You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI - Western Visayas
GUIMBAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Guimbal, Iloilo

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA Filipino 8


I. LAYUNIN
A. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon.
B. Napahahalagahan ang mga pagkakatulad at pagkakaiba – iba ng katotohanan, hinuha, opinyon at
personal na interpretasyon.
C. Nakagagawa ng isang skit o halimbawa ng komentaryong panradyo.
II. PAKSA
KONTEMPORARYONG PROGRAMANG PANRADYO – Komentaryong Panradyo
III. KAGAMITAN
Laptop at telebisyon
IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN
i. Panalangin
“Magandang umaga sa lahat.” “Magandang umaga Bb. Gempesao!”

Bago natin simulan ang ating aralin, tumayo ang “PANALANGIN”
lahat para sa isang panalangin.”
ii. Pagtatala ng mga Liban
“Mayroon bang mga liban sa araw na ito?” “Wala po.”
B. TAKDANG GAWAIN
i. Pagganyak
Gawain 1: BALIKAN NATIN!
Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang susunod na
mga pangungusap.
1. Ang mga pahayagan sa internet o “TAMA!”
tinatawag na online news ay isang
popular na babasahin sa kasalukuyan, ito
ang balitang tinatawag na digitalized.
2. Isa sa mga katangian ng balita ay ang “MALI.”
kahabaan nito.
GAWAIN 2:
Panuto: Isaayos ang mga titik upang mabuo ang
tamang salita na tumutukoy sa larawan.
1. OUCERNANN 1. ANNOUNCER

2. AKISMU 2. MUSIKA

3. TALIBA 3. BALITA
4. BANGANLI 4. LIBANGAN

Magaling! Binabati ko kayo! Dahil sa inyong


ipinakitang paunang kaalaman, ibig sabihin
lamang nito ay makakasabay kayo sa ating
talakayan, sapagkat ang ating ginawang Gawain
ay may kaugnayan sa ating tatalakayin.

Ang ating aralin sa umagang ito ay tungkol sa Ang halimbawa ng iba’t – ibang mga programang
Kontemporaryong Programang Panradyo. Sino sa panradyo ay
inyo ang may alam at makapagbibigay ng  Dulang panradyo
halimbawa ng mga programang panradyo?  Serye ng kwento
 Komentaryong Panradyo

Tama ‘yan!
Nagugustuhan pa rin ng marami ang making sa
radyo lalo na ang mga abala at walang oras upang
magbasa ng dyaryo o di kaya’y manood ng
telebisyon. Isinasabay na lamang ng iba ang ang
pakikinig habang naglilinis o naglalaba sa bahay.
Mahalagang malaman lamang ng tagapakinig ang
wastong pag-unawa sa napakinggan gaya ng
pagkakaiba ng katotohanan, hinuha, opinyon at
personal na interpretasyon mula sa napakinggan.

ii. Pag – alis ng mga Sagabal


Upang kayo ay magkaroon ng ideya kung paano
nagaganap ang ang isang kontemporaryong
programang panradyo ay pakinggang maigi ang
audio clip. Unawaing mabuti ang diskusyon sa
komentaryo.
SUBUKAN NATIN
1. Tungkol saan ang napakinggang Mag-aaral 1: Ang komentaryong panradyo na
komentaryong panradyo? aming napakinggan ay tungkol sa mainit na
usapin sa pagpapabakuna ng mga sundalo at
pulis laban sa COVID – 19.
2. Sino-sino ang mga mamamahayag sa Mag-aaral 2: Ang mga mamamahayag sa
nasabing programa? programa ay sina Erick at Anna.
3. Sang – ayon ka ba na mga sundalo at Mag-aaral 3: Ayon sa ating napakinggang
kapulisan ang unang mababakunahan komentaryo, ang mga sundalo at kapulisan ang
kontra COVID – 19? Bakit? laging nakasuong sa laban kontra COVID – 19. Sila
ang nagsisilbing tagaprotekta ng bawat lugar
upang maging ligtas tayong mamamayan sa
COVID – 19.

C. TALAKAYAN
Matapos mapakinggan ang halimbawa ng
komentaryong panradyo, ating alamin ang
kahulugan nito at ang kanyang kaugnayan sa
kontemporaryong programang panradyo.

KONTEMPORARYONG PROGRAMANG
PANRADYO

You might also like