You are on page 1of 29

1

KABANATA I

Panimula

Sa paglipas ng mga panahon marami na ang nabago pagdating sa

pagpapaunlad ng bansa sa mga iba't ibang sektor ng ekonomiya dahil sa kasabay

nito ay ang unti unting pag unlad ng teknolohiya sa buong mundo. Sa Pilipinas,

kadalasan tayo ay kinukulang sa mga kagamitang kadalasan ay nakakatulong sa

ating bansa halimbawa na lamang ay sa mga transportasyon at sa mga armas

pang militar. Ngunit may mga teknolohiya parin naman na tayo ay nasa uso o

'trend' ika nga katulad na lamang ng gadgets. Ang kabataan ay isa sa mga

nangunguna pagdating sa pag gamit ng mga gadgets. Hindi naman natin ito

maiwasan dahil madali lang gamitin at nakakatulong ito sa ating pang araw-araw

na pamumuhay halimbawa na lang ay pakikipagkomunikasyon dahil narin sa

tinatawag nating 'internet'. Ngunit sa kabila ng kagandahang naidudulot nito sa

atin ay mayroon parin itong mga masasamang epekto sa atin.

Ang wikang Filipino ay napakaimportante sa lahat. Ito ay ating tulay upang

tayo ay magbuklod dahil sa pagkakaintindihin ng bawat isa. Maraming

kahalagahan at dulot ito sa ating bansa at sa iba pang bansang may mga sari-

sariling wika. Sa pamamagitan nito, napapaunlad natin ang ating sarili at bansa

kasama na rin ang kulturang ating kinagisnan. Ito ay karapat- dapat ding

ipagmalaki dahil mayroon tayong sariling wika. Hindi naging madali ang pagpili

noon sa ating wika. Maraming pinagdaanang proseso o pagaaral ang naisagawa

para ito ay maging opisyal na wika ng bansang Pilipinas. Sa ating modernong


2

panahon, ang wika ay kadalasan paring ating ginagamit ngunit hindi

napapahalagahan. Hindi naging madali ang kinakaharap ng ating wika lalo na't

tayo ay agad maiimpluwensiyahan ng mga makabago sa ating pandinig,

nasusulat at nakikita.

Ang wika at teknolohiya ay maaaring iugnay sa isa't isa. Katulad na

lamang na may masama at mabuting dulot ang teknolohiya sa ating wikang

Filipino. Madaming pagaaral ang sumubok upang matuklasan at masulusyunan

ang pagkabahala ng mga piling pilipino sa pag gamit ng wika. Hindi natin

makakaila ang madaming epekto sa atin ng mga gadgets at internet sa ating

sarili kaya hindi maiwasang mabahala ang ilang mamamayan natin na may

pagpapahalaga sa ating lahat lalo na sa ating wikang ating minahal at

pinahalagahan.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layuning makapagbigay ng solusyon sa

suliraning maaaring harapin ng mga maapektuhan ng ICT sa pag-aaral ng wika

sa mga mag-aaral ng Antonio Uy Tan Senior High School HUMSS 2 sa taong

2019-2020. Sinasagot sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1.) Paano naging hadlang ang ICT sa pag-aaral ng wika sa mga mag-aaral ng

Antonio Uy Tan Senior High School HUMMS 2 sa taong 2019-2020?

2.) Ano ang mga suliranin at naging epekto ng maaaring maging problema sa

paggamit ng ICT sa pag-aaral ng wika sa mga mag-aaral ng Antonio Uy Tan

Senior High School sa taong 2019-2020?


3

3.) Paano masusulosyunan ang suliraning kakaharapin sa mga maaaring epekto

ng ICT sa pag-aaral ng wika sa mga mag-aaral ng Antonio Uy Tan Senior High

School HUMMS 2 sa taong 2019-2020?

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong

makikinabang o matutulungan sa mga sumusunod:

MAG-AARAL. Dahil kadalasan ito ay ginagamit, mas magiging maingat at

maitatama ang pagkakamali sa paggamit ng ICT na nagkakaroon ng mga epekto

ng pagaaral sa wika.

GURO. Mas mabibigyan ng kaisipan at kasanayan sa paggamit ng ICT

ngunit sa tamang pamamaraan upang ang wika ay hindi maapektuhan.

MAGULANG. Mabibigyan ng kamalayan sa paggamit ng ICT na

makakatulong sa pag gabay sa mga anak tungo sa pag-aaral ng wika.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Nakatuon ang pananaliksik na ito sa epekto ng ICT sa Pag-aaral ng wika sa

mga Mag-aaral ng Antonion Uy Tan Senior High School.

