You are on page 1of 5

ANG DULOT NG FACEBOOK SA MGA KABATAANG MERANAO

Isang Maikling Pananaliksik Na Iniharap kay PROF. MYRNA LABARDA-CALAMIAN Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidad Pamantasang Bayan ng Mindanao Lungsod ng Marawi

Bilang pagtupad sa pangagailangan Ng kursong Filipino 2 ( Pagsulat at Pagbasa Tungo sa Pananaliksik )

SOMAYYA A. ABDULMANAN ASHIMAH A. BASHER

Enero 2012

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL Rasyonale Layunin ng Pag-aaral Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at limitasyon II. MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Literatura Pag-aaral III. METODOLOHIYA Disenyo ng Pananaliksik Mga Respondente Instrumentong Pampananaliksik Tritment ng mga Datus

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Rasyonale Ang facebook ay isang teknolohiya na ginagamit upang makipag kumunikasyon sa ibang tao. Ginagamit din ito upang makapamahagi ng iba t ibang mahalagang impormasyon. Ayon kay Eldon, Eric (2008) ang facebook ay isang panghalubilong kabalagang websayt na libre ang pagsali at pinapagana at pag-aari ng facebook, Inc. Isang kumpanyang pribado. Maaaring sumali ang mga tagagamit sa mga kabalagang nakaayos ayon sa lungsod, pinagtatrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili. Tumutukoy ang pangalan ng sityong web sa mga mukhang nasa aklat na papel ( paper facebook ) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaralan sa Estados Unidos sa mga papasok na mga magaaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na makilala ang ibang tao sa kampus. Itinatag ni Mark Zuckerberg ang facebook kasama ang kaklase niya sa Agham. Pang kompyuter at kasama sa kuwartong sina Dustin Moskouitz at Chris Hughes habang mag-aaral pa siya ng Pamantasang ng Harvard. Noong una limitado ang pagsapi sa sityong web sa mga magaaral ng Harvard,ngunit lumawak ito sa ibang mga kolehiyo sa Boston,ang ligang lvy at pamantasan ng Harvard.Nang kalaunan lumawak pa ito at napabilang ang kahit sinang magaaral ng isang pamantasan,pagkatapos mataas na paaralan at nang tumagal pa,kahit sinong nasa gulang na 13 pataas. Sa kasalukuyan,mayroon na ang facebook na higit sa 200 milyong aktibong tagagamit sa boung mundo. Ngayong taon 2012 ng Enero, mahigit 800 milyon ang aktibong gumagamit ng facebook. Ang mga gumagamit ay kailangang magparehistro bago gamitin ang site. Ayon kay Adam Ostrow ang facebook ang pinakaginagamit na social networking sa buong mundo. Ayon kay Mark Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbabago maging ang paraan na din ng pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya kahit bata pa lamang ay nakakayanang gamitin ang facebook sa pagkat sadyang madali itong gamitin. 2. layunin ng pag-aaral Ang maikling pananaliksik na ito ay nagbibigay ng informasyon hinggil sa facebook at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong : 1. Ano ang facebook? Ano ang kasaysayan nito? 2. Ano ang mabuti at masamang naidulot nito sa mga kabataang Meranao?

3. Bakit patuloy ang pagtaas ng mga gumagamit nito at gaanu na karami ang tumangkilik nito ngayon? 4. Ano ang implikasyon nito sa mga mag-aaral,magulang,paaralan at pamahalaan? 3. kahalagahan ng Pag-aaral Maraming mananaliksik ang patuloy na pinag-aaralan ang malaking epekto ng facebook na ito sa bansang Pilipinas, lubos itong pinag-aaralan sa pagkat ang laki na ng nabago nito sa paraan ng pakikipag kumunikasyon nito sa bansang Pilipinas. Dahil sa marami ng magagandang naidulot nito ay lalong sumigla ang mga mananaliksik dito, sa pagkat nangangamba sila na mas maganda pa ang maidudulot ng resulta nito sa mga susunod na mga taon. Ito ay higit na makakatulong sa bansang Pilipinas na hirap makipag kumunikasyon sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa malayong lugar. 4. Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa dulot ng facebook sa mga kabataang Meranao, bagamat ito ay isang pag-aaral dito ang malaking epekto nito sa bansang Pilipinas. 5. Definisyon ng mga Terminolohiya Upang mas lalong mapagtibay at maintindihan ang daloy ng pag-aaral na ito ay binibigyang linaw mula ditto ang mga salitang bago pa lamang sa inyong pandinig.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL literatura

Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom ang mga mananaliksik ng maraming impormasyon tuongkol sa facebook, karamihan sa mga ito ay ang malaki nitong epekto sa paraan ng pakiki-pagkumunikasyon. Tinatalakay ni David Kirkpatrick (1994) sa kanyang pag-aaral mula sa facebook na ito ay mas higit na ginagamit sa pananaliksik, sa pagkat ito ay napakadaling gamitin. Naniniwala siya na ang teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at mas magiging mas kapakipakinabang, at ayon sa kanya ito ay lubos na ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at makipag kumunikasyon. Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang komunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madaling gamitin. Ayon kay Fraser Matthew (2008), na gumagamit ng mga sosyal na pakikipag komunikasyon ay nabago daw nito ang estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng magandang trabaho, at madali itong nakikipag komunikasyon sa ibang tao. Ayon naman kay Mark Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbabago maging ang paraan na din ng pakikipag kumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay nakakayanan ng gumagamit nito sa pagkat sadyang madali itong gamitin.

You might also like