You are on page 1of 22

LOANWORDS SA TEXT MESSAGES TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG

MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO

Isang Tesis na Ihaharap sa


Kaguruan ng Paaralang
Western Colleges
Naic, Cavite

Bilang Bahagi ng mga Gawaing


Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong
Bachelor of Science in Education
Major in Filipino

Ni:
1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang tao, bukod sa talino ay ganap na biniyayaan ng Diyos ng kakayahang

makapagsalita at makapagsulat. Anupat ang naging saltik ng kanyang dila ay tinawag na

wika. Ang wikang sapul nang matutuhan niyang sambitin ay naging napakahalaga kahit

ito’y naging isang pinakakaraniwang gamitin niya sa araw-araw dahil ito ang nag-uudyok

sa kanyang makipagkapwa. Dahil sa ang wika ay buhay at makapangyarihan patuloy itong

uusbong kasabay ng tuloy-tuloy na pagpasok ng ng modernong panahon mula sa simpleng

panahon na kung saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa unti-unting umunlad

ang iba’t ibang teknolohiya na siyang tsanel na daluyan ng pakikipagkomunikasyon sa

ngayon sa paraang pasulat man o pasalita.

Ayon kina Arrogante, et.al sa Aklat ni Palo, (March 2014), ang pagsulat ay isang

natatanging kakayahan ng tao na malinaw na makapagtatala o makapag-iimprenta sa papel

ng mga karakter at simbolo, at talata na makapagbibigay ng mga ideya o mga

impormasyon sa mga mambabasa sa tawag ng komunikasyon. Kaugnay nito, sa pagbuo ng

mensahe sa pamamagitan ng cellphone, malaya ang paggamit ng iba’t ibang karakter,

simbolo, numero, letra, at mga kombinasyon nito upang makapagpahayag ng

impormasyong nais ipabatid.

Kilala ang mga Pilipino sa kanilang hilig sa pagpapadala ng mga text message

gamit ang cellphone. Naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang text messaging lalu na sa

mga kabataan, kinahihiligan nilang magpadala ng text sa mga kaibigan.


2

Ang pananaliksik na ito ay napapanahon. Mahalagang malaman natin kung gaano

pinahahalagahan o tinatangkilik ng bawat indibidwal ang mga bagong teknolohiya. Sa pag-

aaral na ito ilalahad kung paano napauunlad ang morpolohiya sa akademikong Filipino ng

mga mag-aaral gamit ang mga loanwords sa text messages.

Makabuluhan din ang pag-aaral na ito upang ang mga mag-aaral, guro at sino man

ay magkaroon ng kamalayan sa bungang dulot ng text messages na makatutulong sa

pagpapaunlad ng morpolohiya ng akademikong wikang Filipino.

Paglalahad Ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na mabatid at masuri ang mga loanwords na ginagamit sa text

messages na nagpapakita ng kaugalian at pagpapahalaga ng mga piling mag-aaral sa

ikatlong taon sa hayskul ng Naic Coastal National High School, Naic, Cavite, Taong

Panuruang 2014-2015.

Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga katangian ng mga piling estudyante sa ikatlong taon sa

hayskul ng ng Naic Coastal National High School batay sa:

a. edad,

b. kasarian, at

c. dami ng cellular phone na ginagamit?

2. Anu-ano ang mga loanwords sa text messages na ginagamit ng mga estudyante?

3. Ano-anong kaugalian at pagpapahalaga ng mga kabataan ngayon ang

masasalamin sa mga loanwords na kanilang ginagamit?


3

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa magiging bunga ng paggamit ng mga

loanwords ng mga mag-aaral sa gawaing pagpapaabot ng mga text messages sa kanyang

mga kaibigan. Sangkot sa pag-aaral na ito ang mga piling estudyante sa ikatlong taon sa

hayskul ng Naic Coastal National High School, taong panuruang 2014-2015.

