You are on page 1of 6

KONSEPTONG PAPEL

MEMBERS BOMBASE, JADIELANE

HASHIMOTO, RYUKI M.

LAYGO, ALWIN SETH A.

MANAIG, SOPHIA DANICA M.

PATULOT, HOMER RAFAEL

SANTOS, MARIA DANIELLE O.

TITLE
PERSEPSYON UKOL SA PAGGAMIT NG

PALIT-KODA O CODE SWITCHING SA

PAGKAKAROON NG MABISANG

KOMUNIKASYON NG MGA

MAG-AARAL SA IKA-11 NA BAITANG

NG CALAMBA CITY SCIENCE

INTEGRATED SCHOOL, TAONG

ARALAN 2021-2022
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang unang wika o mother tongue ay ang tawag sa wikang nakagisnan mula

sa kapanganakan at unang itinuturo sa tao. Ayon naman sa mga dalubwika, ang

pangalawang wika ay wikang natutunan ng isang tao matapos niyang

maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika. Sa pag-aaral ni

Constantino, ang Pilipinas ay may 165 lenggwahe at dayalekto, at isang bansang

may multilinggwal na mamamayan na sa bawat pulo at syudad sa bansa ay may

iba't-ibang lenggwaheng ginagamit.

Ang bawat tao ay may samu’t-saring wika na binibigkas, ngunit sa

modernong panahon, kung saan laganap ang pagpapabgo, ay hindi maiiwasan

ang paggamit ng mga banyagang nakaiimpluwensya sa ating pambansang wika

na dahilan sa paghahalo ng wikang Ingles at wikang Filipino. Sa larangan ng

linggwistika, ito ay tinatawag na pagpapalit-koda o “salitan na paggamit ng

dalawa o higit pang wika o barayti ng wika, lalo na sa iisang diskusyon” (salin,

Dictionary.com, 2012). Ito ay kalimitang ginagamit ng mga kabataan sa

pakikipag-usap o diskusyon upang mabigyang linaw ang mga salitang malalim sa

wikang Filipino na dahilan ng bagong pagsasaayos ng mga salita na nakakaapekto

sa kaalamang gramatika. Laganap sa kasalukuyang panahon ang

pagpapalit-koda sa mga Pilipinong estudyante sapagkat halos wikang Ingles ang

ginagamit sa lahat ng mga asignatura, ito ay madaling matutunan at hindi mahirap

unawain. Ang pagpapalit-koda ay madalas na ginagamit sa Pilipinas at mas kilala

bilang salitang “Taglish” kung saan ay ginagamitan ng pinaghalo-halong tagalog at

wikang Ingles.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa persepsyon ng mga mag-aaral sa

paggamit ng palit-koda o code switching sa pagkakaroon ng mabisang

komunikasyon. Natatangi ang pananaliksik na ito sapagkat nakatuon lamang ito sa

mga piling mag-aaral na nasa baitang 11 ng Calamba City Science Integrated

School na sakop sa taong panunuran 2022 - 2023. Isa itong paksa na kailangang
saliksikin at ipaalam kung ano ang tungkulin ng mga epekto nito sa pang

araw-araw na pakikipagtalastasan.

Layunin ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na mapagtagumpayan

ang mga sumusunod na layunin nang sa gayon ay maging kapaki-pakinabang ang

naturang pag-aaral:

Ang mga mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School ay


naglalayong makapagbigay ng saloobin hinggil sa kanilang persepsyon ukol sa
paggamit ng Palit-Koda o Code-Switching sa pagkakaroon ng mabisang
komunikasyon.

Ang Palit-Koda o Code Switching ay karaniwang ginagamit sa ilang


sitwasyon kung saan gumagamit ng ibang salita kagaya na lamang ng
pinaghalong wikang Ingles at FIlipino upang magkaintindihan ang mga
nagpapalitan ng dayalogo. Madalas itong matalakay sa mga institusyon kagaya
ng paaralan, kung saan malimit itong subukan ng mga mag-aaral sa kanilang
pakikipag-komunika.