Saklaw nito ang mga Mag-aaral na nasa ika- 11 Baitang sa Antonio Uy Tan

Senior High School na mayrooong papel pananaliksik sa asignaturang Filipino.

Limitado ang pananaliksik na ito para sa mga nasa Ika-11 baitang lamang

sapagkat bahagi ng kanilang pag-aaral sa asignaturang “komunikasyon at


4

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino”. Gayunding sila ay ang kauna-

unahang hanay ng mga mag-aaral na sumasailalim sa programa ng gobyernong

K to 12 sa paaralan ng Antonio Uy Tan Senior High School. Lubos ang paniniwala

na mananaliksik na malaki ang kontribusyon ng isinasagawang pananaliksik

sapagkat ito ay makakatulong upang mas mabilis na matutunan ang mga

proseso at hakbang sa pag buo ng isang papel.

Kahulugan ng mga Terminolohiyang Ginagamit

Pananaliksik - ay proseso ng pangangalap ng mga totoong Impormasyon na

humahatong sa kaalaman. Isang prosesong mapagsuri, sa mas mainam na pag

papaliwanag ng mga o obserbasyon.

Wika - ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.

Tinatayang nasa pagitang ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,

Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika.

ICT - ay programa ng pinag-aaralan ang paggamit, pag-ayos at lahat ng dapat

malaman tungkol sa computer, ay tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng teknolohiya na

ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha at

magbabahagi ng mga impormasyon.

Mag-aaral - Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at

makadiskubre ng mga bagay. Ang mga estudyante ay nangangailangan ng mga

silid-aralan at mga kagamitan pang-iskwela.


5

Kultura - “Kaparaan ng mga tao sa buhay” paraan kung pano gawin ang mga

bagay- bagay. Sumasailalim sa iba’t-ibang teorya o kaunwaan.

Teknolohiya - Tumutulong sa paglunas ng mag suliranin ng tao. Nakikita ang

teknolohiya bilang ang kasalukuyanng kalagayan ng ating kaalaman.

Internet - Ang internet ay isang sistema na ginagamit sa buong mundo upang

makapag konekta ang mga kompyuter.

K to 12 - pinaplanong pagbabago sa progrmang pang-Edukasyon ng

Department of Education (DepEd) sa Pilipinas.

Social media - Ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong mundo sa

pamamagitan ng elektronikong gamit tulad ng kyompyuter, cellphone, tablet at

iba pa na pwede.

Balangkas Konseptuwal

Input Proseso

Ang Ang solusyon sa


Ang mananaliksik gagawing
mananaliksik ay
ay nakatuon pananaliksik ay
magsasagawa
lamang sa mga maaring
ng interbyu at
mag-aaral ng kakalabasan sa
survey
HUMMS 2 sa inaasahang
patungkol sa
paaralang sagot sa
HUMMS 2 sa
Antonio Uy Tan. interview na
epekto ng ICT
sa pag-aaral ng pupwedeng may
a.edad
wika. magandang
b.kasarian maidudulot o
hindi ang ICT sa
pag-aaral ng
6

Pigyur 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ang nakapaloob sa input ay ang mga mag-aaral ng HUMSS 2 lamang kung

saan sila'y bibigyan ng pagkakakilanlan mula sa pangalan, edad at kasarian. Ang

mga mag-aaral na ito ay mabibigyang pansin sa gagawing pananaliksik sa

asignaturang Filipino na pupwedeng makatulong sila at sa mananaliksik.

Ang gagawing survey ay ang prosesong magaganap sa mag-aaral ng HUMSS 2.

Sila ay mabibigyan ng pagkakataong matanong at makasagot patungkol sa

nakalaang pananaliksik.

Ang maaaring solusyon ng gagawing pananaliksik ay pagtama sa angkop na

pamamaraan sa pag gamit ng ict upang hindi maapektuhan ang pagaaral sa

ating wika.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Literaturang Konseptwal

Ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

nakuha sa mga binasang aklat, tesis, disertasyon, journal at iba pang babasahing
7

na may malaking kaugnayan sa pag-aaral, banyaga man o lokal ang mga

kaugnay na literatura ay isinama sa pananaliksik na ito.