Susuriin sa pag-aaral na ito ang gamit na paraan ng paghihiram ng salita na gamit sa

text messages tungo sa pagpapaunlad ng talasalitaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng

mga dokumentado galing sa text messages at facebook post.

Di saklaw ng pag-aaral ang mga taong palagiang pinadadalhan ng mensahe ng mga

estudyante ng Naic Coastal National High School. Hindi rin isasali ang mga estudyanteng

hindi gumagamit ng cellular phone sa pakikipagkomunikasyon sa iba. Hindi rin pag-

aaralan ang mga mensaheng ipinaparating ng mga repondente sa kinauukulan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maipaliwanag kung pinahahalagahan o

tinatangkilik ng bawat estudyante ang mga bagong teknolohiya tulad ng cell phone. Sa pag-

aaral na ito mababatid kung paano napauunlad ang morpolohiya sa akademikong Filipino

ng mga mag-aaral gamit ang mga loanwords sa text messages. Mahalaga din ang pag-aaral

na ito upang ang mga mag-aaral, guro at sino man ay magkaroon ng kamalayan sa bungang

dulot ng text messages na maaaring makatutulong sa pagpapaunlad ng morpolohiya ng

akademikong wikang Filipino.


4

Batayang Konseptwal

Matutunghayan sa Pigura II na ang kabuuan ng isinasagawang pananaliksik tungkol

sa iba’t iabang anyo ng hiram na salita na ayon sa pamamaraan ng pagkakabuo at ang

kasanayan sa pagsulat ng mga piling mag-aaral ng Naic Coastal National High School,

taong panuruan 2014-2015.

Sa unang baryabol ay aalamin ang mga loanwords sa text messages.

Sa ikalawang baryabol ay gagamit ng mapaglarawang pamamaraan sa pananaliksik

gamit ang sarbey o ang descriptive research methodology. Tatalakayin dito ang mga

nalikom at naanalisang loanwords galing sa text messages sa mga nabaledeyt ng mga

kaguruan sa Filipino gamit ang descriptive research methodology.

Sa huling balangkas na ito makikita kung ang lalipunan ng mga loanwords at gamit

nito tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.


5

Loanwords sa Text Messages Tungo sa Pagpapaunlad ng


Morpolohiya sa Akademikong Wikang Filipino

Mapaglarawang Kalipunan ng mga

Pamamaraan sa Loanwords at gamit

Pananaliksik gamit ang nito tungo sa


Mga Loanwords sa
sarbey intelektwalisasyon ng
Text Messages (Descriptive research
methodology using wika
survey)
6

Pagbibigay Kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya

Binigyang kahulugan ang mga sususunod na salita ayon sa pagkakagamit ng mga

ito sa pag-aaral.

Cellphone. Isa itong uri ng makabagong teknolohiya na kadalasang ginagamit sa

pakikipag komunikasyon o pakikipag text at nagbibigay-aliw sa mga estudyanteng

gumagamit nito.

Istruktura ng wika. Kumakatawan ito sa mga component ng pag-aaral ng wika

tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika. Bumubuo ng herarkiya sa pag-

aaral ng wika mula sa pinakamaliit nay unit ng mga tunog hanggang sa masalimuot na mga

diskurso na sa panahong ito ay dapat pag-aralan dahil iba’t iba ang tsanel ng komunikasyon

tulad ng cellphone at iba pang gadgets.

Loanword. Ito ay isang salita na hiniram mula sa isang banyagang wika na may

kakaunti o walang pagbabago.

Morpema. Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng

kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama.

Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita.

Morpolohiya. Ito ay sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme)

o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema

ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o

kumplikadong kahulugan.

Text message.  Ito ay isang electronic na komunikasyon na ipinadala at natanggap

sa pamamagitan ng cellular phone.


