You are on page 1of 1

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Inaasahan ng pananaliksik na ito ay makapaglahad ng mga epekto ng hatirang

madla (social media) sa kasalukuyang lagay ng Wikang Filipino sa bansa. Nagsasabing

ang wika ang nagbibigay ng kahulugan ng bawat salita. Ito ay ginagamit sa

pakikipagkomunikasyon, pakikipagugnayan at makikipagtalastasan. Ito ang humuhubog

sa ating kasaysayan at instrument upang ibahagi sa iba ang panitikan.

Nais ding matugunan ng pananaliksik na ito ang mga balakid sa

pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao. Magiging malaking tulong ito para sa

paghahanap ng mg paraan upang mas mapagyabong ang wika sa pamamagitan ng

paggamit ng hatirang madla (social media).

Kaya ang pag- aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay ng kaalaman

kung paano ginagamit ang wika at nakakaimpluwensiya sa bawat isa. Ang tamang

paggamit ng makabagong salita sa hatirang madla na maaring makatulong sa kanilang

pagtatagumpay.

2. Sa mga mamayan. Ang pag-aaral na ito makapagbibigay ng kaalaman ukol sa

maaring dulot nito. Halimbawa nito ay kung ang epekto ba nito ay nakakabuti sa bwat

isa.

3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaring maging

batayan para sa iba pang pananaliksik at maaari sa kanila magbigay ng ideya.

You might also like