You are on page 1of 6

2

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Sa panahong ito, malaki ang naging pagbabago ngayon kumpara noon dahil sa pag-

usbong ng iba’t ibang imbensyon dulot ng makabagong panahon. Ang mga imbensyong ito ay

nakakaimpluwensiya sa nakasanayan at kultura ng mga Pilipino tulad ng wika. Ayon kay Edgar

Sturtent, ang wika ay isang sistema ng mga arbitariyong simbolo ng mga tunog para sa

komunikasyon ng tao. Nagpapahiwatig ito ng konsistensi o pagkakaroon ng pattern. Ang wika

ay kailangan ng tao sa pang-araw-araw na buhay upang umunlad at magkaisa ayon sa panayam

kay Virgilio Almario, ang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (2014). Kaya

itinuturing na pinakamahalagang bagay ay ang pagkakaroon ng wika.

Sa paglipas ng panahon, ang wikang Filipino ay unti-unting nadagdagan ng mga bagong

salita at ito ay kadalasang nasa anyong di-pormal. Ayon kay Gleason (2000), ang wika ay buhay

kaya nagbabago. Ang pagkalikha ng mga salita ay walang hangganan. Bunga ng pagbabagong

ito ay ang pag-usbong at paggamit ng mga salitang balbal. Ang mga salitang balbal o slang

words sa ingles ay ang pinakamababang antas ng wika (Mabanta, 2011). Gayunpaman,

napatunayan ng mga Pilipino ang likas na pagkamalikhain sa wika. Ayon kay Blanche (2010),

ang mga salitang balbal ay parangal sa mga dalubhasang pilipino na may abilidad na gawing

masaya at libangan ang wika.

(Kasabay ng pagbabago sa wika ay ang pagbabago sa teknolohiya. Ang teknolohiya ay

imbensyon ng tao upang makabawas ng pagod, bigyang kahalagahan ang oras at makatulong sa

iba’t ibang gawain (Wikipedia, 2019). Tulad ng wika, mapapansin rin ang pagbabago nito mula
3

sa paggamit ng radyo hanggang sa haytek na telebisyon. Sa panahong ito, nakadepende ang tao

sa teknolohiya na siya ring nakaaapekto sa kanyang pagkatao (Morgan, 2017). Isa sa mga

teknolohiyang nagagamit ng nakararami ay ang smartphones. Ayon sa Philippine Statistics

Authority (PSA), ang mga Pilipino na gumagamit o mayroong smartphones ay higit sa 73.62%

ng populasyon ng Pilipinas.)

(Ayon sa Wikipedia (2017), ang smartphones ay elektronikong kagamitan na kadalasang

ginagamit sa komunikasyon sa pagitan ng mga radio frequencies. Higit sa komunikasyon, ito ay

nakapagbibigay ng aliw at napapabilis ang pakikipagusap sa pagitan ng mga gumagamit nito.

Naglalaman ito ng mga games, social media platforms tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram

at internet sites na maaaring gamitin sa iba’t ibang paraan. Natuto ang mga Pilipino na makiuso

dahil sa smartphones. Ang smartphones ay isang daan tungo sa pagkadugtong sa buong mundo at

dahil dito, hindi maiiwasan ang panggagaya ng mga Pilipino na nakaaapekto sa kanilang kultura

lalong lalo sa wika.)

Nais alamin ng pag-aaral na ito ang iba’t ibang epekto ng smartphones sa paggamit ng

mga salitang balbal upang mapatunayan na ang teknolohiya ay nakaaapekto sa wika. Ang pag-

aaral ay iikot lamang sa Centro Escolar Integrated School (CEIS) Makati sa Baitang 11 ng

Science Technology Engineering Mathematics (STEM).

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga epekto ng smartphones sa paggamit

ng mga salitang balbal ng mga mag-aaral. Layunin ng pag-aaral na ito na maibahagi ang epekto

ng smartphones sa mga salitang balbal at makuha ang datos sa pananaliksik tungkol sa nasabing

paksa ng 442 respondents.