7

Wika. Tumutukoy ito sa wikang hiram na siyang pokus ng pag-aaral na ginamit sa

larangan ng komunikasyon sa paghihiram ng salita na gamitin ng mga mag-aaral sa

hayskul.
8

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay talakay ng mga sasaliksiking mga kaugnay na literatura at

kaugnay na pag-aaral upang higit na mapalalim ang pagkatalakay sa paksa. Ang mga pag-

aaral na nalikom ay mula sa mga nailathala at di-nalathalang artikulo, tesis at disertasyon.

Ginamit din ang mga datos mula sa internet, journal, mga aklat upang mapalawak ang

pagpapaliwanag sa pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na literatura na isinagawa sa Pilipinas

at sa ibang bansa na kinalap sa mga silid-aklatan at sa internet.

Sa Pilipinas, ayon sa aklat nina Austero, et.al (2012) magkasabay na dumating ang

pager at cellular phone noong 1989. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 10 bilyong

mamamayan ang gumagamit nito sa buong mundo. Ayon pa rin sa kanila, taong 1994 nang

biglang umusbong ang ekonomiya ng bansa ng kulang-kulang 5%, patunay na marahil ay

nakatulong ang makabagong midyum ng komunikasyon sa pag-unlad n gating bansa.

Sinabi ni Addison sa aklat nina Austero, et.al (2012), “kung ang ehersisyo ay para

sa katawan, ang pagbasa ay para sa sa isip”. Sa lahat ng libangan/ direksyon sa buhay, wala

pang makapagpupuno sa mga “empty spaces” o kahulugan ng espasyo maliban sa kapaki-

pakinabang na pagbasa. Pinatutunayang ang kalusugan ng pag-iisip ay nakukuha sa

pagbabasa.

Ayon naman kay Olson sa Aklat nina Austero, et.al (2012), lohika ang tunguhin ng

pagsulat kung kaya dahil sa pagsulat, naipahayag at naipakikilala ng tao ang sariling talino,
9

husay, kakayahan at karunungan. sa gawaing ito naeeksamin ang nilalaman ng isinulat at

nakikilala ang kamalian. Sa pagsulat, nangangailangan ito ng ibayong pag-iingat, dahil dito

nakikilala ang kababawan o kalalaliman ng diwa ng paksang tinatalakay.

Ayon kay Marquez, et al. (2010), ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at

kasensitibong makabuo ng mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makakabasa nito

ay maganyak mag-sip, kumilos at magsuri. Sa kalagayang ito, angkop ang paggamit ng

cellphone, ang makabagong teknolohiyang ito dahil kahit sa kaunting bagay ay may

maiaambag na kabutihan sa ipinahahayag.

Kahalintulad ng kasanayang pasulat ay ang pagbasa. Ayon sa aklat nina Arrogante,

et al. (2009), ramdam na bumababba ang antas ng kalinangan ng pagbasa sa kasalukuyan,

gawa ng pagsulpot ng mass media - radio, telebisyon, pelikula, teknolohiya, kompyuter,

internet, at iba pa na sa halip magbasa, mas kinikilingang-hilg ng mga kabataan ang panood

o pakikinig, kayat maraming detalye ang nakakaalpas sa buong kasipan.

Sa pahayag ni Cantre sa aklat ni Bare (2009), ang wikang Filipino ay

intelektwalisado kung ito ay ginagamit sa mga teksto para sa mataas na karunungan at sa

pang-akademikong layunin. KBILng dito ang pagdukal ng karunungan sa mataas na kurso

sa kolehiyo.

Ayon kay Holloway, (2008), nagsimula ang paglaganap ng cellphone at naging

popular simula pa noong 1990’s. Sa taong 2008 mahigit na 4 na trilyong mensahe ang

naipadadala sa loob ng isang taon. Sa pagiging popular nito, nahubog ang panibagong

pamamaraan ng pagpapabatid ng mensahe at iyan ay sa pamamagitan ng paggamit ng

sellphone. Tanggapin man natin o hindi, ito ay nagdudulot ng malaking epektong


10

panggramatika sa Ingles man o sa Filipino. Magkagayon man tinatangkilik pa rin dahil sa

marami itong kapakinabangan.

