You are on page 1of 10

Pinagtibay

Ang pananaliksik na na pinamagatang “Epekto ng Balbal na salita sa

Pagpapalawak ng Talasalitaan ng mga piling mag-aaral ng ABM Baitang-11 sa

Mataas na Paaralang Rizal” na inihanda ng pangkat na binubuo mula sa mag-

aaral ng ICT B na binubuo nina:

Almueda, Mark Allen

Dulay, Ferry Bacrimaf

Malsom, Jherick

Miape, Jerwin Van

Bilang requirement sa Filipino,Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik, Inirekomenda para patibayin at tanggapin.

Gng.Marilou Beltran

Tagapayo

Marso, 2020

i
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang

Filipino,Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-Ibang Teksto sa Pananaliksik ang

pamanahong papel “Epekto ng Balbal na Salita sa pagpapalawak ng

Talasalitaan ng mga piling mag-aaral ng ABM Baitang 11 sa Mataas na

Paaralang Rizal”.Ito ay isinagawa ng pangkat na nagmula sa seksyon 11 ICT –

B na binubuo nina:

Almueda, Mark Allen

Dulay, Ferry Bacrimaf

Malsom, Jherick

Miape, Jerwin Van

Tinatanggap ang Pananaliksik na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino ng

Rizal High School,bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.

Gng.Marilou Beltran

Guro

ii
Paghahandog

Nagpapasalamat ang aming pangkat ICT B sa mga nagging inspirasyon

at bahagi ng pananaliksik na. Ito.Lubos kaming nagpapasalamat sa ating

Panginoong Diyos na nanguna sa amin sa pag-sasagawa. At pagpapatuloy ng

aming pananaliksik.Karapat dapat siyang bigyan ng papuri sa pagbibigay ng

aming. Mananaliksik ng lakas, tatag at tibay ng loob at isipan,pati sa mapagpala

niyang kamay.

Hindi din matatawaran anag malaking nagging bahagi ng aming mga

magulang sa pagsuporta at pag-gabay sa aming mga paglakad.Nagpapasalamat

kami sa kanila sa tulong moral, pinansyal at pisikal na ibinibigay nila sa aming

mga kaibigan na maging katuwang naming sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Sa taong mga nagbigay ng kanilang suporta at tulong sa amin sa pagpapalawa

at pagpapaganda ng aming pananaliksik. Panghuli ay sa bawat kasapi n gaming

pangkat na siyang naglaan ng oras at pagod upang. Maisakatuparan ang aming

pananaliksik.

iii
Pasasalamat /Paglalaanan

Ang pananaliksik na ito ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa mga

nagbigay tulong at kontribusyon ng mga nagbigay ng oras upang matapos ang

aming Pananaliksik.

Ang mga mananaliksik sa paksang“Epekto ng Balbal na Salita sa

Pagpapalawak ng Talasalitaan ng mga piling mag-aaral ng ABM Baitang-11 Sa

Mataas na Paaralang Rizal” ay lubos na nagpapasalamat sa aming mga guro na

gumagabay sa amin upang maging matagumpay na matapos ng aming

pananaliksik at lubos kaming nagpapasalamat sa Puong may kapal na nagbigay

sa amin ng gabay at proteksyon sa aming pag uwi kapag kami ay ginagabi sa

aming pag gawa ng gaming pananaliksik.Nagpapasalamat kami sa bawat kasapi

ng aming pangkat na nag-gugol ng oras upang maisakatuparan ang aming

pananaliksik.

iv
KABANTA I

Suliranin at Kaligiran nito

A.Panimula

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-

araw.Kalipunan ito ng mga simbolo,tunong at mga kaugnay na bantas upang

maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Tinatayang nasa pagitan ng 6,000

hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,depende wsa kung gaano katiyak ang

pangangahulugan sa “wika”, o kung paano nagkakaiba ang mga wika at mga

diyalekto.Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwista.nag-

ugat ang salitang wika na mula sa wikang.Samantalang nag mula naman sa

kastila ang isa pang katawagan sa wika ang salitang lengguwahe.

Ang Balbal na salita o islang ang pamantayang paggamit ng mga salita sa

isang wika ng isang particular na grupo sa lipunan.Tinatawag din ito ng salitang

kanto o salitang panlansangan.Ito ang mga salitang na nalikha sa impormal na

paraan.Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga piangsama-sama o pinagdugtong

na salita na maaring maging maikli o mahaba lamang. Lahat ng tao ay may

kakayahan sa pag gamit ng wika.Ginagamit natin ang wika sa paraang tayo ay

1
nagkakaunawaan. Ang wika ay ginagamit ng mga tao batay sa lipunang kanyang

ginagalawang lugar natinitirahan,panahon,katayuan at okasyong dinadaluhan. At

ang balbal na salita ang pinakamababang antas ng wika.may kagaspangan ang

mga salita at maaring may iba’t – ibang anyo gaya ng likas at likha.

