You are on page 1of 3

Analisis ng Filipino-English Code Switching bilang paraan ng Pakikipagdiskurso ng mga Mag-

aaral sa Senior High ng Unibersidad ng Mapua, Taong Panuruan 2020-2021

Nina: 
Baluyut, Emmanuel C.
Capingian, Justine Reinielle
Go, Eurace James
Lola, John Lemuel U.
Villariba, Ydel Dominique

Rasyonal: 
Ang wika ay isang matibay na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Hindi maaaring magkaroon ng isang
matatag at buong pamayanan kung walang wikang mag-uugnay sa bawat isa. Ang wika ang dahilan kung
bakit may pagbubuklod at pagkakaisa. Ito rin ang pinakamahalagang salik sa pagganap at pagtupad bilang
tao sa kanyang lipunang ginagalawan. Sa paglipas ng panahon, ang mga Pilipino ay nagsimulang
gumamit ng wikang Filipino at Ingles sa pakikipagkomunikasyon ng halinhinan, at dahil doon ay sumibol
ang code-switching (Arceo et al., 2013). Ang Filipino-English code switching ay paglipat sa isang
lenggwahe patungo sa isa, partikular sa Filipino at Ingles. Napili ang paksa na ito marahil sa naging
estado nito sa ating lipunan na patuloy na dumarami ang gumagamit at matukoy ang kadahilanan ng itong
popularidad. Maraming propesyonal ang nagsasabi na kinokontra nito ang iisang lenggwahe o
Monolingualism, na kung saan ang paggamit ng lenggwahe ay iisa lamang. May iba man na kumokontra
rito ngunit dito sa Pilipinas, partikular sa senior high ng mapua, ang paggamit nito ay hindi maiiwasan.
Maraming paraan ng pakikipagdiskurso ang mayroon sa ating mundo na may kanya-kanyang kasaysayan,
dito sa Pilipinas, ang ginagamit ng karamihan sa pakikipagdiskurso ay ang Filipino-English code-
switching na kung saan sa simula ay Filipino at Ingles sa susunod na sasabihin.

Layunin:
Pangunahing layunin: 
Ang layunin ng papel na ito ay pag-aralan ang Filipino-English Code Switching at ilarawan kung paano
ito ginagamit sa pakikipagdiskurso ng mga mag-aaral sa Senior High ng Unibersidad ng Mapua. 

Partikular, sinasagot nito ang mga sumusunod. 


Sumusuportang layunin: 

1. Upang matuklasan ang pananaw ng mga respondente sa Filipino-English code switching.


2. Upang matukoy ang dalas ng paggamit ng mga respondente ng Filipino-English code switching
sa pakikipagdiskurso.
3. Upang matukoy kung gaano ka-kombenyente ang paggamit ng Filipino-English code switching
sa pakikipagdiskurso.
Metodolohiya: 
Ang kwantitatibong paguulat na ito ay gumamit at nagbigay ng mga survey questionnaires upang
makatipon ng mga kinakailangang impormasyon at datos. Isang talatanungan ang inihanda na may pang-
una at pangalawang parte, ng mga mananaliksik na  pinasagutan sa mga kalahok na mag-aaral ng senior
high school sa Mapua. Binubuo ang talatanungan ng sampung mga katanungan. Ang mga kalahok ay ang
mga Senior High na estudyante sa Unibersidad ng Mapua. Ipamamahagi ang mga survey questionnaires
sa iba’t ibang seksyon ng paaralan. 