Mula sa web site na http:wired safety.org., “Because of the time it takes to


type messages on a phone keypad, text messages use shortcuts. These shortcuts
mean that text messages are not complete words or sentences, but abbreviations and
symbols, which are beginning to find their way into everyday language, recognized
by traditional dictionaries and observed by some linguists as being a new language
form. Example: f u do not undrstnd dis sNteNce U nEd 2 Lern txt-lingo.”

Ayon naman kina Mangahis, et al (2008), bahagi ng mga pagbabago sa buhay ang

pagbabago ng wika. Maging ang pamaraan ng komunikasyon ay umalinsabay rin sa

pagbabagong ito. Binubuhay ng komunikasyon ang pag-unlad ng kultura at lipunan. Nang

dahil naman sa pag-usad ng teknolohiya lalong umunlad ang komunikasyon kayat

napadadali ang mga transaksyon. Ang cellphone na uri ng teknolohiya ay may malaking

tulong sa gawaing ito hindi lamang sa pamamaraang pasalita kundi sa pamamagitan ng text

messaging.

Kaugnay Na Pag-Aaral

Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na pag-aaral na isinagawa sa

Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ayon kay Laura Jerpi sa Aklat ni Palo, (2014), ang mga

kabataan sa kasalukuyang panahon, ang buhay sa kasanayan sa paggamit ng cellphone.

Sinasabing mahirap daw ang buhay ng tin-edyer kung wala nito. Patunay lamang ito na

nakasalalay ang lahat sa teknolohiya lalo na kapag komunikasyon na ang pinag-uusapan.

May mga positibo at negatibong epekto ang tahasang paggamit ng cellphone. Ang

paggamit ng txt-lingo ay hindi lamang na nakakaalarma kundi ito ay patunay o

nagpapahina sa kakayahan ng mga mag-aaral sa panggramatikang aspekto tulad ng


11

wastong pagbabaybay, wastong pagbuo ng mga pangungusap, pagbuo ng mga salita at

maging sintaks.

Sa pag-aaral ni Ferenstein (2012) ng Wake Forest, lubhang naaapektuhan ang pag-

iissip ng mga kabataan sa Ingles kaugnay ng estratehiya kung paano nabubuo ang txt

meassages. Ipinakita sa pag-aaral na ito ang mahalagang ugnayan ng txt-lingo at ang

pagbagsak bg pagkatuto ng tamang estrukturang pangwika. Nabanggit pa rito na “it’s like

you have two languages in your head, and that sometimes, the language you use for texting

bleeds into the work you do for school”. Pinatunayan ng pahayag na ito na tunay na

naapektuhan ang mga gawaing panggramatika ng tahasang paggamit ng txt-lingo at

nadadala ito sa paaralan.

Ang paggamit ng text-lingo ay may iba’t iabang epekto sa ayon sa pag-aaral nina

Farentein (2012), at Plester et.al (2008) dahil walang makabuluhang kaugnayan ang txt

lingo sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral gayundin sa tamang estruktura ng

wika. Ayon sa kanila, dala ng pagbabago ng panahon nagbabago din ang wika. Ang

paggamit ng txt-lingo ay maaaring magsulong isang intelektwalisado at maunlad na wika at

sa kabilang dako, maaari rin nitong was akin ang kahalagahan at kagandahan ng wika.

Sa pag-aaral nina Villanueva (2010) at Sto. Tomas (2008) ay kapwa tumutukoy sa

kahalagahan ng paggamit makabagong teknolohiya upang mapataas ang pagkatuto ng mga

mag-aaral. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa sumasabay sa pagbabago ng

panahon ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin tungo sa intelektwalisasyon ng wika.