Mga Dayuhang Literatura

Sa mabilis na paglaganap ng teknolohiya sa mundo, isa ang ICT o ang

Information and Communication Technology sa mga bagay na may malaking

naitutulong sa mabilisna pag-unlad ng isang bansa. Ayon kay Christensson

(2010), ang ICT ay ang mga teknolohiya na nagbibigay daan sa pagbabahagi ng

mga impormasyon sa pamamagitanng pakikipagkomunikasyon. Kinapapalooban

ito ng iba’t ibang kagamitan, tulad ng internet, wireless networks, cellphones at

iba pang mga kagamitan na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Pinabilis ng

ICT ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon, na talaganamang

mahalaga para sa lahat. Sinabi ni Sollysms (2015) sa kanyang artikulo

nainilathala sa bansang Nigeria, ang ICT ay mahalaga sa buhay ng tao, ang

kakulangan ng angkop na impormasyon ay makaaapekto sa pagiging produktibo

at mababang kalidad ng mga pananaliksik. Dagdag pa niya, ang ICT ay may

malaking epekto sa ating pang-araw-araw na buhay, halimbawa ang pagbabasa

ng mga dyaryo ay maaari naring mabasa sa pamamagitan ng internet, maaari na

ring mapabilis nito ang komunikasyonsa`yong pamilya, kamag-anak o mga

kaibigan kahit nasaang dako pa sila ng mundo sapamamagitan ng paggamit ng

e-mail, yahoo messenger, call conference o videoconference. Kaya naman Malaki

talaga ang naitutulong ng ICT sapakikipagkomunikasyon at pagkuha ng mga

impormasyon ng mga tao.Sa paglipas nga ng panahon, ang ICT o ang

Information and CommunicationTechnology ay hindi na lang sa para sa


8

pakikipagkomunikasyon, pagbabahagi at pangangalap ng impormasyon, ito ay

ginagamit na rin sa edukasyon. Tinatawag na “knowledge society” ang

ikadalawampung siglo dahil sa paggamit ng mga tao sa teknolohiya. Ayon nga

kay Reid (2013) sa kanyang pag-aaral, tinugunan ng ICT ang

mgapangangailangan sa loob ng klasrum, nagagawa nitong dalhin ang mga

impomasyon saloob ng klasrum gaya na lamang ng paggamit ng internet na

nagbibigay ng impormasyonna malayong makuha kapag nasa loob ka ng klase,

pinadali ito ng paggamit ng ICT. Kaugnay pa rito, ipinahayag ni Jo Shan Fu

(2013) sa kanyang journal na ang paggamit ng ICT sa edukasyon ay mas

lumawak, sa pamamagitan ng ICT ang pagkatuto ay maaarinang maibahagi kahit

anong oras o lugar. Halimbawa rito ay ang mga online coursesmaterials na

nagagamit o maaaring gamitin anumang oras. Isinaad din niya na sa

pamamagitan ng paggamit ng mga video, audio sounds, o visual observation

maaari nang matuto ang mga mag-aaral. Sinang-ayunan naman ito nina Castro

Sanchez at Aleman (2011) na ang ICT ay tumutulong sa pagbabago ng

pagtuturo, hinahayaan nitong matuto sa kanyang sarili ang isang mag-aaral. Sa

pamamagitan ng ICT ang mag-aaral ang siyang tumutuklas sa mga kaalaman.

Ayon pa nga kay Dr. Johari Bin Mat, Secretary-General ng Ministry of

Educationng Kuala Lumpur, Malaysia, sa isang kumperensya tungkol sa E-

Learning noongMayo, 2000: “Technology has been and is becoming an important

component of teaching and learning in the educational system… Information and

Communication Technology(ICT) provides powerful tools for accessing, storing

and disseminating information… Our approaches to teaching, preparing contents

and delivering learning materials needs to be adjusted according to the existence


9

of this technology. The classroom isno more static physical set-up, but rather a

dynamic existence…. Teachers should be able to integrate technology in their

process of teaching and learning… Technology supports learning. It will enable

teachers to pursue traditional goals with new fervorand success. This ipact of

technology will give a new dimension to the quality of the education system….

Technology supports the learners to bring about significant change in learning.”

