw-araw na Gawain sa buhay.Napapataas at napapanatili ang pagkakakilanlan sa
sarili nalilinang ang kakayahang makipag-ugnayan at pakikipagpalitan ng impormasyon
sa ibang tao.

4)

Bilang mag-aaral bakit at kalian kayo dapat makikipagtalastasan?

Bilang mag-aaral ang makipag-talastasan ang mahalagang salik upang


siya’y makapamuhay nang maayos at maiagpang ang kanyang sarili sa kanyang
kapaligiran kung walang komunikasyon ay walang pag-unlad.

5)Ibigay ang katuturan ng Malayuning Komunikasyon?

You might also like