Sa pag-aaral nina Plester, Wood, at Bell (2008) inilahad ang makabuluhang

kaugnayan sa paggamit ng txt-lingo at ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral

na gumagamit at hindi gumagamit ng cellphone sa larangan ng Level of Academic


12

Performance. Bilang kasagutan, inilahad ang kaugnayang resulta nito na mas mataas pa rin

ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na hindi gumagamit ng cellphone ngunit

sumusunod pa rin sa tamang pagbaybay at pagbuo ng mga salita.

Sa ginawang pag-aaral ni Sto. Tomas (2008), ipinahayag na ang kahalagahan ng

paggamit ng makabagong teknolohiya ay mabisang pamamaraan upang mapataas ang bisa

ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika.

Sa pag-aaral nina Castells at Manuell (2000), na ang social network ay isang

bagong uri ng sistema na dulot ng makabagong teknolohiya na nag-reshape ng pakikipag-

ugnayan. Sa ginawang pag-aaral ni Joseph Gayares (2012), Ang facebook ang pinaka-

popular na social network site sa mundo at ito ay inilunsad ni Mark Zuckerberg noong

2004 bilang isang ekslusibong site ng mga baguhang mag-aaral sa Harvard. Ang facebook

ang naging pinakasikat na social network sa mundo partikular na sa Asya.

Ang language learning na binanggit sa pananaliksik ni Dr. Mehmet Demirezen

(2010) ay tumalakay sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na makasabay sa mabilis

na pagbabagong nagaganap sa larangan ng wika at komunikasyong dulot ng makabagong

teknolohiya. Magiging matagumpay ang pakikipagtalastasan kung nababatay sa kaalaman

at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat.

Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan.

Sina Villafuerte, Castillo, at Cantre (2008) ay naniniwalang ang kakayahang

linggwistika ng mga mag-aaral ay maaaring humantong sa intelektwalisasyon ng wika na

magagamit sa pagpapalalim ng mataas na karunungan sa pagtuturo ng wika at panitikan

gamit ang midya. Sina Addison (2012), at Goodman (2010) ay naniniwala na


13

kapakipakinabang ang pagbasa dahil marami na ang nagtatagumpay sa larangang ito lalo

na kung ang bumabasa ay may pagkilala sa mga simbolo o titik na gamit sa teksto.

Ang pag-aaral nina Villanueva (2010) at Sto. Tomas (2008) ay kapwa tumutukoy sa

kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapataas ang pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya na sumasabay sa pagbabago ng

panahon ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin tungo sa intelektwalisasyon ng wika.

Ang binanggit na mga pag-aaral ay may pagkapareho sa kasalukuyang pag-aaral

dahil ang pokus ay ukol sa wika. Magkagayon man naiiba pa rin ang kasalukuyang pag-

aaral dahil ang tuon ay text messages at facebook post na lalong mapataas ang talasalitan

ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga loanwords na kalimitang ginagamit ng mga

estudyante sa kanilang pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon gamit ang cellphone

o kompyuter.
14

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sa bahaging ito itatampok ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik sa

paglikom sa mga kailanganing impormasyon at datos sa pag-aaral. Inilahad ang

paglalarawan ng populasyong pinagkunan ng mga datos, ang instrument ng pananaliksik, at

ang kagamitang pang-istadistika.

Pamamaraan

Ginagamit ng mananaliksik ang mapaglarawang pamamaraan sa pananaliksik

(descriptive research method) gamit ang sarbey sa pagkalap ng bunga ng pag-aaral. Sa

pamamaraang ito mailalarawan, masusuri at maipapaliwanag ng mananaliksik ang mga

loanwords sa text messages na ginagamit ng mga estudyante sa hayskul na maaaring

makatutulong sa pagpapaunlad ng morpolohiya ng akademikong wikang Filipino.