Pinatunayan lang nito na ang Information and Communication Technology ay

naging bahagi na ng pagtuturo at pagkatuto, samakatuwid malaki ang

naiaambag ng Information and Communication Technology Ayon pa nga sa isang

journal na inilathala sa Pakistan, ang paggamit ng Information and

Communication Technology sa edukasyon ay sinusuportahan ng lahat kabilang na

ang pamahalaan. Sinasabi ng mga stakeholders na dapat ang paggamit ng ICT

sa edukasyon ay siyang sentro ng kurikulum, kinakailangan din na ang mga

school administrations ay maglaaan ng mga kagamitan na pang-ICT upang sa

patuloy na pag-unlad ng edukasyon. Ayon din dito kinakailangan na ang mga

guro sa ikadalawampungisang siglo ay may kakayahan sa paggamit ng

teknolohiya nang sa gayon makatugonsila sa pagbabago at pangangailangan ng

mga mag-aaral.Kaugnay dito, ang paggamit ng Information and Communication

Technology sa edukasyon ay may mga benipisyo ayon sa pag-aaral. Narito sa

ibaba ang mga benipisyo na matatamo sa paggamit ng ICT sa edukasyon:Sa

mga guro:

• higit na kahusayan sa buong paaralan


10

• Ang communication channel ay mas sa pamamagitan ng e-mails, discussion

group, at chat rooms

•Ang regular na paggamit ng ICT sa iba’t ibang paksa ng kurikulum ay

maaaringmakapagdulot ng kapaki pakinabang na motibasyon para sa pagkatuto

ng mgamag-aaral.

•Mas napadadali ang pagpaplano at paghahanda ng paksang-aralin at

mgakagamitan dito.

•Pagpapahusay ng propesyonal na imahe sa mga kasamahan.

•Ang mga mag-aaral ay mas nakagagawa ng mga gawain at mas

naipaparatingang kanilang positibong nararamdaman gamit ang kompyuter

kaysa sa bigyan silang ibang gawain. Sa mga Mag-aaral:

•Mas mataas na kalidad ng paksang aralin sa pamamagitan ng pagtutulungan

ngmga guro sa pagpaplano at paggawa ng mga kagamitan.

•Nakatutulong na mas makaintindi at mahasa ang kasanayan sa

pagsusuri,kasama ang pagbasa.

•komprehensyon

•Pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat (kasama rito ang ispeling,

balarila,pagbabantas, pagsasaayos at pagsusulat muli ng burador)

•Pagpapaunlad ng kanilang paraan sa pagkatuto


11

• Ang mag-aaral na gumagamit ng Educational Technology ay mas nakadarama

ngpagiging matagumpay sa paaralan, mas nagkakaroon ng kawilihan sa

pagkatutoat at mas nagkakaroon ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili.

•Mas natututo ang mga mag-aaral kapag ginagamitan ng teknolohiya ang

paksangtinatalakay at mas nagiging interaktibo ito dahil sa ito ay nagiging

student centered kaysa sa tradisyunal na pagtuturo. Ayon naman kay Gamboa-

Balbas (2015) sa pamamagitan ng ICT maaaringmaging tuon ng pagkatuto ang

mga karanasan. Bukod pa rito ang karamihan sa mga mahahalagang

impormasyon sa iba’t ibang paksa ay maaaring dalhin sa loob ng silid-aralan,

kung kaya`t ang ICT ay knikilalang papaunlad na larangan na makikitaan

ngmaraming poetensyal sa pagbibigay-kabuluhan sa proseso ng pagkatuto.

Dagdag pa rito,ginagamit ang teknolohiya upang linangin pa ang kaalaman,

kaya, mahalagang magingkomportable ang mga tagapagturo sa paggamit nito

upang maisakatuparan nang ganapang kapakinabangan ng teknolohiyang pang-

edukasyon.

Ang pagsasanay sa teknolohiya ay masasabing nakatuon lamang sa

pangnilalaman at kakayahan ng paggamit nito nakaliligtaan na ang pag-ugnay ng

teknolohiya, sining ng pagtuturo at nilalaman. Bilang resulta, ang mga guro ay

natututong mga interesadong bagay, ngunit mahihirapan pa rin silang gamitin ito

para sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Isinaad din ni Gamboa-Balbas, na kapag

ang ICT ay naituro nang mabuti, makikitang napatataas nito ang antas ng pang-

unawa at kakayahanng mga mag-aaral sa kanilang mga sabjek. Iyan ay dahil

ang tunay na ICT ay mas pumapatungkol sa kakayahang mag-isip kaysa sa


12

pagpapakadalubhasa ng isang partikular na software application. Nagbibigay din

ito ng kapwang mapagkukunan at ng balangkas sa pagtuturo sa paghimok ng

mga bata na maging epektibong mag-aaral.