Ang pag-aaral na ito naglalayong malaman ang persepsyon ng mga nasa


ika-11 na baitang ng Calamba City Science Integrated School ukol sa epekto ng
paggamit ng palit-koda sa kanilang komunikasyon. Naniniwala silang lubos na
nagbibigay ng kapakinabangan ang pananaliksik na ito lalo na sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Upang kanilang mabatid kung ano nga ba ang angkop
na wika ang gamitin sa kanilang paghabi ng kaalaman. Sa ganitong paraan ay
tunay na mahahasa ang kanilang kahusayan sa pakikipag-dayalogo.

Mga guro. Upang kanilang mabatid kung anong midyum ng panturo ang
kanilang ilalapat sa diskusyon. Maglalandas ito upang mas madali siyang
maunawaan ng kanilang mga estudyante.
Sa paaralan. Upang maipatupad pa sa mas nakararami ang kalalabasan ng
pananaliksik. Ito ay nakapagbibigay ng mas epektibong estratehiya ng
pakikipag-komunikasyon ng mga estudyante.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ang interpretasyon ng mga


mag-aaral ng Calamba City Integrated School sa paggamit ng Code Switching o
Pagpapalit Koda bilang daluyan ng pakikipag-komunika. Nais ng mga mananaliksik
na masagot ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa:


1.1 Kasarian
1.2 Edad
1.3 Strand (ABM, HUMSS, at STEM)

2. Ano ang pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng Code Switching o


Pagpapalit-Koda bilang midyum ng pakikipag-komunika?

3. Ano ang positibo o negatibong naidudulot ng Code Switching o pagpapalit ng


koda sa kanilang pakikipag-usap?

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pag-aaral ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Nais ng mga mananaliksik na gamitin ang partikular na uri nito sa

pamamaraan ng Descriptive Survey Research Design, kung saan bubuo ng isang

survey questionnaire o talatanungan upang makalikom ng datos. Angkop ang

disenyong ito sa paksa ng pananaliksik sapagkat mas mapapabilis ang

pangangalap ng impormasyon mula sa mga respondente ukol sa kabisahan ng

paggamit ng palit-koda o code switching sa komunikasyon.

Pook ng Pananaliksik
Ang pag-aaral ay na ito ay nililimitahan na magaganap lamang sa loob ng

Calamba City Science Integrated School, at hindi tatanggap ng datos mula sa hindi

sakop ng paaralang nabanggit. Ninanais ng mga mananaliksik na makakuha ng

mga impormasyon at datos sa paaralang ito na makakatulong sa pag-aaral ng

paksa.

Respondente ng Pananaliksik

Ang mga magiging respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga piling

mag-aaral ng Calamba City Science Integrated School, partikular sa mga nasa

ika-11 na baitang sa taong panuruan 2021-2022. Pinili ng mga mananaliksik ang

mga mag-aaral na ito upang makapagbigay ng mas malawak na pananaw ukol

sa paksang tatalakayin.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng survey questionnaire o talatanungan

bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos na may kabuluhan sa

pag-aaral. Ang nilalaman ng talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat; ang

profile ng respondente at ang mismong survey na tumatalakay sa paggamit

palit-koda o code switching.

Hakbang sa Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng survey questionnaire o talatanungan

na naglalaman ng mga tanong ukol sa paksa ng pananaliksik. Susuriin at

pagkukunan ng resulta ang mga kalahok ng talatanungan, o ang mga ika-11 na

baitang na mag-aaral sa Calamba City Science Integrated School. Ang mga

resulta na nakalap sa talatanungan ay maipapakita bilang bahagi ng resulta ng

pananaliksik.

Pagsusuri ng Mga Datos - alwin


Inaasahang Bunga - raffy

Inaasahan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na mangyayari:

1.

Sanggunian

You might also like