Masusing susuriin at pag-aaralan ang mga hiram na salita sa text messages tungo sa

pagpapaunlad ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa hayskul sa pamamagitan ng mga

katanungan na ukol dito.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Gagamitin sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod na paraan: Una, pipili ang

mananaliksik ng mga respondente gamit ang ramdom sampling. Pangalawa, gagawa ang

mananaliksik ng sarbey na talatanungan para maipamahagi sa mga napiling respondente.

Pangatlo, hihingi ng permiso sa principal ng Naic Coastal National High School ang

manananaliksik upang makapagsagawa ng sarbey sa mga respondente. Pang-apat,


15

makikipanayam ang mananaliksik sa mga respondente at isasagawa ang sarbey gamit ang

talatanungan. Pang lima, ang mga makakalap na impormasyon sa sarbey ay itatala sa

computer gamit ang Excel. Pang-anim, susuriin ang mga nakalap na datos gamit ang

descriptive statistical tools. At panghuli, pag-aaralan ang resulta ng descriptive statistics at

ipapahayag ang pinal na natuklasan mula sa mga nakalap na datos.

Ang Disenyo ng Sampling

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na nasa

ikatlong taon sa sa hayskul ng Naic Coastal National High School, taong panuruang 2014-

2015. Ang kabuuang bilang ng populasyon ng estudyante sa ikatlong taon sa sa hayskul ng

Naic Coastal National High School ay 204 estudyante batay sa talaan ng School Registrar

kung saan ang mga sampol ay pipiliin.

Ginamit ang Slovin’s Formula upang matukoy ang tama at tiyak na bilang ng mga

respondenteng sangkot sa pag-aaral gamit ang limang porsyentong error tolerance. Ang

formula na ginamit upang matukoy ang dami ng respondente ay:

where:

N = populasyon (204)

n = sampol

e = margin of error (.05)

Makikita sa talahanayan 1 ang mga respondenteng kasangkot sa pag-aaral mula sa

ikatlong taon sa sa hayskul ng Naic Coastal National High School taong panuruang 2014-

2015.
16

Talahanayan 1
Bilang ng mga Respondente sa Ikatlong Taon sa Hayskul ng
Naic Coastal National High School

Section Kabuuang Respondente Porsyento


Populasyon
Neptune 63 42 30.88
Earth 45 30 22.06
Venus 54 36 26.47
Jupiter 42 28 20.59
Kabuuan 204 136 100.00

Ang kalipunan ng mga respondente na nakatala sa talahanayan 1 ay ang mga

sumusunod: 42 sa section Neptune, 30 sa section Earth, 36 sa section Venus at 28 sa

section Jupiter, na may kabuuang 136 na respondente.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey kung saan

gagamit ang mananaliksik ng sarbey na talatanungan (survey questionnaire). Naghanda ang

mananaliksik ng mga talatanungan upang mangalap ng mga ideya at opinyon ukol sa paksa

ng pag-aaral. Ang sarbey na talatanungan ay binubuo ng tatlong kategorya: Una, ang

tanong tungkol sa kanilang katangian o propayl. Napapaloob dito ang tungkol sa kanilang

sarili, kung ano ang kanilang edad, kasarian, at dami ng cellular phone na gamit. Ikalawa,

ang tanong ukol sa mga karaniwang loanwords o hiram na salita sa text messages na

kanilang ginagamit. Ang ikatlo ay ukol sa kanilang kaugalian at pagpapahalaga na

masasalamin sa mga loanwords na kanilang ginagamit.


17

Kagamitang Istatistika

Ang tugon ng ng mga respondente ay tatayahin at gagawan ng istatistika upang

matukoy ang antas ng loanwords gamit ang text messages. Gagamitin ang mga sumusunod

na istatistika upang masagot ang mga tanong ng mananaliksik: 1) frequency distribution, 2)

simple ranking, 3) percentage, at 4) mean.