4

BATAYANG KONSEPTUWAL

Sa pag-aaral na ito ay aalamin ang epekto ng smartphones sa paggamit ng mga salitang

balbal ng mga mag-aaral

Ang batayang konseptuwal na ito ay naglalayong ipakita ang daloy ng gagawing

pananaliksik sa pagkamit ng kasagutan tungkol sa epekto ng smartphones sa paggamit ng mga

salitang balbal:

Mga Salitang Balbal

Mag-aaral

Dahilan ng Paggamit ng Smartphones

Epekto ng Smartphones sa Paggamit ng


mga Salitan Balbal sa mga Mag-aaral ng
Baitang 11 STEM CEIS

Pigura 1

Paradaym ng

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
5

Ang mga sumusunod na tanong ay sisikaping masagot sa pag-aaral na ito:

1. Ano ang pagkakakilanlan ng respondent:

1.1. Edad?

2. Gaano kadalas gumamit ng smartphones ang mga mag-aaral:

2.1. Bilang ng oras sa isang araw;

2.2. Bilang ng araw sa isang linggo?

3. Ano-ano ang mga dahilan ng paggamit ng smartphones?

4. Ano-ano ang mga epekto ng smartphones sa paggamit ng mga salitang balbal ng mga

respondents?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga dahil makatutulong sa mga sumusunod:

Guro. Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit ng isang propesor sa pagpapaibayo

ng mga kaalaman ng mga mag-aaral.

Mag-aaral. Ang datos na makukuha sa pag aaral na ito ay makakatulong sa paglinang ng

kaalaman ng mga kabataan at upang mabigyan kaalaman at saysay ang gamit ng salitang

balbal.

Sa mga hindi gumagamit ng salitang balbal. Malaman na ang wastong paggamit ng

mga salitang balbal para mapadali, mapapabilis at malaman ang saysay ng salitang

balbal.
6

Sa mga susunod pang mananaliksik. Makakatulong ang mga impormasyong

makakalap sa pag-aaral sa patuloy na pananaliksik at pag uunlad.

Mananaliksik. Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay magagamit ng mga

mananaliksik na nasasagawa ng isang pananaliksik.

SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang mga magaaral sa Centro Escolar Integrated

School-Makati, baitang labing-isa STEM. Ang layunin ng mga mananaliksik ay malaman ang

epekto ng smartphones sa paggamit ng mga salitang balbal ng mga mag-aaral ng baitang 11

STEM ng CEIS Makati upang mapatunayan na ang teknolohiya may malaking epekto sa wika.

Ang pokus ng pag aaral na ito ay ang mga epekto ng smartphones sa paggamit ng salitang balbal

ng mga mag-aaral. Karamihan sa mga mag-aaral ay may mga ginagamit na smartphones at

kalakip ng mga smartphones na ito ang mga social media na maaaring makaimpluwensya sa

kanila na gumamit ng salitang balbal. Ang target respondents naman ng pag-aaral na ito ay may

kabuuang 442 na mag-aaral na nasa baitang 11 STEM sa CEIS Makati.

KATUTURAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Para sa layunin at ganap na pag-unawa, ang mga sumusunod na terminolohiya ay

bibigyang depinisyon upang maging malinaw ang pagkaunawa sa paksa:

Balbal. Ang balbal na salita ang pinakamababang antas ng wika. May kagaspangan ang

mga salita at maaaring may iba’t ibang anyo gaya ng likas at likha.

Smartphones. Isang uri ng teleponong walang kawad na gumagamit ng mga sityong

selular para sa pakikipagtalastasan.


7

Wika. Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang

partikular na lugar.

Teknolohiya. Mga makinarya o kagamitan ng ginagamit upang mapadali ang

produksyon, komunikasyon, at iba pang gawain ng mga katauhan. Ito ay naglalayong

mapadali ang buhay ng mga tao.

You might also like