You are on page 1of 7

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Youtube: Salalayan ng Pagkatuto ng mga


Akademikong Gawain ng mga Mag-aaral ng Talisay
Senior High School

Panimula
Sa panahon ngayon, marami na rin ang natatangkilik at nalilikha ng teknolohiya,
gaya na lamang ng YouTube. Ang YouTube ay gamit na gamit sa kasalukuyan,
sumabay pa ang pandemya na isa sa nagging daan upang maipagpatuloy ang
pananaliksik at pag gamit nito para sa pagkatuto ng mga tao.

Ang pagkatuto ay ang paglinang at pagpapalakas ng kasalukuyang kaalaman,


gawi, kakayahan, kaugalian, o kagustuhan at maari ring may pagsama-sama ng iba't
ibang uri ng impormasyon. Ang abilidad na matuto ay maaari lang gawin ng mga tao,
hayop at ilang mga makina. Ang pag-unlad sa loob ng isang panahon ay sumusunod sa
kurba ng pagkatuto. Hindi ito nangyayari nang sabay-sabay, ngunit ito ay lumalaki at
nahuhulma mula sa lumang kaalaman. Ang pagkatuto ay isang proseso imbis na
koleksyon ng katotohanan at prosidyural na kaalaman. Ang pagkatuto ay lumilikha ng
pagbabago sa mga organismo at ang mga pagbabagong  ito ay nagiging permanente.
Ang pagkatuto ng tao ay maaaring bahagi ng edukasyon, pansariling pag-unlad,
pagaaral, o paglinag ng kakayahan. Ito ay maaaring nakatuon sa layunin at maaaring
may kasama na motibasyon. Ang pag-aaral sa kumg papaano mamgyari ang pagkatuto
ay kasama sa sikolohiyang pangedukasyon, sikolohiyang pangneurolohiya, teorya ng
pagkatuto at pedagogy. Ang pagkatuto ay maaaring mapabilang sa resulta ng paulit-ulit
na gawain o pagkukundisyon na makikita sa maraming uri ng hayop, o resulta ng mas
komplikadong aktibidad tulad ng paglalaro na makikita lamang sa matatalinong hayop.
Ang pagkatuto ay maaaring mang yari nang may kamalay o wala. Ang
pagkatuto na hindi maiiwasan o matatakbuhan ang mahirap o masakit na pangyayari ay
tawag sa pagkatutong hindi sinasadya o learned helplessness.
Kaligirang Pangkasaysayan
Natutulungan nito ang mga mag aaral sa kanilang takdang aralin sa
pamamagitan ng mga video na ina upload ng ibang tao. Nakakapagbigay ito ng
mga impormasyon na nagagamit natin. Sa mga bata, nakakatulong ito upang
malaman at matutunan nila ang mga aralin lalo na ang alpabeto. Nakakatulong
rin ito sa mga guro upang maituro ang tamang tunog, hugis o kung ano mang
maaaring malaman ng isang bata lalo na ang mga kindergarten. Sa mga nanay,
nakakatulong ang youtube lalo na kung nais nilang magluto ng iba pang putahe.
Tinuturo rito kung paano ito gagawin o lulutuin. Tinuturo rin sa youtube ang mga
paraan ng nais mong gawin halimbawa na lamang ang pagkukumpuni o kung
paano mag bake.
Mayroon ding tutorial na makikita sa youtube kung paano magtipa ng mga
instrumento o kung paano ang tamang pagkanta. Napapanood mo rin ang mga
paborito mong palabas na ina upload sa Youtube. Dahil dito maaari mo ng
mapanood ang paborito mong palabas ano mang oras mo gustuhin. Dahil sa
Youtube, malalaman mo rin kung ano ang mga impluwensya ng ibang bansa. At
matutunan mo kung paano ang kanilang kabuhayan. Dahil sa Youtube,
malalaman mo ang iba't ibang putahe sa iba't ibang bansa at kung paano ito
lutuin. Dahil sa Youtube, matututuhan natin ang mga salita ng iba't ibang tao sa
iba't ibang mundo at sa kalaunan ay magkakaroon rin tayo ng kaalaman dito.
Dahil sa Youtube, nalalaman natin ang mga kaugalian, mga katutubong sayaw
dito sa ating bansa at maging sa iba't ibang bansa.
Paradigma ng Pag-aaral