Lokal na Literatura

Sa panahong tinatawag na digital, nagiging mahalaga ang kakayahan at

talento ng bawat indibidwal. Nagbabago na ang mga pamaraan sa pag-oorganisa

ng mga bagay. Ang teknolohiya ay nakapag-aambag na rin sa inaasahang

pagbabago salarangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang tekholohiya ngayon ay

nagbibigay na ng malawak na oportunidad para sa pagkatuto ng mga mag-aaral,

lalo na ang paggamit sa midya. Ayon kay Tamayo (2014) inilahad niya na ang

teknolohiya ay nakapag-aambag narin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng

pagtuturo at pagkatuto. Ang guro samakabagong panahon ay maaaring hindi

kayang ibigay lahat ang mga pangangailangan na hinahanap ng kanyang mga

mag-aaral. Katulad ng maraming bagong kasanayan at kaalaman na kailangan sa

pagpapaunlad ng kurikulum at pagtataya, mga bagong pedagohiya naman ang

nalilikha habang ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang teknolohiya sa

pananaliksik at pagkatuto. Ang suliranin ukol sa umaapaw na impormasyon ay

totoo kaya ang mga guro ay napipilitang mamili tungkol sa paggamit ng

teknolohiya na maaaring magagamit sa pananaliksik at paghahanap ng mga

inobatibonglapit at estratehiya sa pagtuturo.Inilahad naman ni Delos Reyes

(kasalukuyan) na nagsagawa ng mga pagbabago ang bawat sangay ng pang-

edukasyon upang maging bahagi ang ICT ng kurikulum. Inihapag nga ng DepEd

Information Technology Framework ang mga paraan para sa Integrasyon ng ICT


13

sa batayang edukasyon mula 2000-2005, tulad ng school computerization,

teacher training, IT curriculum development, multimedia content development,

financing, monitoring at evaluation. Tinatayang 80,000 personal computers (PCs)

ang kailangang maibigay sa mga pampublikong paaralan na may Computer

laboratory (18 PCs bawat isa sa 4,209 sekondaryang paaralan sa buong bansa).

Sataong 2000-2001, tinatayang may 1,571 na paaralan ang nakatanggap ng

mgakompyuter mula sa tulong ng pamahalaan at pribadong sektor. Inilahad ng

pag-aaral ni V.L. Tinio (2010) ang kalagayan ng pagtuturo ng ICT sa batayang

antas. Pangunahing usapin dito ang koneksyon at paggamit (equity of access) sa

pasilidad. Limitado ang bilang ng pasilidad sa ICT kung ihahambing sa

napakalaking bilang ng mga mag-aaral sa klase. Ang kawalan ng Local Area

Networks (LANs) ang dahilan ng kawalan ng koneksyon sa internet, nariyan din

ang kawalan ng sapat na hardware, peripherals (printers, scanners, digital

camera, at iba pa.), at network technologies. May kakulangan matindi din sa

application software, tulad ng drill and practice software, tutorials, simulations,

composition programs, educational CD`s, at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit

hindi lubusang makakamit ang kahalagahan ng teknolohiya sa kurikulum.

Nakalaan ang kakaunting software sa paaralan sa Matematika, Agham at Ingles.

May matinding pangangailagan sa mga digital resources na nasa katutubong wika

para sa asignaturang Filipino, Values Education at Makabayan. Samakatuwid, ang

paggamit ng Information and Communication Technology sa edukasyon ay

sinusuportahan ng pamahalaan. Ito ay nangangailangan ng sapat na

mgakagamitan upang magamit ng bawat isa, guro man o mag-aaral. Nilalayon

ng paglalapatna ito sa edukasyon ay upang matustusan ang pangangailangan ng


14

bagong kurikulum atmakaagapay sa pandaigdigang kompetisyon (Delos Reyes,

2011) Kaugnay nga rito, ang paggamit ng Information and Communication

Technology sa edukasyon ay nagiging mabisa. Ayon kay Sta. Clara (2014) sa

kanyang artikulo, ang teknolohiya ay nakapag-aambag at nagbibigay ng

malaking pagkakataon para sa pagkatututo ng mag-aaral, partikular na nga ang

paggamit ng midya sa pagtuturo. Dagdag pa niya ang multimedia o ang midya

ay dinisenyo upang mapagaan ang proseong pagtuturo at pagkatuto, sa

pamamagitan nito nagiging kapanapanabik, nakagaganyak at natutulungan ang

mga mag-aaral na matuto sa makabagong paraan, makikita sa gumagamit ng

midya ang totoong mundo na gusto ng mga kabataang mag-aaral kagayang

tunog, mga larawan bidyo atbp. na maaaring hindi nararanasan ng mga mag-

aaral sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo, kaugnay pa rito, tumataas din

ang “antas ng interaksyon” ng mga mag-aaral kapag ginagamit ito sa pagtuturo.