Erpat at Ermat salitang malimit gamitin nating naririnig sa tsismisan sa

tahanan at maging sa mga kabataan. Salitang panlansangan na usong uso

ngayon sa mga kabataan,kasama sama ito sa araw-araw na pamumuhay sa

hapagkainan,sa kwentuhan at maging pakikipagtalo sa lansangan. Salitang

panlansangan na kaaya-aya ang tunog sa mga kabataang naninirahan sa

mababang antas ng lipunan at makabasag tainga naman sa hanay ng mga

mayayaman. Ang antas ng lipunan na lalong nanghihikayat sa mga kabataan na

makasanayang bigkasing madalas ang mga salitang ito.Kalunos-lunos ang

magiging bunga nito kung hindi natin pagbibigyan ng sapat na lunas sa

suliraning ito.

B.Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng Balbal na salita sa

Pagpapalawak ng Talasalitaan ng mga piling mag-aaral ng ABM Baitang 11 sa

2
Mataas na Paaralang Rizal” na naglalayong masagot ang mga

sumusunod na mga katanungan:

1.)Paano nakakaa-epekto ang balbal na salita sa pagpapalawak na talasalitaan?

2.)Ano-ano ang epekto ng salitang balbal balbal na salita sa pagpapalawak ng

mga talasalitaan?

3.)Bakit makaka-apekto ng salitang balbal na salita sa pagpapalawak ng mga

talasalitaan?

C.Haypotesis

Batay sa pananaliksik tungkol sa Epekto ng Balbal na Salita sa

Pagpapalawak ng Talasalitaan ng mga piling Mag-aaral ng ABM Baitang 11 sa

Mataas na Paaralang Rizal ay masasabi namin ang paggamit ng salitang balbal

sa talasalitaan ay walang epekto sa kanilang pakikipag-usap.

3
D.Batayang Teoritikal

Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon J.K Chambers

sosyalek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal

panlipunan. Nababatay ito sa mga pangkat panlipunan.Halimbawa nito ang

wikang gamit ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika

ng mga preso sa kulungan, wika ng mga bakla, wika ng kabataan at iba pang

mga pangkat. Makikilala ang iba’t ibang barayti nito sa pagkakaroon ng

kakaibang rehistro na natatangi lamang sa pangkat o grupo na gumagamit ng

wika. Cafford sa lahat ng antas ng wika,ang balbal pinakadinamiko.

Maaring kasing ang usong salitang balbal ngayon ay laos na bukas.

Nakatutuwa ring pag-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito.Minsan

nga,dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang

balbal,nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito.Kayrami

ngang kabataang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano ito

nabuo.

4
E.Batayang Konseptuwal

Pananaw ng mga
mag-aaral ABM
Positibo at
patungkol sa Epekto at Suhestiyon
Negatibong pananaw
paggamit ng salitang
balbal

Makikita sa diyagram ang pananaw mga mag-aaral patungkol sa

paggamit ng salitang balbal. Ipinapakita rin dito ang kanilang opinion,kung ito ba

ay positibo o negatibong pananaw .Sa pamamagitan ng kanilang positibo at

negatibong pananaw,dito papasok ang Epekto at Suhestiyon ng mga mag-aaral

tungkol sa paggamit ng mga salitang balbal.Ito ay magsisilbing instrumento

upang makapag-bigay ng suhestiyon ang mga mag-aaral.

F.Kahalagan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng Pag-aaral na ito ay pinamagatang “Epekto ng Balbal

na Salita sa Pagpapalawak ng Talasalitaan ng mga piling mag-aaral ng ABM

Baitang 11 sa Mataas na Paaralang Rizal”.

5
Para sa Mag-aaral- Mas mapapalawak ang kanilang kaalaman sa salitang

Balbal at magiging gabay ito upang madugtungan ang kanilang nalalaman sa

maaring maging epekto nito sa kanilang pag-aaral.

Para sa mga Guro- Magkakaroon ang mga guro ng pagkakataong maunawaan

ang mga mag-aaral kung bakit kadalasang silang gumagamit ng salitang Balbal

at maitama ang kanilang talasalitaan.

Para sa mga Magulang- Mas magagabayan nila nag talasalitaan ng kanilang

mga anak sa paggamit ng salita at maiwasan ang mga salitang Balbal sa

kanilang tahanan.

Para sa Administrasyon- Mabibigyan ng pansin ng mga administrasyon ang

mga kabataang gumagamit ng salitang balbal at mag karoon sila ng aksyon para

masyolusyunan ang paggamit ng salitang balbal.

Para sa mga susunod na Mananaliksik- Ang mga sumusunod na mananaliksik

ay maaring maging batayan ang pananaliksik ay maaring maging batayan ang

pananaliksik na ito upang tumutuklas ng bagong impormasyon tungkol sa

paggamit ng salitang balbal.

You might also like