You are on page 1of 1

SHS - FILIPINO 11

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PANGKATANG GAWAIN:
Basahin ang artikulong naitalaga sa inyong pangkat. Pagkatapos, magbahaginan ng mga ideya
tungkol sa nilalaman ng binasang artikulo. Bibigyan ng dalawampung (20) minuto ang bawat pangkat
upang matalakayan at magpalitan ng kaalaman.

Patnubay na tanong sa pagtalakay ng babasahin:


GROUP 1
1. Ano ang impluwensiya ng midya, tulad ng telebisyon sa lipunang Pilipino, sa aspekto ng
kaugalian o atityud, kultura at impormasyon?
2. Paano ipinagbubuntis o sa paanong paraan nakapag-aambag ang telebisyon sa pagbuo ng
wikang Filipino? Paano ito nakaaapekto rito? Talakayin.
3. Tulad ng TV, ang social media ay itinuturing din na instrumento sa paghubog ng kamalayan at
daluyan ng Wikang Filipino. Sa iyong palagay, sa paanong paraan ang mga ito nakatutulong
sa pagpapayaman at pagsira ng ating wika?

GROUP 2
1. Masasabi na bang isang pangangailangan ang TV ng mamamayang Pilipino? Bakit?
Patunayan.
2. Sa tingin mo, paano naman natutulungan ng wikang Filipino ang ganap na pamamayagpag,
paghikayat, paghimok at paghubog sa diwa at kamalayang Pilipino ang telebisyon o TV?
3. Tulad ng TV, ang social media ay itinuturing din na instrumento sa paghubog ng kamalayan at
daluyan ng Wikang Filipino. Sa iyong palagay, sa paanong paraan ang mga ito nakatutulong
sa pagpapayaman at pagsira ng ating wika?

GROUP 3
1. Ano ang naging pananaw ni Fr. Ferriols sa kahalagahan ng pag-aaral ng pilosopiya sa
Filipino?
2. Tama bang ang Unibersidad ng Pilipinas lang ang maging responsible sa pagtataguyod ng
wikang pambansa? Ano naman sa tingin mo ang kayang gawin o iambag ng iyong paaralan
ukol sa isyung ito?
3. Ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin upang mapaunlad ang wikang pambansa at ganap
na itong maging multidisiplinaryo? Sa kabila nito, ano ang dapat isaalang-alang upang ganap
na maging multidisplinaryo ito?

GROUP 4
1. Ano ang kalagayang pangwika at kalagayang panlipunan ang kadalasang dahilan para
magkaroon ng aspirasyon ang mga nagtapos ng medisina rito na pumunta ng ibang bansa?
Masasabi mo ba rito na malaking tipak ng ating lipunan ang usaping pangwika?
Pangatwiranan.
2. Sa paanong paraan nagtutulungan ang midyang pangmasa o mass media (tulad ng
telebisyon, radio, at pahayagan) at wika, tulad ng isinasaad sa teksto? Ipaliwanag.
3. Ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin upang mapaunlad ang wikang pambansa at ganap
na itong maging multidisiplinaryo? Sa kabila nito, ano ang dapat isaalang-alang upang ganap
na maging multidisplinaryo ito?

Gumawa ng sintesis ng inyong napag-usapan sa tulong ng pormang A-OREO:


A- Annotation
O- Opinion
R- Reason
E- Evidence/ Example
O- Opinion (again)

Makalipas ang 20 minuto, pipili ang guro ng pares sa bawat pangkat ng magbabahagi sa klase ng
kanilang napag-usapan.

You might also like