Isinaad din ni Sta Clara(2014) na ito ay malaking tulong sa mga guro na lumikha

ng mga gawain o karanasan sa pagkatuto ng bawat indibidwal na mag-aaral.

Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang

mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Iba’t ibang klase ng teknolohiya ang

ginagamit sa loob ng klase depende sa kung anong asignatura o paksa ang

kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na siglo, ang simpleng

prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga mag-aaral at mga

pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas

maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa

makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento

na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter na maaaring maka-access ng


15

internet. (Marmay 2011) Ayon pa kay Marmay (2011) karamihan sa mga

paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay gumagamit na ng mga

kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag na computer

laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil dito,

mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas

epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa

internet. Maraming gawain ang naisasagawa sa tulong ng makabagong

teknolohiya partikular na ang kompyuter at internet. Sa tulong ng makabagong

teknolohiya bilang gamit sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ay tumataas ang

interes ng mga mag-aaral at napupukaw ang kanilang interes. Ayon din kay Wolf

(2010), mataas ang porsyento na natututo ang mga mag-aaral kung ang isang

impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng mga makabagong

teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob ng paraalan mas tumataas ang

interes ng mga mag-aaral na makinig at mapukaw ang kanilang atensiyon. Ayon

naman kay Tolentino, hindi bago ang midya ng pelikula, musika, at iba pang

tekstong pang midya. Matagal nang naimbento ang mga ito. Ang bago ay ang

paggamit sa midya bilang kasangkapan sa pagtuturo ng panitikan. Sa panahon

ng filesharing at downloading, film, at music piracy, pati na rin ang pagpasok ng

abot-kayang DVD player, MP4, at portable media player, internet surfing, at

maging mailing. Isinaad niya na ang nakaimprentang panitikan ay

nangangailangan ng intelektuwalna kapital para magkaroon ng disiplina sa

pagbasa sa panitikan.Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-

unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit ito rin ay may

negatibong epekto Ayon sa isang pag-aaral, may masamang epekto ang


16

paggamit ng Information and Communication Technology sa edukasyon. Una rito

ang masamang epeto ng kompyuter, sa halip na gumagawa ng takdang-aralin

ang mga kabataan mas nauuna nila ang paglalaro ng online games. Ang ilan rin

na nakukuhang impormasyon sa internet ay hindi natin masasabing tama o

balido. Maaring ang mga impormasyon na nakukuha rito ay kathang isip lamang

o walang pinagbasehan.

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Panaliksik

Ang mga mananaliksik ay matiyagang na ngalap ng impormasyon sa

pamaamagitan ng matiyang pamimigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral

ng Antonio Uy Tan sa Departamento ng Senior High School at pangangalap ng

mga datos sa aklatan at mga thesis.


17

Sa kabanatang ito inilalahad ng disenyo at pamamaraan ng mga

mananliksik, disenyo, respondente, teknik, instrument, paraan ng pagsasagawa

at istralehiyang gagamitin ng mga mananliksik sa pagsusuri ng ibinibigay na

talatanungan.

Disenyo

Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive survey

o pagllalarawan panunuri dahil iinilalarawantiro ang kinlabasan ng pag-aaral sa

pamamagitan ng tatanungan. Upang maisakatuparan ang pananliksik na ito ang

mga mananaliksik ay gumawa muna ng tatanungan o “questionaire” na siyang

ipisasagot sa mga mag-aaral ng Senior High School. Na nagiging saklaw ng pag-

aaral na ito. Pagkatapos malikom ang mga tatanungan, ito ay iwinasto at

matiyagang sinuri ng mananaliksik sa pamamagitan ng talahayan. Upang lalong

maging malinaw ang kinalabasan ng pag-aaral ay gumamit ang mga

mananaliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na ikakaunawa sa bawat

talahayan, Percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik sa pormula.

RESPONDENTE

Ang responte o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa

Antonio Uy Tan Senior High School Binubuo ng 25 mag-aaral.

Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mannanaliksik sa Prinsipal at

Gurong nangangasiwa sa respondent na mag-aaral na saklaw sa pag-aaral upang

maipamahagi ang mga tatanungan o kwestyuner na inihanda ng mga

mananaliksik upang matugunan ang hinahanapan ng kasagutan.


18

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga Respondente sa Mataas na Kahoy Senior High School

Track/kurso Kabuang Dami Bilang ng napiling

Respondente

HUMSS 2 25 25

Instrumento ng Pananaliksik

Ginagamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang

malaman ang mga salik na nakakapaapekto sa paraan ng pagamit ng teknolohiya

ng mga mag-aaral. Gumamit din ng aklat ang mga mananaliksik sa pagkalap ng

datos.

