You are on page 1of 1

Magandang araw sainyong lahat!

Narito ang aming grupo upang talakayin kung ano ang Midya o ang
Broadcast Media. Ayon sa Encyclopedia, ang radyo at telebisyon ay itinuturing na broadcast media,
naglalaman ng mahahalagang impormasyon na nagiging bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng
mamamayan.

Malaki ang papel ng radyo at telebisyon sa lipunan, nagbibigay ng entertainment, balita, at iba't ibang
anunsiyo.

Mamaya ay tatalakayin ng aking mga kasama kung ano nga ba ang kahalagahan ng radio at telebisyon,
ganun na rin sa paglalarawan nito.

Meron tayong dalawang uri ng midya. Ito ang tradisyunal at modernong midya. Ang tradisyunal na
midya ay nakabase sa pahayagan, radyo, at telebisyon, habang ang modernong midya ay naglalaman ng
online platforms at social media. Sa tradisyunal na midya, kontrolado ng propesyonal na mamamahayag
ang impormasyon, samantalang sa modernong midya, maaaring magsimula ng impormasyon mula sa
iba't ibang indibidwal.

Upanag bigyang lawak pa ang telebisyon dahil ito ang aming magiging presentasyon, Ang telebisyon ay
itinuturing na pangmasang media, ang ibigsabihin ay naglalaman ito ng mga programa na nakakarating
sa kung saan mang lugar.

1. Ang halimbawa na lamang nito ay yung pagtataglish o magcocode-switching at yung mga taong
gumagamit ng conyo.
2. Ito ay nangangahulugang ang mga salitang ginagamit sa telebisyon ay naiintegrasyon na sa
pang-araw-araw na wika ng mga Pilipino. Kumbaga kung dahil sa madalas natin na paggamit ng
telebisyon, nakakasanayan na rin natin gamitin ang salita na ginagamit dito.
3. Ito ay nangangahulugang ang mga salitang ginagamit sa telebisyon ay tumpak o walang paligoy-
ligoy.Nang sa gayon, nababawasan pagkalito at nagiging mas mabilis ang pag-unawa ng mga
mensahe.
4. to ay nangangahulugang ang mga salitang popular sa telebisyon ay maaaring maging alternatibo
o pamalit sa mga salitang hindi gaanong ginagamit o bawal sa ibang larangan. Halimbawa na
lamang kunwari ay yung salitang “makapatay” ay pwedeng sabihin na lamang na”makasakit”
upang maiwasan ang mga salitang bawal sabihin.

You might also like