You are on page 1of 3

NICOLE ANNE N.

MANGAHAS
11- KEATS
0. PAGGANYAK

Pansinin ang pagkakaiba ng mga palabas sa Telebisyon, Radyo at Pelikula noon


at ngayon. Ano ang masasabi mong positibo at negatibo. May pagbabago rin ba
sa paggamit ng wika? Ilahad ang iyong kasagutan sa kahon.
NOON NGAYON
Telebisyon
 Noon ay puti at itim lamang  May iba’t- ibang kulay na
ang nakikita sa screen ng tv napapanood
 May antenna at maliit  Pwedeng wala ng antenna at
 Hindi Flat screen malaki
 Flat Screen at Smart tv na
Radyo/Dyaryo
 Maliit na bagay na  Pwede na sa tv makinig
mayroong antenna  Chargeable na at pwedeng
 Nilalagyan ng baterya saksakan ng flashdrive

Pelikula
 Puro Pantasya  Mas makatotohanan
 Di pagandahang edit  Mas magandang pag-eedit
 Black and white  Makulay na pelikula

PAGLALAPAT AT PAGTATAYA

A. PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang panuto sa bawat


gawain. Isulat ng maayos at malinaw ang mga kasagutan sa isang buo at malinis na papel.

1. Ano ang itinuturing na pangunahing wika ng mass media? Bakit kayâ


Filipino ang wikang pinipiling gamitin ng telebisyon at iba pang uri
ng mass media sa bansa?Paano ito nakatutulong sa kanila? Paano
naman ito nakatutulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa iba't
ibang bahagi ng bansa?

- Ang itinuturing na pangunahing wika ng mass media ay ang Wikang


Filipino. Wikang Filipino ang wikang pinipiling gamitin ng telebisyon at
iba pang uri ng mass media sa bansa dahil ito ay nasa batas na wikang
Filipino ang gagamitin at isa na rin ang ito ang lubos na naiintindihan ng
bawat isa sapagkat ito na ang wikang ating kinamulatan mula pagkabata.
Ito ay nakakatulong sakanila sa pamamagitan ng komunikasyon sa bawat
isa. Ito nama’y nakakatulong sa paglaganap ng wikang Filipino sa iba’t
ibang bahagi ng bansa sa paraang halimbawa ay ang pagpapalabas ng
pelikulang Filipino at gamit ang Wikang Filipino sa iba’t ibang bahagi
ng bansa, sa paraang ito nakikilala na sa bansang Pilipinas nagmula ang
wikang iyon.
2. Paano maiuugnay ang paggamit ng wikang Filipino sa mass media sa
paglaganap o pagdami ng mga mamamayang gumagamit na rin ng
wikang ito?

- Dahil nga Wikang Filipino ang ginagamit sa mass media,


naiimpluwensiyahan nito ang mga nakakakita, nakakanood o nakakarinig
at nagagagamit na rin nila ito sa pakikipag-ugnayan sa iba.

3. Ano naman ang pick-up lines? Ang hugot lines? Paano naipakikita
ang pagkamalikhain ng wika sa pamamagitan ng mga ito?

- Ang pick-up lines ay makabagong bugtong, kung saan may tanong


na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at ibang
aspekto ng buhay. Sa kabilang banda, ang Hugot Lines ang tawag sa mga
linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa’y
nakakainis. Naipapakita ang pagkamalikhain ng wika sa pamamagitan ng
mga ito sa paraang ito ay minsan ay nadadala natin sa ibang bansa at
ipagmamalaking ito ay galing sa bansang Pilipinas.

4. Ano ang nagagawa ng mga hugot line sa mga pelikula? Paano nito
nagagawang akitin ang mga manonood?

- Ang nagagawa ng mga hugot line sa pelikula ay ito ay tumatatak sa


mga manonood at minsan pa nga ay ginagaya natin na para tayo ang
gumaganap sa pelikulang ito. Naaakit nito ang mga manonood sa
pamamagitan nga na bukod sa ito’y nakakarelate tayo, ito rin ay
tumatatak sa atin.

5. Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang tulad mo na mahilig


magpost sa iba't ibang social media?

- Ako bilang kabataan malaki ang kaganapan ng social media sa


buhay ko dahil ito ay nagagamit ko sa pag-aaral, ngunit ang iba ay
nagiging padalos-dalos sakanilang mga ipinopost sa social media. Ang
maipapayo ko ay gamitin natin ito sa may mga kabuluhang bagay na
magdadala sa atin sa tagumpay, huwag tayong magpadala sa agos ng mga
nakakaimpluwensiya sa atin at kung ano- ano na lamang ang ipinopost
sakanilang social media. Patunayan natin na tayo ay huwaran at pag-asa
ng bayan.
B. Paoorin ang balitang makikita sa link na ito at sagutin ang sumusunod na
mga tanong:

1. Ano ang naramdaman mo habang pinanonood ang balita?

- Ang nararamdaman ko habang pinapanood ang balita ay nalulungkot


sapagkat pinaghirapan ng mga kababayan nating OFW ang mga bagay na iyon at
ako den ay medyo naiinis sa mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng ibang tao
sapagkat OFW din ang aking ina.

2. Base sa iyong naramdaman, masasabi bang naging matagumpay ang


reporter sa pagpili ng tamang salitang ginamit niya sa pag-uulat? Ipaliwanag.

- Masasabi kong naging matagumpay ang reporter sa paglipi ng tamang


salitang ginamit niya sa pag-uulat sapagkat nadala niya ng maayos at nabihag ang
puso ng mga nanonood. Isa pa ay maganda at tama ang pagbigkas niya ng mga
salita.

3. Ano kaya ang iisipin o gagawin ng mga OFW pagtapos mapanood ang
nasabing balita?

- Sa aking palagay, ang iisipin o gagawin ng mga OFW ay maaawa sa


kanilang kapwa OFW dahil alam nila ang hirap na dinanas ng mga OFW na
nagpadala ng package para lamang may maiuwi sa Pilipinas at ang gagawin naman
nila ay gagawa ng hakbang para hindi na maulit pa ang mga ganoong pangyayari.

4. Paano napatunayan sa pinanood ang pagiging makapangyarihan ng


telebisyon bilang isang uri ng mass media?

- Napatunayan sa pinanood ang pagiging makapangyarihan ng telebisyon


bilang isang uri ng mass media sa pamamagitan ng paghahatid saatin ng iba’t ibang
balita sa sarili man nating bansa o sa mga nangyayari sa ating mga kababayan sa
labas ng bansa. Ito rin ay nakakatulong para mapanagot ang may mga sala.

You might also like