INPUT PROSESO AWTPUT


 Nais ng mga  Ang mga  Inaasahan ng mga
mananaliksik na mananaliksik ay mananaliksik sa
malaman kung mamamahagi ng pag-aaral na ito na
gaano kadami ang mga nasabing malaman kung
tumatangkilik ng kwestyuner o gaano karami ang
local na mga survey sa mga tumatangkilik ng
youtube product HUMSS ika-11 local na mga
ng Pilipinas sa baitang na mga youtube product
mga HUMSS ika- mag-aaral sa ng Pilipinas sa
11 baitang na mga Tumaway Senior mga HUMSS ika-
mag-aaral sa High School 11 baitang na mga
Tumaway Senior upang makakalap mag-aaral sa
High School at ng mga Tumaway Senior
ang epekto nito sa impormasyon o High School at
ekonomiya kung datos hinggil sa ang epekto nito sa
kaya’t paksang pinag- ekonomiya.
magsasagawa aaralan o
ang mga tinatalakay.
mananaliksik ng
paglilimbag ng
kwestyuner o
survey na
naglalaman ng
mga katanungan
hingil sa paksang
pinag-aaralan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay para matulungan ang mga mag-aaral ng Talisay
Senior High School, sa ika-labing isang baitang ng HUMSS-Blake, sa kung
paano nakakatulong o nakaka apekto sa ating pag-aaral ang paggamit ng
YouTube. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang mga maaring epekto nitong YouTube sa mga mag-aaral sa Talisay
Senior High School?
2. Paano nadiskubre at lumaganap ang YouTube sa modernong panahon kung
saan naipag patuloy ng mga kabataan ang pagtangkilik nito?
3. Bakit patuloy paring tinatangkilik ng karamihan ang paggamit ng YouTube?
Ipaliwanag ang iyong sagot?

HAYPOTESIS
May alternatibong haypotesis ang pag-aaral na ito na
“YouTube: Salalayan ng Pagkatuto ng mga Akademikong Gawain ng mga mag-
aaral ng Talisay Senior High School” na patuloy parin nakakatulong sa mga mag-
aaral lalo na’t naka ranas tayo ng distance learning kaya nakahanap ng mas
alternatibong paraan at yun ay ang manood ng mga lesson sa YouTube ang mga
mag-aaral.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang YouTube ay isang popular na platform para sa pag-upload, pag-playback, at pag-share ng
video content. Ito ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga tao na magbahagi ng kanilang mga
video, magpakatino ng kanilang mga kakayahan sa paggawa ng video, at magpakalat ng kanilang
mga ideya sa isang malawak na audience.

Ang YouTube ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na tool para sa mga estudyante
dahil sa mga sumusunod na dahilan: Pag-access sa mga educational video: Ang YouTube ay
naglalaman ng maraming mga educational video na naglalarawan sa iba't ibang mga paksa, mula sa
matematika at agham hanggang sa kasaysayan at panitikan. Ang mga estudyante ay maaaring
gamitin ang mga video na ito upang makapag-aral ng mga bagong paksa o makapag-review ng
kanilang mga aralin.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang nakuha naming magiging parte ng pananaliksik na ito ay mula sa
HUMSS 11- Blake ng Talisay Senior High School na may kabuuang isang daan
(100) na madalas manood at manaliksik sa programang YouTube.

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAMIT


Nakakatulong ito upang mas mapalawak ang ating kaalaman at kakayahang
matuto. Nahahasa pa nito lalo ang ating isip sa pag-unawa ng bawat sitwasyon
na nasasabi o nilalaman ng mga bidyo.

Halimbawa:
-Tutorial Videos. Isang klase ng bidyo na layuning makapag bigay ng ideya sa
mga mag-aaral na nais matuto sa kanilang mga aralin at iba pa.

-Music Videos. Dahil dito, nalalaman natin ang mga tamang salita na angkop sa
mga kanta na ating pinapakinggan. Nakakatulong din ito para tayo ay kumalma o
malibang.

-Vlogs. Isa ring uri ng bidyo na nakakapag bigay aliw at inspirasyon sa mga
manonood. Madalas itong gamitin ng mga sikat na vlogger upang mag bahagi ng
kanilang mga talambuhay o misyon.
“YOUTUBE: SALALAYAN NG PAGKATUTO NG MGA
AKADEMIKONG GAWAIN NG MGA MAG-AARAL NG TALISAY
SENIOR HIGH SCHOOL”

Ang pag-aaral na ito ay inilahad


sa lupon ng mga kaguruan ng
Talisay Senior High School

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Disiplinang


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (IIB)

Inilahad nina:
Trixie Jill O. Caraan
Jed D. Ortilla
Julius L. Panghulan
Anna Mae L. Galacite
John Carlo M. De Roxas
John Patrick M. Mendoza
Rizel A. Lapar
Jaycee O. Doctora

You might also like