You are on page 1of 1

1.

Paano ninyo ilalarawan at bibigyan ng ebalwasyon ang sitwasyong pangwika sa


telebisyon,radyo,diyaryo? Magbigay ng mga ebidensya na ang mass media ang
pinakamakapagyarihan sa balat ng lupa.

2.Kung bibigyan ko naman ng ebalwasyon ang sitwasyong pangwika sa telebisyon, radio, at


dyaryo, masasabi kong halos lahat naman ng panoorin sa telebisyon ay nasa midyum na
tagalog at maging sa mga radyo at diyaryo. Ang mga ito ang nagsisilbing tagapaghatid ng
ating wika sa ating bansa at ang mga ito ay binibigyang pansin sa kadahilang ang mga
Pilipino rin naman ang gumagamit ng mga ito. Ang mass media ang
pinakamakapangyarihan sa lahat dahil ito ang pangunahing nagbibigay ng impormasyon sa
lahat ng tao, maging mabuti man o masama ang nakapaloob dito.

2. Ano ang penomenal na dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong sitwasyon ang wika sa
pamahalaan? Paano ninyo bibigyan ng ebalwasyon ang sitwasyong pangwika sa pamahalaan?

1. Ang maaaring penomenal na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong sitwasyon


ang wika sa pamahalaan ay ang pabago bago o ang pagpapalit-palit ng wikang
ginagamit sa pamahalaan. Kung bibigyan ko ng ebalwasyon ang sitwasyong pang wika
sa ating pamahalaan, masasabi kong maganda ang mga naidudulot nito sa ating wika
at maging sa ating mamamayang Pilipino. Nakatutulong ito sa pagpapaunlad sa ating
wika dahil ginagamit itong midyum sa komunikasyon, transaksyon at korespondensya
sa ating pamahalaan.

3. Ano ang mahikang taglay ng kulturang popular na kinahuhumalingan ng mga milenyals sa


kasalukuyang panahon? Bakit sa hindi maipaliwanag na dahilan hindi na maalis sa kanilang
sistema ang penomenal na impluwensya ng mass media? Bunga nito ang isang nakalulungkot na
katotohanang hindi na mababago ay tuluyan silang winawasak at nilalamon nito. Paano ninyo
bibigyan ng ebalwasyon ang sitwasyong pangwika sa kulturang popular?

3. Ang mahikang taglay ng kulturang popular na kinahuhumalingan ng mga milenyals sa


kasalukuyang panahon ay ang kakaibang paraan nito upang maparamdam sa tao ang
pagtanggap sa kanila ng nakakarami kahit na anuman ang kanilang ginagawa na
nagpapakita ng modernalismong gawain. Maaaring maging dahilan kung bakit hindi na
maalis sa kanilang sistema ang penomenal na impluwensya ng mass media ay ang
mabilis na pagtugon nito sa isang bagay na nais nilang malaman at makita sa
mabilisang paraan. Kung bibigyan ko ng ebalwasyon ang sitwasyong pangwika sa
kulturang popular, masasabi kong malaki ang naging epekto nito sa ating wika at
masasabi kong hindi ito gaanong nakakatulong sa pagpapaunlad sa ating wika.

You might also like