You are on page 1of 5

Rasyonal

Sa bawat araw na ating kinakaharap, hindi natin maiiwasan na

makipag-salamuha o makipag-ugnayan sa ibat-ibang tao sa ating paligid o

komunidad. Sa pakikipag-ugnayan, isa sa mga pangunahing kailangan

upang magkaintindihan ay ang wika. Sa patuloy na paggamit ng mga

Pilipino ng wika sa pakikipagkomunikasyon ay patuloy rin ang pagyabong

nito.

Ayon sa Filipino.Net.Ph (2023) ang wika ay isang sistema ng

komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang maiparating ang kanilang

saloobin, kaisipan, at impormasyon sa kapwa. Sa patuloy na pag-unlad ng

wika, maraming uri o antas ng wika ang umusbong, isa na rito ang di-pormal

na wika- ang balbal. Ang balbal ay mga salitang nahango lamang sa

pagbabago o pag-usad ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.

Ayon kay Valenzuela et. al (2016), ang slang sa Ingles ay katulad o kagaya

ng Wikang Balbal at napapalitan ito sa paglaon ng panahon.

Sa pamamagitan ng pananaliksik patungkol sa epekto ng salitang

balbal sa mga mag-aaral, nakakatulong ito upang mabigyang pansin kung

ito ba ay nakakabuti o nakakasama para sa mga mag-aaral at

maipaliwanag kung bakit ito umusbong sa patuloy na pag-usad at sa

modernisasyong panahon.
Paglalarawan ng Proyekto

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paggamit ng di-pormal na salita o

tinatawag ding salitang balbal. Ang layunin ng balbal ay upang mas

mapadali ang pakikipagkomunikasyon ng bawat tao, sa pamamagitan ng

pagpapaikili ng mga salita, pagbabaliktad, pag-iimbento at pagbabago nito

sa dati nitong mga salita. Ang gustong iparating ng pag-aaral na ito ay:

 Matuklasan ang paraan sa paggamit ng salitang balbal.

 Maitala ang mga maaaring masamang dulot ng paggmit ng

salitang balbal.

 Matuklasan kung nagagamit ba ang salitang balbal sa pang

akademikong layunin.

 Maipaliwanag kung nakakatulong ba ang paggamit ng

salitang balbal sa pang-araw-araw na pag-uusap.

 Maitala ang epekto ng salitang balbal sa pang-araw-araw na

buhay.

Metodolohiya

Sa kabanatang ito inilalahad ng mga mananaliksik ang pamaraang

gagamitin, disenyo ng pag-aaral, mga kalahok, at paraan ng pangangalap

ng datos.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

kwantitatibong pananaliksik upang malaman ang epekto ng balbal na salita


sa mga mag-aaral. Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay

ang mga mag-aaral sa baitang 11 HUMSS sa paaralang Pagadian Capitol

College. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng instrumentong talatanungan

ang Likert-type scale upang masukat ang opinion o pananaw ng mga

estudyante hinggil sa epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa piling

mag-aaral sa 11 HUMSS. Mula dito ang mga datos na nahagilap ay itatala

upang mabigyang kahulugan ang mga layunin. Sa pamamagitan nito

malalaman kung paano nakaka-apekto ang mga balbal na salita sa kanila,

bilang isang mag-aaral at kabataan.

Inaasahang Bunga

Makikita sa parteng ito ng aming konseptong papel ang mga

inaasahang bunga o resulta na kakalabasan ng aming pananaliksik tungkol

sa Epekto ng Paggamit ng Balbal na Salita ng mga mag-aaral sa 11-

HUMSS ng Pagadian Capitol College.

Malaki ang maitutulong ng aming gagawing surbey upang malaman

ang ibat-ibang epekto nito sa mga mag-aaral. Maaaring ang gagawing

pananaliksik ay makakatulong upang mas higit na maunawaan ang mga

wika na umusbong sa pag-usad ng panahon partikular na ang salitang

balbal at upang mabigyan ng pansin kung nakakasama o nakakabuti ba

ang paggamit ng salitang balbal sa pakikipagkomunikasyon. Sa

pamamagitan rin nito ay malalaman ang kahalagahan ng pagtuturo ng

wastong paggamit ng wika sa mga paaralan at kung paano maiiwasan ang

masamang dulot ng paggmit ng salitang balbal sa pang araw-araw na


pamumuhay dahil ang pagtuturo ng wastong kaugalian at tamang

pagsasalita ay magbibigay ng malasakit at pagpapahalaga sa ating sariling

wika.
Epekto ng Paggamit ng Balbal na Salita ng mga mag-aaral sa 11-

HUMSS ng Pagadian Capitol College

ISANG KONSEPTONG PAPEL

na isusumite kay Ginoong Jonas Rey F. Ebarle

Bilang Pinal na Awput sa Asignaturang Filipino –


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

DADIVO, JENNYROSE
DONGUINES, ALEXIS
MATEO, SHERICA
RESPICIO, MARK OWEN
LUMACAD, KHATE

MAY 22, 2023

You might also like