Tritment ng mga Datos

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos ma-itally ang mga

kasagutan sa kwestyuner ng mga respondente ay naipakita ang porsyento o

bahagdan sa daming sinang-ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong

na nakapaloob sa kwestyuner o talatanungan.

Talahanayan 2

Lawak Interpretasyon
19

3.50 – 4.00 Lubos na nakakaapekto/ Lubos na

Sumasangayon

2.50 – 3.49 Nakakaapekto/ Sumasang-ayon

1.50 – 2.49 Hindi Nakakaapekto/ Hindi Sumasang-

ayon

1.00 -1.49 Lubos na Hindi Nakakaapekto/ Lubos na

hindi sumasang-ayon

Likert Scale
20

SARBEY- KWESTYONER

Mahal naming Respondente,

Maalab na pagbati!

Ako si John Kissel C. Combo ng baitang 11 pangkat HUMSS-2 na

kasalukuyang nagsusulat ng isang pananaliksik ukol sa EPEKTO NG ICT SA

PAG-AARAL NG WIKA SA MGA MAG-AARAL NG BAITANG 11 PANGKAT

HUMSS-2 ANTONIO UY TAN SENIOR HIGH SCHOOL NG T.P. 2019-2020.

Kaugnay nito, inihanda ko ang kwestyoner na ito upang

makapangalap ng mga datos na kailangan ko sa pananaliksik.

Kung gayon, mangyayaring sagutan nang buong katapatan ang mga

sumusunod na aytem. Tinitiyak ko po na magiging kompidensyal na

impormasyon ang iyong mga kasagutan.

-Mananaliksik

______________________________________________________________________________________________________

Pangalan (opsyunal): ________________________________________________________________________

Kasarian: Lalaki Babae

Edad: 16-17 18-19

20-21 22-pataas

_____________________________________________________________________________________________________
21

Direksyon: Lagyan ng tsek (✔) ang kahon ng iyong napiling sagot.

1. Sa paanong paraan ka gumagamit ng teknolohiya gamit ang wikang

Filipino?

Sa pag-aaral Sa paglalaro Sa paggamit ng social media

2. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng ICT sa pag-aaral ng wikang Filipino?

Oo Hindi Hindi ko alam

3. Para sa iyo, mahalaga ba ang ICT sa pag-aaral ng wika?

Oo Hindi Hindi ko alam

4. Epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa paggamit ng ICT?

Oo Hindi Hindi ko alam

5. Sang-ayon ka bang tanggalin ang ICT sa kolehiyo?

Oo Hindi Hindi ko alam


22

KABANATA IV

Kasarian Bilang Bahagdan

Babae 10 40%

Lalake 15 60%

Kabuoan 25 100%

Pigura 1: Bilang ng Tagasagot Batay sa Kasarian.

Pigura 1. Bilang ng Tagasagot Batay sa Kasarian kung saan Dalawangpu’t

lima (25) ang Respondente, Habang ang Labinglima (15) o 60% Ang

Bilang ng Lalake at Ang Nalalabing Sampu (10) o 40% Ang Babae.

Edad Bilang Bahagdan

15-16 5 20%

17-18 16 64%

19-20 4 16%

Kabuoan 25 100%
23

Pigura 2: Bilang ng Tagasagot Batay sa Edad.

Pigura 2. Bilang ng Tagasagot batay sa Edad kung saan Dalawangpu’t lima (25) o

100% ang Respondente, Labinganim (16) o 64% ang nasa Edad 17-18, Habang

ang Lima (5) o 20% Ang Nasa Edad 15-16, Ang Nalalabing Apat (4) o 16% Ang

Nasa Edad 19-20.

Mga Tugon Bilang ng Sumagot Bahagdan

Sa pag-aaral 17 68%

Sa paglalaro 1 4%

Sa paggamit ng Social media 7 28%

Kabuoan 25 100%

Pigura 3: Bilang ng Sumagot na nagsasabing sa ganitong paraan nila nagagamit

ang Wikang Filipino.

Pigura 3. Bilang ng sumagot na nagsasabing sa ganitong paraan nila nagagamit

ang Wikang Filipino kung saan Dalawangpu’t lima (25) o 100% ang Respondente,

Labingpito (17) o 68% Ang Sumagot Sa Pag-aaral, Habang ang Pito (7) o 28%

Ang Sumagot Sa Paggamit ng Social Media at Ang Nalalabing isa (1) o 4% Ang

Sa Paglalaro.
24

Mga Tugon Bilang ng Sumagot Bahagdan

Oo 22 88%

Hindi 1 4%

Siguro 2 8%

Kabuoan 25 100%

Pigura 4: Bilang ng sumagot na sumasang-ayon sa paggamit ng ICT sa pag-

aaral ng Wikang Filipino.