Ang mga mananaliksik ay gagamitin ang sumusunod na pormula para sa analisis ng mga datos:

Weighted Mean =   Σwx/Σw

Ang mga nakalap na datos ay kakalkulahin upang makuha ang mga resulta na kinakailangan. Ang
weighted mean ng Table 1 at 2 sa ginamit na survey questionnaire ay magiging batayan ng aming
pagsusuri ukol sa mga ugali at pananaw ng bawat kalahok kaugnay sa Filipino-English Code Switching.
Ang weighted mean naman ng Table 1 ay magiging basehan upang matukoy kung gaano kadalas ang
paggamit ng mga respondente ng Filipino-English code switching sa kanilang pakikipagdiskurso. Ang
weighted mean naman ng Table 2 ay gagamitin upang matukoy kung gaano ka-kombenyente para sa mga
respondente ang paggamit ng Filipino-English code switching sa kanilang pakikipagdiskurso.

Inaasahang Bunga:
Pinapatunayan ng pag-aaral na ito na ang Filipino-English code-switching ay naging kasanayan na ng
mga Pilipino na gamitin bilang paraan ng pakikipagdiskurso sa Pilipinas partikular sa mapua senior high
school. Ang paggamit nito ay dahil sa kapaligiran ng isang tao kaya sila na a-angkop dito at ang Filipino-
English code switching ay di-maiiwasan na gamitin. Napansin sa pag-aaral na ito na ang parehong wika
ay nakakatulong sa pagtuturo. 

Natagpuan ni Bravo-Sotelo (2020), ang sumusunod:


 "Ang paggamit ng purong Tagalog o purong Ingles sa buong talakayan ay nagdudulot ng mga limitasyon.
May mga Ingles na salita na mahirap isalin sa Tagalog. Ang pagsasalita sa purong Tagalog ay maaaring
maging mapag-iwas dahil ang mga termino sa matematika na mahalaga sa pag-unawa sa mga konsepto
ng matematika ay madalas naka-Ingles. Ang instrasentibong paglipat ng Tagalog-English ay kapwa
instrumental at hindi maiiwasan. Ito ay nakatulong sa paghahatid ng aralin sapagkat binabawasan nito
ang nagbibigay-malay na pasanin ng mga mag-aaral sa pag-unawa parehong wika at nilalaman nang
sabay-sapakikipagdiskur
TALASANGGUNIAN

Arceo, M. A. R., Cruz, C. H., Cruz, E. N., Ragil, S. P., & Salinas, B. J.      (2013). Paggamit Ng Code-Switching
Sa Pakikipagkomunikasyon ng mga Piling Mag-aaral sa Mary and Jesus School, Inc,, Bustos, Bulacan.
Talaarawan ng Baliuag University, 1–89. Retrieved from:
https://www.scribd.com/doc/142715320/Paggamit-Ng-Code-Switching-Sa-Pakikipagkomunikasyon-ng-
mga-Piling-Mag-aaral-sa-Mary-and-Jesus-School-Inc-Bustos-Bulacan

Bravo-Sotelo, K. P. (2020). Exploring the Tagalog-English Code-Switching Types Used for Mathematics
Classroom Instruction. IAFOR Journal of Education, 8(1), 47–63. https://doi.org/10.22492/ije.8.1.03”

Labitigan, R. (2013). Tagalog-English code-switching: issues in the nominal domain.  1-43. Retrieved from:
https://ling.yale.edu/sites/default/files/files/alumni%20senior%20essays/Labitigan%2C%20Lorenzo%20-
%20Senior%20essay.pdf 

Lesada, J. (2017). Taglish in Metro Manila: an analysis of Tagalog-English code-switching. 1-88. Retrieved from:
https://deepblue.lib.umich.edu/bitstream/handle/2027.42/139623/jlesada.pdf

Roxas, M.J. (2019). Factors, Forms and Functions: An Analysis of Senior High School Students' Filipino-English
Code Switching Behavior. Asian Journal of Multidisciplinary Studies, 2(2), 94-99. Retrieved from:
https://asianjournal.org/index.php/ajms/article/view/192/78

Valerio, M. T. (2015). Filipino – English Code Switching Attitudes and Practices and Their Relationship    to
English Academic Performance among Freshman Students of Quirino State University. International
Journal of English Language Teaching, 2(1). doi:10.5430/ijelt.v2n1p76

You might also like