18

Apendiks 1

TALATANUNGAN / SARBEY

A. Katangian /Propayl

1. Pangalan: _______________________________________

2. Edad: (taon)
[ ] 14 -15 [ ] 16 -17 [ ] 18 o higit pa

3. Kasarian:
[ ] Babae [ ] Lalaki

4. Dami ng cellular phone (cellphone) na ginagamit:


[ ]1 [ ]2 [ ] 3 o higit pa

B. Loanswords sa Text Messages na Ginagamit

1. Anong wika ang ginagamit mo sa pakikipagkomunikasyon gamit ang text


messaging?

[ ] mother-tongue
[ ] bilinggwal
[ ] idyolek
[ ] sosyolek

2. Ano-anong mga loanwords ang ginagamit mo sa text messages? (lagyan ng tsek


ang lahat ng kasagutan)

[ ] group message/gm [ ] wrong sent


[ ] clan [ ] quotations
[ ] personal message/pm [ ] archive
[ ] Bluetooth [ ] gudlak/good luck
[ ] gudam/good morning [ ] havey
[ ] gud ebb/ gud eve [ ] waley
[ ] gudmornyt/good mornight [ ] ASL/NASL
[ ] gudey [ ] dinner tym
19

[ ] mwah [ ] text message/tm


[ ] lol/loughing out loud [ ] brb/be right back
[ ] gtg/got to go [ ] tc/take care
[ ] ty/thank you [ ] hbd/happy birthday
[ ] yolo [ ] wtf
Iba pa, pakisaad _________________________________________

3. Anu-anong mga ekspresyon ang iyong ginagamit sa pagtetext?


[ ] talk text [ ] emoticons

Iba pa, pakisaad _________________________________________

C. Kaugalian at Pagpapahalaga ang Masasalamin sa mga Loanwords na Ginagamit

1. Anu-ano ang naitutulong sa iyo ng text messaging?


[ ] sosyalisasyon
[ ] libangan
[ ] gamit sa pag-aaral
[ ] komunikasyon
[ ] pagkakaroon ng lakas ng loob
[ ] pampaalis ng kapaguran / stress reliever

2. Sa iyong palagay, paano mo nabuo ang mga salita gamit ang text messaging?
[ ] akronim
[ ] jargon
[ ] simbolo
[ ] mix-mix
[ ] eponyms
[ ] balbal
20

3. Ano-anong mga dahilan bakit ka gumagamit ng mga loanwords?


[ ] upang mapadali ang pagtetext o komunikasyon
[ ] ito ang “in” o uso ngayon sa mga kabataan

[ ] upang mapadali ang pagkakaunawa sa mensaheng ipinadala

[ ] compensation: may mga saliltang hinihiram sa banyaga kung saan ang


salita ay mahirap o walang katumbas na salita sa ating sariling wika o
kung saan ang salita ay wala pa sa bokabularyo tulad ng gm, archive,
Bluetooth

[ ] social upgrading: ang western-based terms, lalu na mula sa Ingles ay


may kakaibang epektong pansosyal. Ang wikang Ingles ay madalas na
itinuturing na may pagkaelitismo at prestihiyo sa Pilipinas. Isa sa mga
epekto nito ang social upgrading. Samakatuwid, ang pag-upgrade sa
kasong ito ay tumutukoy sa mga sosyal na benepisyo na natanggap sa
pamamagitan ng paggamit loanwords tulad ng Yolo, brb, gtg

[ ] obscuring/pagkukubli: ang paggamit ng loanwoards sa halip na ang


katutubong wika ay naitatago/naikukubli ang malakas na epekto ng kahulugan
ng salita kung katutubong wika ang gamit tulad ng WTF at mwah.

[ ] humor/katatawanan: Ang paggamit ng loanwards ay maaring gamiting


katawa-tawa o isang uri ng joke.

Iba pa, pakisaad _________________________________________

Maraming salamat po sa inyong partisipasyon.


21

You might also like