Pigura 4. Bilang ng sumagot na sumasang-ayon sa paggamit ng ICT sa pag-aaral

ng Wikang Filipino kung saan Dalawangpu’t lima (25) o 100% ang Respondente,

Dalawangpu’t dalawa (22) o 88% Ang sumagot ng Oo, Habang ang Dalawa (2) o

8% Ang sumagot ng Siguro at Ang Nalalabing isa (1) o 4% Ang sumagot ng

Hindi.
25

Mga Tugon Bilang ng Sumagot Bahagdan

Oo 21 84%

Hindi 1 4%

Siguro 3 12%

Kabuoan 25 100%

Pigura 5: Bilang ng sumagot na nagsasabing mahalaga ang ICT sa pag-aaral ng

Wikang Filipino.

Pigura 5. Bilang ng sumagot na nagsasabing mahalaga ang ICT sa pag-aaral ng

Wikang Filipino kung saan Dalawangpu’t lima (25) o 100% ang Respondente,

Dalawangpu’t isa (21) o 84% Ang sumagot ng Oo, Habang ang Tatlo (3) o 12%

Ang sumagot ng Siguro at Ang Nalalabing isa (1) o 4% Ang sumagot ng Hindi.
26

Mga Tugon Bilang ng Sumagot Bahagdan

Oo 18 72%

Hindi 2 8%

Siguro 5 20%

Kabuoan 25 100%

Pigura 6: Bilang ng sumagot na nagsasabing epektibo ang pag-unlad ng Wika sa

paggamit ng ICT.

Pigura 6. Bilang ng sumagot na nagsasabing epektibo ang pag-unlad ng Wika sa

paggamit ng ICT kung saan Dalawangpu’t (25) o 100% ang Respondente,

Labingwalo (18) o 72% Ang sumagot ng Oo, Habang ang Lima (5) o 20% Ang

sumagot ng Siguro at Ang Nalalabing Dalawa (2) o 8% Ang sumagot ng Hindi.


27

Mga tugon Bilang ng Sumagot Bahagdan

Oo 1 4%

Hindi 20 80%

Siguro 4 16%

Kabuoan 25 100%

Pigura 7: Bilang ng sumagot na sumasang-ayon na tanggalin ang ICT sa

kolehiyo.

Pigura 7. Bilang ng sumagot na sumasang-ayon na tanggalin ang ICT sa kolehiyo

kung saan Dalawangpu’t lima (25) o 100% ang Respondente, Dalawangpu (20) o
28

80 Ang sumagot ng Hindi, Habang ang Apat (4) o 16% ay sumagot ng Siguro at

Ang Nalalabing Isa (1) o 4% ay sumagot ng Oo.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon ng pag- aaral. Ang pamagat ng pag- aaral na ito ay " Epekto ng

Ict sa pag-aaral ng Wika sa mga mag-aaral ng Baitang 11 Pangkat Humss 2 ng

Antonio Uy Tan Senior High School T.P. 2019-2020".

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang Epekto ng Ict sa

pag-aaral ng Wika sa mga mag-aaral ng Baitang 11 Pangkat Humss 2 ng Antonio


29

Uy Tan Senior High School T.P. 2019-2020. Ang mananaliksik ay nangalap ng

impormasyon sa mga respondente ukol sa empluwensya at epekto ng ICT sa pag

gamit nito ng mga mag-aaral.

Upang matukoy ang mga epekto ng ICT sa mga mag-aaral, ang

mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan o survey questionnaire para sa

mga mag-aaral ng baitang 11 pangkat HUMSS 2 ng paaralang Antonio Uy Tan

Senior high school na magsasagot. Ang datos na natipon ay nagsilbi bilang

pangunahing nakalap na kasagutan ng pag-aaral na kung saan ay maingat na

naiharap at nasuri ng maayos.

MGA NATUKLASAN

KONKLUSYON

REKOMENDASYON

Pagtuonan pa ng pansin ng mga guro at magulang ang pagtuturo at ang

wastong paggamit ng teknolohiya upang mas lalo pang madagdagan ang

kanilang kaalaman at maalalayan ang mga mag-aaral kung paano at kailan dapat

gamitin ang teknolohiya.

You might also like