You are on page 1of 1

1.

Paano mo mabisang mahihikayat ang marami na marapat muling balikatin at tanggapin ng


sistema ng edukasyon ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo, alinmang asignatura,
agham o disiplina?
 Bilang isang mag-aaral na patuloy na nag-aaral at nagpapaunlad ng aking kaalaman sa
Filipino, napapanatili kong buhay ang wikang Filipino sa pamamagitan ng patuloy na
paggamit nito.
 Bilang isang mag-aaral, makakasali ako sa maraming aktibidad sa buwan ng wika.
 May mga teksto at talumpati na gumagamit ng wikang Filipino, sa pamamagitan ng
pakikilahok dito naipapakita ko ang aking pagpapahalaga sa wikang Filipino.
 Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino sa social media, hindi lamang natin
maipagmamalaki ang wikang Filipino, ngunit maaari rin nating itaas ang kamalayan
tungkol sa pagseryoso sa ating sariling wika.
 Sa abot ng social media, maaari nating hikayatin ang mas maraming tao na pahalagahan
ang ating sariling wika.

2. Sino ba talaga ang higit na may responsibilidad sa kamalayang ito upang ito’y lumaganap at
makapanghikayat ng marami pa; at bandang huli’y makilos ang sambayanan?
 Ang mag aaral ang higit na may responsibilidad sa kamalayang ito upang upang ito’y
lumaganap at makapanghikayat ng marami pa; at bandang huli’y makilos ang
sambayanan dahil sa ideya na nanggagaling sa mag aaral nahihikayat natin ang ibang tao
sa pamamagitan ng social media at plataporma na naglalayong isulong ang wikang
Filipino na mahalin, pagyabungin at pahalagahan ang ating wika dahil ito ang
nagsisilbing ating pagkakakilanlan bilang isang pilipino.

3. SINO SA TINGIN MO ANG UNANG MAKIKINABANG KUNG ITO AY MAGDUDULOT NG


MALAWAKANG PANGUNAWA AT MAGING SANHI NG PAGBABAGO?
 Ang mag aaral ang unang makikinabang Kung ito ay magdudulot ng malawakang pang
unawa at maging sanhi ng pagbabago tulad ng wika sa teknolohiya Ang pagmulat sa
isipan ng mga mag-aaral at tungkol sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng
makabagong teknolohiya. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan ang mga
mag-aaral kung paano gamitin ng tama ang pambansang wika na Filipino para sa
pagpapalago nito.

You might also like